Semikonduktor

(Idinirekta mula sa Semiconductor)

Ang semikonduktor ay isang buo o solidong bagay o kaya elementong malakristal, na naging malakas at mabilis na daluyan ng kuryente kapag inihambing sa insulador. Pero mas mababa ang kaantasan ng konduktibidad nito kaysa kuryente, partikular na kapag inihambing kaysa mahuhusay na mga konduktor.[1]

Ang isang materyal na tinatawag na semiconductor ay may konduksiyong elektrikal na nasa may bandang gitna ng talaytayan, gaya ng tanso, at ng insulator, gaya ng salamin. Ang mga semiconductor ang pundasyong ng modernong elektroniks. Ang materyales na semiconductor ay mayroong dalawang uri – elemental na materyales at compound na materyales. Ang modernong pag-unawa sa mga katangian ng isang semiconductor ay nakabase sa pisikang kuwantum physics para ipaliwanag ang galaw ng mga elektron at butas sa loob ng crystal lattice. Ang bukod tanging ayos ng crystal lattice ay ang siyang nagdulot kaya silicon at germanium ang napiling gamiting mga elemento sa paghahanda ng mga materyales na semiconductor. Ang pag-unlad ng kaalaman sa mga materyales na semiconductor at proseso ng pabrikasyon ang nagbunga ng tuloy-tuloy na pagtataas ng kompleksidad at bilis ng mga microprocessor at memory device. May ilang mga impormasyon sa pahinang ito ang maaring ay maluluma na sa loob ng isang taon, ito ay sa kadahilanang ang mga bagong diskubre sa larangan ay nakikita nang madalas.[2]

Ang konduksyong elektrikal ng isang materyales na semiconductor ay tumataas proporsyonal sa pagtaas ng temperatura na kasalungat ng katangian ng isang metal. Ang mga aparatong semiconductor ay nagpapakita ng malawak na kapaki-pakinabang ng mga katangian kagaya ng pagdaan ng kuryente ng mas mabilis sa isang direksyon kumpara sa iba, nagpapakita ng paiba-ibang elektrikal na pagpigil, sensitibidad sa liwanag o init. Dahil ang mga elektrikal na katangian ng isang materyal na semiconductor ay kayang mabago ng kontroladong pagdagdag ng labo, o ng aplikasyon ng elecrtric field o liwanag, mga aparatong gawa mula sa semiconductor ay puwedeng gamitin sa amplipikasyon, paspasan, at pagsasalin ng enerhiya.

Ang konduksyon ng kuryente sa isang semiconductor ay nagaganap sa pamamagitan ng paggalaw ng mga malalayang elektron at mga butas, na tinatawag sa kabuuang charge carriers sa loob nito. Kapag ang dopanteng semiconductor ay naglalaman ng mga malalayang butas , ito'y tinatawag na p-type, kapag ito'y naglalaman ng maraming malayang elektron , ito ay tinatawag na n-type. Ang mga semiconductor na ginagamit sa mga aparatong elektrikal ay ginagawang dopante sa ilalim ng mga eksaktong kondisyon para makontrol ang konsentrasyon at rehiyon ng p- and n-type na mga dopante. Ang iisang semiconductor na kristal ay maaaring magkaroon ng maraming p-n junction na nasa loob ng mga rehiyong ito ay responsable sa katangiang elektronik.

Inhinyeriyang pangsemikonduktor

baguhin

Ang inhinyeriyang pangsemikonduktor (Ingles: semiconductor engineering) ay isang larangan ng inhinyerong pangsemikonduktor (Ingles: semiconductor engineer). Ang inhinyerong ito ay isang uri ng inhinyerong pangmateryal na nagdidisenyo at bumubuo ng napakaliliit na mga sirkitong elektroniko para sa mga kompyuter at iba pang mga uri ng teknolohiya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Semiconductor - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Neamen, Donald. "Semiconductor Physics and Devices" (PDF). Elizabeth A. Jones.