Siva
- Para sa monotipikong sari na "Siva", silipin ang Siva cyanouroptera.
Si Shiva o Siva: (pagbaybay sa Ingles: [ʃɪ.ʋə]; Sanskrit: शिव, Śiva, litireal na "ang mapalad" o "ang ospisyoso") ay isang mahalagang diyos ng Hindu at isang aspeto ng Trimurti, o Trinidád (magkaiba sa konsepto ng Santatlo ng Kristiyanismo). Sa tradisyong Shaiva ng Hinduismo, si Siva ang kinikilalang kataas-taasang diyos. Sa tradisyong Smarta, isa siya sa limang Pangunahing Anyo ng Diyos.[1][2]
Ang mga tagasunód ng Hinduismo na sumasamba kay Siva ay tinatawag na mga Shaivite o Shaiva (Sanskrit Śaiva).[3] Ang Shaivismo, kasama ng tradisyong Vaiṣṇava na nakatutok kay Vishnu, at tradisyong Śākta na nakapokus sa diyosang si Devī, ay ang tatlo sa pinakamaimpluwensiyang na denominasyon ng Hinduismo.[2]
Sinasamba rin si Siva sa anyo ng Siva linga. Sa mga larawan, siya ay pinapakitang nagninilay-nilay o sa kaniyang kaanyuan bilang Nataraja, ang "Panginoon ng Sayáw" na iniindák ang Tandava sa ibabaw ni Maya, ang demonyo ng kamangmangan.
Sa ibang denominasyon ng Hinduismo, si Brahma, Vishnu, at Siva ang kumakatawan sa tatlong pangunahing aspeto ng kabanalan sa Hinduismo at magkakasamang tinatawag na Trimurti. Sa paniniwalang ito si Brahma ang Tagapagkliha, si Vishnu ang Tagapangalaga at si Siva ang Tagapagwasak o kaya'y Tagabago.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Hindu Dharma". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-03-13. Nakuha noong 2009-03-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Flood (1996), p. 17.
- ↑ Tattwananda, p. 45.
- ↑ Zimmer (1972) p. 124.