Wikang Sinaunang Griyego

(Idinirekta mula sa Sinaunang wikang Griyego)

Ang Sinaunang Griyego (Griyego: Αρχαία ελληνική γλώσσα) ay nagbubuo ng mga anyo ng wikang Griyego na ginamit sa Sinaunang Gresya at sa sinaunang mundo mula sa ika-9 na siglo BK hanggang sa ika-6 na siglo CE. Ito ay madalas na nahahati sa Arkaikong panahon (ika-9 hanggang ika-6 na mga siglo BK), Klasikong panahon (ika-5 hanggang ika-4 mga siglo BK) at Helenistikong panahon (ika-3 BK hanggang ika-6 siglo CE. Ito ay naunahan noong ika-2 milenyo BK ng wikang Griyegong Micenico.[a]

Sinaunang Griyego
Ἑλληνική
Hellēnikḗ
Rehiyonsilanganing Mediteraneo
Panahonnaging Griyegong Koine ng ika-4 na siglo BK
Indo-Europeo
alpabetong Griyego
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2grc
ISO 639-3grc
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.
Simula ng Odisea ni Homer

Ang wika ng yugtong Helenistiko ay tinatawag na Koine (karaniwan) o Griyego ng Bibliya; gayunman, ang wika mula sa huling panahon at pasulong nito ay hindi nagpapakita ng malalaking mga pagkakaiba mula sa Griyegong Mediebal. Ang Griyegong Koine ay itinuturing na isang hiwalay na yugtong historikal bagaman sa mas maagang anyo nito, ito ay malapit na katulad ng Klasikong Griyego. Bago ang panahong Koine, ang Griyego ng klasiko at mga mas maagang panahon ay kinabibilangan ng ilang mga pang-rehiyong diyalektong Sinaunang Griyego.

Ang Sinaunang Griyego ay wika ni Homer at ng mga klasikong Atenianong historyador, mandudula, at mga pilosopo. Ito ay nag-ambag ng maraming mga salita sa bokabularyo ng wikang Ingles at naging isang pamantayang paksa ng pag-aaral sa mga institusyong pang-edukasyon sa Kanluraning Daigdig simula noong Renasimiyento.

Sistema ng pagsulat

baguhin
 
Alpabetong Griyego
Αα Alpha Νν Nu
Ββ Beta Ξξ Xi
Γγ Gamma Οο Omicron
Δδ Delta Ππ Pi
Εε Epsilon Ρρ Rho
Ζζ Zeta Σσς Sigma
Ηη Eta Ττ Tau
Θθ Theta Υυ Upsilon
Ιι Iota Φφ Phi
Κκ Kappa Χχ Chi
Λλ Lamda Ψψ Psi
Μμ Mu Ωω Omega
Bilang titik
  Stigma   Sampi
  Koppa
Hindi na ginagamit na mga titik
  Digamma   San
  Heta   Sho

Diyakritiko sa Griyego

Ang unang mga halimbawa na natitira ng sulat ng Sinaunang Griyego (c. 1450 BK) ay nasa silabikong iskrip Linyar B. Noong ika-8 na siglo BK, gayunman, naging uliran ang alpabetong Griyego, ngunit may kaunting baryasyon sa mga diyalekto. Sinulat ang maaagang teksto sa estilong boustrophedon (Griyego: βουστροφηδόν, romanisado: boustrophēdón, lit. 'bilang lumiliko ang baka [habang pag-araro]'), pero naging uliran ang estilong kaliwa-sa-kanan. Madalas na sinusulat ang mga modernong edisyon ng mga sinaunang Griyegong teksto sa pamamagitan ng mga asento at senyas pampaghinga, mga espasyo sa pagitan ng mga salita, at minsan maliliit na titik, pero ang lahat ng mga ito ay mamaya na inumpisahan.

Mga tekstong halimbawa

baguhin

Panulaan (Homer)

baguhin

Ang umpisa ng Iliada ni Homer ay halimbawa ng panahong Arkaiko ng Sinaunang Griyego (para sa karagdagang detalye, tingnan ang Griyegong Homeriko):

Griyego Tagalog

Μῆνιν ἄειδε, θεά, Πηληϊάδεω Ἀχιλῆος
οὐλομένην, ἣ μυρί' Ἀχαιοῖς ἄλγε' ἔθηκε,
πολλὰς δ' ἰφθίμους ψυχὰς Ἄϊδι προΐαψεν
ἡρώων, αὐτοὺς δὲ ἑλώρια τεῦχε κύνεσσιν
οἰωνοῖσί τε πᾶσι· Διὸς δ' ἐτελείετο βουλή·
ἐξ οὗ δὴ τὰ πρῶτα διαστήτην ἐρίσαντε
Ἀτρεΐδης τε ἄναξ ἀνδρῶν καὶ δῖος Ἀχιλλεύς.

Kumanta, diyosa, ng ngitngit ni Achilles,
anak ng Peleus, na nagdala ng yuta-yutang hinagpis sa mga Akayano,
at na ipinadala sa Hades ang mga kaluluwa ng mararaming
bayani: kaya ginanap ang balak ni Zeus,
mula sa oras kung kailan muna umalis
sa hidwaan ang anak ng Atreus, hari ng mga lalaki,
at ang marangal na Achilles.

Tuluyan (Platon)

baguhin

Ang simula ng Apologia ni Platon ay halimbawa ng Griyegong Atiko mula sa panahong Klasiko ng sinaunang Griyego:

Ὅτι μὲν ὑμεῖς, ὦ ἄνδρες Ἀθηναῖοι, πεπόνθατε ὑπὸ τῶν ἐμῶν κατηγόρων, οὐκ οἶδα· ἐγὼ δ' οὖν καὶ αὐτὸς ὑπ' αὐτῶν ὀλίγου ἐμαυτοῦ ἐπελαθόμην, οὕτω πιθανῶς ἔλεγον. Καίτοι ἀληθές γε ὡς ἔπος εἰπεῖν οὐδὲν εἰρήκασιν.

Sa PPA:

[hóti men hyːmêːs | ɔ̂ː ándres atʰɛːnaî̯i̯oi | pepóntʰate | hypo tɔ̂ːn emɔ̂ːŋ katɛːɡórɔːn | oːk oî̯da ‖ éɡɔː dûːŋ kai̯ au̯tos | hyp au̯tɔ̂ːn olíɡoː emau̯tûː | epelatʰómɛːn | hǔːtɔː pitʰanɔ̂ːs éleɡon ‖ kaí̯toi̯ alɛːtʰéz ɡe | hɔːs épos eːpêːn | oːden eːrɛ̌ːkaːsin ‖]

Isang transliterasyon:

Hóti mèn hūmeîs, ô ándres Athēnaîoi, pepónthate hupò tôn emôn katēgórōn, ouk oîda: egṑ d' oûn kaì autòs hup' autōn olígou emautoû epelathómēn, hoútō pithanôs élegon. Kaítoi alēthés ge hōs épos eipeîn oudèn eirḗkāsin.

At, sa wakas, sa Tagalog:

Kung paano kayong mga lalaki ng Atenas ay nakakaramdan, sa ilalim ng puwersa ng aking mga akusador, hindi alam ko: sa katunayan kahit ako mismo ay halos nakalimutan kung sino ako dahil sa nila, kasi nagsalita sila nang napakahikayat. At gayon pa man, sa ilang salita, walang nagsalita sila ay totoo.

Modernong gamit

baguhin

Sa edukasyon

baguhin

Umokupa ang pag-aaral ng Sinaunang Griyego sa mga bansang Europeo, bukod pa sa Latin, ng isang mahabang lugar sa silabo mula sa Renasimiyento hanggang sa simula ng ika-20 na siglo. Totoo rin sa mga Estados Unidos, kung saan ang mararaming Tagapagtatag ng bansa ay kumuha ng isang edukasyong batay sa mga klasiko ng Europa. Binigyang-diin ang Latin sa mga kolehiyong Amerikano, pero kinailangan din ang Griyego sa mga panahong Kolonial at Maagang Nasyonal, at parami nang parami ang pag-aaral ng sinaunang Gresya ay naging bantog noong ikalawang kalahati ng ika-19 na siglo, ang panahon ng Amerikanong pilhelenismo (Ingles: philhellenism).

Ang sinaunang Griyego ay itinuturo pa bilang sapilitan o opsyonal na paksa, lalo na sa tradisyonal o piling mga paaralan sa buong Europa, tulad ng mga paaralan sa Reyno Unido. Sapilitan sa liceo classico sa Italya, sa gymnasium sa Olanda, sa ilang mga klase sa Austria, sa klasična gimnazija (mababang paaralan — oryentasyon, mga wikang klasikal) sa Kroasya, sa mga klasikal na pag-aaral sa Belhika, at opsyonal na sa Gymnasium sa Alemanya, madalas na bilang pangatlong wika pagkatapos na Latin at Ingles, edad 14–18.

Sapilitan din, sa tabi ng Latin, sa sangay ng araling pantao ng Kastilang bachillerato. Tinituro ang Sinaunang Griyego sa karamihan ng mga pangunahing unibersidad sa buong mundo, madalas na pinagsasama sa Latin bilang isang bahagi ng pag-aaral ng klasikos. Noong 2010 inialay sa tatlong mabababang paaralan sa Reyno Unido para magpabuti ng mga kasanayang lingguwistiko ng mga bata, at ay isa sa pitong wikang banyaga na mga mabababang paaralan ay nakapagturo noong 2014 bilang bahagi ng malaking pagsisikap para magpabuti ng mga ulirang edukasyonal.

Ang sinaunang Griyego ay itinuturo bilang sapilitang paksa sa lahat ng mga gymnasium at lyceum sa Gresya. (Talaga, ang mga mismong salitang gymnasium at lyceum ay taga-Griyego.) Noong 2001 nagsimula ang isang taunang paligsahang pandaigdig "Paligsahan para sa Sinaunang Griyegong Wika at Kultura" (Griyego: Διαγωνισμός στην Αρχαία Ελληνική Γλώσσα και Γραμματεία) para sa mga mag-aaral sa mga mataas na paaralan, sa pamamagitan ng Griyegong Ministeryo ng Pambansang Edukasyon at Relihiyon, at saka mga organisasyon para sa Griyegong wika at kultura. Mukhang tumigil noong 2010, dahil hindi kumuha ng kamalayan at pagtanggap mula sa mga guro.

Modernong gamit sa tunay na mundo

baguhin

Ang mga modernong awtor ay bihirang sumulat sa sinaunang Griyego, ngunit sumulat si Jan Křesadlo ng kaunting panulaan at tuluyan sa wika, at ang Si Harry Potter at ang Bato ng Pilosopo[1], ilang mga tomo ng Asterix, at Ang mga Abentura ni Alix (Ingles: The Adventures of Alix) ay isinalin sa sinaunang Griyego. Ang Onomata Kechiasmena (Griyego: Ὀνόματα Kεχιασμένα) ay unang magasin ng mga krosword at palaisipan sa sinaunang Griyego. Lumitaw ang unang isyu noong Abril 2015 bilang dagdag sa Hebdomada Aenigmatum (isang magasin ng mga krosword sa Latin). Sumaklaw si Alfred Rahlfs ng isang pambungad, isang maiksing kasaysayan ng mga tekstong Septuagint, at ibang materyang pangharap, na isinalin sa sinaunang Griyego, sa kaniyang edisyong 1935 ng Septuagint. At saka, noong 2006 para sa edisyon na binago nina Rahlfs–Hanhart, sumaklaw din si Robert Hanhart ng itong sulat. Lingguhang iniuulat ng Akropolis World News[2] ang buod ng pinakamahalagang balita sa sinaunang Griyego.

Ang sinaunang Griyego ay ginagamit din ng mga organisasyon at indibiduwal, madalas na Griyego, na isip ipakita ang nilang paggalang, paghanga, o gusto para sa gamit ng itong wika. Ang itong gamit ay minsan na ipinalalagay makabayan o mabiro. Sa anumang kaso, ang katunayan, na mga modernong Griyego ay (ganap na o bahagyang) maaari maintindihan ang mga teksto na sinusulat sa mga pormang di-arkaiko ng sinaunang Griyego, ay ipinapakita ang kaugnayan ng modernong wikang Griyego sa kaniyang ninuno.

Madalas na ginagamit ang sinaunang Griyego sa lalang ng mga modernong terminong teknikal sa mga wikang Europeo. Ang marami sa mga salitang ito ay saka na pumasok sa wikang Tagalog via Kastila (tingnan din: Talaan ng mga salitang hiniram ng Tagalog). Ang mga pormang Latinisado ng mga sinaunang Griyegong ulat ay ginagamit para sa marami sa mga pangalan ng pangalang pang-agham ng mga espesye at para sa terminolohiya pang-agham.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "ΑΡΕΙΟΣ ΠΟΤΗΡ ΚΑΙ Η ΤΟΥ ΦΙΛΟΣΟΦΟΥ ΛΙΘΟΣ / ROWLING K. JOANNE" (sa wikang Griyego).
  2. "Akropolis World News" (sa wikang Ancient Greek).

Mga tala

baguhin
  1. Ineksakto na alam, at medyo muling itayo, ang wikang Micenico, dahil sa sinulat sa isang silabaryo (Linyar B) na hindi maigi na bumagay.

Mga kawing panlabas

baguhin
 
Wikisource
Ang Greek Wikisource ay may orihinal na teksto na may kaugnayan sa artikulong ito: