Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila
Ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila (MRTS) (Ingles: Manila Metro Rail Transit System), na mas kilala bilang MRT, ay isang sistema ng mabilisang tren na pangunahing nagseserbisyo sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Kasama ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila at ng Linyang Metro Commuter ng Pambansang Daang-bakal ng Pilipinas, bumubuo ito ng kabuuang imprastraktura ng riles sa rehiyon.
![]() Linya 3 noong 2024. Ito ang natitirang tumatakbong linya sa sistema pagsapit ng 2025. | |
Buod | |
---|---|
Katutubong pangalan | Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila |
May-ari | Pamahalaan ng Pilipinas |
Pinaglilingkurang lugar | Kalakhang Maynila Gitnang Luzon |
Uri ng sasakyan | Mabilisang tren |
Dami ng linya | 1 (tumatakbo) 2 (itinatayo) 8 (binabalak) |
Dami ng estasyon | 13 (kasalukuyan) 145 (binabalak) |
Arawang mananakay | 375,474 (2024)[a][1] |
Taunang mananakay | 135,885,336 (2024)[a][1] |
Pagpapatakbo | |
Binuksan noong | 15 Disyembre 1999 |
(Mga) Nagpapatakbo | Kagarawan ng Transportasyon[b] San Miguel Corporation[c] |
Bilang ng mga sasakyan | 120 sasakyan (umaandar) |
Haba ng tren | 3–8 kotse[d] |
Agwat-oras | 3.5–4 minuto[a] |
Teknikal | |
Haba ng sistema | 16.9 km (10.5 mi) (gumagana) 373 km (232 mi) (ipinlano) |
Bilang ng riles | Doble-riles |
Pinakamaliit na kurbadang radyus | Pangunahing linya: 160–370 m (520–1,210 tal) Silungan: 28–100 m (92–328 tal) |
Pagpapakuryente | Mga linya sa itaas[a][e] Ikatlong riles[c] |
Karaniwang bilis | 45 km/h (28 mph)[a] |
Pinakamataas na bilis | 60 km/h (37 mph)[a] |
Binubuo ang rutang 16.9 kilometro ng MRT ng 1 linya at 13 estasyong kasalukuyang gumagana. Ang una at kaisa-isang linya na nasa operasyon sa ngayon, ang Ikatlong Linya ng MRT ay pinapatakbo nang magkatuwang ng Metro Rail Transit Corporation, isang pribadong kompanya, at ng Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) sa pamamagitan ng isang kasunduang Itayo-Upahan-Ilipat. Binuksan ang Linya 3 noong Disyembre 1999 at ganap na natapos noong Hulyo 2000.
Mula noon, karamihan sa mga bagong mungkahing linya ng mabilisang tren sa loob ng Kalakhang Maynila na hindi nasasakupan ng Pangasiwaan ng Light Rail Transit ay nauugnay sa tatak na "MRT". Kabilang dito ang Subway ng Kalakhang Maynila (Linya 9) at ang nakataas na Linya 7, na kasalukuyang itinatayo noong Enero 2023.
Kabalagan
baguhinSa kasalukuyan, iisa lamang ang gumaganang linya ng light metro o light rail, ngunit may tatlong linyang heavy rail na kasalukuyang itinatayo. Sa mga nagdaang taon, may mga mungkahing palawigin ang sistema. Noong 2019, nilalayon itong magkaroon ng pitong linya, na may hindi bababa sa 49 na estasyon sa kabuuang 124.4 kilometro (77.3 mi) ng riles. Hanggang 2019, halos lahat ng iminungkahing linya ay binigyan ng mga gansal na numero.
Hindi kabilang dito ang mungkahing paikot at palabas na ugnayang-riles ng Linya 7 ng MRT, gayundin ang mga Linya 8, 10,[2][3][4] at 11.[5] Hinihintay pa rin ang pag-apruba sa mga ito hanggang 2025.
Bukas ang sistema mula 4:40 n.u. PHT (UTC+8) hanggang 10:10 n.g. araw-araw.[6] Tuwing Semana Santa, isang pista opisyal sa Pilipinas, isinasara ang sistema ng riles para sa taunang mantinimyento, dahil sa mas kaunting mananakay at trapiko sa buong Kalakhang Maynila. Nagpapatuloy ang normal na operasyon pagkatapos ng Linggo ng Pagkabuhay.[7] Tuwing Pasko at mga pista sa pagtatapos ng taon, pinapaikli ang oras ng operasyon ng linya dahil sa mas mababang bilang ng mga mananakay sa panahong iyon.[8]
Talababa
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "MRT-3 logs 135 million riders in 2024 — DOTr-MRT3" [MRT-3, nagtala ng 135 milyong pasahero noong 2024 — DOTr-MRT3]. www.dotrmrt3.gov.ph (sa wikang Ingles). Enero 9, 2025. Nakuha noong Pebrero 20, 2025.
- ↑ de Vera, Ben O. (Nobyembre 18, 2019). "Tycoons' unsolicited PPP projects bolster "Build, Build, Build"" [Mga di-hiniling na proyektong PPP ng mga magnate, nagsusuporta sa "Build, Build, Build"]. Inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2019.
- ↑ "C5 MRT 10 Project" [Proyekto ng C5 MRT 10]. Public-Private Partnership Center (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2019.
- ↑ Ordinario, Cai (Oktubre 1, 2018). "NEDA reviews proposal for MRT 10, 2 other infrastructure projects" [NEDA, sinusuri ang panukala para sa MRT 10, 2 iba pang proyektong pang-imprastraktura.]. BusinessMirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2019.
- ↑ "MRT-11 project" [Proyekto ng MRT-11]. www.ppp.gov.ph (sa wikang Ingles). Public-Private Partnership Center. Nakuha noong Oktubre 31, 2020.
- ↑ Luna, Franco (Marso 29, 2022). "MRT-3 deploys 4-car, 3-car train sets simultaneously" [MRT-3, nag-deploy ng 4-kotse, 3-kotse na set ng tren nang sabay-sabay]. The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 13, 2022.
- ↑ Mendoza, John Eric (Marso 16, 2022). "MRT-3 operations suspended from April 13 to 17" [Operasyon ng MRT-3, sinuspinde mula Abril 13 hanggang 17]. Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 13, 2022.
- ↑ Grecia, Leandre (21 Dis 2021). "Here are the LRT-1, LRT-2, MRT-3 schedules for Christmas 2021" [Heto ang mga iskedyul ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 para sa Pasko 2021]. Top Gear Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 13, 2022.