Sulat Monggol

sistema ng pagsulat na ginagamit para sa wikang Monggol

Ang tradisyonal na sulat Monggol na kilala rin bilang Hudum Mongol bichig, ay ang unang sistema ng pagsulat na nilikha mismo para sa wikang Monggol, at ito ang pinakalaganap dati hanggang sa pagpapakilala ng Siriliko noong 1946. Kinaugaliang isinusulat ito nang patayo mula itaas pababa, pakanan sa pahina. Hinango mula sa alpabeto ng Lumang Uyghur, isa itong tunay na alpabeto, na may magkakahiwalay na titik para sa mga katinig at patinig. Inangkop ito para sa mga ibang wika gaya ng Oirat at Manchu. Patuloy na ginagamit ang mga alpabetong nakabatay sa klasikal na patayong script na ito sa Monggolya at Monggolyang Interyor upang isulat ang wikang Monggol, wikang Sibe at, sa eksperimentong paraan, wikang Ebenki.

Sulat Monggol
ᠮᠣᠩᠭᠣᠯ ᠪᠢᠴᠢᠭ
Tulang kinatha at isinulat ni Injinash, ika-19 na siglo
UriAlpabeto
Mga wikaWikang Monggol
LumikhaTata-tonga
Panahonc. 1204 – 1941 (karaniwang paggamit)
1941 – kasalukuyan (karaniwang paggamit sa Monggolyang Interyor; seremonyal na paggamit lamang sa Monggolya)
Mga magulang na sistema
Heroglipikong Ehipsiyo
  • Alpabetong Proto-Sinaitiko
    • Alpabetong Penisyo
      • Alpabetong Arameo
        • Alpabetong Siriako
          • Alpabetong Sogdiyano
            • Alpabetong Lumang Uyghur
              • Sulat Monggol
Mga anak na sistemaAlpabetong Manchu
  • Alpabetong Dagur
  • Alpabetong Sibe
Alpabetong Oirat (Sulat malinaw)
Alpabetong Buryat
Alpabetong Galik
Alpabetong Ebenki
ISO 15924Mong, 145
DireksyonItaas pababa
Alyas-UnicodeMongolian
Lawak ng Unicode
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA.

Naging mabagal ang mga computer operating system sa pagpapatibay ng suporta para sa sulat Monggol; halos lahat ay nagkukulang sa suporta o nagkakaproblema sa pagpapakita ng teksto.

Kasaysayan

baguhin
 
Ang tinatawag na Bato ni Genghis Khan o Estela ng Yisüngge, na may kinikilalang pinakamatandang inskripsiyon sa sulat Monggol.[1]:33

Binuo ang patayong sulat Monggol bilang pag-aangkop ng alpabeto ng Lumang Uyghur para sa wikang Monggol.[2]:545 Si Tata-tonga, isang eskribang Uyghur noong ika-13 siglo na nahuli ni Genghis Khan, ang naging responsable sa pagdala ng alpabetong Lumang Uyghur sa Talampas Monggol at sa pag-aangkop nito patungo sa anyo ng sulat Monggol.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Janhunen, Juha (2006-01-27). The Mongolic Languages [Ang Mga Wikang Monggol] (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-1-135-79690-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Daniels, Peter T.; Bright, William (1996). The World's Writing Systems (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-507993-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Christian, David (1998). A History of Russia, Central Asia and Mongolia: Inner Eurasia from Prehistory to the Mongol Empire [Isang Kasaysayan ng Rusya, Gitnang Asya at Monggolya: Eurasyang Interyor mula Prehistorya hanggang Imperyong Monggol] (sa wikang Ingles). Wiley. p. 398. ISBN 978-0-631-20814-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)