Anggulo

(Idinirekta mula sa Sulok)

Sa heometriya, ang isang anggulo ay nabubuo sa pamamagitan ng dalawang ray o piraso ng linya, tinatawag na mga gilid ng anggulo, na may kaparehong dulo, tinatawag na vertex o taluktok ng anggulo.[1][2] Kung gaano kalaki ang sulok ng pinagsalubungan ng mga linya, ganoon na rin ang sukat ng anggulo. Ang salitang "anggulo" ay hango sa Latin na angulus o "sulok".

Pagsukat ng anggulo

Sukat ng anggulo

baguhin

Ang dalawang karaniwang sukat o unidad ng anggulo ay grado (deg) at radyan (rad).[3]

  • Ang isang grado o grado seksadyesimal ay katumbas ng 1/360° ng isang rotasyon. Ang isang buong rotasyon o bilog ay may sukat na 360°. Karagdagan, ang iba pang sukat sa sistema na seksadyesimal ay ang arkominuto at arkosegundo, na makikita rin sa pagbasa ng oras.
Ang sistemang seksadyesimal
unidad halaga simbolo radyan
grado 1/360 ikot ° 17.4532925 mrad
arkominuto 1/60 grado 290.8882087 µrad
arkosegundo 1/60 arkominuto 4.8481368 µrad
miliarkosegundo 1/1000 arkosegundo 4.8481368 nrad
mikroarkosegundo 1 × 10−6 miliarkosegundo 4.8481368 prad
  • Ang radyan ay ang anggulo na maisasalarawang bilang parte ng kabuuan ng isang bilog. Para masukat ang isang anggulo, θ, maaring gumuhit ng isang arko na sentro ang sulok. Ang haba nitong arko, s, ay inihahayag bilang proporsyon ng radio.
 

Ang isang buong ikot ay may radyan na sukat na 2Π.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sidorov, L.A. (2001), "Angle", sa Hazewinkel, Michiel (pat.), Encyclopedia of Mathematics, Springer, ISBN 978-1-55608-010-4{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Anggulo mula sa Wolfram MathWorld
  3. "Talaan ng mga sukat". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-01. Nakuha noong 2010-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Heometriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.