Sunog sa Notre-Dame ng Paris
Noong 15 Abril 2019, bago ang 18:50 CEST, sumiklab ang sunog sa ilalim ng bubong ng Katedral ng Notre-Dame sa Paris. Nang matapos nang mapuksa ang sunog makalipas ng labinglimang oras, matagal nang gumuho ang bubong at ang toreng patulis at ang looban ng katedral, pang-itaas na dingding, at mga bintana ay napinsala nang matindi. Napigilan ang mas malawak pang pinsala sa loob dahil sa bato nitong kisame na humarang sa pagbagsak ng nasusunog na bubong. Maraming mga gawang sining at iba pang mga kayamanan ang naisalba palabas noong unang bahagi ng sunog, ngunit marami pang ibang nasira o nawasak. Kaunti o walang pinsala ang natamo ng dalawang organong tubo ng katedral, at ng tatlong mga bintanang rosas na ginawa noong ika-13 siglo.
Oras | 18:50 CEST (16:50 UTC) |
---|---|
Haba | 15 hours[1] |
Petsa | 15 Abril 2019 |
Pook ng pangyayari | Katedral ng Notre-Dame |
Lugar | Paris, Pransiya |
Mga koordinado | 48°51′11″N 2°20′59″E / 48.8530°N 2.3498°E |
Mga namatay | 0[2] |
Mga nasugatan | 3; isang bumbero at dalawang pulis[3][4] |
Danyos sa ari-arian | Sirang bubong at bagsak na toreng patulis; pinsala sa mga bintana at batong kisame |
Ipinangako ni Pangulong Emmanuel Macron na aayusing muli ng Pransiya ang katedral at inilunsad niya ang isang kampanyang mangangalap ng pondo na nagdala ng mga pangako ng €800 milyon sa loob ng 24 na oras. Tinataya na ang pagsasaayos ng katedral ay maaaring tumagal ng dalawampu o higit pang mga taon.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Notre-Dame fire: Millions pledged to rebuild cathedral". BBC News. 16 Abril 2019. Nakuha noong 17 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "France vows to rebuild Notre Dame Cathedral after devastating fire — live updates". CBS News. Nakuha noong 16 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What We Know and Don't Know About the Notre-Dame Fire". The New York Times. 15 Abril 2019. Nakuha noong 15 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Paris' Notre Dame 'saved from total destruction,' French fire official says, after blaze ravages cathedral". CNBC. 15 Abril 2019. Nakuha noong 15 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)