GinawaSaHapon
|
Maligayang pagdating po sa aking pahina!
Nag-eedit po ako dito ng mga pahinang interesado po ako. Lalo na po sa anime, manga, light novel, at kaugnay na mga paksa, gayundin po sa larangan ng pagpoprograma (ang field ko mismo). Hindi lang po ito ang ine-edit ko po rito, para malinaw.
Nag-aayos at nagsasalin rin po ako ng mga pahina sa Ingles at dito rin sa Tagalog na Wikipedia. Meron po akong isang buong listahan ng mga balak ko pong gawin o ayusin na pahina dito. Nagsasaliksik rin po ako habang ginagawa itong mga pahina, lalo na po kung (objectively) panget yung nasa enwiki. Makikita niyo po ang listahang ito sa baba.
Yun lang po sa ngayon!
—GinawaSaHapon, 18 Hulyo 2022.
Listahan ng balak
Isang tentatibong listahan ng mga balak kong isalin, gawin, o ayusing mga pahina dito sa wiki. Wala po itong partikular na sinusundang paksa; base lang po ito sa isang partikular na sistema na ginawa ko para gawin ang listahang ito nang walang pagkiling sa isang partikular na paksa.
# | Tagalog | Ingles | Paglalarawan |
---|---|---|---|
1 | Aklat | en:Book | anumang nilimbag sa papel o kaparehong midyum na may pabalat at naglalaman ng impormasyon o kuwento. |
2 | Ebook | en:Ebook | elektronikal na bersyon ng isang pisikal na aklat, o aklat na mababasa nang digital. |
3 | Paglalathala | en: Publication | pagsasapubliko sa nilalaman ng isang gawa. |
4 | Panitikan | en: Literature | anumang pasulat o nakasulat na sining. |
5 | Tuluyan | en:Prose | anumang pasulat o pasalitang wikang natural. |
6 | Panitikang pasalita | en:Oral literature | panitikan na pinagpapasahan at kinukuwento nang pasalita. |
7 | Piksyon | en:Fiction | panitikan na kathang-isip lang. |
8 | Naratibo | en:Narrative | serye ng mga karanasan o pangyayari na may daloy ng kwento. |
9 | Teatro | en:Theatre | sining pangtanghal na ginagamitan ng mga aktor at entablado para maikwento ang isang kwento. |
10 | Sining pangtanghal | en:Performing arts | mga sining na ginagamitan ng katawan at galaw para maipahayag ang saloobin. |