Talaan ng mga kalakhang pook sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay mayroong tatlong mga kalakhang pook na tinukoy ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad o (NEDA).[1]
Pinakamalaking conurbation o aglomerasyong urbano ang Kalakhang Maynila sa bansa, at ang kinikilalang kalakhang pook nito ay binubuo ng lungsod ng Maynila at 15 mga karatig-lungsod at bayan ng Pateros. Pangalawang pinakamalaking pook urbano ang Kalakhang Cebu na matatagpuan sa Kabisayaan, habang pumapangatlo naman ang Kalakhang Dabaw na nasa Mindanao.
Ang opisyal na kahulugan ng bawat kalakhang pook ay hindi laging sumusunod sa tunay na saklaw ng patuloy na urbanisasyon. Halimbawa, matagal nang umabot ang built-up area ng Kalakhang Maynila sa mga kalapit na lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna, at Kabite, lampas sa kinikilalang mga hangganan nito.[2]
Binawas ang bilang ng mga kalakhang pook sa Pilipinas sa kasalukuyang tatlo batay sa 2017-2022 Philippine Development Plan ng NEDA, mula sa dating labindalawa (12) noong 2007. Ang siyam na iba pang mga kalakhang pook ay Kalakhang Angeles, Kalakhang Bacolod, Kalakhang Baguio, Kalakhang Batangas, Kalakhang Cagayan de Oro, Kalakhang Dagupan, Kalakhang Iloilo–Guimaras, Kalakhang Laguna,Kalakhang Naga, at Kalakhang Olongapo.[3]
Talaan ng pinakamalaking mga kalakhang pook sa PilipinasBaguhin
GaleriyaBaguhin
Tingnan dinBaguhin
TalasanggunianBaguhin
- ↑ 1.0 1.1 "Philippine Development Plan 2017-2022, Chapter 3: An overlay of economic growth, demographic trends and physical characteristics" (PDF). National Economic and Development Authority. 2017. Nakuha noong 9 March 2017.
- ↑ "Demographia World Urban Areas, 12th Annual Edition: 2016:04" (PDF). 2016. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 21 February 2017. Nakuha noong 24 March 2017.
Higher than other estimates, which are largely limited to the National Capital Region. Continuous urbanization extends into Cavite, Laguna, Bulucan [sic] and Rizal.
Cite uses deprecated parameter|dead-url=
(tulong) - ↑ "Building Globally Competitive Metro Areas in the Philippines" (PDF). National Economic and Development Authority. 30 August 2007. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong October 4, 2013. Nakuha noong 6 February 2014.
- ↑ Census of Population (2015). Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
- ↑ "Philippine Standard Geographic Code". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 9 September 2016.
- ↑ "Philippine Standard Geographic Code". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 9 September 2016.
- ↑ "What is MCDCB?". Mega Cebu Blog (sa wikang Ingles). 2014-03-02. Nakuha noong 2017-01-11.
- ↑ http://dirp4.pids.gov.ph/ris/pdf/pidspn9810.pdf