The Hands Resist Him
Ang The Hands Resist Him ay isang pinta na nilikha ng mangguguhit na si Bill Stoneham (ipinanganak sa Boston, Massachusetts noong 1947) noong 1972. Inilalarawan nito ang isang batang lalake at isang babaeng manika na nakatayo sa harap ng isang salaming pinto na may mga nakadikit na kamay. Ayon kay Stoneham, ang batang lalake ay nakabatay sa isang retrato niya noong limang taong gulang, ang pintuan ay kumakatawan sa hangganan sa pagitan ng totoong mundo at mundo ng panaginip at pantasiya, habang ang manika ay isang gabay na mag-aagapay sa bata patungo sa mundo ng pantasiya. Ang mga tituladong kamay ay kumakatawan sa alteratibong buhay o mga posibilidad.[1][2] Ang pinta ay naging paksa ng isang alamat-urbano at isang viral na meme ng Internet noong Pebrero 2000 nang ipinaskil ito upang ipagbili sa eBay kasama ang isang madetalyeng kuwento ng karanasan (o backstory) na nagsasaad na minumulto ito di-umano.[1][3][4]
Kasaysayan
baguhinUnang dinispley ang pinta sa Galeriya ng Feingarten sa Beverly Hills, California, noong unang bahagi ng dekada-1970. Ang pang-isang tao na palabas ng Stoneham sa galeriya (na kinabibilangan ng nasabing obra), ay siniyasat ng isang kritiko sa sining sa pahayagang Los Angeles Times. Noong oras ng palabas, binili ito ng aktor na si John Marley,[1] na kilala sa kanyang papel bilang Jack Woltz sa The Godfather.[5] Mga ilang panahon pagkaraan ng pagpanaw ni Marley, natagpuan ng isang nakatatandang mag-asawa ang pinta sa dating kinalalagyan ng isang lumang serbeseria, tulad ng ipinapahayag ng kanilang unang paglilista (listing) sa eBay.[3][4]
Lumabas ang pinta sa websayt ng subasta na eBay noong Pebrero 2000. Ayon sa mag-asawa na tagapagbili, nagdadala ang pinta ng isang uri ng sumpa. Nakapaloob sa kanilang paglalarawan sa eBay ang isang serye ng mga salaysay na sinumpa o minumulto ang pinta, kabilang na ang paggalaw ng mga tauhan sa pinta tuwing gabi, at kung minsan sila'y aalis ng pinta at papasok sa silid na kung saang nakadispley ang pinta. Kasama rin sa paglilista ang mga retrato na ebidensiya umano ng isang insidente na kung saang binanta ng babaeng manika ang batang lalake gamit ang isang baril na hawak niya, kung kaya napilitan ng bata na lisanin ang pinta.[2][3] Nakapaloob rin sa paglilista ang isang pagtatatuwa (disclaimer) na nagpapalaya sa tagapagbili ng anumang pananagutan kapag nabili ang pinta.[3][4]
Mabilis na kumalat sa mga tagagamit ng Internet ang mga balita ukol sa paglilista. Ang mga tagagamit na ito ay nagpadala ng kawing (link) sa kanilang mga kaibigan o naggawa ng mga sariling pahina tungkol dito.[3] Iginiit ng ilan na ang simpleng pagtingin sa mga retrato o larawan ng pinta ay nagbigay sa kanila ng sakit o mga hindi kanais-nais na karanasan. Naglaon, ang pahina ng pagsubasta ay tinanaw ng higit sa 30,000 beses.[3][4]
Pagkaraan ng unang tawad (bid) na $199, nakatanggap ang pinta kalaunan ng 30 tawad at nabili sa halagang $1,025.00. Kalaunan, tinawag ng nagbili, Galeriya ng Perception sa Grand Rapids, Michigan, si Bill Stoneham at isinalaysay ang kakaibang kuwento ng subasta nito sa eBay at kanilang pagbili nito. Iniulat na nagulat si Stoneham sa mga kuwento at mga kakaibang paliwanang ng mga imahe sa pinta.[2][3][4] Ayon sa mangguguhit, ang sinasabing "baril" na inakala ng mga tagapagbili ay isa lamang bateryang dry cell at pulupulutang mga alambre.[2]
Sinariwa ni Stoneham na kapuwa namatay ang may-ari ng galeriya kung saang unang ipinakita ang obra, at ang kritiko ng sining na nagsuri nito sa loob ng isang taon pagkaraang natunghayan ang pinta.[1]
Tingnan din
baguhin- The Crying Boy, isa pang pinta na sinasabi ring nasumpa di-umano.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Stoneham, Bill. "The Hands Resist Him". Stoneham Studios. Nakuha noong 31 Agosto 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Kershner, Jim (31 Oktubre 2002). "Painting goes bump in the night: Spokane artist's work has become so hyped on Internet it's scary". The Spokesman-Review. Spokane, WA. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2005. Nakuha noong 31 Agosto 2017.
{{cite news}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 Bevis, Gavin (06-2002) The eBay Haunted Painting, BBC, 2007-05-13)
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Gilbert, Rowena (Oktubre 2006). "Hands Resist Him". www.castleofspirits.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-03-19. Nakuha noong 2017-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ John Marley, Internet Movie Database (2007-05-14)