Tinapay na saging
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang tinapay na saging (Ingles: banana bread, Kastila: pan de banana) ay isang uri ng tinapay na gawa sa minasang mga saging. Ito ay kadalasang mabasa-basa at matamis; ngunit, mayroong ibang paraan ng pagluluto ng banana bread na nasa estilo ng tradisyunal na rye bread.
Uri | Cake |
---|---|
Pangunahing Sangkap | Saging |
Baryasyon | Banana raisin bread, banana nut bread, chocolate chip banana bread |
|
Ang banana bread ay naging pangkaraniwang bahagi ng mga lutuing-aklat sa Amerika nang naging sikat ang baking soda at baking powder noong dekada 1930. Ito ay lumabas sa aklat ni Pillsbury noong 1933 na Balanced Recipes, at sumunod naman dito ang mas malaking pagtanggap sa tinapay sa tulong ng orihinal na Chiquita Banana's Recipe Book noong 1950.
Ang National Banana Bread day ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero 23. Ang mga saging ay unang lumitaw sa Estados Unidos noong dekada 1870, ngunit hindi ito agad-agadang ginamit bilang mga sangkap ng mga panghimagas. Ang kasalukuyang paraan ng pagluto ng banana bread ay sinimulang ilathala noong dekada 30 at ang baking powder ay nakatulong sa paghatak ng kasikatan nito. Ang ilang mananaliksik ay naniniwalang ang banana bread ay bunga ng Great Depression dahil hindi ginusto ng ibang maybahay na itapon lang basta ang mga nalaos nang saging dahil sa kamahalan nito, ang iba naman ay naniniwalang ang kasalukuyang banana bread ay unang ginawa para sa layuning pasikatin ang mga produktong harina’t baking soda.