Chiryū

lungsod sa prepektura ng Aichi, Hapon
(Idinirekta mula sa Tsiryu, Aitsi)

Ang Chiryū (知立市, Chiryū-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), may tinatayang populasyon ito na 71,992 katao sa 32,579 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 4,414 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 16.31 square kilometre (6.30 mi kuw).

Chiryū

知立市
Paikot sa kanan mula sa itaas: Gusaling Panlungsod ng Chiryū; Panoramang urbano ng Chiryū; Pista ng Chiryū
Watawat ng Chiryū
Watawat
Opisyal na sagisag ng Chiryū
Sagisag
Kinaroroonan ng Chiryū sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Chiryū sa Prepektura ng Aichi
Chiryū is located in Japan
Chiryū
Chiryū
 
Mga koordinado: 35°0′5.029″N 137°3′2.17″E / 35.00139694°N 137.0506028°E / 35.00139694; 137.0506028
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Pamahalaan
 • AlkaldeIkuo Hayashi (mula noong Disyembre 2008)
Lawak
 • Kabuuan16.31 km2 (6.30 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan71,992
 • Kapal4,400/km2 (11,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoZelkova serrata
- BulaklakIris laevigata
Bilang pantawag0566-83-1111
Adres3-1 Hiromi, Chiryū-shi, Aichi-ken 472-8666
WebsaytOpisyal na website

Kasaysayan

baguhin

Lumilitaw ang "Chiryū" bilang pangalan ng pampook na lugar sa mga dokumento ng panahong Nara, at matatagpuan sa dating Lalawigan ng Mikawa. Noong panahong Edo, lumago ang lugar bilang Chiryū-juku, isa sa mga hintuan sa Tōkaidō na nag-uugnay ng Edo sa Kyoto. Kilala ang bayan sa kanilang mga perya ng pangangalakal ng mga kabayo. Bahagi ng kasalukuyang lungsod ay nasa ilalim ng Dominyong Kariya, isang piyudal na han sa ilalim ng kasugunang Tokugawa.

Pagkaraan ng pagpapanumbalik ng Meiji, itinatag ang bayan ng Chiryū sa loob ng Distrito ng Hekikai, Prepektura ng Aichi noong Oktubre 1, 1889 kasabay ng pagtatatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Nakamit nito ang katayuang panlungsod noong Disyembre 1, 1970.

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang Chiryū sa gitnang bahagi ng Prepektura ng Aichi na hinahangganan ng Ilog Aizuma sa hilaga at ng Ilog Sawatari sa timog.

Kalapit na mga munisipalidad

baguhin

Demograpiya

baguhin

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] tuluy-tuloy na tumataas ang populasyon ng Chiryū sa nakalipas na 70 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1940 12,253—    
1950 17,220+40.5%
1960 20,542+19.3%
1970 41,895+103.9%
1980 49,432+18.0%
1990 54,059+9.4%
2000 62,587+15.8%
2010 68,392+9.3%

Mga kapatid na lungsod

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Chiryū City official statistics (sa Hapones)
  2. Chiryū population statistics
  3. "Archived copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-12-12. Nakuha noong 2013-12-08.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin

  May kaugnay na midya ang Chiryu, Aichi sa Wikimedia Commons