Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Tuba (paglilinaw).

Ang tuba o lambanog ay ang alak na mula sa dagta ng mga punong palma kabilang ang puno ng niyog.[2] Kapag pinabayaan lamang itong mag-ferment o umasim, ito ay magiging suka. Tanyag ang inumin na ito sa ilang bahagi ng Aprika, Timog Indiya partikular sa Andhra Paresh, Kerala at Tamil Nadu, kung saan kilala bilang kallu (കളള). Sa mga lugar na Myanmar, Pilipinas, at Colima, isang estado kanluran ng Mehiko, tuba ang tawag doon. Sa wikang Ingles, tinatawag itong palm wine, palm toddy o toddy lamang.Nakagagawa rin ng tuba mula sa halamang tubo.[2]

Tubâ
UriPalm wine
Bansang pinagmulanPilipinas
Antas ng alkohol2%-4%[1]

Paglalarawan

baguhin

Ang tuba ay katas mula sa halamang palmera ng niyog, iroq at iba pang kauri nito. Ang bulaklak ng mga nasabing halaman ay sinusugatan upang lumabas ang katas (sap) na malabo ang kulay at may katamisan. Itong unang katas ay siyang tuba at nilalagyan ng ta-ngal (mula sa isang uri ng kahoy) na nagpapaasim, nagpapapula at nagpapatagal sa pagiging tuba nito. Kapag ang katas na ito mula sa nakalaylay na bulaklak ng nasabing palmera ay maarawan, ay siyang nagiging sukang maasim na gamit sa mga lutuin at sawsawan ng pagkain.Kapag ang katas ng palmerang ito ay niluto sa isang distillating unit o pasulakan/pasingawan ay duon malilikha ang lambanog na kilalang vodka sa Europa. ang sumisingaw na ethyl alcohol mula sa kumukulong tuba(bahagyang pinatagal sa imbakan o slightly fermented) ay nadikit sa condenser o tipunan ng singaw(vapor) at natulo sa itinalagang sisidlan ay siyang lambanog na iniinum sa kanayunan. May grado o antas ito. ang unang pakulo ay tinawag na primera klase o uri na nagliliyab kapag sinindihan,ang segunda at tersera ay may mas mahina ang sangkap na alkohol na siya namang nilalagyan ng pampabangong sangkap tulad ng batad(gaya ng pasas) o kaya ay katas ng ibang bungang kahoy tulad ng mansanas para sa inuming pambabae.Ang tubo ay nagagawa ring tuba,suka at lambanog na may kaibahan ang pamamaraan dahil ito ay nangangailangan ng mulinohan para mapiga ang matamis na katas na may asukal o tamis.

Sa Pilipinas

baguhin

Ang tuba ay iniinom na ng mga sinaunang Pilipino na nakatira sa Pilipinas. Ito ay mapulapula at may mapaklang lasa sa karamihan at ito'y may amoy na hindi kagandahan ika nga nila. Ang tuba ay nakukuha sa katas ng pinutol na sanga na magiging buko at sunod ay niyog. Ginagamit ang ang pinutol na kawayan para ipunin ang katas nito o tinatawag na nectar sa ingles. Itong kawayan ay inilalagay sa umaga at kinukuha kinabukasan ng umaga. Isasalin ito sa isang itim na container at hinahaluan ng bayok o bawok na nanggaling sa balak ng Pomelo at iba pang kahoy na nagtataglay ng makatas na malagkit at madikit na mga prutas. May iba't ibang klaseng mga tuba may matamis kapag umaga konti palang ang alcohol content nito at masarap pagsapit ng bandang hapon itoy umaasim at nagiging mapakla ang lasa at tumaas na ang alcohol content nito at kinabukasan ito'y nagiging suka . Mayroon namang tinatawag na Bahalina Ito'y tumatagal ng mahigit dalawang linggo dahil linagyan ito ng mas maraming bawok kaysa sa unang binanggit, kaya ito'y pumapait.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sanchez, Priscilla C. (2008). Philippine Fermented Foods: Principles and Technology. UP Press. pp. 151–153. ISBN 9789715425544.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X