Tuwalya
Ang tuwalya ay nakakasipsip na piraso ng tela o papel na pampatuyo o pamunas ng rabaw. Nag-aalis ng halumigmig ang mga tuwalya sa direktang paglalapat.
Kadalasan, gawa ang mga tuwalyang panligo at bimpo sa bulak, lino, kawayan at mga sintetikong mikrohibla.
Sa mga sambahayan, ginagamit ang ilang uri ng tuwalya, tulad ng mga bimpo, tuwalyang panligo, at mga tuwalyang pangkusina.
Inilalaan ang mga tuwalyang papel sa mga banyong pang-komersiyal o pang-opisina sa isang dispensador bilang pampatuyo sa mga kamay. Ipinampupunas, ipinanglilinis, at ipinampatuyo rin ang mga ito.
Kasaysayan
baguhinAyon sa mga arkeolohikal na pag-aaral ng Gitnang Kapanahunan, "... kabilang sa mga personal na gamit na pinanghahawakan ang namamalaging kutsilyo at isang tuwalya."[1] Subalit, karaniwang nauugnay ang pag-imbento ng tuwalya sa lungsod ng Bursa, Turkiya, noong ika-17 siglo. Nagsimula ang mga tuwalyang Turko bilang isang patag, hinabing piraso ng bulak o lino na tinatawag na peshtemal, kadalasang binurdahan ng kamay. Sapat na mahaba para balutin ang katawan, medyo makitid ang mga dating peshtemal, ngunit mas mapalad na ngayon at may karaniwang sukat na 90 by 170 centimetro (35 pul × 67 pul).[2] Ginamit ang mga peshtemal sa mga hammam o paliguang Turko dahil nanatiling magaan ang mga ito kahit basa at nakakasipsip.[3]
Noong lumago nang lumago ang Imperyong Otomano, lumago rin ang paggamit ng tuwalya. Hiniling sa mga manghahabi na magburda ng mga mas magagarbong disenyo, at nakatulong dito ang kanilang kaalaman sa paghahabi ng karpet.[4] Pagsapit ng ika-18 siglo, nagsimula magkaroon ang mga tuwalya ng mga silo na nakausali sa materyales. Nakilala itong mga masilong tuwalya bilang havly; at sa paglipas ng panahon, naging havlu ang salitang ito, ang salitang Turko para sa tuwalya, at nangangahulugang 'may mga silo'.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Hatcler, Margret. Family Ties that Bind, Middle Ages Family Life [Mga Ugnayang Nagbubuklod sa Pamilya, Buhay Pamilya sa Gitnang Kapanahunan] (sa wikang Ingles). Oxford University Press, 1968, pa. 112.
- ↑ "History of the Towel" [Kasaysyan ng Tuwalya]. Jeniffer's Hamam (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-09. Nakuha noong 2015-04-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marchese, Ronald T. (2005). The Fabric of Life: Cultural Transformations in Turkish Society [Ang Tela ng Buhay: Mga Pagbabagong Kultural sa Lipunang Turko] (sa wikang Ingles). Global Academic Publishing. ISBN 978-1-58684-256-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History of Turkish Towels". Turkey For You. Nakuha noong 28 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A Brief History Of Towels" [Isang Maikling Kasaysayan ng Mga Tuwalya]. Lid Time (sa wikang Ingles). 20 Agosto 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2013. Nakuha noong 20 Agosto 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)