Si Reyna Twosret (Tawosret, Tausret) ang huling Paraon ng Ikalabingsiyam na dinastiya ng Ehipto. Siya ay itinala sa Epitome ni Manetho bilang isang Thuoris na sa Homer ay tinawag na Polybus, asawa ni Alcandara na sa panahon niya ang Troy ay nakuha. [2] Siya ay sinasabing namuno sa Ehipto sa loob ng pitong taon ngunit ang pigurang ito ay kinabibilangan ng halos anim na taong paghahari ni Siptah na kanyang predesesor.[3] Simpleng kinuha ni Twosret ang mga taon ng paghahari ni Siptah bilang kanya. Bagaman ang kanyang tanging independiyenteng pamumuno ay tumagal ng marahil isa hanggang sa isa at kalahating buong taon mula sa 1191 hanggang 1189 BCE, ang bilang na ito ay lumilitaw na mas malamang na dalawang buong taon kesa sa ngayon. Ang paghuhukay sa kanyang templong mortuaryo ay nagmumungkahi na ito ay nakumpleto sa kanyang pamumuno at siya ay maaaring nagsimula ng paghahari sa taong 9 na nangangahulugang siya ay may 2 independiyenteng mga taon ng paghahari kapag binawasan ang halos 6 na taong paghahari ni Siptah. Ang kanyang pangalan sa pamumuno ay Sitre Meryamun na nangangahulugang "Anak na babae ni Re, Minamahal ni Amun".[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Peter Clayton, Chronicle of the Pharaohs, Thames & Hudson Ltd, 1994. pp 156 & 158
  2. J. Tyldesley, Chronicle of the Queens of Egypt, 2006, Thames & Hudson
  3. Erik Hornung, Rolf Krauss & David Warburton (editors), Handbook of Ancient Egyptian Chronology, Brill: 2006, p.214
  4. Clayton, p.158