Unibersidad ng Innsbruck
Ang Unibersidad ng Innsbruck (Aleman: Leopold-Franzens-Universität Innsbruck; Latin: Universitas Leopoldino Franciscea; Ingles: University of Innsbruck) ay isang pampublikong unibersidad sa Innsbruck, ang kabisera ng pederal na estado ng Tyrol sa Austria. Itinatag ito noong 1669.
Ito ay kasalukuyang ang pinakamalaking pasilidad ng edukasyon sa estado ng ng Tirol, ang ikatlong pinakamalaki sa Austria kasunod ng Unibersidad ng Vienna at Unibersidad ng Graz. Makabuluhan ang mga kontribusyon ng Unibersidad ng Innsbruck sa maraming mga larangan, lalo na sa pisika. Bilang karagdagan, base sa bilang ng mga nailimbag nito sa mga nakalistang akademikong dyornal sa Web of Science, ito ay pumapangatlo sa buong mundo sa erya ng pananaliksik ng kabundukan (mountain research).[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Global Statistics of "Mountain" and "Alpine" Research". Mountain Research and Development. 29: 97–102. doi:10.1659/mrd.1108.
47°15′47″N 11°23′02″E / 47.263055555556°N 11.383888888889°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.