Unibersidad ng Utrecht

Ang Unibersidad ng Utrecht (Ingles: Utrecht UniversityUU; Olandes: Universiteit Utrecht, dating Rijksuniversiteit Utrecht) ay isang unibersidad sa lungsod ng Utrecht, Netherlands. Ito ay isa sa mga pinakamatandang unibersidad sa Netherlands. Itinatag sa Marso 26, 1636, ito ay may kabuuang enrolment na 29,425 mag-aaral noong 2016, at merong 5,568 guro at kawani. Noong 2011, 485 PhD degrees ang iginawad at 7,773 artikulong pang-agham ang nailimbag. Ang bajet ng ng unibersidad noong 2013 ay €765 milyon.

Academiegebouw

Ang unibersidad ay kinikilala bilang ang pinakamahusay na unibersidad sa Netherlands ayon sa Academic Ranking of World Universities noong 2013, at nararanggo bilang ang ika-13 pinakamahusay na unibersidad sa Europa at ang ika-52 pinakamahusay na unibersidad sa mundo.

Ang motto ng unibersidad ay "Sol Iustitiae Illustra Nos," na nangangahulugang "Araw ng Hustisya, lumiwanag sa amin." Ito ay sinipi sa isang literal na saling Latin ng Bibliya, ang Malakias 4:2. (Ang Pamantasang Rutgers, na may historikal na koneksyon sa Unibersidad ng Utrecht, ay gumagamit ng isang binagong bersyon ng motto na ito.) Ang Unibersidad ng Utrecht ay pinamumunuan sa pamamagitan ng isang lupon ng unibersidad.

52°05′07″N 5°10′30″E / 52.0853°N 5.175°E / 52.0853; 5.175 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.