Ako po si Ivan Earl Clarin muling naglilingkod sa inyo sa Wikipedia Tagalog at susubukan ko pong mag boluntaryo sa inyong website upang makabawi sa aking mga nagawa bukal sa aking loob na maparito at magbalik rito. Noong sumalang ako rito sa Wikipedia kahit ilang beses naintindihan ko na may mga mali pala akong nagawa rito. kahit ilang beses pa ako magpaliwanag ay hindi ninyo rin mauunawaan ang aking ginawa. Pero susubukan kong gawing tama kung ano ang nararapat at batas dito sa wikipedia at susubukan kong makabawi sa aking mga ambag salamat.Bucal, Calamba (makipag-usap) 09:16, 4 Pebrero 2015 (UTC)[]


At para po sa akin sa iba pa pong mga taga pamatnugot sa Wikipediang Tagalog gusto ko rin pong mapaunlad ang mga pahinang nasa artikulo rito upang makita ang kalidad nang Wikipediang Tagalog na kahalintulad sa Wikipediang Ingles. Umaasa po ako sa inyong hiling o tulong Salamat Po.Bucal, Calamba (makipag-usap)

Muling pagharangBaguhin

Ivan, naharang ka na naman sa en.wiki hindi lang dahil nakita nila na ikaw si Ivan Clarin (na kinukunsidera na nilang "banned"), nahuli ka ring nagdaragdag ng mga larawang may karapatang-ari (copyrighted) na nakita mo lamang sa Google. Hinayaan muna kitang mag-edit dito sa Tagalog Wikipedia ng ilang linggo para makita kung nagbago ka nga, ngunit may nilabag ka namang patakaran sa mga larawan at lahat ng iyon ay madaliang binura dahil ito ay paglabag sa karapatang-ari ng mga nag mamay-ari ng mga larawang nilagay mo doon. Isa pa, sinubukan mo pang burahin ang lahat ng ebidensya sa English Wikipedia na nag-uugnay sa iyo at sa mga hinarang na mga sockpupets mo.

Muli kitang hinaharang dito sa tl.wiki dahil sa mga paglabag na ito. Dahil ang patakaran ng English at Tagalog Wikipedia ay pareho lamang, matatanggal lamang ang pagkaharang sa iyo kung makukumbinsi mo ang mga tagapamahala ng English Wikipedia na alisin ang harang sa iyo doon. Agad kong haharangin ang mga gagawin mong mga bagong account dito hangga't hindi natatanggal ang pagharang sa iyo doon. -WayKurat (makipag-usap) 16:50, 14 Pebrero 2015 (UTC)[]


Bakit niyo pa ako kukumbinsihin na makipagugnayan sa English Wikipedia ayaw rin po nilang makainig sa paliwanag ko at saka po kung labag po iyon sa inyong batas hindi po kayo nagbibigay nang guidelines kung paano ang gagawin lalong gugulo ang sistema niyo kung hindi kayo nagbibigay nang abiso alam ko sa English nagbibigay sila nang abiso pero wala rin akong maiintindihan doon dahil hindi ko alam kung saan talaga ang pupuntahan nito. At huwag niyo nalang ho tanggalin ang paghaharang sa akin kung na sasa inyo nakakasira lang ako nang mga pahina na iyan. Alam ko po ang mga istratigis jan sa wikipedia pinagaaralan ko rin yaan kung paano. At pagkatapos ihaharang niyo nanaman sa english at tagalog eh paano nga ako magpapaliwanag kung lagi niyong binablock. Wala rin po akong panahon para makipagugnayan sa english. Dahil ako rin ay maraming ginagawa bumabawi lang ako sa aking mga nagawa.

Ano ba talaga ang tamang pageedit sa mga artikulo? At gusto ko rin po yung maayos na makipagusap para madaling masolusyonan ang problema. At isa pa hindi ko yan gingoogle translate. At ok rin naman hindi ko nilalahat ang mga artikulong ineedit ko naayon yon sa pagbabasa nang isang tao kung babaguhin o dadagdagan. Pasensya na po talaga kayo kung ayon sa inyo na lumabag nanaman ako hindi ko talaga alam ang tamang guidelines diyan. pero yung mga dinagdag kong mga imahe ay bakit hindi mo na iyon binura yung mga nauna pa at bakit binura mo na naman akala ko ba dapat hindi magkapareho ang imahe at artikulo?


Pero kung hindi ko ginawa ang mga paglabag nanaman ihaharang ninyo pa rin ba ako? Basta,t kapag ako pinaghihinalaan at pinaguusapan. Pero kung nais parin akong pagbibigyan nang enlish wikipedia na makipagusap sa kanila nang maayos ay matatanggal na rin ba ang harang dito? kung ganoon po handa ako makipagusap sa inyo nang maayos wala rin pong pananakot at pamamahiya na makikita ko sa usapan na ito.


Hanggang kailan pa ba ito masusulusyonan paulit ulit na lang sana matapos na at matuto na ako sa mga batas niyo para naman maintindihan niyo kung ano naitutulong ko sa inyo. Nais ko rin po at na mabasa rin nang ibang editor ang mininsahae ko hindi lang po kayo pati sila Salamat po.Bucal, Calamba (makipag-usap) 03:28, 15 Pebrero 2015 (UTC)[]