" And pagiging aktibista ng isang inhinyero "

Tochristianng (talk) 21:48, 21 March 2011 (UTC)

Ayon sa isang serbey (“survey”) na isinagawa namin sa isang klase sa unibersidad, napag-alaman namin ang mga pananaw ng mga inhinyero sa usapin tungkol sa aktibismo. Ang pananaw ng karamihan sa salitang aktibismo ay ang pagkakaroon ng salita o ng paniniwala ukol sa isang isyu sa lipunan, at hayaang ipahayag ito ng mabuti para sa ikaaalam ng karamihan. Ang pagiging aktibista ay ang pagsasagawa ng mga bagay-bagay na naaayon sa iyong paniniwala, at sa pagkakaroon ng isang responsabilidad na makialam sa mga isyu na may epekto sa kabuhayan ng karamihan nating mamamayan. Ayon sa depinisyong ito, kalahati sa mga kumuha ng serbey ay nagsasabi na sila ay kabilang sa mga aktibista, ngunit hindi nila gustong isama sila sa kategorya ng mga aktibista na nagbibigay protesta sa mga kalye. Ang natitirang kalahati ay nagsabing hindi sila aktibista sa dahilang ito. Sa aking pananaw, ang pagiging aktibista ay hindi nalilimitahan sa pagprotesta sa mga kalye, o pagbibigay ng opinion sa harap ng sandamukal na mga tao; samakatuwid ang pagiging aktibista ay ang pakikipaglaban ayon sa kung ano ang nararapat, kahit sa paraang hindi pagprotesta, mas pokus sa paraang mas praktikal kagaya ng paghahanap ng solusyon sa mga isyu na pumapalibot sa ating lipunan. Ang isa pang paraan ng pagiging aktibista sa aking pananaw ay ang kahalagaahang magbigay alam o edukasyon sa masa ng mahahalagang impormasyon ukol sa mga isyu na pumapalibot sa ating lipunan. Hindi sapat na kakaunti lang ang nakakaalam ng ipinaglalaban nating mga isyu, mahalagang mayroong marami, kung hindi man lahat, sa mga lumalahok na maintindihan kung ano ang kanilang ipinaglalaban. Ang pagkakaiba ng aktibismo ngayon at ng makalumang panahon ay ang pagkakaroon natin ngayon ng sobrang daming “medium” kung saan tayo ay binibigyan ng kaalaman sa mahahalagang isyu na kikakaharap ng ating lipunan. Isang halimbawa ang “media” na isang napaka-epektibong kagamitan para makapagbigay kaalaman sa mga manonood ng mga pangyayari sa kanilang paligid. Sa dahilang ito, mahalaga ang impormasyon na lumalabas sa “media” sa dahilang nagbibigay ito ng impresyon na “biased” sa mga manonood. At dahil diyan, nagiging problema din ito sa mga aktibista sa dahilang binibigyan ng “media” ang aktibismo ng isang hindi kanais nais na imahe ang isang aktibista, palaban at rebelde. Mahalagang malaman nating lahat na kailangan nating maging aktibo sa mga usapin sa lipunan, lalo na’t tayo ay mga Iksolar ng Bayan. Hindi tayo dapat nagiging “passive” sa ating mga paligid. Mayroon tayong sariling opinion sa mga bagay-bagay at kailangang gamitin natin ito para malaman kung sa oposisyon ka o sa mga sumasangayon. Bilang mga inhinyero, marami narin akong naririnig na mga balitang hindi kami lumalahok sa mga kilusan sa unibersidad. Maaaring may katotohanan ito ngunit hindi nito ibig sabihin ay hindi kami aktibo sa mga pangyayari sa aming mga paligid, lalo na kung ang unibersidad mismo ay naaapektohan ng mga usapin. Sa aking pananaw lang ay ang mga inhinyero ay mayroong sariling diskarte kung paano harapin ang ibang problema sa lipunan laban sa pagprotesta sa mga lansangan. Pinapaalala ko na hindi nito ibig sabihin na hindi epektibo ang pagprotestang iyon, samakatuwid importanteng “medium” din ang pagprotesta para magbigay kaalaman sa masa na malubha na ang isyung pinaglalabanan. Para lang sa akin, mas praktikal ang hanap na solusyon ng mga inhinyero. Kung kayang mahanapan ng solusyon gamit ang isang pag-uusap na parehong magbibigay benepisyo sa mga taong kalahok, ito ay, para sa amin, mas epektibong paraan ng paghahanap ng solusyon at maaaring magkaroon pa ng susunod na mabubuting pag-uusap sa mga taong kalahok sa usaping iyon.

             " Ang Inhinyero at ang kanyang laban sa Industriya sa Pilipinas "

Tochristianng (talk) 21:50, 21 March 2011 (UTC)

Bilang isang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, naisipan kong pag-usapan ang kahalagaan ng pagkakaroon ng sarili nating industriya na nakatutok sa pagbibigay aral o reserts ng mga teknolohiya na pwede nating magamit o mapakinabangan. Sa aking napiling kurso sa UP, na may ngalan na “Electronics and Communications Engineering”, nararapat na ang linya ng trabaho ng isang nakapagtapos ng ganitong kurso ay hindi nalalayo sa kanyang napag-aralan sa unibersidad. Ngunit, ang Pilipinas ay walang kakayahang makapagbigay ng oportunidad na tahakin ng isang bagong gradweyt ang isang industriya na ganito ang pokus. Ang dahilan sa isyung ito ay ang pagiging kontento ng Pilipinas sa kanyang mga industriya na naka sentro sa kalakalan at sa pagbibigay serbisyo sa mga kompanya ng ating mga karatig bansa. Nalulungkot akong isipin na ang Pilipinas ay walang balak na tumayo sa sarili nitong paa sa usaping reserts at hinahayaang gamitin ang serbisyo ng mga Pilipino, na nag-aaral sa mga prestihiyosong mga paaralan sa Pilipinas, para sa ikauunlad ng ibang bansa. Tayong mga Pilipino ay sadyang nag-aral sa loob ng Pilipinas para sana’y makatulong sa bayan sa pagpapaunlad ng mga impastraktura, mga teknolohiya, sa pagbibigay ng trabaho, at iba’t iba pa, ngunit habang palapit at palapit na tayo sa tamang edad, nakakalimutan nating magbigay pasalamat sa biyayang nabigay ng ating bansa, lalo na sa usaping edukasyon. Siguro sa dahilan ang trabaho sa Pilipinas ay hindi masyadong malaki magpasweldo, kaya karamihan sa atin ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa, at ang naidudulot nito para sa ibang bansa ay ang kaunlaran ng kanilang ekonomiya at iba’t ibang aspeto ng kanilang pamumuhay; ngunit sa ating bansa, kung saan ang mga ito’y nagsipag-aral, ay nananatiling lubog sa kahirapan at nangangailangan ng suporta sa mga malalakas na bansa. Ang isang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa Pilipinas ay ang hindi pagtutulungan ng tatlo sa pinaka-importanteng sector sa lipunan. Ito ang gobyerno, ang akademiko, at ang industriya. Ang gobyerno ay dapat na maglathala ng pondo para magbigay ng mga bagong materyales sa mag-aaral na nag-aaral ng mabuti at gumagamit ng mga pasilidad na makabago. Ang mga akademiko naman ay may layuning mag-aral ng mabuti para sila’y makatulong sa bayan sa paraang pagtrabaho sa industriya, at pagsasagawa ng mga proyekto na makaktulong sa ekonomiya ng bansa. Ang mga industriya naman ay dapat magbigay trabaho sa mga mag-aaral na ito upang sila’y makilahok sa mga mahahalagang proyekto ng bayan. Ang lahat ng kita naman ng mga industriyang ito ay pwedeng gamiting pambayad sa gobyerno para magkaroon muli ng pondo para sa edukasyon ng mga kabataan. Makikita natin na parang isang siklo (“cycle”) ang pagtutulungan ng gobyerno, akademiko, at industriya. Hindi gagana ang sistema kung mayroong kahit isang hindi tumutupad sa kanyang responsabilidad. Sa kaso ng Pilipinas, sa tingin ko ay may problema tayo sa gobyerno at sa industriya. Madaling manumbat ng tao ngunit alam naman nating mayroong mga isyu ng korupsyon sa gobyerno kung saan nauubusan ng nailathalang pondo para sa edukasyon dahil sa mga taong hindi makaiwas sa sigaw ng laman. Sa parte ng industriya, mayroong konti, kung wala naman, na industriya na gustong makipagsapalaran sa pagtayo ng isang kompanya na handang magbigay ng pondo para sa gobyerno, na ang kapalit ay hahanapan ng gobyerno ang industriya ng mga magagaling na mga estudyante para magtrabaho para sa kanila. Habang tayong mga Pilipino ay hindi magsimulang mag-isip para sa ika-uunlad ng bayan, ay habang buhay din tayong hihingi ng tulong sa ating mga karatig bansa, hanggang sa puntong tayong mga Pilipino ay mawawalan narin ng sarili nating identidad (“identity”).