Vacuum curettage method
Ang vacuum curettage method ay ang pangalan sa Ingles ng metodo ng aborsiyon kng saan ang isang hollow o may guwang na tubong plastik ay ipinapasok sa loob ng utero at hinihigop ang mga nilalaman.[1] Tinatawag din itong vacuum aspiration o suction aspiration, kung saan ginagamit ang proseso ng aspirasyon upang tanggalin ang mga laman ng utero sa pamamagitan ng pagdaan sa cervix. Maaaring gamitin ito bilang isang paraan ng hinikayat na paglalaglag o aborsiyon, isang pamamaraang terapeutiko na ginagamit pagkaraang makunan (miscarriage), o isang pamamaraan upang makakuha ng isang sample o halimbawa para sa biyopsiyang endometrial. Ang antas ng impeksiyon ay mas mababa kaysa sa iba pang mga pamamaraan ng aborsiyong inoopera, na nasa 0.5%.[2] Ang ilang mga sanggunian ay maaaring gumamit ng mga katagang dilation and evacuation[3] o "suction" dilation and curettage[4] upang tukuyin ang vacuum aspiration, bagaman ang mga katagang iyon ay normal na ginagamit upang tumukoy sa bukod na mga pamamaraan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570.
- ↑ "Manual and vacuum aspiration for abortion". A-Z Health Guide from WebMD. Oktubre 2006. Nakuha noong Pebrero 18, 2006.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miscarriage". EBSCO Publishing Health Library. Brigham and Women's Hospital. Enero 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-27. Nakuha noong 2007-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What Every Pregnant Woman Needs to Know About Pregnancy Loss and Neonatal Death". The Unofficial Guide to Having a Baby. WebMD. 2004-10-07. Nakuha noong 2007-04-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)