Bitamina C

(Idinirekta mula sa Vitamin C)

Ang bitamina C(Vitamin C, L-ascorbic acid o L-ascorbate) ay isang mahalagang nutriento para sa mga tao at ilang mga species ng mga hayop. Sa mga buhay na organismo, ang ascorbate ay umaasal bilang antioxidant sa pamamagitan ng pagpoprotekta sa katawan laban sa oksidatibong stress.[1] Ito rin ay kopaktor sa hindi bababa sa walaong mga ensimatikong reaksiyon kabilang ang ilang mga reaksiyong sintesis ng collagen na kung hindi gumagana ay maaaring magdulot ng matinding sintomas ng sakit na scurvy. Sa mga hayop, ang mga reaksiyong ito ay labis na mahalaga sa pagpapagaling ng mga sugat at sa pagpipigil ng pagdudugo mula sa mga capillary.

Bitamina C
Datos Klinikal
AHFS/Drugs.commonograph
MedlinePlusa682583
Kategorya sa
pagdadalangtao
  • A (to RDA), C (mataas sa RDA)
Mga ruta ng
administrasyon
bibig, IM, IV, subQ
Kodigong ATC
Estadong Legal
Estadong legal
  • AU: Walang pagtatakda
  • US: OTC
  • general public availability
Datos Parmakokinetiko
Bioavailabilitymabilis & kumpleto
Pagbuklod ng protinawala
Biyolohikal na hating-buhaynagbabago batay sa dami ng plasma
Ekskresyonbato (kidney)
Mga pangkilala
SingkahuluganL-ascorbic acid, ascorbic acid, ascorbate
Bilang ng CAS
PubChem CID
IUPHAR/BPS
DrugBank
ChemSpider
UNII
KEGG
ChEBI
ChEMBL
NIAID ChemDB
E numberE300 (antioxidants, ...)
ECHA InfoCard100.000.061
Datos Kemikal at Pisikal
PormulaC6H8O6
Bigat Molar176.12 g/mol
Modelong 3D (Jmol)
Densidad1.694 g/cm3
Punto ng pagkatunaw190 °C (374 °F)
Punto ng pagkulo553 °C (1,027 °F)
  (patunayan)

Biosintesis

baguhin

Ang karamihan sa mga hayop at halaman ay may kakayahang mag-sintesis(synthesize) ng kanilang sariling bitamina C sa pamamagitan ng sekwensiya ng apat na pinapatakbo ng ensima na mga hakbang na kumokonberte sa glucose patungo sa bitamina C[2]. Ang glucose na kailangan upang mag-sintesis ng ascorbate sa atay(sa mga mammal at mga ibon na nagsasagawa ng perching) ay kinakatas mula sa glycogen. Ang sintesis ng ascorbate ay isang nakabatay sa glycogenolisis na proseso. Sa mga reptilya at mga ibon, ang biosintesis ay isinasagawa sa mga kidney nito[3].

Kabilang sa mga hayop na nawalan ng kakayahan na mag-sintesis ng sariling bitamina C ang mga simian at tarsier na ang pinagsamang ito ay bumubuo sa dalawang pangunahing mga suborder ng primate na anthropoidea na tinatawag ring haplorrhini. Kabilang sa pangkat na ito ang mga tao(humans). Ang ibang mga mas primitibong mga primate(strepsirrhini) ay may kakayahang gumawa ng sariling bitamina C. Ang sintesis ay hindi naisasagawa sa ilang mga species sa pamilya ng maliit na rodent na caviidae na kinabibilangan ng mga guinea pig at capybara ngunit ito ay naisasagawa sa ibang mga rodent gaya ng mga daga. Kabilang din sa mga ilang species ng ibong passerine ay walang kakayahang lumikha ng sariling bitamina C ngunit hindi lahat ng mga species nito. May teoriyang ang kakayahang ito ay nawala ng hiwalay ng ilang mga beses sa mga ibon. Ang lahat ng nasubukang(tested) paniki kabilang ang mga pangunahing pamilya ng mga paniking kumakain ng mga insekto at prutas ay walang kakayahang mag-sintesis ng sariling bitamina C. Ang bakas ng GLO ay natukoy sa tanging 1 sa 34 mga species ng paniki na sinubukan sa buong saklaw ng 6 na mga pamilya ng paniking sinubukan. [4]

Talababa

baguhin
  1. WHO Model Formulary 2008 (PDF). World Health Organization. 2009. p. 496. ISBN 9789241547659. Nakuha noong 8 Disyembre 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Wheeler GL, Jones MA, Smirnoff N (Mayo 1998). "The biosynthetic pathway of vitamin C in higher plants". Nature. 393 (6683): 365–9. Bibcode:1998Natur.393..365W. doi:10.1038/30728. PMID 9620799.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bánhegyi G, Mándl J (2001). "The hepatic glycogenoreticular system". Pathol. Oncol. Res. 7 (2): 107–10. doi:10.1007/BF03032575. PMID 11458272.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Jenness R, Birney E, Ayaz K (1980). "Variation of l-gulonolactone oxidase activity in placental mammals". Comparative Biochemistry and Physiology B. 67 (2): 195–204. doi:10.1016/0305-0491(80)90131-5.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin