Watawat ng Bangsamoro

watawat

Ang watawat ng Bangsamoro ay ang watawat na kumakatawan sa Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (BARMM), isang rehiyong awtonomo ng Pilipinas.


Watawat ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao
}}
Paggamit Watawat na sibil at ng estado Civil and state flag Civil and state flagNormal or de jure version of flag, or obverse side
Proporsiyon 6:11
Pinagtibay Agosto 28, 2019
Disenyo Pahalang na may talong bahagi na magkasing-sukat na luntian, puti, at pula. May dilaw na tala na may siyam na patulis na nakaloob sa isang dilaw na gasuklay; parehas na nakagitna sa puting bahagi. May puting kris na nakagitna sa pulang bahagi.

Kasaysayan

baguhin

Sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law, ang batayang batas ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (BARMM) na pumalit sa Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao (ARMM) may karapatan magkaroon ang rehiyon ng sariling watawat at sagisag.[1] Nagkaroon din ang ARMM ng sariling watawat.

Bago pa ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law, may tumututol sa pagkakaroon ng sariling watawat ang Bangsamoro.[1] Ayon sa Philippine Constitution Association[2] at ang Kinatawan sa Kapulungan ng Buhay Partylist na si Lito Atienza[1] na labag sa saligang batas ang pagkakaroon ng hiwalay na watawat para sa Bangsamoro. Giniit pa ni Atienza na ang isang hiwalay na watawat ay taliwas sa pambansang pagkakaisa.[1] Bilang tugon, sinasbi ng Tanggapan ng Pampanguluhang Tagapayo sa Prosesong Pangkapayapaan na ang rehiyong Bangsamoro bilang isang katawan ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas ay pinahihintulutang magkaroon ng sariling watawat sa ilalim ng Kodigong Pang-watawat at Heraldiko (Batas Republika Blg. 8491).[3]

Noong Pebrero 2019, naglunsad ang Bangsamoro Transition Authority ng isang paligsahan sa pagdidisenyo para sa isang bagong watawat para sa Bangsamoro kasabay sa mga paligsahan para sa isang bagong hymno at sagisag ng rehiyon. Pumili ang Gabinete ng Bangsamoro sa mga isinumitang mga disenyo para sa watawat. Ang pantay-pantay na pagkakatawan sa mga pangkat etniko at tribo ng Bangsamoro ay naging prayoridad sa proseso ng pagpili ng watawat.[4]

Ipinasa ng Parlyamento ng Bangsamoro ang Panukalang Batas sa Parlyamento Blg. 7 ukol sa bagong watawat ng Bangsamoro. Ang panukalang batas ay naipasa sa ikatlo at huling pagbasa noong Agosto 22, 2019[5] at nailagda bilang batas noong Agosto 28, 2019 ni Punong Ministro Murad Ebrahim bilang Bangsamoro Autonomy Act No. 1.[6][7] Sa araw rin na iyon, opisyal na itinaas ang watawat sa harap ng BARMM Executive Building.[8]

Pansamantalang ginamit ang watawat ng Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao para sa rehiyon bago pa kinilala ang kasalukuyang watawat..

Disenyo

baguhin

Ang aprubadong disenyo para sa watawat pangrehiyon ng Bangsamoro ay inilalarawan sa Bangsamoro Autonomy Act No. 1. Ito ay may tatlong magkasing-sukat na bahagi na pahalang na kulay lunti, puti, at pula. Ito ay may gintong gasuklay na pinalolooban ang isang gintong tala na may siyam na patulis at mayroon din itong puting kris.[9]

Ang pamantayang sukat ay nasa 3 by 5.5 talampakan (0.91 m × 1.68 m), o may aspect ratio na 6:11. Ang tiyak na klase ng apat na kulay ay itinakda sa batas ayon sa halagang HEX.[9]

Kumakatawan ang lunti sa mayoridad na populasyong Muslim ng rehiyon, ang puti sa kadalisayan, at pula sa pakikibakang Bangsamoro.[10]

Ang gasuklay ay kumakatawan sa "mga prinsipyo na gumagabay sa Bangsamoro na nakibaka para sa "self-determination"" at ang siyam na patulis ng tala ay kumakatawan sa kasaping pamahalaang lokal ng rehiyon; ang mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi, ang Lungsod Cotabato at ang mga 63 barangays sa Cotabato na bahagi ng Bangsamoro. Ang kulay ginto ng gasuklay at tala na nakagitna sa puting bahagi ng watawat ay sumusugnay sa "maliwanag na kinabukasan" para sa rehiyon.[9]

Ang kris ay nakaposisyon sa pinakamababang bahagi ng watawat na may kulay pula. Ang haba ng espada ay 60 porsyento ng kabuoang haba ng watawat. Ang sandata ay kumakatawan sa pagtanggol sa rehiyon at pakikibaka sa "kalupitan, pang-aapi, at paglabag sa katarungan"..[9]

Panukalain Lunti Puti Pula Dilaw
HEX[9] #009966 #FFFFFF #FF3333 #FFD700
RGB 0-153-102 255-255-255 255-51-51 255-15-0
CMYK C100-M0-Y33-K40 C0-M0-Y0-K0 C0-M80-Y80-K0 C0-M16-Y100-K0

Paggamit

baguhin

Ayon sa Bangsamoro Organic Law, nararapat na ang watawat ng Bangsamoro ay inilalahad kasama pambansang watawat ng Pilipinas.[11]

Alinsunod sa batas, nirarapat na iladlad ang watawat ng Bangsamoro sa lahat ng pampublikong tanggapan, paaralan, kolehiyo, unibersidad, mga korporasyon pamamay-ari at kontrolado ng pamahalaan at iba pang mga ahensiya sa ilalim ng rehiyon Bangsamoro. Maari ding gamitin ito sa mga kaganapang seremonyal at makahulugan kung kinakailangan.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "House minority solons want provisions on flag, anthem out of BBL bill" [Mga mambabatas sa minorya ng Kapulugan nais ialis ang mga probisyo sa watawat, rehiyonal na pang-awit sa panukalang batas na BBL]. BusinessWorld (sa wikang Ingles). Hunyo 14, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 12, 2021. Nakuha noong Hunyo 27, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Navallo, Mike (Disyembre 21, 2018). "Constitutional experts warn Bangsamoro law will destroy country, dismember territories". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 31, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Q and A: the draft Bangsamoro Basic Law" [Tanong at Sagot: ukol sa draft ng Bangsamoro Basic Law]. Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Setyembre 10, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 28, 2021. Nakuha noong Oktubre 31, 2020. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. Sunio, Riz (Setyembre 1, 2019). "New Barmm logo, flag released" [Bagong BARMM logo at flag inilabas]. Sunstar Cagayan de Oro (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 2, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kar, Nilay (Agosto 24, 2019). "Philippines: Official flag of Bangsamoro adopted" (sa wikang Ingles). Anadolu Agency. Nakuha noong Agosto 24, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Bangsamoro Autonomy Act No 1 - ADOPTING THE OF OFFICIAL FLAG OF THE BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO". Agosto 28, 2019. Nakuha noong Oktubre 1, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "BARMM adopts flag under first act". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Agosto 29, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 15, 2021. Nakuha noong Agosto 29, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Fernandez, Edwin (Agosto 29, 2019). "BARMM flies new regional flag" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 "Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Chief Minister Ahod "Murad" Ebrahim signs Bangsamoro Autonomy Act No. 1, adopting the official flag of the #BARMM political entity". Twitter (sa wikang Ingles). Philippine News Agency. Nakuha noong Agosto 29, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Bangsamoro flag at official seal ng BARMM, ipinasilip ng Bangsamoro government. TVP South Central Mindanao. 2 Hulyo 2019.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Republic Act 11054" (PDF). Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). p. 3. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hulyo 29, 2020. Nakuha noong Agosto 24, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)