Wikipedia:Kapihan/Sinupan 16

Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

higit sa 20,000 artikulo bago magpasko

baguhin

Kaya po kaya natin yon?--Lenticel (usapan) 05:21, 2 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Sikapin nating lahat. Palagay ko'y magagawa po iyan kung magtutulungan ang lahat. Naka-krus ang aking dalawang daliri para diyan. - AnakngAraw 06:02, 2 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Kung magsisikap nga dahil tayo ang may-ikalawang pinakamababang paglaki pagkatapos ng Pangasinense. Ngunit huwag naman sanang mangahulugan ito ng higit na marami pang Wikiboost. (en:Wikipedia:Tambayan_Philippines/Statistics#Projected_figures) Felipe Aira 10:40, 2 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Pero di ba ang halaga ng bilang sa paglaki ay hindi katumbas ng halagang pangkalidad? Hindi po basta-basta masasabi ng bilang iyon. - AnakngAraw 02:18, 3 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Kaya nga. Ngunit karaniwang ginagamit na batayan ang laki ng karaniwang pagbabago sa bawat pahina upang malaman kung gaano kaganda ang isang wiki; kung higit na marami ang pagbabago sa wiki/pahina, karaniwang nangangahulugang higit na maganda ito. (edits per page) Felipe Aira 10:35, 3 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Kung sa bagay nga... - AnakngAraw 04:14, 4 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Ako'y nagagalak sapagkat may ganitong mga proyekto na sa maaaring makakapagpalawig ng kaalaman ng mga tao sa Tagalog. Kaya naman kahit papaano ay nais kong makatulong - Nickrds09 10:16, 9 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Salamat at mabuhay ka dahil diyan. Huwag magsawa at magpatuloy po kayo sa inyong kasiyahan sa pagtulong dito! Ikinagagalak namin ang iyong pagdating dito sa Wikipediang Tagalog. Itaguyod po ninyo ang inyong pagiging Wikipedista. Maaaring manghikayat pa po kayo ng iba pa. Muli, salamat! - AnakngAraw 14:20, 9 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Wala pong anuman, ikinagagalak kong makatulong sa proyektong ito. Nawa'y maging matagumpay tayo sa ating layunin. Mabuhay tayong lahat.Nickrds09 15:03, 23 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Ako'y natutuwa sa pagiging masayahin ng Wikipediang ito. Ako ay bumalik na sa aking pag-alis. Sisikapin kong tumulong sa pag-gawa ng mga artikulo. Isa na rito ang Pag-init ng daigdig, na susubukan kong linisin. Mabuhay. Redmask 10:50, 30 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Narating ang 20,000 noong Nobyembre 1, 2008. Mabuhay ang lahat! - AnakngAraw 05:51, 2 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Mabuhay ang mga Wikipedistang Tagalog --Mananaliksik 12:23, 2 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ayos! Mabuhay tayong lahat.--Lenticel (usapan) 02:34, 3 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Mabuti naabot natin lahat! Estudyante (Usapan) 08:01, 3 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Binabati ko ang lahat ng kalahok sa proyektong ito sa pagkakaabot sa 20,000 artikulo. Mabuhay tayong lahat. Nickrds09 09:00, 26 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Mga pahina at paksang dapat pagtuonan ng pansin ng pamayanan

baguhin

Mga kasamang Wikipedista, naririto ang mga kawing sa mga pahinang dapat nating unahing gawan ng mga pahina/lathalain:

- Salamat po. - AnakngAraw 02:03, 3 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Dapat rin nating pagtulungang painamin ang mga mayroon nang nilalaman/pahina. - AnakngAraw 02:15, 3 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Dapat na po itong isapanahon. Pebrero pa rin ang nakapamagat sa kalendaryo. Maaari sigurong gawing awtomatiko/kusa rin ang pagpapalit nito. - AnakngAraw 03:02, 8 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Sumasang-ayon ako mas makabubuti siguro kung kusa na itong nababago depende sa kung ano ang kasalukyang araw o buwan. Nickrds09 15:04, 23 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Isinapanahon ko na ang kalendaryo. mangyari lamang na hindi ko alam kung paano gagawing awtomatiko ang pagbabago nito. Nickrds09 03:48, 28 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Salamat sa iyong mga gawain! - AnakngAraw 04:02, 28 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Hindi pa po nasasalin yung pariralang content pages na nasa Palaulatan. - AnakngAraw 03:07, 8 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Mali pa rin ang pagsalin nito. Dapat estadistika ang ginagamit dito, hindi palaulatan. Papalitan ko ito sa susunod na araw. --Sky Harbor (usapan) 13:58, 8 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Maaari sigurong Estadistika ang pangalan ng mismong pahina, bagkus panatilihin ang palaulatan na nasa ulo ng tabla ng mga bilang. - AnakngAraw 19:51, 8 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Magkaiba naman talaga ang estadistika sa palaulatan. Baka aakalahin ng mga bisita dito na ang "statistics" na kinikita nila ay may kaugnayan sa matematika. --Sky Harbor (usapan) 11:00, 9 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Isa nga pong dahilan iyan kung bakit sang-ayon akong ang pahina ay Estadistika, pero maaari po ang tabla ay palaulatan bilang "report" ng mga bilang. O maaari ring palaulatan ng estadistikang pang-Wikipedia. Salamat po. - AnakngAraw 11:42, 9 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Wikipedia:Help for Non-Tagalog Speakers

baguhin

Ako po ay lumikha ng isang pahina (Help for Non-Tagalog Speakers) para sa mga panauhin ng Tagalog Wikipedia na hindi nakakapagsalita ng Tagalog o Pilipino. Sana ay mapakinabangan niyo po ang pahinang yaon. Salamat. - Lee Heon Jin 21:50, Oktubre 8 2008 (UTC)

Salamat sa iyong ginawang ito. Ginagamit na ito at ikinawing sa ilang mga mahahalagang pahina: Unang Pahina, talaang pampanauhin (guestbook), WP:Pagsasalinwika (dahil may interwiki doon), sa Embahada, at pahina ng mga hinihiling na artikulo. Mabuhay ka! - AnakngAraw 17:54, 8 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Wikipedia:Guestbook and Help for Non-Kapampangan Speakers

baguhin

At kakalikha ko lang ng pahina sa Kapampangan Wikipedia na Guestbook and Help for Non-Kapampangan Speakers sa lokasyong http://pam.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Guestbook_and_Help_for_Non-Kapampangan_Speakers ngunit napansin ko ngang hindi gaanong naaasikaso ang Kapampangan Wikipedia. Sana po ay mayroon po ritong katutubong nagsasalita o kahit na marunong lang sa Kapampangan. Salamat. - Lee Heon Jin 13:55, Oktubre 09 2008 (UTC)

Salamat po, binanggit ko rin po ito ngayon sa WP:Tambay para makatulong. - AnakngAraw 14:26, 9 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Aling diyalekto ng Tagalog ang pamantayan ng Wikipediang ito?

baguhin

Pinili ng KWF bilang batayan ng Filipino ang diyalektong Manileño. Ito rin ba ang sinusunod na pamantayan dito? May alam ba kayong kautusan o anupaman na nagtatalaga ng pamantayan ng Tagalog? Pinakahawig sa gramar ng Manileño ang Bulaqueño samantalang may pagkakaiba ang sa Tayabas/Tayabasin (ang batayan ng Wikang Pambansa/Pilipino?), Batangueño at Marinduqueño. Sa wari ko, hawig sa Manileño at Bulaqueño ang diyalektong ginagamit dito.

Kung may alam kayong iba't ibang salita ng mga diyalekto ng Tagalog, mangyari lamang na pakiambag sa http://tagalogsugbuanontranslator.blogspot.com --Filipinayzd 04:40, 10 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Ang batayan dito sa Tagalog Wikipedia, sa aking pagkakaalam, ay Filipino, at malamang na ito ay Filipino dahil ang nakakarami sa mga umaambag dito ay taga-Maynila o mula sa mga lalawigang napapaligiran ng Maynila, tulad ng Bulacan, Cavite at Rizal. Kahit kung may kilusan dito na sang-ayon sa pagka-purista ng kontento ng Wikipedia batay sa Tagalog, mas karaniwan pa rin ang paggamit ng Filipino o Tagalog na maituturing na "'di purista". Ako nga, gumagamit ako ng mga salitang Espanyol kahit kung may kaparis itong purista dahil mas karaniwan ang Espanyol kaysa sa puristang Tagalog. Kung may singkahulugan ito sa ibang diyalekto ng Tagalog, kinakarga ito sa artikulong may karaniwang pangalan. (Komento lang: hindi lang Bulakenyo ang salapi, ginagamit rin ito sa Maynila) --Sky Harbor (usapan) 09:47, 10 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Manileño Tagalog/Filipino ang ginagamit mo sa pag-ambag? Hindi ako segurado kung yung pagtumbas ng salita para sa banyagang kaisipan ay likas sa Tagalog (I am refering to Tagalog dialects outside Manila). Marahil ay nauso ito nung kapanahunan ng Wikang Pambansa/Pilipino. Lahat o karamihan yata sa etnikong Tagalog na tagapag-ambag dito ay Manileño ang first language. Ukol[?]/regarding sa komento mo, likas kasi daw kasi yun sa Filipino. At nung panahon sa mga diyalektong Tagalog karaniwang galing ang mga bokabularyong naiaambag sa Wikang Pambasa. Sa Bikol Central Wikipedia, na mas pinipili ko ang Naga dialect kaysa sa Partido. Maaari ko ring gamitin ang mga karaniwang salita na mauunawaan ng isang Tagalog (taga-Maynila)/Manileño (hal. "ginagamit" imbes na "piggagamit", "may" imbes na "igwa" atbp.) pero "puristang Bikol" pa din ang pinipili ko. --Filipinayzd 11:26, 10 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Maari nating sundin ang pamantayan sa English Wikipedia tungkol sa paggamit nila American English, British English o alinmang diyalektong English. Doon, susundin ng artikulo kung ano ang English ang ginagamit sa lugar, kaya ang mga artikulo tungkol sa Estados Unidos ay nakasulat sa American English, lahat ng tungkol sa mga Briton ay nakasulat sa British English at sa teorya dapat nakasulat sa Philippine English ang mga artikulo tungkol sa mga Pilipino. Maari din natin gawin iyan dito. Iyon lamang, wala pang nagpapakilalang taga-ambag dito na Batangeño ang gamit upang isulat muli ang artikulo ng Batangas sa diyalektong Batangeño Tagalog. --bluemask 12:12, 10 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

ito ang tinutukoy ko: en:Wikipedia:Manual of Style#National varieties of English --bluemask 12:43, 11 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Wala pong opisyal na pamantayan. At sa sarili ko pong pananaw, hindi dapat magkaroon ng isang pamantayang pangwikain hanggang Tagalog pa rin ang nilalaman ng wiking ito. Bahala na dapat ang mang-aambag sa pipiliin niyang wikain/pananalita sa pagsusulat-artikulo maliban na lamang sa mga itinakda ng pamayanan kagaya ng mga Tagalog na pangalan ng mga pook, tagagamit vs. manggagamit, atbp. Felipe Aira 12:14, 10 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Hindi kaya maging problema ang pagsulat sa ibang diyalekto? Maaaring ibalik din ito ng ibang user. Maaaring ganun ang mangyari kung isusulat sa Philippine English ang mga artikulong may kaugnayan sa Pilipinas sa English Wikipedia. --Filipinayzd 15:19, 10 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Kapag napaunlad ng husto ang mga gawi at kung dahan-dahan nang napag-isa ang mga estilo ng marami pang nagsasalita/nagsusulat sa/ng iba pang "diyalektong" Tagalog, matatawag itong "diyalektong (Tagalog na pang-)Wikipedia", na siyang isa sa mga magiging pamantayan (na matatawag din pong ensiklopedikong pananagalog). Maidaragdag dito ang binanggit sa itaas ni Bluemask. - AnakngAraw 16:21, 10 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Maghikayat tayo ng mga katutubong mananalita ng di-Manilenyong Tagalog. Marami din pa lang mamamayan mga Tagalog sa internet tulad sa Usap Paete, Bulacan Forums, Balayan Forum (Batangas). Kung mamamapag-recruit tayo ng kahit isa sa mga forum na ito, malaking ambag din yan. --Filipinayzd 08:27, 13 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

anomang pampitagang anyo ng tagalog sa palagay ko ay maaring gamitin.siya nga ang tagalog maynila at bulacan!hindi naman maiwasan na gumamit ng ilang salita na nagmula sa timug katagalugan dahil may lalim ito na wala sa salitang maynila.katulad ng salin sa tagalog ng salitang North at South, ang alam ng marami ito ay hilaga at timog,ngunit may iba pang salin nito sa tagalog na ginagamit kapag ang isang bagay na tinutukoy ay moving o nausad mula sa kinatatayuan niya.ang ibang tagalog ng hilaga ay sabalasan at ng timog ay ibaba.ang hilaga at timog ay idinudugtong sa pangalan ng bayan o bansa samantala ang salitang sabalasan at ibaba ay ginagamit sa gumagalaw na bagay tulad ng bagyo at sasakyan.kaya ang north of manila ay sabalasan ng maynila,ang south of manila ay ibaba ng maynila.kaya ang isang tao na nasa south of manila ay masasabing nasa ibaba ng maynila.samantala ang north manila ,south manila ay matatawag na hilagang maynila at timug maynila.'Dan magen elliseo'

"Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya"

baguhin

Wala pa kami nito sa Bikol Wikipedia. Paano ito ilalagay? --Filipinayzd 05:53, 12 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

MediaWiki:Tagline Felipe Aira 10:16, 12 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Nailagay ko [1] na pero hindi lumalabas. --Filipinayzd 11:55, 12 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Medyo matagal bago lumabas iyan. Ganyan rin ang nangyari dito sa Tagalog na Wikipedia. Marahil hindi pa bago (updated) ang software ng bcl. --Jojit (usapan) 03:05, 14 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Mayroon pong IP na pinalitan ang Selula ng Sihay sa Agham. Hindi ko po matiyak kung ano ang totoong ibig sabihin ng sihay gamit ang Google. Naalala ko po na ang sperm cell ay tinatawag na sihay punlay pero hindi ko po alam kung ito ang ginagamit sa lahat ng selula sa katawan. Maaari niyo po bang hanapin ang kahulugan nito sa inyong mga diksyonaryo? Salamat po.--Lenticel (usapan) 03:01, 15 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Wala pong sihay sa Padre English. - AnakngAraw 03:19, 15 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Kinasela ko muna yung pagbabago. Saka na lang natin ibalik pag meron nang sanggunian na sumusuporta dito--Lenticel (usapan) 03:32, 15 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Salamat din po. Tiningnan ko nga rin duon sa ibang diksyonaryo sa WP:Salin, pero wala talaga kahit sa matatandang mga diksyonaryo. Mabuhay! - AnakngAraw 03:34, 15 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Yung mga Tagalog sa probinsya, baka alam nila. --Filipinayzd 06:37, 15 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Ngayon ko lang narinig iyang salitang iyan. (Tagakabite mula sa Batanggas) Felipe Aira 07:29, 15 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Yaong mga matatanda. Karamihan na kasi sa mga bagong salinglahi ay wikang Manila na ang ginagamit. Normal naman yun dahil maging sa ibang panig ng bansa, mas pinipili ang wikang "dominante". Siguro, we should think Tagalog (ika nga sa paggamit ng wikang English). --Filipinayzd 10:00, 26 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Ang "sihay" ay nangangahulugang "cell" ayon sa paggamit nila sa Pamantasan ng Hannover (nakakagulat na gumagamit ng ganitong kalalim na salita ang isang banyagang pamantasan), Isang komento kung gaano kakaunti ang mga Tagalog na nakakaalam na ang "sihay" ay cell, Puristang blog sa friendster at Isang talastas ukol sa condom. Felipe Aira 12:33, 16 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Galing! Hindi siguro dahilan ang paggiging kaunti ng nakakaalam ng isang salita para hindi ito gamitin. Yung hindi mga Tagalog at/o hindi mga unang mananalita ng Tagalog nga ay ginagamit ito ayon sa nabanggit. May bias tayo (ethnically Tagalog man na taga-labas ng Maynila pero diyalektong Tagalog Manileño, na isang wika ayon sa batas?, ang unang wika, o di-Tagalog subalit yung Tagalog Manileño ang alam na Tagalog) na gamitin ang "popular" na wikang ginagamit sa Manila, kontra sa di popular subalit awtentikong di-Manileñong Tagalog (na kalimitang binibigyang markang/label na "purista"?). --Filipinayzd 14:48, 16 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Gawin na lang itong pagkarga, kung maaari. Tandaan: kahit kung maganda na pinapakilala natin ang mga salitang 'di karaniwan, kailangan natin ring intindihin na ang ating mga tendensiyang maging "purista" ay dapat ginagawa sa pragmatikong pamamaraan. Kailangan na in touch pa rin ang Wikipedia sa masa, kahit kung ang masa ay walang kaalam-alam sa kahulugan ng "sihay". --Sky Harbor (usapan) 16:00, 16 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Pwede namang ipaliwanang sa artikulo iyan. --Filipinayzd 16:21, 16 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Sumasang-ayon po ako kay Filipinayzd. Ano pong balak niyong ipamagat sa artikulong cell kung hindi "sihay"? Felipe Aira 13:22, 17 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Natural naman na ilagay ang "sihay" sa artikulo. Gawin na rin itong pagkarga upang maikarga ito sa "selula". Kung wala pa, gumawa ng artikulo. Pero tandaan: mas karaniwan ang "selula" na hiniram sa Espanyol. --Sky Harbor (usapan) 13:26, 17 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Maaaring gamitin ng mga Pilipinong Wikipedia ang selula lalo na't kung wala ang mga ito ng katutubong salita para dito. Sa Wikipedia na ito, mangyari sanang higit na pipiliin ang katutubo kung mayroon man (bagamat kakaunti ang nakauunawa nito dahil nga higit na pinipili ang kilalang isinakatutubong katumbas sa banyagang wika) at kung kinakailanga'y mag-ungkat sa baul. hehe --Filipinayzd 14:48, 17 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

hindi ba ito ang salitang suhay? kapag ginamit ay- ang biblia ang suhay ng katotohanan!kung siya nga ito ay malapit sa salitang foundation o haligi o patibayan!marahil nagkamali ang dayuhan sa paggamit ng wastong salita.'Dan magen elliseo'

(balik indent) palagay ko po ay mas mabuting "selula" po ang gamitin natin bilang titulo at ilagay ang sihay bilang redirect na may kasamang sanggunian kung bakit sihay ang tawag dito. Kasi po mas madali nating maisasalin ang mga salitang cellular o kaya Extracellular matrix. Maaaring tama si Dan sa etimolohiya na ang salita ay galing sa isang bahagi ng bahay. Maalala niyo na ang cell ay nagsimula sa salitang Latin na cellula na ibig sabihin ay "maliit na silid"--Lenticel (usapan) 01:53, 24 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Selula po ang cell sa diksyunaryong Padre English, kaya maaari nga pong gamiting pamagat ng pahina/lathalain. Samantalang ang suhay ay support, brace, prop; na ginagamit para hindi bumagsak ang isang mahinang kayarian. - AnakngAraw 02:12, 24 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Betawiki update

baguhin

Kasalukuyang pangyayari

baguhin

Tanong lang: ano ang naging batayan sa kasalukuyang pormat ng mga kasalukuyang pangyayari? Parang naging soapbox o bulletin board ng mga punong pamagat ng mga pahayagan ito. --Sky Harbor (usapan) 09:52, 24 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Dagdag tanong: ano na rin po ba ang katayuan ng Wikibalita? Salamat po. - AnakngAraw 18:15, 25 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
pending. Pangunahing dahilan: kakulangan ng pamayanan doon sa Incubator (kailangan kasi bago maaprubahan, mayroong masugid na pamayanan doon ng mga nagsusulat ng balita). Ikalawa: hindi pa naisasalin ang tekstong Ingles sa Tagalog (interface). (ngunit maaari ring maaprubahan kahit wala nito, mas madali nga lang kung magawa ito) Felipe Aira 01:27, 26 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Sana nga po para doon na tayo makakuha ng "sariling" balita. Salamat po. Tagal naman... (biro lang po) - 01:40, 26 Oktubre 2008 (UTC)

Pagsasalin ng ngalan-espasyo

baguhin

Noong nagtingin ako sa talaan ng mga huling binago, nakita ko na nagbago ang ngalan-espasyong tumutukoy sa kategorya. Sino ang nagbago nito mula "kategorya" sa "kaurian"? Hindi pa naman ito nakakuha ng consensus. (N.B.: Ibinalik na ito sa "kategorya" sa Betawiki) --Sky Harbor (usapan) 13:56, 28 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Wikipedia:Kapihan/Sinupan_15#Puna Felipe Aira 05:43, 31 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Ano na ba talaga ang gagamitin. Nakakalito na: biglang lilitaw kaurian tapos mukhang babalik na naman sa kategorya. Nasasanay na ako sa totoo lang (pagkatapos masanay sa kategorya) sa kaurian ngayon. Para sa kaalaman, dahil sa nakita ko sa Beta na sabi wala sa diksyunaryo ang kaurian. Pero ang kaurian ay nasa diksyunaryong James English (Tagalog English), pahina 1545. - AnakngAraw 02:33, 8 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Sisimulan na po ba ni User:AiraBot ang pagbabago ng mga kawing sa mga kaurian? (Kategorya:blah at Category:blah, gagawing Kaurian:blah) Felipe Aira 07:18, 9 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Sisimulan na ang pagsasalin ng mga kawing (User: -> Tagagamit:; atbp) sa lahat ng pahina. Felipe Aira 07:45, 9 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Dapat na talagang simulan iyan, sa aking pananaw. Maging sa Beta, na ang kategorya ay dapat na kaurian na nga. Salamat po sa iyo at kay Airabot. - AnakngAraw 09:52, 9 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Pagtatama: Ngayon ko lamang sisimulan. Paumanhin at hindi na ako masyadong nagbabago ng mga pahina. Felipe Aira 11:17, 13 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Paghalal ng burokrata

baguhin

Isa akong burokrata dito sa Tagalog na Wikipedia dahil lamang sa ako ang nagpasimuno ng proyektong ito. Ginawad ko rin ang pagiging burokrata kay bluemask noong 2005 pa. Ngayon, alam naman ninyo na hindi ako aktibo dito at mas pinili kong tumulong sa Ingles na Wikipedia. Si bluemask ang mas aktibo dito. Pero, baka gusto ninyong maghalal ng isa pang burokrato mula sa mga tagapangasiwa para may isa pa. Ang kayang gawin ng burokrata na hindi kaya ng tagapangasiwa ay ang gumawad ng pagiging-tagapangasiwa/burokrata sa isang tagagamit, ilagay ang "bot flag" sa isang tagagamit, at magpalit ng pangalan ng tagagamit. :-) --seav 00:23, 29 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Kailangan pa ba natin muna ng isa pang burukrata? Ang antas ng aktibidad dito ay hindi gaanong mataas tulad ng sa English Wikipedia. Ngunit, kung sinang-ayunan ng pamayanan na kailangan nating mag-halal ng isa pang burukrata, suportado ako. --Sky Harbor (usapan) 00:49, 29 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Pakiisipin po ang hinaharap. Maaaring hindi talaga kasingsigla ng Ingles na Wikipedia ito pero mas masigla naman po kesa nakalipas. Sang-ayon akong magkaroon pa ng dagdag na burokrata, hindi lamang isa sa aking pakiwari. Para kung wala ang isa, nariyan pa ang ilang makasasalo, para sa mabilis na paggalaw dito. - AnakngAraw 02:33, 29 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Palagay ko po ay dapat mayroon pa tayong isa pang aktibong burokrata. Mas mabuti kung mas maraming matang nakatutok sa pagpapalago ng Wikipedya.--Lenticel (usapan) 02:43, 29 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Tandaan na ang burukrata ay hindi parang tagapangasiwa. Hindi maaari na lahat ng mga tagapangasiwa ay maging burukrata. Kasi tingnan natin ang precedent dito: lahat ng mga pinaka-aktibong tagagamit dito, maliban sa ilan, ay tagapangasiwa na. Hindi natin mai-aaplay ang konsepto o precedent na iyon sa paghalal ng burukrata. Kailangan natin maging prudente sa pag-nomina at paghalal sa ating mga "katiwala" na kuwalipikado sa opisina o kapasidad na iyon. Tingnan natin ang Wikipedia:Guide to requests for adminship bilang isang gabay ukol dito. Pero tulad ng sinabi ko kanina, sang-ayon ako sa pagkaroon ng halalan para sa burukrata. --Sky Harbor (usapan) 03:53, 29 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]
Ibig ko lang sanang iparating sa Pamayanan na kasalukuyan kong tinatanong si Sky Harbor kung ibig niyang maiharap para mahalal bilang karagdagang Burokrata sa Wikipediang ito. Sa aking paniniwala, siya ang mainam na mabigyan ng gampaning ito. Salamat po. - AnakngAraw 00:11, 12 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Baka mayroong may bot diyan na ibig maglipat ng mga may salin nang mga Estado ng Estados Unidos. Makakatulong ng husto dahil marami. Pakisama lamang ang mga kaurian at anumang suleras na mayroon. Isang halimbawa ang California na dapat nang maging Kaliporniya (Mga lungsod sa Kaliporniya at Kaurian:Mga county ng California). Salamat. - AnakngAraw 18:51, 7 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Anak ng araw narito ang ilan ng salin ko sa mga estados ng amerika.Ang estado ay ginawa kong kalakhang bayan at ang county ay lawigan.ang salin ko sa los estados unidos de amerika ay Kaisahan ng mga kalakhang bayan sa Amerika.Ang capital city ay Kalunsuran,Ang north ay hilaga,ang south ay timog.Ang mga pangalan ng kalakhang bayan ay siya rin kaya lang ay nabago ang pagbaybay nito,may ilan na pangalan ay tinagalog dahil may katumbas naman.Narito ang tala ng mga kalakhang bayan ng amerika na may kasunod na kalunsuran nito.1.) alaska- yuneab 2.)Baltimor-wasintong 3.)Delawer-Dob-her 4.)Piladelpiya-trenton 5.)Konektikut-harpor 6.)Vermont-Borlenton 7.)Baghamespar(new hamspire)-konkor 8.)Masatyuts-boston 9.)Bagyorka(new york)-Albani 10.)Pensilbaniya-Harisbor 11.)Ohayo-kolumbus 12.)elinuy-ispiripil(springfield) 13.)Biryiniya kanluran-karlus(charles)14.)Birhiniya-Ritsmon 15.)Hilagang karolina-raley 16.)Timog karolina-kolumbiya 17.)geyorgiya-atlanta 18.)Polorida-talahasi 19.)Albama-montgomeri 20.)Tenesi-nasvil 21.) Kentaki-Paranpor 22.)wiskonsin-milwaki 23.) Indiyana-indiyanapolis 24.)Mit shigan-lansing 25.)minesota-Banpawlo (San paulo) 26.)Nebraska-linkon 27.)Iyowa-Des mo ines 28.)Misuri-banluis(san luis) 29.)Misisipi-Yakson 30.)arkansas-Muntibat(littlerock) 31.)Luwisiyana-Batonruh 32.)teksas- Ostin 33.) Oklahoma-oklahoma 34.)kansas-kansas 35.) Timug Dakuta- Pi-ehr 36.)Hilagang Dakuta- Yameston 37.) Wayoming-zeyin 38.) kulayrado(colorado)-denber 39.) Bagong meksiko-Banafe(santa fe) 40.)Arisona-piniks 41.)yutah- Alatlawa(salt lake) 42.) Idaho- Bo-ihs 43.)Montana- helena 44.)Nebada- karson 45.)kaliporniya-sakramento 46.)Oregon-salem 47.) Wasintong-olimpiya 48.) Hawa-ih-honolulu * Dan magen elliseo 13:25, 14 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Pakikonsulta po ang tala sa Usapan:Estado ng Estados Unidos. May sanggunian po ba ang iyong mga salin? --Sky Harbor (usapan) 15:04, 14 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Saan niyo naman po nakuha ang mga ito? Maaari lamang po natin itong magamit sa mga pahinang wiki kung ito ay 1) Mga opsiyal na salin o 2) Salin ng isang mapagkakatiwalaang surian. Kung gawa-gawa lang po ninyo ito, hindi ito magagamit hanggang hindi pa marami ang mga taong gumagamit ng mga salin ninyo kung gawa niyo man ito. Felipe Aira 10:02, 16 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Wikipedista ng Taon

baguhin

Malapit nang magbagong-taon, siguro kailangan natin ng ganitong patimpalak sa pinakamasugid nating Wikipedista. Sino ba iyon? Si AnakngAraw! Sa tingin niyo, dapat ba natin siyang bigyan nito? Felipe Aira 04:43, 8 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Sang-ayon ako dyan. Talagang marami siyang naitutulong sa Wiking ito kahit man sabihin niya na siya ay busy sa tunay na buhay (ayon sa kaniang usapan), marami parin siyang nai-aambag. Paano pa kaya kapag hindi siya busy, eh di ang dami pa niyang nai-ambag. Talang siya ay suportang-suporta dito. Estudyante (Usapan) 13:19, 17 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Pakisilip naman at magbigay-puna. Felipe Aira 10:55, 18 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Alam niyo po ba kung paano natin ito maiiaangkat mula sa Ingles na Wikipedia? Mainam po itong gamitin sa paglalagay ng mga sanggunian ayon sa template:cite web etc.. Ipapaalam ko rin po ito sa may-akdasa Ingles na wikipedia.--Lenticel (usapan) 01:48, 21 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Pinaalam ko na rin ito sa may-akda (The author has been notified about this thread).--Lenticel (usapan) 01:52, 21 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Malayang Larawan

baguhin

Magandang araw. Nababatid kong mayroon na ngang awtomatikong lumilitaw na "kandidato para sa mabilisang pagbura" ang mga malalayang larawan katulad ng sa Talaksan:Ortigas Tonight.jpg. Alam kong ayon ito sa isang dating usapin hinggil sa bagay na ito. Pero, mas mainam siguro na awtomatiko/kusa rin ang paglitaw ng {{ilipat-sa-commons}} (kasama ng markang "kandidato para sa mabilisang pagbura") para hindi magtataka ang nagkargang tagagamit kung bakit iminumungkahing burahin ang larawan. Para rin hindi sila malito bagaman malaya ang kanilang mga larawang ikinakarga. - AnakngAraw 19:11, 22 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Marahil dapat palitan ang pariralang "kandidato para sa mabilisang pagbura" ng mas matukoy na "kandidato para sa mabilisang pagbura para mailipat sa Commons". At dapat sigurong kulay dilaw hindi rosas ang kinalalagyan nitong kahon para sumagisag sa katagang paki. - AnakngAraw 19:45, 23 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Inalis ko na lang mismo. Tapos pinaalam kong awtomatiko itong ginagawa ng aking bot upang hindi na magpakapagod ang ibang gumagawa nito nang manwal. Felipe Aira 09:52, 24 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

PhilWiki Chat 7

baguhin
Araw
Nobyembre 30, 2008 (Linggo)
Oras
7:00 ng gabi hanggang 12:00 ng madaling araw (1100-1600 UTC)
Paraan ng komunikasyon
Yahoo Messenger

Kung mayroong tanong, ibahagi ang inyong mensahe. --Exec8 13:23, 23 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Iragdag niyo ako kung hangad niyong sumali. felipe_aira@yahoo.com.ph Felipe Aira 11:31, 30 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Tapos na ba? - AnakngAraw 17:40, 30 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Wala pong nangyari. Wala kasi ang mga pangunahing tao. Felipe Aira 01:36, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Tuloy pala. Tingnan mo na lang ang Tambayan. Felipe Aira 01:39, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Magandang araw. Inumpisahan ko ito, basahin po sana. Hinihikayat pong magdagdag o magbago ang lahat. Salamat po. - AnakngAraw 19:39, 23 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Okay naman po. nilagyan ko lang ng "Tignan din" na seksyon para sa mga katulad na opisyal na patakaran.--Lenticel (usapan) 00:09, 24 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Inspirasyon para sa ating lahat

baguhin

Basahin po sana ito upang maging pampasigla nating lahat: m:Gabay para sa maliliit at bagong mga Wikipedia. - AnakngAraw 19:41, 23 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

StarStruck atbp.

baguhin

Marami po akong nakikitang mga artikulo ng mga kalahok na may iisang pangungusap lamang. Meron po sana akong mungkahi upang mabawasan ang mga ito. Hindi po ako palaging nandirito sa tl Wiki kaya sana'y tulungan ninyo ako.

  1. Tignan ang listahan ng mga kalahok sa mga patimpalak
  2. Hanapin sa Google kung mayroon silang katanyagan sa labas ng patimpalak na pinangalingan nila (sariling album, sariling pagtatanghal etc.). Kung meron ay palawakin ang artikulo. Silipin din ang WP:ONEEVENT
  3. Kung walang katanyagan sa labas ng patimpalak ay ikarga na lang ito sa patimpalak na tumutukoy dito. Tanggalin ang kawing sa loob ng artikulo ng patimpalak dahil ang sariling pagkarga ay hindi kagustuhan ng pamayanan ng Wikipedia. Silipin din Undesirable redirects.--Lenticel (usapan) 00:04, 26 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

May poblema ata, ayaw nitong magpakita sa WP:BURA.--Lenticel (usapan) 01:00, 28 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Napalitaw na doon.  Y Tapos na. - AnakngAraw 02:56, 28 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Google Translator

baguhin

Nais mo bang isalin ang isang salita / website mula sa Ingles sa Tagalog o Tagalog sa Ingles?

bisitahin http://translate.google.com.ph/translate_t#en%7Ctl%7C

Nakakaloka, Isn't it? --Exec8 05:25, 30 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Maganda ito, pero medyo barok pa nang subukan kong gamitin. Pero mainam dahil may kasangkapan (feature) kung saan makapagmumungkahi ng mas mainam na salinwika, na magagamit nila para painanim ang programa. - AnakngAraw 06:25, 30 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Antas ng kapuristahan

baguhin

Sa anong antas na ba ang Wikipedia sa kapuristahan ng wikang gamit nito, at sa anong antas ba ng kapuristahan ang dapat maging batayan sa lahat ng ambag dito? Hindi pa naiguguhit ang mabisang linya na naghihiwalay ng Tagalog sa Filipino ngunit hinahati na ito ng ilan batay lamang sa bokabularyo. Batay sa aking tingin sa isyu na ito, may apat na uri ng tagagamit dito sa Tagalog Wikipedia:

  • Mga "purista" o maka-Tagalog, kung saan ang gamit nilang wika ay Tagalog lamang, hanggang sa puntong ginagamit nila ang mga neolohismo o "puristang salita" na 'di pa tinatanggap ng sambayanan (hal. sipnayan kaysa sa matematika, dagitab kaysa sa elektrisidad)
  • Mga "progresibo" o maka-Filipino, kung saan ang gamit nilang wika ay maaaring ituring na Tagalog o Filipino batay sa pananaw ng tagagamit dahil lamang ang bokabularyong nilang gamit ay maka-salitang hiram o 'di maka-Tagalog (hal. selula kaysa sa sihay, arkibo kaysa sa sinupan)
  • Mga maka-Taglish, kung saan ang gamit nilang wika at Taglish o Englog, at 'di ang Filipino o Tagalog, na may batay o walang batay sa tuntuning "humiram nang walang pagbabago" ng Ortograpiya ng Wikang Filipino (hal. computer kaysa sa kompyuter, airport kaysa sa paliparan)
  • Mga neutro o walang pakialam o opinyon sa wikang gamit ng Tagalog Wikipedia

Hindi man tayo ang Komisyon sa Wikang Filipino, ngunit importante at mahalaga para sa ikabubuti ng pamayanan, ng kalidad ng Wikipedia at, higit sa lahat, ng mga mambabasa nito, na dapat may malinaw at depinitibong pamantayan sa wikang gamit natin dito. Tandaan natin na ang Wikipedia ay hindi lamang para sa mga taga-ambag nito, kundi para sa 90+ milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa na makakakuha ng benepisyo sa kaalamang pantao kapag sila ay bumasa ng nilalaman nito. --Sky Harbor (usapan) 06:43, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Sa akin, higit na mabuti kung pipiliin ang mga katutubong salita kaysa sa mga banyagaing salitang ginawa ng KWF, kagaya ng pagpili nila ngayon ng ispeling kaysa sa "pagbaybay" sa mga aklat ng balarila. Tandaan din nating ang atin ding layunin ay ang pagsusulat ng mga artikulo sa Tagalog na dapat namang manguna. Kung hangad talaga nating makapagsulat para sa buong mundo, halina't iwanan na natin ang Wikipediang ito, at anyayahan ang mga nagsusulat sa Esperanto at Lating walang nakauunawa at magsulat tayong lahat sa Ingles at Mandarin. Felipe Aira 07:02, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Kumakatawan na ang WP:Salin para sa aking sriling pananaw hinggil dito. Buod nito: Tagalugin... Magtagalog. - AnakngAraw 07:20, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Kahit man kung suportado ako sa WP:SALIN at ninanais nating magkaroon ng bagong pamantayang na mas bukas kaysa sa kasalukuyang pamantayan, sa anong antas ba nating maituturing na ang isang salita ay mas "Tagalog" kaysa sa iba? Maituturing ba na ang sipnayan, na inimbento ng mga purista, ay mas Tagalog kaysa sa matematika, na naging bahagi na ng leksikon sa mahabang panahon? Kahit kung ipinapabalik natin ang mga lumang salita na hindi karaniwang ginagamit para sa karaniwang bagay (tulad ng suleras para sa "template" at tipaan o teklado para sa "keyboard"), hindi nating responsabilidad na gamitin muli ang mga salitang 'di tanggap ng sambayanan, lalo na ang mga inimbentong salita (tulad ng sipnayan o hatinig) o salitang nagpaiba ng kahulugan (tulad ng dagitab), kundi ipahayag lamang ito sa mga artikulo. Kung nais nilang gamitin, maaari nilang gamitin, ngunit hindi isang gabay ang Wikipedia sa wastong paggamit ng mga salita. --Sky Harbor (usapan) 09:16, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Hindi ako ganap na sang-ayon sa huli mong pangungusap dahil sa isang ensiklopedya katulad ng Wikipedia, ang tungkulin ng mga patnugot ay magtama ng paggamit ng mga salita at pananalita. Walang saysay kung bakit meron pang Wikipedista kung walang pagtatamang gagawin. Pero, kung ibig mo/nating magkaroon ng solusyon hinggil sa suliranin ng pagkapurista, iminumungkahi kong gamitin nating pamantayan ang nilalaman ng mga diksyunaryong pinamagatang Tagalog o Filipino o Pilipino. Ibig kong sabihin, kapag nasa mga pahina ng mga diksyunaryong ito, ituring na Tagalog na iyon dahil nauunawaan naman ng lahat, tuldok (period), at dapat na tanggapin na lamang. Kung sa tingin natin ay hindi mauunawaan ang salita, ipaliwanag sa teksto o mas mainam na huwag kalimutang may kawing papunta sa isang pahinang tungkol sa salita iyon (dito sa Wikipedia o sa Wiktionary). Sa teksto, lahat ng bersyon - inimbento man (basta may sanggunian) o hindi - maaaring banggitin o gamitin. Kung walang sanggunian nilalagyan naman ng "pananangguni'y kailangan" di ba. Kung wala talagang makitang sanggunian, maaaring alisin ang salita at gawing panuto o redirect para nakapaloob pa rin sa Wikipedia. - AnakngAraw 19:09, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Kung nais ninyo rin naman: maaari rin tayo, bilang dagdag, na gumawa ng kauriang panglathalain. Tulad ng: Kaurian: Lathalaing nasusulat sa estilo ng Wikang Tagalog, at Kaurian: Lathalaing nasusulat sa estilo ng Wikang Filipino (kung gusto ninyo meron ding Kaurian: Lathalaing nasusulat sa estilong Taglish o Englog; pero maituturing na rin itong Filipino dahil kaugnay na ito ng estilo sa pagsusulat). Maaari tayong gumawa ng pahina kung paano maipapangkat ang mga lathalain sa ganitong mga kaurian. Maisasama natin ang mga nabanggit na mga uri ng tagagamit ni Sky Harbor na nasa itaas. - AnakngAraw 19:24, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Pero maaari ring magkaroon nga ng Kaurian: Lathalaing nasusulat sa estilong Taglish o Englog. Kung ganito ang lathalain, dapat may awtomatiko o kusang lilitaw na tanda na magsasabing "Nasusulat ang lathalaing ito sa estilong Taglish o English. Tumulong sa pagtatagalog o pagsasa-Filipino nito. Makakapili na ang Wikipedista (o mas malamang ang Tagapangasiwa) kung ibig niyang Tagalugin o gawing Filipino ang lathalain. Pagkaraan ng paguuri, maaari nang matatakan ng Kaurian: Lathalaing nasusulat sa estilo ng Wikang Tagalog o kaya Kaurian: Lathalaing nasusulat sa estilo ng Wikang Filipino ang lathalain. Kapag naitalaga na ang kaurian, hindi na dapat gawing Filipino ang nasa estilong Tagalog o kabaligtaran (vice versa). Kung ang naitalagang wika o estilo, iyon ang dapat gamiting batayan sa pagpapaunlad ng lathalain. - AnakngAraw 23:05, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Nagsaliksik ako sa internet ng ilang mga halimbawa, para makatulong sa ating pagpapasya. Narito ang ilang panitikang nakuha ko na tinuturing na Wikang Tagalog sa labas ng Pilipinas:
Isang paghahalintulad ang nasaad ko sa itaas sa gawing ginagawa sa Ingles na Wikipedia, na gumagamit ng Ingles Amerikano at Ingles Britaniko, katulad ng napanggit dati ni Bluemask. Iyon nga lang dito sa atin, magkakaroon ng pormal na kaurian. - AnakngAraw 00:48, 2 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Wikipediang Tagalog

baguhin

Ngayon, kaugnay ng nasa itaas na usapin. Maaari sigurong ungkatin ang katawagan sa Wikipediang ito. Isa ako sa mga hindi makapapayag na ibahin ang pangalan ng Tagalog Wikipedia, dahil hindi dapat mawalan ng Wikipedia ang wikang Tagalog, dahil mayroong wikipedia ang iba pang wikang mula sa Pilipinas. Dapat manatili iyon, pero dahil sa kasalukuyang kalagayan ng pagkakaroon ng maraming mga diksyunaryong may pangalang Tagalog, Filipino, at Pilipino na itinuturing na iisa lamang ng karamihan (at ng Wikimedia), dapat na sigurong ituring na dito rin sa Wikipediang ito makapag-aambag ang mga gumagamit ng Filipino at Pilipino. Kaya't marahil dapat na sa ilalim ng pamagat sa unang pahinang Tagalog Wikipedia ay nakalagay na rin ang "(Wikang Filipino)." Maaari nating gawin ito dahil, tulad nga ng sinabi ni Sky Harbor, hindi naman tayo ang Komisyon ng Wikang Filipino. Kung gusto naman ninyo Wikang Filipino ang pamagat at nasa ilalim ang "(Tagalog Wikipedia/Pilipino Wikipedia)". Sinasabi ko ito kasi mukhang mahirap na magkaroon pa ng kahiwalay na Wikipedia ang Filipino dahil sa pagkakatulad ng malaking bahagdan sa Tagalog. - AnakngAraw 19:17, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

O kaya: Tagalog Wikipedia, na mayroon sa ilalim na "(at Filipino Wikipedia)" o "(at Filipino/Pilipino Wikipedia)". - AnakngAraw 23:12, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ilang dahilan kung bakit nasabi ko ang mga nasa itaas:
  • Una, sa tingin ko dapat tayong maging independiyente at hindi sumangkot sa alitang pangwika
  • Pangalawa, kung tatangkilikin tayo ng Komisyon sa Wikang Filipino sa hinaharap, dapat maipakita nating may pagkakaisa tayo sa layunin ng wika at Wikipedia dito. - AnakngAraw 23:30, 1 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Tumututol ako sa dahilang lilituhin lamang nito ang mga baguhan sa pag-aakalang iisa lamang ang wikang Tagalog at Filipino. Bagaman ang pagkakaiba sa dalawa ay hindi agarang makikita, maliban na lamang kung ginamit ng isang tao ay "Nagsabmit kami ng mga papeles ng aming titser sa opisina ng prinsipal habang kami ay kumakain ng keyk sa aming psychology class.", tumututol pa rin ako. 'di bale na rin naman mayroon din namang ilang pagkakataon kung saan ipinapatupad natin ang malafilipinong pananalita sa ating pagsasatagalog ng mga hindi talaga maisaling salitang banyaga hanggang doon na lamang sana iyon at hindi naman humantong sa karaniwang Filipinong kaugaliang panghihiram bagaman mayroon namang katumbas na katutubo. At doon tayo hahantong kung ipapatupad natin iyan. Felipe Aira 10:05, 2 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ngunit sa balarila (ang katanginang naghihiwalay sa mga wika), nagkakaisa man ang Filipino at Tagalog. Ano ba naman talaga ang pagkakaiba ng isa sa isa? --Sky Harbor (usapan) 12:45, 2 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ayon sa batas (Resolusyon blg. 92-1), ang Tagalog at Filipino ay ni magkaiba ni magkatulad. Walang malinaw na posisyon o depinisyon ang KWF.
Gayumpaman, ayon sa taumbayan, ang Tagalog at Filipino ay iisa, kahit ano pa ang sabihin ng mga intelektwal. --Pare Mo 04:15, 21 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

hindi ninyo namang kailangang pawiin o palitan ang pamagat na TAGALOG sa Tagalog Wikipedia.Upang mabawasan ang kalituhan sa pagpili ng matibay na pamagat nito,marahil lagyan ninyo na lang ng kaurian ang antas ng salitang tagalog nito na nababatay din sa pinagmulan ng paksa o artikulo na nakasulat dito.Halimbawa, habang naitatag sa katawagang Tagalog wikipedia ang Talaan ng kaalamang ito(ensayklopedya), maaring magkaroon ng kaurian o kategorya ang mga paksa nito.Mayroong matatawag na 1. Tinagalog Wikipedia (mga paksang isinalin mula sa ingles wikipedia at sa iba pa/ ang tagalog nito ay maaring taglish, payak at abot sa kaalaman ng mga pilipino maging mula pa sa ibang etnikos sa bansa)2.Mayroong ding Mananagalog Wikipedia ( Ang mga paksa nito ay direktang nagmula sa kasaysayan at katangian ng mga tao sa pilipinas/Ang antas ng tagalog nito ay bahagyang mataas kaysa sa mga salita sa Tinagalog Wikipedia dahil nagmula sa mananagalog ng katagalugan ang nagsisipag ambag dito. 3. Ang pinakamataas na kaurian ay maaring tawaging Dinalisay Tagalog Wikipedia (Ang mga paksa nito ay nagmula kapwa sa nabanggit na 2 naunang kaurian ng tagalog wikipedia (ang tinagalog at mananagalog)kaya lamang ito ay isinulat sa dinalisay na tagalog na ang antas ay higit na malinaw basahin at unawain ng may mataas na kaalaman sa wikang tagalog.Dan magen elliseo

Bilang kaugnayan ng dalawang naunang mga seksyon sa itaas, narito ang balangkas ng Wikipedia:Pamantayang pangwika. Pakisuri, magbago, magdagdag, magmungkahi, o anuman. Ginawa ko ang balangkas na pahina para mas makita natin ang dapat maging nilalaman nito. Salamat sa inyo. - AnakngAraw 23:04, 3 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Magaling talaga. Felipe Aira 11:17, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Magandang kompromiso ito sa maraming isyu ng pamantayang wika dito, ngunit kailangan pa natin ayusin ang isyu ng mga hiram na salita mula sa ibang katutubong wika ng Pilipinas (hal. kalaniyog) at kung mga salitang ito ay "Tagalog" o "mas Tagalog". --Sky Harbor (usapan) 12:12, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Hinggil diyan, pakibasa ang kalalagay ko lang na seksyong: Paano kung hiram ngunit isang katutubong salitang Pilipino?. Pakisuri din, magbago, magdagdag, o anuman. Salamat. - AnakngAraw 14:34, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
baguhin

Malayo na ang narating ng Wikipedyang ito. Dati-rati 'di pa tinatanggap ang mga katutubong baybay samantalang ngayon ito na ang normal (bagaman wala pa ring pinagkakasunduang pamantayang baybay ang Tagalog sa pangkalahatan).

Gayumpaman, naniniwala ako na dapat ibalik ang Suriang Cervantes sa Maynila at Lipunang Dante Alighieri sa Maynila sa kanilang mga naunang pamagat sa Kastila at Italyano. 'Di tulad ng mga pangalan ng mga bansa (o ng iilang lungsod), hindi dapat isinasa-Tagalog ang pangalan ng mga di-istorikong pribado o publikong entidad. Dagdag pa roon, sa kaso ng Instituto Cervantes at Società Dante Alighieri, na 'di lamang sa Kamaynilaan mahahanap ang mga ito.

Kaunting moderasyon lang. Sang-ayon ako na, sa mga artikulo, nararapat gamitin ang pinakadalisay na Tagalog kung maaari (basta 'wag lang pipilitin). Pero sana 'wag naman na pati ang pangalan ng mga legal na entidad na hindi mga heograpikong lugar ay ita-Tagalog din. --Pare Mo 05:36, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Pinaiksi na ang mga pamagat ng pahina: naging Suriang Cervantes at Lipunang Dante Alighieri para mas malawak ang sakop. Inayos din ang pambungad ng mga pahina. - AnakngAraw 09:10, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Kung tutuusin, isinalin rin ang pangalan ng entidad sa ibang mga Wikipedia. Halimbawa, ang Suriang Cervantes ay ang Institutul Cervantes sa Rumano. Pero, kung tutuusin rin, walang konsistensi ito sa ibang mga Wikipedia (tulad ng British Council). --Sky Harbor (usapan) 09:31, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
AnakngAraw: Salamat. May binago na rin ako sa mga kaurain para mas maipakita na pandaigdigan ang mga kapisanang ito.
Sky Harbor: Sa bagay. Ito lang ang alala ko: Paano naman ang mga similar na entidad tulad ng Deutsche Bank, Nestlé, atbp., na maaari ring isalin ang mga pangalan sa Tagalog? --Pare Mo 03:05, 6 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ang precedent dito ay kapag isinalin ng mayoridad ng mga Wikipedia, isasalin ito. Hindi isinasalin ang mga pangalan ng kompanya hanggang may opisyal na salin ito sa Tagalog (tulad ng NAPOCOR -> Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad). --Sky Harbor (usapan) 16:14, 6 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Dagdag (singit na) kumento lang: Sa kasong ng Deutsche Bank, kung ako ang magsasalin, magiging Bangkong Deutsche ito dahil ang Deutsche ay tatak na pagkakakilanlan ng kumpanya. Pero kapag isinulat ko ang artikulo, magiging ganito ang bungad "Ang Bankong Deutsche (Ingles: Deutsche Bank, literal na "Bangkong Aleman") ay..." Pero, sa kaso ng Nestlé, mananatiling Nestlé pa rin. - AnakngAraw 17:18, 6 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Sa mga pangalang pang-kompanya lamang ko sinusunod ang 1987/2008 Ortograpiya, kung saan pinapanatili ang pangalan ng isang kompanya o korporasyon. Samakatuwid, kapag ito ay may opisyal na pangalan sa Tagalog/Filipino, iyon ang dapat gamitin. --Sky Harbor (usapan)
Kung may opisyal na salin, sang-ayon ako siyempre. Pero pag walang opisyal o wala pa, sa salin muna natin. - AnakngAraw 00:44, 8 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
(Magko-komento ako sa Ingles para mas may epekto) Tagalog is not Icelandic, where everything must be translated according to purist principles. Even Icelandic does not translate business names. Even more so is Tagalog nowhere near Japanese, Chinese or Korean, where everything, regardless of what it is, is translated. --Sky Harbor (usapan) 01:04, 8 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Pasensiya ka na kung medyo natangay ka ng isiningit kong komento sa itaas, pero kaya nga may pariralang kung ako ang magsasalin, na ang ibig sabihin ay sa pansarili kong pananaw lamang. Pero sa tingin ko nasolusyonan na natin dati ang isyung ito sa WP:Salin#Opisyal na mga pangalan o salin, pero ginawa kong mas malinaw ngayon, na naging Kung sa ibang wika lamang may opisyal na pangalan ang paksa, ito ang gamitin bilang pamagat ng pahina o lathalain. Ilagay din ito sa pambungad ng teksto na sinusundan ng katumbas sa Tagalog o salin sa Tagalog. Kung kapwa may opisyal na pangalan sa Tagalog at dayuhang wika, ibigay ding pareho para madaling makilala ng mambabasa. Hangga't maaari, gamitin ang Tagalog o itinagalog na pamagat bilang pangalan ng pahina. Kababago ko pa lang. At naisip ko ngayon, na dapat ko pa lang idagdag ang business names. Ilalagay ko na. - AnakngAraw 01:45, 8 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Sa kaso ng Deutsche Bank, kasama ang salitang Bank sa pangalang pantangi ng komapnya; hindi payak na Deutsch(e) ang pangalan ng entidad. Dahil dito, hindi ito maaaring isalin. --Pare Mo 04:21, 21 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Ginawa ko na rin ito dahil kailangang meron tayo nito, ayon sa isang tanong na nasa sa itaas. Pakisuri na rin, magdagdag, magbago, mag-ayos, o anupaman. Salamat uli. - AnakngAraw 13:37, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Kung gagawa ka ng pamantayang alpabeto, dapat ito ay batay sa 2008 Ortograpiya ng Wikang Filipino (at actually, dapat walang pakialam ang Wikipedia sa isyu ng alpabeto, na dapat larangan lamang ng KWF dahil stable naman ang alpabetong Tagalog). Sa rebisyon na iyon, ibinasura ang bigkas-abaseda at, ayon sa aking guro, isang pagbabalik lamang ito sa 1987 Ortograpiya na may iilang pagbabago. Kapag nakakuha na ako ng kopya nito, ihahayag ko dito. Pero, dagdag pa sa iyon, dapat ito ay gabay sa pagsulat, at hindi isang imposisyon ng isang pamantayan na dapat sundin ng lahat, bilang paggalang sa ibang mga baryedad o uri ng Tagalog at Filipino. Tandaan natin lahat na hindi tayo ang KWF. Sana lamang makita nila ang ginagawa natin at maisuri nila. --Sky Harbor (usapan) 15:53, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Tama ka diyan, Sky. Kaya nga balangkas lamang ito, na bukas sa pagbabago ngayon at sa hinaharap, kung kailangan pa. Hindi ko kinakalimutan/tinatalikdan ang KWF hinggil dito. Tatanggalin ko na yung suleras na pangpatakaran dahil nakakuha na ako ng input. Ititira ko yung suleras na panggabay. Sige, pakilagay na lang yung tamang pangalan/tunog/bigkas ng letra ha (kung maaari dun na sa mismong pahina; banggitin mo na lang nalagay na dun, kung maaari paki ha). Saka paki-update na lang din kung ano pa man ang dapat ayusin. At siguro, mas maganda, kung mailalagay mo yung pinagbatayan para mas malinaw na doon tayo sumalig/sumangguni (yung pang-2008 na Ortograpiya ng Wikang Filipino ang ibig kong sabihin). Saka, tama ka, sana makita nga nila yung ginagawa nating lahat. Hay, kelan kaya. Salamat uli. - AnakngAraw 16:20, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Okey, nagawa ko na yung mga binanggit kong babaguhin/gagawin ko sa itaas. Bilang pahabol, mainam talagang meron tayong alpabeto, dahil bagaman ensiklopedya (at hindi diksyunaryo) ito mas mainam na merong matatanaw na gabay na alpabeto ang Wikipedista. Para bang buod na magagamit ng Wikipedistang Pilipino at banyaga (lalo na kung nag-aaral ng ating wika). Sa totoo lang, hindi ko maubos maisip kung bakit yung kahit anong mga ensiklopedya (nakalimbag man o elektroniko) ay walang alpabeto sa mga pahina ng introduksyon o pagpapakilala. Dapat talaga meron kahit anong ensiklopedya, para sa akin. Ituring natin ito bilang isang inobasyon o kaunlaran mula sa nakagawian o karaniwang ensiklopedya (nakalimbag man o elektroniko). Iyan lang muna. - AnakngAraw 16:42, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ito ay napalitan na rin ng pamagat na naging: Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay. Ipinaliwanag na rin sa teksto na ito ay gabay na nagbibigay ng konsiderasyon at paggalang sa mga baryedad ng Tagalog at Filipino. At dahil hinihintay pa ang sipi ng Ortograpiya ng Wikang Filipino ng 2008 na pagbabatayan ng mga tamang pangalan at pagbigkas o tunog ng mga titik, naglagay muna ako ng paunawa na pansamantala pa lamang ang mga nakatala. Sinasabi sa paunawang ito na kung sakaling may babasa na ng pahina, hinihikayat ang mambabasa na magbalik sa ibang pagkakataon para mapagmasdan ang mga magiging pagbabago. Salamat uli. - AnakngAraw 23:04, 5 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Iyan ang abakadang Filipino hindi ang abakadang Tagalog. Bagaman gumagamit din tayo ng mga titik na banyagain (F, C atbp) ginagamit lamang ang mga iyon sa mga banyagaing pangalan hindi sa wika natin mismo. Kung iyan ang gagamitin natin magiging Wikipediang Filipino na tayo at ang California ay hindi na "Kalipornya" kundi "Kaliforn~a". Felipe Aira 05:08, 6 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Nauunawaan ko ang sinasabi mo, Felipe. Kaya nga naglagay ako ng mga "katangian" ng titik sa pahinang iyan. Ngayon, nilagay ko rin ang dagdag pariralang "pinagsamang abakadang Tagalog at "abakada ng Ortograpiya ng Wikang Filipino ng 2008", para makitang pinagsanib ang dalawa. Ngayon, ibig ko lamang banggitin sa lahat, na kahit si Padre Leo James English ay umaamin na kailangang palawakin ang abakadang Tagalog. Naririto ang kaniyang paliwanag na nasa wikang Ingles (mula sa kaniyang Tagalog-English Dictionary, sa seksyong may pamagat na THE ALPHABET):
  • "The alphabet (abakada) used in this dictionary consists of twenty letters including the vowels: a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w and y. It is now commonly admitted that this alphabet should be enlarged to include the letters c ch f j q and v. These additional letters are often used by writers in spelling capital names and many loan words borrowed from Spanish and English."
Kaya ibig sabihin, kahit ang wikang Tagalog ay dapat na magbago ayon sa nasa itaas na sipi mula kay Padre English. Pinakamainam na solusyon dito ay ang pagsamahin ang dalawang abakada. Pero kailangang batay sa mga dalubhasa at sa isang komisyon na nangangasiwa ng wika - ang KWF: kaya maaari nating banggitin sa pahina (sa teksto o/at bilang talababa) na ginawa natin ang pagsasama ng alpabeto batay kina Padre English (bilang dalubhasa) at KWF (bilang komisyong pangwika). - AnakngAraw 09:13, 6 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Pakitingnan na ngayon ang mga pagbabago sa seksyong Ang abakadang pangwikipedia batay sa sinabi ko sa itaas. - AnakngAraw 09:36, 6 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Sky, wala pa ba yung pang-2008 na alpabeto na may pangkasalukuyang bigkas, nakabitin pa kasi ang WP:Abakada? - AnakngAraw 01:56, 8 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Pasingit: Ang 2008 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa

baguhin

Mabuti naman nakakuha ako ng kopya ng 2008 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa mula sa aking guro. Ang pinal na borador ng 2008 Ortograpiya ay sinang-ayunan ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 20 Mayo, at sa pangkalahatan, ito ay isang pagbabalik at pagpapanatili ng status quo (ang 1987 Ortograpiya). Pero, ano kaya ang nilalaman nito?

  • Nagbalik na sa bigkas-Ingles ang mga titik ng Filipino, at talagang ipinagwalang-bisa ang bigkas-Abaseda
  • Mga pangkalahatang tuntunin sa pagbaybay:
    • Gamitin ang Abakada para sa salitang katutubo (Tagalog)
    • Kapag hihiram mula sa ibang katutubong wika, gamitin ang buong Alpabetong Filipino at panatilihin ang orihinal na pagbaybay at pagbigkas nito kapag ito ay gumagamit ng ponemang wala sa Tagalog
  • Mga tuntunin sa paghiram mula sa banyagang wika:
    • Bahagi II Sek. C: Sa pagbaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang ginagamit: panatilihin ang orihinal nitong anyo o baybayin ito ayon sa Abakada. Kung aling paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikapitong bahagi ng patnubay na ito.
    • Bahagi VII:
      • Huwag maghiram at hanapin muna ang katumbas sa wikang pambansa
      • Huwag pang manghiram at hanapin ang katumbas sa ibang wikang katutubo
      • Mga tuntunin sa paghihiram ng salitang banyaga
        • Kung hihiram sa Espanyol, baybayin ang salita ayon sa Abakada
        • Kung hihiram sa Ingles at ibang salitang dayuhan, panatilihin ang orihinal na baybay nito
        • Panatilihin ang baybay ng mga salitang pantangi, teknikal at pang-agham
        • Baybayin alinsunod sa Abakada ang mga hiram na salita na naiba na ang bigkas at/o kahulugan sa orihinal
        • Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit
        • Iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa Abakada sa pagbaybay ng mga hiram na salita. Ang istriktong ponetikong baybay sa mga hiram na salita, lalo na sa wikang Ingles, ay nakikipagkumpetensiya sa orihinal na baybay.
      • Sumunod sa opisyal na pagtutumbas (hal. Pilipinas, 'di Filipinas)
  • May mga bagong tuntunin sa paggamit ng malaking titik. Ayon sa 2008 Ortograpiya, ginagamit, at dapat gamitin, ang malaking titik sa sumusunod na uri ng pangalan/pangngalanng pantangi:
    • Pangalan ng tao o hayop
    • Mga lugar
    • Nasyonalidad at wika
    • Araw, buwan at piyesta opisyal
    • Titulo ng tao
    • Pangalan ng gusali
    • Mga pamantasan, paaralan at organisasyon
    • Mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan
    • Mga markang pamprodukto
    • Mga daglat
    • Relihiyon (tulad ng Hindu, Muslim at Budista)
    • Pamagat ng mga akda
    • Mga tampok na pangyayari sa kasaysayan

Sa susunod na araw, ikakarga ko ang kontento ng pinal na borador dito para makita ng lahat. --Sky Harbor (usapan) 11:55, 11 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Salamat, Sky. Samakatuwid, ang abakada (at bigkas) ay itong nakita ko ngayon mula sa Omniglot.com). - AnakngAraw 17:40, 11 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Nailapat na ang mga nasa itaas sa Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay. Kapag naikarga ang pinal na borador, maaari itong ikawing na nakapaloob sa teksto o sa seksyon ng sanggunian. Gawan ng pagbabago o pagtatama kung kailangan pa. Salamat. - AnakngAraw 18:56, 11 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Dagdag-pasingit...

baguhin

Makukuha na sa Tagalog Wikipedia ang 2008 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa. Ito ay isang talaksang PDF. Babala lang: 37.1 megabytes ang laki ng talaksang ito, at nagtagal ng 15 minuto upang maikarga. --Sky Harbor (usapan) 10:19, 23 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Mga lathalaing pamasko at pambagongtaon

baguhin

O baka gusto na ninyong maghanda ng mga mga lathalaing pamasko at pambagong taon? Maaari ninyong ilagay ang paksa na mayroon nang pamukaw na tanong sa Pangkat pamasko at Pangkat pambagong-taon. - AnakngAraw 02:20, 8 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Magagamit na larawan sa unang pahina

baguhin

Kailangan din nating pagtulungan ang paghahanda ng magagamit na napiling larawan para sa Unang Pahina na pampasko at bagong taon. Kailangan lamang humanap mula sa commons ng mga larawan may katayuan nang featured picture o kahit picture of the day na doon, o katulad na katayuan. Kelangan ding may lathalaing kaugnay na dito sa Tagalog Wikipedia. Pakitala sa ibaba ayon sa pangkat. Salamat. - AnakngAraw 03:07, 8 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Napiling larawang pangkapaskuhan

baguhin

Napiling larawang pambagongtaon

baguhin

Rollback

baguhin

Mga tagapangasiwa. Maari niyo ba ako bigyan ng Rollback upang mas madali kong matanggal ang mga bandalismo?--Lenticel (usapan) 01:35, 10 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Sa kasalukuyan, tanging isang burokrata (si Bluemask) lamang ang makapagbibigay po sa inyo ng kasangkapang rollback (o ibalik sa dati). At saka, maibibigay lamang po iyan kung kayo po ay isa nang tagapangasiwa. Kaya, sana pumayag ka nang maging isa ring tagapangasiwa rito. Ito po ang pagkakaalam ko, dahil dati (noong di pa ako tagapangasiwa), humingi rin po ako niyang rollback kay Bluemask, pero ayon kay Felipe kailangang maging tagapangasiwa muna bago mabigyan niyan. - AnakngAraw 16:09, 10 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ganun po ba. O sige po ihalal na po ninyo ako muli (pero baka csd at rollback lang ang gamitin ko bilang admin. kung okay lang sa inyo. Mas malimit kasi ako doon sa Ingles na wikipedya).--Lenticel (usapan) 01:52, 11 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Salamat. Wala pong problema, dahil nauunawaan namin talaga. Muli, mabuhay ka! - AnakngAraw 03:03, 11 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Opisyal na po kayong iniharap sa Wikipedia:Nominasyon para sa Tagapangasiwa ng Wikipediang Tagalog#Bagong nominasyon para mahalal bilang tagapangasiwa dito. Muli, salamat. - AnakngAraw 03:20, 11 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Wala kasi tayong kauriang pantagagamit na "rollbacker". Wiking Ingles lamang ang mayroong ganoon. Felipe Aira 10:53, 11 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Admin assisted Move

baguhin

Pakilipat lang po ang Mga Mormon sa Mormon, nilipat ko po yung dating bersyon ng paglilinaw papunta sa Mormon (paglilinaw). Salamat po.--Lenticel (usapan) 01:49, 11 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

 Y Tapos na. Nailipat na po. - AnakngAraw 03:18, 11 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Bagong paghaharap: Tagapangasiwa

baguhin
Ganap na po akong tagapangasiwa. Maraming salamat po sa inyong pag-suporta lalo na po sa aking tagagharap na si AnakngAraw. Muli salamat po.--Lenticel (usapan) 11:28, 16 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Bagong paghaharap: Burokrato

baguhin

Muli, mahal na mga kasama sa Pamayanan, hinihiling ko po kayong makilahok uli. Ngayon naman para sa Wikipedia:Nominasyon para sa Tagapangasiwa ng Wikipediang Tagalog#Bagong nominasyon: Burokrata. Inihaharap ko po si Sky Harbor para maging dagdag na Burokrato dito sa wikipediang Tagalog. Salamat po uli sa inyong pakikiisa. - AnakngAraw 21:32, 12 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Isa nang Burokrato si Sky. Maligayang bati! - AnakngAraw 18:53, 24 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Mali ang pagbabaybay ng salita na "Ingles".

baguhin

Napansin ko po na sa mga ibang pahina na may mga salitang Ingles, ang nakalagay na salita para sa "Ingles" ay "Inggles" sa halip ng "Ingles". Puwede po ba to ayusin sa pamamagitan ng bot?

Securityadvisor 20:44, 13 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Magandang araw po sa inyo. At salamat sa inyong puna. Pero pareho pong tanggap ang dalawang baybay: ang Ingles (may isang g) at Inggles (may dalawang g). Pareho pong nakatala ang mga ito sa diksyunaryo ni Leo James English (Tagalog-English Dictionary). Kaya hindi na po kailangan ang malawakang pagbabago. Ang ginagawa na lamang po dito ay pagpareparehuhin sa loob ng isang pahina (ng isang partikular na paksa/lathalain) ang mga baybay: kung naunang gamitin ang Ingles, puro iyon na po. Kung nauna naman po ang Inggles, puro iyon naman po. Salamat po uli sa inyong pakikilahok sa ating Kapihan. Mabuhay po kayo. - AnakngAraw 21:57, 13 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Nominasyong pang-Napiling Artikulo

baguhin

Pakisuyo lamang po: kasalukuyan pong meron tatlong nominasyon sa pagka-Napiling Artikulo. Makiisa po sana sa paghalal sa Wikipedia:Mga nominasyon para sa napiling nilalaman. Kabilang po sa mga paksa ang mga sumusunod:

-Salamat po. - AnakngAraw 01:02, 15 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Nagdagdag pa po si Estudyante ng:

Mga rationale sa WP:NA-NOM

baguhin

Nakikita ko na ang lahat ng mga nominasyon para sa pagiging napiling artikulo ay walang kadahilanan sa bakit dapat ito ay dapat magtagumpay sa nominasyon nito. Tandaan na dahil patakaran rin natin ang patakaran ng English Wikipedia, at dahil kinakailangan nila ito, ay dapat inilalagay natin ito. --Sky Harbor (usapan) 05:14, 16 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Paano po kung gayahin na lang natin ang mga patakaran sa pagharap ng GA? Mahirap naman po kung yung sa FA mismo ang ipatupad natin sa tl wiki.--Lenticel (usapan) 23:45, 16 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Sang-ayon ako diyan, sapagkat masasabi nating nasa "kabataan" pa rin ang tl na wiki. Unti-unti nating iaangat ang pamantayan paglaon, depende sa takbo natin dito. - AnakngAraw 00:46, 17 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Para bang sa Selected Article ng simple English wiki muna. Para hindi biglaan, kasi nagtuturo at nagsasanay pa rin tayo ng mga wikipedista. - AnakngAraw 00:52, 17 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
 Y Tapos na. Binago na sapagkat iyon naman ang aktuwal na naging pamantayan sa mga napili na dati. - AnakngAraw 08:28, 17 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ang pamantayan ng isang "mabuting artikulo" ay hindi maitutumbas sa pamantayan ng isang "napiling artikulo". Sa pagpapalaki ng Wikipedia, hindi natin maisasakripisyo ang ating serbisyo sa mga mambabasa para lamang sa kumbiniyensiya ng mga tagagamit dahil lamang hindi natin kayang magsulat ng artikulong umaabot sa antas ng NA sa English Wikipedia (kung nakayanan nito ng ahedres at kasaysayan ng Pilipinas, bakit hindi natin ito maaabot sa iba?). Dapat sinisikap nating magsulat ng mga komprehensibong artikulo, at ang mga NA ay ang huwaran at inspirasyon ng "perpektong pagsusulat" sa Wikipedia. Hindi dapat natin itong pinapababa dahil lamang bata pa ang tl.wiki, kundi dapat ito ay ipinapagmalaki dahil tayo ay may mahalagang serbisyo sa sambayanan at para hindi na sila nagrereklamo sa kakulangan ng impormasyon dito. --Sky Harbor (usapan) 09:22, 17 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
  • Ang pagbabagong nilagay ko dun ay maaari pa ring baguhin uli o ibalik ninuman. Pero sa kasalukuyan dalawa kami ni Lenticel na sang-ayon sa pagbabagong ito. Saka hindi dapat kung ano ang nasa Ingles na Wiki e gagayahin, kailangang magkaroon ang tl ng sariling personalidad. At sabi ko nga, unti-unti ang pagsulong. Huwag bigla. Hindi ito para sa kumbinyensya lamang na sinasabi mo. Saka iyon naman ang totoo. Pero kung ibig namang higitan ang "binagong" pamantayan, maaari rin. Puwede rin sigurong ilagay sa artikulo na maaaring higitan ang "binagong" pamantayan kung magagawa at ibig ng manunulat. - AnakngAraw 17:18, 17 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Sa ngayon, idinagdag ko ang Alternatibong mungkahing pamantayan ng mga napiling artikulo sa Wikipedia:Pamantayan ng mga napiling artikulo para magkaroon pa rin ng opsyon ang mga manunulat/Wikipedista na mahigitan pa ang "binagong" pamantayan. - AnakngAraw 17:37, 17 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Nagsusulat rin kaya ako. Akala niyo lang na puro usap-usapan lang ako? Hindi! Kahit na kung ang mayoridad ng aking mga pagbabago ay matatagpuan sa en.wiki, nagsusulat rin ako! Kahit kung ayaw kong magyabang, nakapagsulat ako ng dalawang NA na nag-abot sa pamantayan ng en.wiki, at intensyon ko noon (at ngayon) na isalin ito sa Tagalog. Mabuting may nasimula na sa Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila. --Sky Harbor (usapan) 04:48, 18 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Patakaran Hinggil sa Panuntunan ng Pagiging 'Di-Nasasaklawan (Exemption Doctrine Policy)

baguhin

Batay sa panukala ng Pundasyong Wikimedia na ipinasa noong 23 Marso 2007 hinggil sa paglilisensiya, dapat ang mga proyektong Wikimedia ay magpatibay ng isang "Patakaran sa Doktrina ng Pagkakapwera" o Exemption Doctrine Policy na namamahala sa isyu ng mga larawang patas na gamit (fair use). Sa kasalukuyan, marami sa mga larawan dito sa tl.wiki, lalo na sa mga larawan ng gusali at buhay na tao, ay lumalabag sa resolusyon at dapat ito'y burahin batay sa panukala. Ngunit, upang mabawasan natin ang collateral damage, nagsimula na akong magsulat ng EDP para sa Tagalog Wikipedia. Batay ito sa EDP ng English Wikipedia, ngunit upang makapagbenepisyo tayo sa mas malaya na doktrinang fair use na gamit ng Pilipinas, ire-reconcile natin ang batas dito sa batas doon, at mula roon, makakagawa tayo ng EDP. Makikita ito sa Wikipedia:Pamantayan ng kontentong 'di-malaya (sa pag-iwan ng mensaheng ito, pula pa ang kawing, at maghintay na lang bago ito'y maging bughaw). --Sky Harbor (usapan) 09:22, 19 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Nawala ang aking kopya. Sa kasalukuyan, intensyon kong maging salin ito ng EDP ng English Wikipedia, maliban sa seksyon sa pagpapatupad nito. Mula sa salin, doon tayong makakapagiba sa patakaran nila. --Sky Harbor (usapan) 10:42, 19 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Maaari bang isalin ang Exemption Doctrine Policy sa "Patakaran sa Aral ng Hindi Nasasaklaw". Kasi 'yung salitang "pwera", kadalasang may negatibong kahulugan sa pang-araw-araw na komunikasyon. At saka, uso naman dito ang pagiging puro. ;-) --Jojit (usapan) 04:51, 21 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Samakatuwid, ang exemption sa diksyonaryong Padre English ay "iksemsiyon" o "pagkalibre". Ang "pwera" ay nakuha sa diksyonaryong Gaboy. --Sky Harbor (usapan) 05:38, 21 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Mungkahing salin ayon sa diwang pinababatid/hindi literal: Patakaran Hinggil sa Panuntunan ng Pagiging Hindi Nasasaklawan (maaaring "Tuntunin" sa halip na "Panuntunan"; maaaring gawing "Nasasakop" ang "Nasasaklawan"). - AnakngAraw 06:21, 21 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Mas mainam na salin. --Jojit (usapan) 06:47, 21 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Siya nga pala, ito ang sanggunian ko sa salin ng exempt. [2] --Jojit (usapan) 06:55, 21 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Mas mainam nga. Iyan ang gagamitin na salin, kahit kung mahaba. --Sky Harbor (usapan) 07:02, 21 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Pagsasagawa ng patakaran

baguhin

Naitapos na ang pamantayan ng nilalamang 'di-malaya, kaya maaari na nating pag-usapan ang dapat nilalaman nito sa larangan ng pagsasagawa o enforcement. Ang plano dito ay pasimulain ang pagsasagawa nito sa 1 Enero. Ito ang aking mungkahi:

  • Hanggang 31 Marso 2009, lahat ng mga tagagamit na nagkarga ng talaksang naka-patas na gamit nang walang pahayag o rationale ay dapat maglagay sa pahinang iyon. Kapag lumipas na and 31 Marso at wala pang pahayag ito, maaari itong burahin ng tagapangasiwa.
  • Mula 1 Abril 2009, anumang larawang ikinarga sa ilalim ng patas na gamit na hindi umaabot sa pamantayan ay buburahin sa ilalim ng 48 oras.
  • Maaaring payagan ang paggamit ng patas na gamit sa mga larawang malayang mapagpalitan (freely replaceable images) sa mga buhay na tao sa Pilipinas lamang. Kapag may naikargang malayang bersyon, buburahin ang 'di-malayang bersyon. Sisikaping hadlangan nang mahigpit ang pagkarga ng larawan ng mga buhay na tao sa labas ng Pilipinas, lalo na kapag ang tao ay prominente o mula sa maunlad na bansa (U.S., Kanlurang Europa, Kanada, atbp.), at sisikapin ring maghanap ng malayang bersyon nito.
  • Ipagbabawal ang pagkarga ng larawang 'di-malaya ukol sa mga gusali. Dapat sumikap tayong mag-litrato nito.
  • Maaaring gamitin ang mga sagisag ng Pamahalaan ng Pilipinas bilang bahagi ng kahong-kabatiran (infobox) kapag ito ay tama at ayon sa patakaran. Kung lumalabag ito, dapat itong tanggalin.

Simula pa lang naman ang mungkahi ito, kaya bukas ito sa kahat ng komento, opinyon, dagdag at pahayag. Salamat! --Sky Harbor (usapan) 07:51, 25 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

WP:SALIN at ang pangalan ng mga pook

baguhin

Sa kasalukuyan, kapag tinitingnan niyo ang mga huling binago, naglilipat ako ng mga pangalan ng mga lugar sa Hapon hindi lamang dahil ang pormat ng prepektura ay "prepektura ng (pangalan)" at hindi "prepekturang (pangalan)" dahil lugar at hindi bagay ang pinag-uusapan, kundi rin dahil sa kalabuan ng WP:SALIN tungkol sa pangalan ng mga pook.

Habang sinuri ko ang artikulo hinggil sa Prepektura ng Tokyo, nakita ko na ang mga bughaw na kawing panloob sa artikulo ay nakaturo sa mga artikulong baybay-Tagalog ang pangalan, ngunit walang batayan. Noong isinagawa natin itong bahagi ng WP:SALIN bilang offshoot ng paghanap sa mga Tagalog na pangalan ng mga bansa at lungsod, hindi ko natatandaan na noong inusapan natin itong pamantayan, isasa-Tagalog pala ang lahat ng mga lugar batay sa nakasaad sa patakaran. Ang alam ko ay isasa-Tagalog lamang ang pangalan ng pook kapag ito ay may sanggunian. Maaari ba kaya itong ipaglinaw? --Sky Harbor (usapan) 09:45, 23 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Sa pagkakatanda ko, gayon na nga. - AnakngAraw 18:55, 24 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
As in may sanggunian o walang sanggunian? Nagiging mangahas ako sa paglilipat ng mga pahina pabalik sa kanilang orihinal na baybay, pero para sa patnubay ng mga tagagamit, ano kaya dapat ang gawin hinggil dito? Kakaunti lang ang mga lugar sa Hapon na may salin sa Tagalog (Tokyo at Pudyiyama/Fujiyama ayon kay Panganiban). --Sky Harbor (usapan) 19:03, 24 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Alam mo, sa totoo lang, hangga't maaari may sanggunian para malaman natin kung ano ang aktuwal na ginagamit sa araw-araw/pormal na ginagamit. Pero ang problema nga ay magkakaroon tayo ng mga tagagamit na "magsasalin" o magbibigay lang basta ng tinagalog na bersyon. Kaya mangyayari diyan "tatanggapin" ang ambag tapos saka ituturo sa pangalang may sanggunian. - AnakngAraw 22:04, 24 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Eh di puro lipat-lipat na lang ang gagawin. Kung tutuusin naman, magkakarga iyon sa pangalang may sanggunian. --Sky Harbor (usapan) 07:35, 25 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Tungkol sa pagbati ng Pasko sa sitenotice

baguhin

Isang debotong Kristyano ako ngunit sa tingin ko, hindi na kailangan maglagay ng pampaskong pagbati sa sitenotice. Sa kadahilanang isang ensiklopedyang walang kinikilangan ang Wikipedia. Paano naman iyong mga hindi Kristiyano at hindi naniniwala sa Pasko? At the very least, ilagay na lamang ang pagbati dito sa Kapihan. O kaya'y palitan ang pagbati sa salin ng Happy Holidays o Season's Greetings na mas nyutral. --Jojit (usapan) 00:50, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Hindi tinanggal, nagdagdag na lamang... - AnakngAraw 02:22, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Mag-batian nalang kaya tayo? Dahil baka may ma-offend sa ating sitenotice. Pero maayos naman ito kung tutuusin. Estudyante (Usapan) 06:05, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Kung tutuusin naman talaga, ang mayoriya sa mga nagbabago ng Wikipedia at nagbabasa nito ay Pilipino. Nakakarami sa mga Pilipino ay Kristiyano. Sa ngayon, wala pa naman akong nakikitang offense sa ibang mga nagbibisita, nagbabasa o nagbabago. Kung nagbati tayo ng Eid al-Fitr, mababastos ba ang mga Kristiyano dahil tayo ay nagbati sa mga Muslim? Hindi! Mungkahi ko na lang na maglagay tayo ng site notice para sa lahat ng mga opisyal na pagdiriwang na itinatanghal dito sa Pilipinas, o mas mainam pa, buhayin natin muli ang seksyong "Sa araw na ito" sa Unang Pahina. --Sky Harbor (usapan) 06:11, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Mas ok nga kung magbatian na lang sa pahina ng usapang tagagamit, personal pa ang dating. Iba kasi kapag sa sitenotice, lumilitaw sa bawat pahina. Para bagang, nag-pro-promote tayo ng isang relihiyon. Hindi ito usapin kung mayorya ng mambabasa ay Kristiyano o hindi kundi kung ano ang layunin ng Wikipedia. Tandaan na ang Wikipedia ay hindi soapbox. Hindi ito sumusulong ng anumang uri ng relihiyon, komersyo, politika, ideolohiya at iba pa. At isa pa, ginagamit ang sitenotice sa mga mahahalagang paalala tungkol sa site. Hindi na nga ito ginagamit sa ibang wika ng Wikipedia. --Jojit (usapan) 07:17, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Donasyon / Ambag

baguhin

Para po ito sa Pundasyong Wikimedia at Wikimedia Pilipinas: isang handog mula sa puso ko ang sinasaad dito sa pamamagitan ng Betawiki. Para sa dapat nating tulungan sa pagpapalaganap ng malayang kaalaman. Salamat po... - AnakngAraw 14:31, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Kailangan na natin ng kuwenta sa bangko. Mas mainam pa, kailangan na nating mamili ng bangko! Batay sa usapang naganap sa loob ng higit sa isang taon, ano na dapat ang magiging bangko natin? Maaaring humigit na ang puhunan sa P25,000 kapag nadagdag ang P20,000 nakuha sa mga pledges mula sa mga Wikipedista. --Sky Harbor (usapan) 14:41, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Sky, pakitandaan lamang na si Siebrand ang kontak natin sa Betawiki hinggil sa paksang nasa unang talata ng seksyong ito. Salamat. - AnakngAraw 16:12, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ayon sa pahinang nakakawing sa taas, ikaw ang kokontakin niya (o ng sinuman doon sa Betawiki). Kung tutuusin, parang ikaw ang intermediary sa pagitan ng Betawiki at ng WMPH, lalo na dahil ito ang donasyon mo. Pero kung may tanong naman tayo tungkol sa iyong donasyon, maging mangahas tayo at magtanong sa kanya. May tanong lang dito na hindi pa nasasagutan: nais mo bang maging kasapi ng WMPH? Hindi kasi ito naipaskel sa WT:TAMBAY o sa tala ng mga kalahok. --Sky Harbor (usapan) 16:26, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
  • (a) Malamang na ako nga ang kokontakin niya, dahil wala pa naman akong binabanggit na ibang kontak sa kanya. Kaso, binanggit ko lang sa itaas para malaman mo, para kung sakali lang naman iyon. Dahil ikaw ang pinakaaktibo sa WMPH na alam ko, at parang ingat-yaman pa dahil alam mo kung magkano na ang puhunan ng WMPH. Ikaw nga ba? - AnakngAraw 21:39, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
  • (b) Tungkol naman sa pagsali sa WMPH, hindi ko pa masasagot sa ngayon dahil: ibig ko pa kasing manatili bilang anonimo/hindi nagpapakilala (hindi nagbibigay ng tunay na pangalan). Doon kasi sa talaan ng mga nakikilahok, ibinibigay ang mga tunay na pangalan. Kung puwedeng maging hindi nagpapakilalang kasapi sana (ibig kong sabihin, kung bilang si AnakngAraw lang sana, na hindi kailangang ibigay ang totoong katauhan mula sa tunay na buhay). Kusang-loob (boluntaryo) talaga kasi akong tumutulong. Para sa mga tatanggap ng benepisyong pangkaalaman, lalo na sa mga kabataan. - AnakngAraw 21:39, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Pero may tanong pa pala ako, paano 'yun? Wala pa palang akwant sa bangko ang WMPH? Saan papupuntahin ang abuloy (anuman ang maging halaga niyon, kasi dumarami pa pala ang mga kahati sa pabuya ng Betawiki) kung sakaling ipapadala na? - AnakngAraw 21:51, 26 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Tingnan po at makilahok dito. Simple lang ang sagot ko sa tanong mo: kung nais mong makilahok, lumagda ka bilang anonimo. Nirerespeto namin ang anonimidad ng tao kung nais nilang manatiling anonimo. --Sky Harbor (usapan) 04:04, 27 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Botohan: Opisyal na bangkong pang-impok ng Wikimedia Pilipinas

baguhin

Bukas na ang botohan para sa opisyal na bangkong pang-impok ng Wikimedia Pilipinas. Maaaring pumili sa mga sumusunod:

  • Banco de Oro
  • Bangko sa Lupa ng Pilipinas (Land Bank of the Philippines)
  • Bangko Nasyonal ng Pilipinas (Philippine National Bank)
  • Iba (BPI, Metrobank, atbp.)

Maglagda po sa designadong seksyon para sa bangkong pinipili mo. Kapag pumili ka ng "Other", dapat dinedeklara mo ang bangko na nais mong dapat pagbuksan ng kuwenta. Bukas ang botohan hanggang 6 Enero 2009 at matatagpuan ang botohan dito. --Sky Harbor (usapan) 07:39, 31 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Romanisasyon ng Hapones

baguhin

Sa pagtaas ng bilang ng artikulo tungkol sa Hapon, gawin nating opisyal ang paggamit ng romanisasyong Hepburn para sa Hapones dito sa Wikipedia. Ito ang ginagamit ng nakakaraming Wikipedia (tingnan ang pahinang pantulong sa Hapones), at ito ay ang pinakakaraniwang romanisasyon na ginagamit ngayon para sa Hapones. Kung tutuusin, kasalukuyang tatlong sistema ang ginagamit natin ngayon:

  • Hepburn (Tōkyō)
  • Wapuro Hepburn (Toukyou)
  • Hepburn nang walang makron (Tookyoo)

Nag-iwan ako ng mensahe kay Waterox888, ang tanging nagsusulat ng artikulong hinggil sa Hapon (at ang nag-iisang tagapagsalita ng Hapones dito), upang magpahayag ng kanyang sentimiyento. --Sky Harbor (usapan) 16:23, 28 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Sa totoo lang po, lahat tumpak ang sistemang pagbabay na inyo pong binanggit. Nasa panlasa lamang po iyon ng mga nagsusulat sa romaji kung alin mas mainam para sa kanila.
Walang problema sa akin ang paggamit ng sistemang Hepburn kung iyan ang pagkakasunduang gamitin dahil ito ang karaniwang nakikita sa mga lathaling naka-romaji o panitik sa baybay ng letrang romano. Problema kasi sa sistemang Hepburn, maraming nagsusulat na nakakalimutan ang macron gaya ng Tokyo (walang macron ang mga o).
Sa tamang pagbaybay, ang Wapuro (o word processor) Hepburn, ang pinakatumpak. Kaya iyon ang ginagamit ko. Isa pa madali kasing isulat ang mga artikulo dito sa Wikipedia na hindi na gumagamit ng mga macron bilang pagpapahaba ng o at u. Samantalang kung plain Hepburn, kailangan pang ipunta sa Word para maghanap ng mga vowels na merong macrons at i-copy/paste ulit sa wikipedia.
Pero kung ito po ang pagpapasyahan ng lahat na sistemang Hepburn ang gagamitin, uulitin ko po, wala pong problema sa akin. Madali naman pong mabago ang mga artikulong ito.
(Waterox888 18:33, 28 Disyembre 2008 (UTC))[sumagot]
Baka mainam na solusyon ito:
  • Gamitin ang regular na Hepburn sa pamagat ng artikulo, pero gawing karga (redirect) ang pamagat nakasalin sa Wapuro o Hepburn na walang makron sa pamagat na gumagamit ng regular na anyo. Kung naisulat na ito, ililipat na lang ito. (Tandaan: huwag pong mag-copy/paste upang maglipat ng artikulo. Gamitin ang tab na "Ilipat".)
  • Pabalikin ang kahon sa ibaba na nagpapakita ng natatanging titik at simbolo upang maipadali ang pagdagdag ng makron (dati kasi, mayroon ito, ngunit tinanggal). Makikita ito sa edit box sa may English Wikipedia; may drop-down box na naglilista ng iba't-ibang uri ng titik na may tuldik.
  • Maaaring gamitin ang anumang uri ng romanisasyon, batay sa preperensiya ng taga-ambag, sa pagsulat ng artikulo. Kung may tagagamit na interesadong ipalit ito sa pamantayang Hepburn, pabayaan natin sila. Para maitupad ito, kailangan ng correspondence table ang tatlong uri ng romanisasyon.
  • Kung karaniwang binabaybay ang salitang Hapones nang walang makron at walang salin sa Tagalog (hal. Osaka), pabayaan ito. Kapag karaniwang sinusulat ito na may makron, maaari munang isulat ito sa pamamagitan ng Wapuro o Hepburn na walang makron. Tulad sa ikatlong punto, kung may tagagamit na interesadong palitan ito sa pamantayang Hepburn, pabayaan natin sila.
Salamat po sa iyong tulong, at sana magagabayan ang pamayanan sa ito. --Sky Harbor (usapan) 19:03, 28 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Nilikha ang pahinang Wikipedia:Gabay sa Romanisasyon ng Wikang Hapones batay sa usapang ito. - AnakngAraw 06:05, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Dagdag rin pala: dapat gamitin na rin natin ang pangalang imperyal ng mga namayapang emperador (maliban kay Hirohito). Ito kasi ang standard practice sa ibang mga Wikipedia. --Sky Harbor (usapan) 05:43, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ang pangalang Imperyal po ba na tinutukoy ninyo ay gaya Showa, Meiji, Heisei, Momozono at iba pa? Kung ito po ang inyong tinutukoy ay kahalintulad po ito ng nengo o panahon ng panunungkulan. Ang aking pong ginagawa sa ngayon ay mga talambuhay ng mga emperador batay sa kanilang mga tunay na pangalan at hindi ang panahon ng panunungkulan. Naroon din sa mga artikulong aking sinusulat ang mga imperyal nilang pangalan pati na ang mga imperyal na titulo bago sila umupo sa Trono ng Krisantemo.
Kung mapapansin ninyo sa listahan ng mga Emperador ng Hapon kumpleto ang ngalang imperyal at personal. Kung pipindutin ang link ng tunay na pangalan na nasa parenthesis ay gusto kong ibahagi ang buhay LAMANG ng Emperador na iyon at hindi yung panahong kanilang pinaglingkuran.
Sa ganang akin, kapag pinindot ang pangalang imperyal ay gusto kong maibahagi ang panahon (nengo) noong namumuno ang emperador na ito. HINDI TUNGKOL sa kanya ang panahong ito kundi kung ano ang pinagdaanan ng mga KARANIWANG HAPONES sa panahon na iyon. Pero dahil alam naman natin na hindi mabubuo ang panahong ito na wala ang Emperador kung kaya't nakalink kung saan nagmula ang pangalan ng panahong ito (sa emperador) at kung bakit niya ito pinili.
Ang nabanggit ko po sa itaas ay ang konseptong gusto kong buuin sa Tagalog Wikipedia na HINDI KUMUKOPYA sa kung ano mang nakasanayan o standard sa English Wikipedia. Kasi kong gagayahin natin ang English Wikipedia--lahat naman siguro ng nag-iinternet ay nakakaintindi ng English -- ano pa po ang silbi ng paggawa natin ng Tagalog kung hindi natin pag-iigihan o HIHIGITAN pa yung nasa English Wikipedia. Eh di basahin na lang natin iyong nasa English at wag na tayong magsayang ng panahon, pera at pagod dito sa Tagalog Wikipedia. Hindi po ba?
Ito po ay isang pananaw lamang na natutunan ko sa mga Hapones. (Waterox888 14:45, 29 Disyembre 2008 (UTC))[sumagot]
Naaangkop para sa akin ang iyong pananaw, para magkaroon ng sariling personalidad ang Tagalog na Wikipedia. Salamat. - AnakngAraw 15:06, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Pagsalin sa air base

baguhin

Mabuhay po sa lahat! Tama ba po pa ang pagsalin nito sa air base?
Air base ==> Base Panghimpapawid
Kung tama, paano ang pagpangalan sa iba't-ibang base tulad ng Villamor Air Base
Nakuha ko po yang pagsalin mula sa larawan na ito. [3]
Salamat at mabuhay! Rifleman13 06:57, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Pakigamit muna ang Himpilan ng mga Sasakyang Panghimpapawid at idugtong ang ng Villamor. - AnakngAraw 13:55, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
O kaya ang mas angkop na Paliparang Militar ng Villamor na mula rito kung saan ang air base ay isinalin bilang paliparang militar. - AnakngAraw 14:00, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ayon daw kay Padre English, ang "air base" ay "base himpapawid". Military airport kasi ang literal na salin ng "paliparang militar". --Sky Harbor (usapan) 14:02, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Ummm, medyo barok itong "base himpapawid" dahil may pagkaliteral din ang pagkakasalin, kaya Himpilan ng mga Sasakyang Panghimpapawid (na kasingkahulugan ng "Base/Estasyon ng mga Sasakyang Panghimpapawid") ang mas mainam, para mas kumpleto ang diwa. - AnakngAraw 14:23, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Iba ang "air station" sa "air base", at iba ang "air base" sa "aircraft headquarters". Hindi ako yung nababarok; barok ang diksyonaryo. :)) Samakatuwid, batay sa Espanyol naman ang salin (base aérea -> base himpapawid) ng tanging diksyonaryo. --Sky Harbor (usapan) 14:36, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Kung minsan may barok ngang diksyunaryo, pero maaari na nga ang base himpapawid dahil mukhang hindi gaanong tama ang diwa ng baseng panghimpapawid dahil para itong "isang base na nakalutang/nakapatong sa himpapawid". Kaya, mas tama na nga ang base himpapawid. - AnakngAraw 15:02, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
At oo nga pala, dahil mayroong base militar, kaya puwede talaga ang base himpapawid. - AnakngAraw 03:54, 30 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Komento para kay Emir214: Isa sa Mga nawawalang Wikipedista

baguhin

Nabasa ko ang kanyang blog Sanhi kung bakit ako umalis. Napailing ako doon sa panghihinayang. Itong aking komento ay naroon din sa kanyang blog.

Isa akong bagong Wikipedista. Nanghihinayang ako at umalis ka sa Tagalog Wikipedia. Ang dami mo ng mga naiambag dito.
Nakikisimpatiya ako sa iyong mga sintemyento. At talaga naman dapat na ang bawat isa sa atin ay batiin at tapikin sa likod sa kanyang mga pagod at panahong naiambag. (Perang naimbag din kaya dahil binabayaran natin ang koneksyon sa internet)
Sa ganang akin, sumali ako sa Wikipedia hindi para makilala ng kung sino pa man.
Sumali ako sa Wikipedia sa ilalim ng motibong gusto kong makaambag sa pagpapalaganap ng kaalaman sa Tagalog.
Hindi ako purong tagalog, waray ang ginagamit kong salita pero nagsasalita din ako ng Hapones, Intsik, Latin at Esperanto.
Okey lang sa akin kung marami ang um-edit ng gawa ko, natutuwa ako doon, iyan ang konsepto ng Web 2.0 ang malayang pag-aambagan, mabuti man at masama. Maayos man o pagbabandal ito.
Hindi naman isang solidong bato ang mga 'facts' na isinusulat natin sa ngayon. Sa pagdating ng mga panahon, o baka bukas makalawa nga lang ay mababago din iyan dahil sa bilis ng teknolohiya.
Ang mahalaga nakapagsimula tayo kahit papaano.
Wala akong pakialam kung puro stub din lang yan ng tig-iisang linya. Wag nating kainisan yun bagkus tingnan natin bilang GIYA (guide) na marami pa pala tayong dapat iaambag at pagpursigihan.
Oo nga't maraming mga bandal, wag din natin silang kainisan DAHIL SA TOTOO LANG, itong mga bandal na ito ang nakakapag-engganyo o nakakapanghikayat sa iba na pumasok sa Wikipedia at ituwid ang mga pagkakamali ng mga artikulo o stub. Eh di lalo tayong dadami.
Tingnan natin ang Wikipedia bilang isang komunidad natin hindi dahil gusto nating makilala kundi gawin natin isang komunidad ito na magreregalo ng ating mga kaalaman maayos man o hindi sa mga susunod na Pilipino. Dahil sila ang magpapatuloy ng mga gawain natin.
Ito ang aking motto: "Walang perpekto dito sa mundo, ang lahat ay relatibo." (Nothing is perfect, everything is relative).
Sabi nga Lean Alejandro, isang pinaslang na aktibistang taga-UP: Kung hindi ngayon... kelan? Kung hindi tayo... sino?
Sana mapag-isipan mo ito at sa lahat ng mga Wikipedistang tumutulong, nag-aambag at mag-aambag pa sa tl.Wikipedia.
Mabuhay ka!!!
(Waterox888 05:21, 23 Disyembre 2008 (UTC))[sumagot]

Isa nga lang pagsasanay ang pagsali sa tagalog wikipedia. minsan natuwa akong mag ambag dito pero dahil inilagay ang pangalan ko sa isa sa ipinaskil, kahihiyan ang napala ko mula sa mga kakilala ko at relatives sa ibang bansa. gayon pa man, hindi tayo nagpapasikat, nag aambag lang naman . tinignan ko na lang ang kabutihan ng napagmamasdan ko sa pagpasok sa kanitong information site. maraming pilipino ang makatutuklas ng site na ito at marami pa silang mag aambag dito.kaya sa mga gustong sumali hinayhinay lang diyan! higit na mahalaga ang maipahayag ang nilalaman o nais mong sabihin kaysa makilala ka ng mga tao.Willy agrimano

may naglolog pa ba sa tagalog wikipedia?

baguhin

Magandang araw, may magnag-lolog pa ba sa tagalog wikipedia, kasi parang wala na nagdadag ng mga artikulo dito. user:mananaliksik

Oo naman. Araw-araw akong may idinadagdag na artikulo tungkol sa Emperador ng Hapon.
Target ko ng ubusin ang talambuhay ng lahat ng mga Emperador na umupo sa Trono ng Krisantemo. Gayon din ang mga iba't ibang panahon sa kanilang kasaysayan gaya ng Jomon, Yayoi, Kofun, at marami pang-iba. Sinimulan ko na din ang mga Listahan ng Sugun (shogun) bilang pagpapalawig ng isang naunang artikulo. Plano ko ding ubusin ang lahat ng kanilang mga talambuhay at mga naimbag noong kapanahunan nila
Natutuwa nga ako at parating nasa Alam Mo Ba ang aking mga naisusulat na artikulo.
(Waterox888 05:07, 23 Disyembre 2008 (UTC))[sumagot]


Dinagdagan ko ng "__NEWSECTIONLINK__" ang Wikipedia:Kapihan para mas maging madali ang pagdaragdag ng mga usapin parang ng sa mga pahinang pang-usapan. Ito yung krus na makikita mo katabi ng "baguhin" sa Wikipedia:Kapihan, dati wala nito. Karaniwang makikita lamang ito sa mga pahinang pang-usapan. -- Felipe Aira 01:15, 4 Enero 2008 (UTC)[sumagot]

Arkibo

baguhin

Humahaba na ang Wikipedia:Kapihan at wala pa ring nag-aarkibo nito, kaya ako na ang mag-aarkibo. Iaarkibo ko ang mga seksyong wala pang nagpopost nang talong buwan. -- Felipe Aira 01:25, 4 Enero 2008 (UTC)[sumagot]

Ah oo nga pala tinanggal ko rin yung mga kawing papunta sa botohan para sa mga napiling larawan at artikulo dahil wala namang kaugnayan ang mga iyon dito. -- Felipe Aira 01:26, 4 Enero 2008 (UTC)[sumagot]

Tapos na ang pag-aarkibo:
Buod:
  1. Lahat ng mga usaping wala nang nagpopost simula pa noong Oktubre ay inilipat sa arkibo.(Hulyo hanggang Setyembre)
  2. Tinanggal ko ang malasubersibong seksyon patungkol sa kabataan, at hindi na inilagay ito sa arkibo dahil purong opinyon lamang naman ito ang walang kaugnayan sa pagpapabuti ng Wikipedya. (Wikipedia is not a social networking site or a forum.)

-- Felipe Aira 01:49, 4 Enero 2008 (UTC)[sumagot]

Sang-ayon ako sa iyo Felipe Aira, mahihirapan ang mga magbubukas ng kapihan dahil sa sobrang dami ng i-loload na text. Estudyante (Usapan) 07:42, 20 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Txt from Wikiboy (Wpinas) (reposted from en.wp)

baguhin

Anabels restaurant, Tomas morato 2mrw at 6 30 pm for the wikifilipino critic preview. Hope you guys can come.

--Nino Gonzales (talk) 14:08, 30 January 2008 (UTC)

This is on Jan 31, 6:30 pm.

Hello, ako si Nicole pero pwede ninyo ako tawaging Nikki, bago lang ako dito.

Nikki 09:43, 23 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Mabuhay at maligayang pagdating sa Wikipedia! --Sky Harbor 09:49, 23 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Pasasalamat kay Anak ng Araw at komento na rin sa mga Tagapangasiwa

baguhin

Natutuwa ako na palaging nasa Alam Ba Ninyo sa Unang Pahina ang aking mga sinusulat na artikulo. Nagiging adik tuloy ako sa pagsusulat ng mga ito sa Tagalog. Minsan sa isang araw, halos akin lahat yung nandodoon. Tapos sa aking usapan ay may mga natatanggap pa akong mga citation para doon. Kaya tuloy sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay gusto kong tingnan kung merong na naman akong citation. tapos parang sinisilaban na naman ako noon na gumawa ulit para may maiambag na namang na artikulo sa ating pamayanan.

Yung mga citation ay 'secondary' lamang. Sa totoo lang naiinggit ako sa ibang mga Wiki dahil ang dami nilang mga artikulo. Marunong akong magsalita ng Esperanto at biruin mo hindi siya isang natural na salita gaya ng Pilipino dahil gawa-gawa lang siya pero naunahan pa tayo sa dami ng mga artikulo (50,000+).

Habang tumatagal ako dito sa Tagalog Wikipedia, at nabubuksan ko ang mga pahina, nakikita ang mga kumento ng mga tagagamit medyo nagkakaroon ako ng hindi magandang tingin sa ibang mga nandidito. Basahin mo ang ilang usapan ng iba at minsan mapapansin mong sasama ang loob mo kahit hindi para sa yo yung mga binabasa mo.

Nakikita ko yung iba na matagal na dito eh MGA ISIP BATA. sabagay nung makita ko yung mga pahina eh talagang mga UHUGIN pa dahil hindi pa tumuntong ng 20. At gaya ng mga bagitong nagsisimula pa lang sa mga mundo akala nila ang mundo ay kanila at tama lahat ng mga komento at pananaw nila. Yun bang sinasabi sa Ingles na THROWING YOUR WEIGHT AROUND by being a devil's advocate. Ang devil sa tagalog ay demonyo... at walang may gusto ng demonyo.

Isa akong estupidong Propesor sa isang pipitsuging pamantasan at kapag ganito ang nakikita ko sa mga estudyante, napapailing ako dahil ang ganitong mga pag-uugali ay dala ito ng pagiging isang BAGITO. at susmaryosep, WALANG GAMOT sa ganitong sintomas sa ebolusyon ng tao, kundi isang payo: GROW UP!

Sa iyo, Anak, wala akong masabi dahil ginagawa mo ang nararapat bilang isang Tagapangasiwa. Alam mong nariyan, tumutulong, gumagabay, pero hindi sawsaw ng sawsaw ng mga kung ano-anong cheche-bureche.

Maliban sa yo, Anak...Wala na ba kayong ibang nahalal na dito na mga Taga-pangasiwa at burokrato na umabot man lang ng 25? Dahil kung nagkaapat man lang kayo eh magagabayan tayo at lalago bilang isang matuwid at maayos na pamayanan.

Kung mapapansin mo ang mga ibang mga pamayanan (Nagsasalita din ako ng Hapon) bakit ang daming gustong tumulong at mag-ambag eh, dahil na din sa MAAYOS NG MGA KOMENTO, PAYO at UDYOK ng mga administrador at mga burokrato. Kaya lalong masigasig ang mga miyembro na maghanap, magsalin, at gumawa ng mga artikulo... 300,000+ ang sa Japanese Wikipedia.

Walang padevil's-devil's advocate dun, pa'no alam nila, pang-impyerno lang yun. At kung dito sa daigdig... mga bata lang ang mga gumagawa noon. Sana makapagbukas ng isip ito sa lahat dito.

Kung yung mga tinagal-tagal nila dito sa Wikipedia mga tatlong taon na yung ilan at puro daldalan lang mga nakikita ko eh nagsulat man lang sana ng kahit isang artikulo isang araw, aabot na sa 1000 na artilo ang naiambag nila dito.

Sa tingin ko mukhang mas madami pa ang naidaldal, naingakngak at naibubunga sa mga usapan kesa sa pagdagdag ng mga artikulo.

Sabagay tama yung sabi sa tagalog: ANG LATANG WALANG LAMAN.... MAINGAY Kasi kung may malaman mas may marami tayong matututunan na mga artikulong kanilang mga isinulat.

Nakakairita minsan.

Isang pananaw po ng isang puyat na bagong gising. (203.84.183.130 10:38, 3 Enero 2009 (UTC))[sumagot]

Filipino Wikipedia (na nasa Wikimedia Incubator)

baguhin

Kanina lang ay natuklasan kong mayroon palang Filipino Wikipedia (Kawing) sa Wikimedia.

Ang tanong ko lang ay kung bakit pa lumikha ng Filipino Wikipedia gayong narito naman ang Tagalog Wikipedia na kumakatawan sa lahat ng wikain ng Tagalog, mapa-Maynila, Bulakenyo, o Batanggenyong Tagalog pa? May balak pa ang ibang taga Wikimedia na palawigin iyon? - Lee Heon Jin

Nawala ang orihinal na debate sa English Wikipedia, pero maaari niyong tingnan ang debate tungkol sa sa kasama nitong Wiktionary. Makikita ito dito. Higit sa iyon, nagkaroon na ng malawak na konsenso na panatilihing "Tagalog Wikipedia" ang pangalan, pero ang wikang gamit sa pagsulat ay Filipino. Maaari ring tingnan ang opisyal na patakaran tungkol sa pagsasalin at wikang gamit. Para maisagot nang tama ang tanong mo: inabandona na ito. --Sky Harbor (usapan) 13:36, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]
Mungkahi: Dapat sigurong hilingin na - ngayon pa lang - na ituro (i-"redirect") ang http://fil.wikipedia.org/ (kung magkakaroon) patungong http://tl.wikipedia.org para maiwasan ang anumang pagkalito ninuman sa hinaharap. Salamat. - AnakngAraw 14:05, 29 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Panawagan sa pagka-kasapi sa Wikimedia Pilipinas (WMPH)

baguhin

Mga Wikipedista: bukas pa rin ang pagka-kasapi sa Wikimedia Pilipinas (WMPH), ang pinapanukalang sangay ng Wikimedia Foundation na itinatatag sa Pilipinas. Kasalukuyang 30 ang mga kasapi nito at tuluyang itong lumalaki. Kahit sino man, saan man sa Pilipinas o sa mundo, maaaring sumali! Kung interesado kayong makilahok sa mga aktibidades ng WMPH, magtala lang kayo dito. Salamat! --Sky Harbor (usapan) 13:37, 2 Enero 2009 (UTC)[sumagot]

Magandang araw. Mungkahi ko na mag-karoon tayo ng FAQ? o Frequently Asked Questions para sa mga baguhan na tagagamit. Marami kasi ang nahihirapan pa umintindi sa pag-edit ng ensiklopedyang ito eh. Yun ang napapansin ko sa mga baguhan at iyon din ang dahil kung bakit sila nagiging di-aktibo. Sinumulan ko ang Wikipedia:Mga malimit itanong. Sana'y may magpadami nito. Muli, Salamat sa mag-aambag. Estudyante (Usapan) 09:31, 4 Enero 2009 (UTC)[sumagot]

May mga inilagay nang tanong doon sina Mk32 at Waterox888. Nilagyan ko naman ng sagot. Ayusin kung kailangan o magdagdag? Nagdagdag din nga pala ako. Salamat. - AnakngAraw 21:05, 14 Enero 2009 (UTC)[sumagot]

Anong nangyari?

baguhin

Wala na ang pumapansin sa Wikipedia:Nominasyon para sa Tagatingin ng Wikipedia Tagalog, 2007 pa ang huling halalan dito. Grabeh. Dar book 12:16, 7 Enero 2009 (UTC)[sumagot]

Dapat isara na iyan. Hindi tayo pinayagan magkaroon ng tagatingin dahil maliit daw ang ating pamayanan. At saka wala naman yatang problema ngayon sa sockpuppetry. Kung mayroon man, irereklamo na lang meta. --Jojit (usapan) 05:20, 8 Enero 2009 (UTC)[sumagot]

Dagdag impormasyon para sa mga infobox ng mga artista, mang-aawit, at iba pa

baguhin

Posible kayang maidagdag sa mga infobox ang field na Wika (Language)? Nais ko rin kasing magkaroon ng ganoong field para sa dagdag kaalaman. Salamat - Lee Heon Jin

Halalan ng mga Bandahali sa Wikimedia

baguhin

Ipinababatid po lamang sa lahat na naghahalal ng mga bagong Bandahali (o mga Steward [Katiwala]) sa Meta-Wiki ng Wikimedia isang beses bawat taon. Nagsasagawa ang mga bandahali ng mga gawaing teknikal sa lahat ng mga wiki ng Wikimedia na naaayon sa napagkasunduan ng pamayanan. Kung nais mong maging isang bandahali, pumunta at basahin ang mga detalye mula sa Halalan ng mga Bandahali 2009. Magsisimula ang botohan doon mula 01 Pebrero 2009 (UTC) at magtatapos sa 22 Pebrero 2009 (UTC). Huwag kalimutang makilahok! - AnakngAraw 03:43, 20 Enero 2009 (UTC)[sumagot]

Mga artikulo tungkol sa ortograpiyang Filipino

baguhin

Napansin ko na nagkadoble-doble ang artikulo para sa ortograpiyang Filipino: mayroong Palabaybayan ng Filipino at Pagbabaybay sa wikang Filipino, at pareho silang nakaturo sa iisang katapat na artikulo sa Wikipedya sa Inggles. Sa palagay ko mas mabuting pag-isahin na lang sila. Ano sa tingin 'nyo? --Pare Mo 07:07, 26 Enero 2009 (UTC)[sumagot]

Sang-ayon po ako sa na pagsamahin na lamang ang nilalaman ng mga artikulo.--Lenticel (usapan) 05:03, 29 Enero 2009 (UTC)[sumagot]

Okay, nagawa ko na. --Pare Mo 13:45, 29 Enero 2009 (UTC)[sumagot]

Magpalawig

baguhin

Nagsimula ako ng bagong proyekto, ang magpalawig ng mga artikulo/pahina. Sana ay makiisa ang lahat. Sa aking palagay mas mainam pa rin kung mas maraming kabatiran ang makikita sa mga pahina/artikulo. napansin ko kasi na mas marami na sa ngayon ang artikulong iisa lamang ang pangungusap. Kaya naisipan kong magpalawig. Tsaka sana kung maaari ay maiwasan natin ang pagdagdag ng mga pahina/artikulo na iisa lamang ang pangungusap. Sa tingin ko kasi mas maganda parin ang "kalidad kaysa dami". :-)


Para sa mga Tagagamit: Good Job! at ipagpatuloy ang masigasig na pagpapahusay ng Tagalog Wikipedia. Mabuhay ang Tagalog Wikipedia!!!. Mananaliksik 09:39, 31 Enero 2009 (UTC)[sumagot]

Salamat sa panghihikayat na ito at mga gawain mo. Mabuhay ka! - AnakngAraw 03:51, 6 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
Limang oras kong tinrabaho ang artikulo tungkol sa People Power Revolution. Bale, inaamin ko na mayroon akong bahagi na tinagalog lamang mula sa orihinal na . Tamang-tama dahil mag-aanibersaryo na ng People Power sa Martes. Libre ninyong baguhin ang nasabing artikulo -- lagyan ng mga larawan at gumawa ng iba't ibang mga improvements.
Kung may oras ako ay maghahanap ako ng mga usbong na puwedeng palawagin. Chitetskoy 08:00, 22 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

Pabatid: Lokalisasyon sa Betawaki

baguhin

Nais ko lamang iparating sa lahat na nakumpleto na sa Translatewiki.net (o kilala rin bilang Betawiki) ang lokalisasyon o pagsasapook ng mga pagsasalinwika ng mga mensaheng pangsopwer ng Tagalog Wikipedia. Nabuo ito ngayong Pebrero 6, 2009. Subalit magpapatuloy ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa mga mensahe roon, kaya't maaari kayong lumahok sa pagsasapanahon at paglilinis/pagtatama ng mga salinwika (mula sa Ingles patungong Tagalog), kung kinakailangan. Naririto ang kamakailang mga gawain sa Betawiki para sa Tagalog Wikipedia. - AnakngAraw 03:58, 6 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

Salamat na naitapos na ito. Ngayon, maaari nang umusad ang mga proyektong maaaring imungkahi sa wikang Tagalog, tulad ng Wikinews. (Padagdag lang: mas mainam ang "direksyong IP" kaysa sa "adres ng IP" para sa IP address) --Sky Harbor (usapan) 11:54, 6 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
At sana magkaroon na ng pagkakatulad (unipormidad) ang mga mensahe ng sopwer, tulad ng nasa mga panggilid na halang (sidebar) din ng Wikibooks, Wiktionary, atbp. na nasa Wikang Tagalog na. - AnakngAraw 20:35, 6 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
Mas mainam kung hawig sa naririto sa "pangunahing" wiki nating Tagalog Wikipedia. - AnakngAraw 20:38, 6 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

Para alam natin na uniform ang mga salin, sinisimulan ko ang audit ng saling Tagalog ng interface ng MediaWiki sa Betawiki. Sinong gustong tumulong? --Sky Harbor (usapan) 04:16, 22 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

Arkibo

baguhin

Naging BOLD ako at inarkibo ko na ang mga usapan mula Setyembre hanggang Disyembre--Lenticel (usapan) 04:19, 8 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

Salamat po. - AnakngAraw 04:21, 8 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

Mga bagong pahina

baguhin

Narito nga pala ang dalawang bagong mga pahina na maaaring dagdagan, suriin, ayusin, at baguhin pa ninuman.

Salamat. - AnakngAraw 04:28, 8 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

Bagong lugar ng usapan ng Kapihan

baguhin

Wow, nailipat na rin sa tamang lugar ang Kapihan. Dati ko pang balak na ilipat ito, wala lang akong oras. Mabuhay ka ANA! :) --Jojit (usapan) 06:56, 10 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

I still wish the front page was used for the community portal instead. The Kapihan was fine where it was. --Sky Harbor (usapan) 09:38, 10 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
Nope. Mas magandang nailipat ito dito dahil ang usapan ay dapat nasa pahina ng usapan at hindi sa proyekto. --Jojit (usapan) 10:21, 10 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
Sabihin mo iyan sa Village pump sa English Wikipedia. :D --Sky Harbor (usapan) 12:28, 10 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
Iyan ang pagkakamali nila. Masyadong nakakalito ang village pump, mayroong usapan sa project at sa talk. Dapat kasi isa lamang ang pinupuntahan ng tao sa pagtatanong tungkol sa Wikipedia. Mahirap din itong i-nabiga sa personal na opinyon ko. Dapat may mag-propose ng bagong sistema ng village pump. Hindi ko magagawang magmungkahi diyan dahil hindi ko iyan priyoridad. ;p --Jojit (usapan) 14:03, 10 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

(reset) Mukha ng WP:PINOY itong Kapihan ngayon pero at home naman ako. Tignan niyo naman ang WP:BURA. Maraming nakasalang ngayon doon. --Lenticel (usapan) 14:29, 10 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

Ang pinagtututulan ko dito ay dahil sa paglawak ng Kapihan, parang hindi na natin kailangan ng puntahan ng pamayanan. Parang puwersahang pinagsama mo ang dalawa ngunit dapat ito'y nananatiling hiwalay. Actually, mas mainam pa rin na ang kontento ng unang pahina nito ay ilipat doon. --Sky Harbor (usapan) 14:45, 10 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
May punto ka diyan, kailangang ngang ilipat. Siguro, i-rephrase ang Wikipedia:Kapihan/Main at ipanatili iyon sa kanyang kinalalagyan. Tapos, 'yung ibang suleras, ilipat sa Wikipedia:Puntahan ng pamayanan. Pero ang istruktura ng Kapihan, ganoon pa rin na eksklusibo lamang ang usap-usapan sa pahina ng usapan. --Jojit (usapan) 02:41, 11 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
E bakit hindi na lang ituro ang Wikipedia:Puntahan ng pamayanan papunta sa Wikipedia:Kapihan para hindi na palipat-lipat ang tagagamit, dahil nasa iisang lugar na lang lahat. - AnakngAraw 03:17, 11 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
Sa pagkakaintindi ko sa argumento ni Sky Harbor, magkaiba daw ang "puntahan ng pamayanan" sa "kapihan". Sa isang portal o puntahan kasi, lahat ng gusto mong malamang impormasyon sa proyekto ay nandoon na samantalang ekslusibo lamang sa mga pagtatanong at usapan ang Kapihan. Sa tingin ko, iyon ang istruktura sa karamihan ng mga proyekto ng Wikimedia na hiwalay ang portal sa village pump. Maaari din naman na gawin ang mungkahi mo, since nakasanayan ng lahat ng mga tagagamit na pumunta sa kapihan para alamin ang lahat tungkol sa Wikipedia. 'Yun nga lang tataliwas tayo sa karamihan. Para sa akin, walang problema kung pagsamahin o hindi ang portal at kapihan. Ang mahalaga mapagbuti natin ang Tagalog na Wikipedia para sa gumagamit nito. Kung ano ang mas convenient sa lahat, iyon ang gawin. --Jojit (usapan) 04:21, 11 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
A, okey. So sa ngayon inilipat ko na ang ilang bahagi papunta sa Wikipedia:Puntahan ng pamayanan, kaya pakisama ito sa mga pahinang binabantayan ninyo. Ginawa ko ito ayon sa sinabi mong tradisyonal na istruktura ng karamihan ng mga proyekto ng Wikimedia. Salamat sa paliwanag. Maaari pa namang ibalik ang mga iyon dito sa Kapihan kung may magnanais. Salamat sa paliwanag. - AnakngAraw 13:30, 11 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
Saka nga pala, meron bang makapag-aayos nitong tekstong narito sa pahinang ito na humaharang sa teksto ng ating pag-uusap na nagsasabing "Huwag kalimutang ipanlagda ang ~~~~ sa huli ng bawat komento mo. Salamat!" Pag-aayos lamang ng puwang ang kailangan. Sinubok ko nang ayusin, pero hindi ko mapainam sa ngayon. Salamat din kung magagawa ito. - AnakngAraw 13:34, 11 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
Iyan OK na. :-) --Jojit (usapan) 01:40, 12 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
Salamat naman. O, ayos ba sa lahat ang kasalukuyang kinalalagyan ng mga baha-bahaging pinag-uusapan natin sa itaas? - AnakngAraw 02:45, 12 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]
Sa akin, OK na 'yung ginawa mo. Galing. --Jojit (usapan) 09:56, 12 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

Paalala sa lagda

baguhin

Dinagdagan ko ng paalala sa ibaba ang WP:KAPE. Silipin niyo sa pinakababa. -- Felipe Aira 06:21, 2 Abril 2008 (UTC)[sumagot]

Awtomatiko ko na rin itong iaarkibo gamit ng AiraBot. -- Felipe Aira 08:50, 24 Abril 2008 (UTC)[sumagot]