Isang lindol sa Lalawigan ng Kanlurang Azerbaijan, Iran, ang kumitil sa hindi bababa sa siyam na tao at sinugatan ang higit sa isang daan na iba pa. (Daily Sabah)
Pitumpu't anim pang kaso ng coronavirus ang natiyak sa Italya na nagdulot sa pagtaas ng bilang sa 155 na kabuuang kaso sa bansa. (La Repubblica)
Isang babaeng 68 gulang ang namatay sanhi ng coronavirus sa Crema, Italy, na nagdulot na magdagdagan ang mga namatay sa bansa dahil sa coronavirus sa kabuuang tatlo. (Tgcom24)
Pagsiklab ng coronavirus sa Timog Korea
Nakumpirma sa Timog Korea na may 169 katao ang nahawaan ng coronavirus sa bansa, na itinaas ang kabuuan sa 602. (BBC)
Pagsiklab ng coronavirus sa Iran ng 2020
Sinarhan ng Pakistan ang mga hangganan nito sa Taftan na malapait sa Iran dahil sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa Iran. (Geo News)
Sinara ng Turkey ang hangganan nito sa Iran at tinigil ang mga lipad dahil sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa Iran. (Reuters)
Sinuspinde ng Afghanistan ang paglakbay sa pagitan nito at Iran at inulat ang tatlong sinususpetsang may kasa ng bayrus sa Herat. (TRT World)
Politika at halalan
Lehislatibong halalan sa Comoros ng 2020
Nagaganap ang ikalawang yugto ng pinakabagong halalan sa Comoros. Kasalukuyang binoboykot ng oposisyong pampolitika ang halalan. (RFI)