Wikipedia:Mga artikulong buburahin/Ministry in the Church of the MessiYàh
- Ang sumusunod ay ang usapan sa in-archive na pagtatalo sa iminungkahing pagbura sa artikulo sa ibaba. Pakiusap, huwag baguhin ito. Dapat ilagay ang mga sumusunod na kumento sa nararapat na mga usapang pahina (katulad ng usapang pahina ng artikulo o sa pahina ng pagsusuri ng pagbura). Wala ng pagbabagong magaganap sa pahinang ito.
Ang resulta ay burahin. --Jojit (usapan) 06:04, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Nilalaman
Matagal na dapat nabura ang artikulong itong binudburan ng di-matapos-tapos na pagtangkilik sa kaduda-dudang simbahang wala namang nagpapatungkol. Burahin kaagad bilang hindi tanyag, orihinal na pagsasaliksik, at pagkakaroon ng pinapanigan. -- Felipe Aira 00:43, 16 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Sa sayt po na ito ay may na-pakaraming mga artikulong walang kabuluhan, kung nais po ninyo ay ibibigay ko ang mga-lingk upang inyong mapag-suri at baka naman nindi ninyo napapansin lamang. Bakit po ang isang gaya nito na wala namang piniperwisyong laranagan ay inyong buburahin? Karapat-dapat po ba na burahin ang isang hindi tanyag ngunit may dinadala namang mabuting aral? Ano po bang kasamaan ang na-idulot nito sa sanlibutan? Magbigay po kayo ng kahit isa at kusa po kaming aalis sa sayt na ito na ina-akala naming walang kinikilingan.
Nasaan po ang katangian ng wikipedia na: ang malayang ensiklopedya?
Maraming salamat po!
Lubos na nagpipitagan,
- Wala akong balak siraang relihiyon dito. At kung nasaktan ka man, humihingi ako ng paumanhin. Pero ang sinasabi ko ay mayroong patakaran sa paglalakip ang lahat ng Wikipedya, ito ang patakaran sa katanyagan (en:WP:NOTABILITY). Anong ibig sabihin niyan? Hindi maaaring mailakip ang isang artikulo sa anumang Wikipedya hanggang hindi ito tanyag. Ngayon, paano malalaman ang katanyagan? Gagamitin natin ang patakaran sa katanyagan para sa mga kompanya at kapisanan, katulad ng isang simbahan, en:WP:ORG. Nakasaad doon na hanggang walang nagpapatungkol sa paksang hindi naman nito kaugnay, hindi ito tanyag. Halimbawa: Sabihin natin ang kompanya X ay mayroong nagpapatungkol, katulad ng website nito, ngunit walang nagpapatungkol na iba pa sa sarili nito, nangangahulugan lamang na hindi ito tanyag at hindi maaaring ilagay sa Wikipedya. Ngayon kahit nakapagbibigay man ang artikulo ng mabuting aral, masaklap man kung sasabihin, walang pakialam ang Wikipedya roon, at ang iniintindi lamang ay ang katanyagan. At isa pang bagay hindi naman lahat ng tao ay umaayon sa bagay na iyon, kaya iyon mismo ay kaduda-duda. Kung ang sinasabi mong mga artikulong walang kabuluhan ay hindi rin tanyag maaari mo bang ibigay ang mga artikulong ito, para masiyasat? Sa huli, hanggang wala po kayong maibibigay na kahit anumang patunay na ang artikulo ay tanyag o kahit anumang nagpapatungkol dito maliban sa mga websayt nito, kailangan nating burahin iyon hanggang ito ay maging tanyag. Doon lang sa panahong iyon kung kailan ito ay tanyag na ay maaari nang ilagay ang artikulo sa Wikipedya. -- Felipe Aira 06:56, 17 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Wala akong makitang pangatlong sanggunian na hindi galing sa Tagalog na Wikipedia. Kung mayroon, sana'y natulungan ko na ang nagsimula upang maayos ang artikulo para mapanatili. Subalit, nanghihinayang man, wala talaga akong makita... Kailangang may magsulat mula sa anumang pangatlong sanggunian pero hindi Wikipedia (anuman ang wika). - AnakngAraw 09:43, 17 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Pero, pakitingnan ang pag-aayos na ginawa ko upang maging esiklopediko. 'Yung nga lang usbong ang magiging katayuan nito dahil sa kawalan ng ibang mapagsasanggunian. Pinaliit ko rin ang larawan. Mananatiling ganito ang artikulo, kung pahihintulutan ng pamayanan, ngunit hanggang sa ganitong anyo lamang at hanggang sa magkaroon iba pang mga sangguniang magpapatungkol rito. Wala ako mahanap na mapagsasanibang ibang artikulo para rito, sa ngayon. - AnakngAraw 21:18, 17 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Wala akong makitang pangatlong sanggunian na hindi galing sa Tagalog na Wikipedia. Kung mayroon, sana'y natulungan ko na ang nagsimula upang maayos ang artikulo para mapanatili. Subalit, nanghihinayang man, wala talaga akong makita... Kailangang may magsulat mula sa anumang pangatlong sanggunian pero hindi Wikipedia (anuman ang wika). - AnakngAraw 09:43, 17 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Nauunawaan ko po!
baguhinNauunawaan ko po ang inyong kalagayan bilang mga tagapagtuwid ng sayt na ito, naka-panghihinayang man, Tinatanggap po namin ang inyong magalingin ayon na rin sa mga patakaran dito, Ngunit patuloy pa rin po kaming humihiling na mapanatili ang lathalaing ito; Sa ka-inaman ng inyong karanasan ako'y naniniwala na mayroong pitak dito na maaari ninyong mapaglipatan, Sa ganoon ay matutulungan ninyo kami na manatili ng hindi nakalalabag sa mga panuntunan o kundi man ay kaunti o mga menor lamang. Muli ay nagpapasalamat kami. Wala pong sama ng loob na naiiwan sa amin, Alam namin na kayo ay sumusunod lamang sa tungkulin ninyo sa mga panuntunan. Salamat pong muli. - Qahaluluhah
- Tingnan ang kumento sa itaas. Nakasalalay na ito sa ibang mga kasaping patnugot at tagapangasiwa, ayon sa konsensus. - AnakngAraw 21:20, 17 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Salamat po sa pag sasa-ayos(modify)
baguhinAng munting pahayag na iyon ay sapat na sa amin upang kayo ay walang humpay na pasalamatan. Makapagtuturo(link) yaon sa aming websayt. Nawa ang talàng iyon ay manatili. Salamat pong muli. - Qahaluluhah
Dahil alam kong gustong-gusto mong panatiliin ang artikulo sa Wikipedya, heto na lamang ang makapagliligtas dito. Nakakaalam ka ba o nakabasa ng kahit anong lahalain tungkol sa inyo, kahit hindi tahasang tungkol sa inyo, basta binanggit kayo at nagsabi ng kahit isang maikling pangungusap kung ano kayo? Halimbawa, sa Diyaryo X, nakalagay:
“ | Ang Pilipinas, isang napakagandang bansa, ay binubuo ng 7,000 mahigit na isla. Sa aspeto ng pananampalataya, mayroong Simbahang Romano Katoliko, ang pinakamalaking simbahan sa Pilipinas, Ministry in the Church of the MessiYàh, ang samahang [pagpapaliwanag], at ang blah-blah-blha...., isang blah-blha blah. | ” |
Kahit ganoon lang, basta may sinabi tungkol sa inyong sapat na upang ipanulat sa isang artikulo. Maging sa diyaryo man, aklat, pamplet, websayt, o, sana huwag naman dumating, sa blog. Kahit alin mang wika. Kung wala talaga, kailangan talagang burahin. -- Felipe Aira 01:44, 18 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Hindi ko po alam kung mapagbabasehan na ang mga site na gaya nito: http://www.excite.nl/directory/World/Tagalog/Lipunan/Relihiyon
Sa inyo pong karanasan at ka-alaman ukol sa mga bagay na ganito naka-salalay ang lahat, mayroon ding mga lokal na diyario(lathalaing pang migrante dito sa Italia) na naglalathala ng mga artikulo namin, maaari namin itong i-scan at i-post dito. Salamat po. - Qahaluluhah
- Pakibigay ang pamagat ng mga diyaryo, mga petsa ng pagkalimbag, mga bilang ng isyu, pahina ng lahat ng lathalain na bumanggit sa pangalan ninyo. Isama ang pamagat ng artikulo na nagpapatungkol sa inyo. Pakisipi ang bahagi, tulad ng taludtod, upang malaman kung ano isinasaad ng pahayagan hinggil sa inyo. Para masuri ng mga patnugot. Salamat. - AnakngAraw 21:39, 18 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Ang Diyario: Pinoy Patrol[1]
Artikulo: Biblia Ang Hahatol
Nilalaman: Gaya ng mga nakasaad sa Web Sayt http://bibliaanghahatol.net
Petsa ng limbag: Hunyo - Disyembre 2006
Radio Program: Radio Roma 103.9 FM
Disyembre 1999 - Setyembre 2004
Nakalagay din sa OFW Handbook na inilathala ng Philippine Embassy sa Italy Taong 2007 bilang isa sa mga umiiral na Kumunidad.
Pakikarga ang mga pahina ng iyong kopya. Ibig kong makita. At kung may mas tuwiran kang kawing/link para dun sa isinulat mo hinggil sa Pinoy Patrol (kung saan nababanggit ang pangalan ng grupo ninyo) pakibigay. Maaaring mabura ang pahinang ikakarga mo pagkatapos kong tingnan, pakitandaan lang. Salamat. - AnakngAraw 23:28, 18 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Ikarga mo rin yung pahina tungkol sa OFW Handbook at Radio Roma. - AnakngAraw 23:30, 18 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Burahin. Kawalan ng "notability". Hindi rin ito papasa sa Wikipedia na Ingles. Starczamora 02:39, 22 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Mga pahinang maaaring maging ganap na sanggunian
baguhinAng istasyon ng Radio Roma na dating may websayt na http://www.radioroma.tv ay nagsara noong Nobyembre 2004 kaya natigil na ang programa at noong Setyembre 2006 muling nagbukas ito sa ibang pamamahala ngunit wala na silang websayt.
Talaksan:PinoyPatrol.pdf - huwag pdf, gumamit ng jpg
Talaksan:Embassy HandBook.pdf - huwag pdf, gumamit ng jpg
Talaksan:AngSentral 2002.pdf - huwag pdf, gumamit ng jpg
- Pakikarga bilang larawan o ".jpg" ang mga dokumento na nabanggit sa itaas. Kailangan ko lang iyong pahina. Hindi ko mabuksan yung mga .pdf bersyon. Salamat. - AnakngAraw 00:45, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Gumamit ka ng scanner para maging larawan. Salamat. - AnakngAraw 00:49, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- At dito mo rin idispley ang mga pahina; kung paano ka maglagay ng larawan sa isang artikulo (tulad ng logo) niyo. - AnakngAraw 00:53, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Gumamit ka ng scanner para maging larawan. Salamat. - AnakngAraw 00:49, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Hinggil naman sa websayt ng radiorama, siguro naman may na-iprint kang kopya noon. I-scan mo rin (jpg uli), at idispley dito sa pahina ng usapan (mga 100px ok na, mabubuksan ko naman iyon). Kailangang makita ang buong pangalan ng kawing at ang artikulong nasulat hinggil sa grupo ninyo. AnakngAraw 01:06, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Image:AngSentral_2002.pdf -- walang pagbanggit tungkol sa "Ministry in the Church of the MessiYàh" --bluemask 02:44, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Image:Embassy HandBook.pdf -- nakatala lamang ang "Ministry in the Church of the MessiYàh" at walang usapan tungkol dito. --bluemask 02:46, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Image:PinoyPatrol.pdf -- walang pagbanggit tungkol sa "Ministry in the Church of the MessiYàh". dalawang artikulo ng "Bibliya ang Hahatol" ang nilalaman. --bluemask 02:50, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Hindi maaring gamiting batayan ang mga ito. --bluemask 02:50, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Kung gayon, hindi talaga puwede. Salamat, bluemask. - AnakngAraw 03:27, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
- Nakasalalay na po sa inyong pagpapasya bilang mga patnugot kung ano ang marapat. Muli, kami ay nagpapasalamat sa ilang panahon ng pananatili. Umaasang sa hinaharap na panahon kami ay mapa-uunlakan ayon na rin sa mga panuntunan / regulasyon sa wiki. Hanggang sa muli, Salamat po! - Qahaluluhah
- Maaari na itong isara. Salamat. Tutulong ang mga patnugot kapat naabot na ninyo ang pamantayan. Hanggang sa muli. Salamat uli. - AnakngAraw 06:50, 19 Marso 2008 (UTC)[sumagot]