Wolfgang (banda)

(Idinirekta mula sa Wolfgang)

Ang Wolfgang ay isang Pilipinong heavy metal, hard rock at grunge na banda na nagsimula noong 1992 sa Manila, Philippines. Tanyag ang Wolfgang bilang nag-iisang Pilipinong rock band na nakapag labas ng mga album sa Japan at sa Estados Unidos at sa pagkamit ng Platinum record sales sa kanilang tinubuang bansa.[1] Ang quartet ay nagpahina mula sa musika noong 2002, pero nagbalik noong 2007.

Wolfgang
Kabatiran
PinagmulanManila, Pilipinas
GenreHeavy Metal, Hard Rock, Grunge
Taong aktibo1992 – 2002, 2007 – kasalukuyan
LabelIvory Records
Sony BMG Music Entertainment
Semenelin Music
MiyembroBasti Artadi (vocals)
Mon Legaspi (bass)
Manuel Legarda (guitars)
Francis Aquino (drums)
Dating miyembroLeslie "Wolf" Gemora (drums)
Websitehttp://wolfgang.bandpages.info

Kasaysayan

baguhin

Nagsimula sa musika ang mang-aawit na si Basti Artadi (pinanganak Sebastian Artadi) at ang drummer na si Wolf Gemora (pinanganak Leslie Gemora) sa iba't-ibang mga lokal na banda, samantala ang gitaristang si Manuel Legarda ay nagbalik sa Pilipinas mula sa kanyang pagtira sa bansang Espanya. Ang tatlo ay na-inspire na magsimula ng banda habang dinadalas nila ang mga konsiyerto ng isa pang tanyag na pilipinong pangkat, ang Razorback, na nagpangalan sa tatlo bilang "Wolfpack".[2] Kinalinga nila ang palayaw para sa pangalan ng kanilang banda, "Wolfgang", sa panukala ni David Aguirre, isa sa mga gitarista ng Razorback.[3]

Ang musika sa Pilipinas ay malaking na-impluensya ng mga western artists at kumuha ang Wolfgang ng inspirasyon mula sa mga bandang Metallica, Soundgarden, Carlos Santana, Pearl Jam, The Doors, Black Sabbath, Sepultura, at kanilang hinahangaang Led Zeppelin, Pink Floyd at Aerosmith, kasama ng iba pa. Nagsimula silang tumugtog ng 'live' sa dating 'Atrium' at sa 'Kalye' sa lungsod ng Makati. Madaling dumating at umalis sa banda ang kanilang mga Bass players hanggang sa pagsali ni Mon Legaspi (pinanganak Ramon Legaspi), na sa wakas ay nag semento ng linya ng banda. Ang kanilang unang oportunidad na makilala ay nanggaling sa pagtugtog sa RJ Junior Jam ng Channel 29.

Miyembro

baguhin

Kasalukuyatg Miyembro

Diskrographiya

baguhin
Title Date of release (Philippines) Record label
Wolfgang 1995 Ivory Music (Formerly Ivory Records)
Semenelin 1996 Sony BMG Music Entertainment
Wurm 1997
Serve In Silence March 1999
Acoustica 2000
Black Mantra August 2001
Villains December 2008 Semenelin Music

Tingnan din

baguhin

Panlabas na kawing

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. De Mesa, Karl R. "Cry Havoc... The Sons of Anarchy are Back". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-31. Nakuha noong 2009-03-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Caruncho, Eric S. (2008-12-07). "Black with a Vengeance". Inquirer.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-21. Nakuha noong 2009-03-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wolfgang: Wolfgang, Liner notes, 2001
Parangal
Sinundan:
"The Jerks"
The Jerks
NU Rock Awards
Album of the Year
"Serve In Silence"
together with Grip Stand Throw

1999
Susunod:
"Free"
Rivermaya