Ang Ysabella ay isang romantikong soap opera na ipinalabas sa ABS-CBN na kung saan ay si Judy Ann Santos ang may pangunahing papel. Kasama rin niya sina Ryan Agoncillo at si Derek Ramsay.

Ysabella
UriDula, Komedya, Romantikong Pag Ibig, Pagluto
GumawaABS-CBN
DirektorRory B. Quintos
Don M. Cuaresma
Cathy Garcia - Molina
Pinangungunahan ni/ninaJudy Ann Santos
Ryan Agoncillo
Derek Ramsay
Kompositor ng temaOgie Alcasid
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Bilang ng kabanata150 (Final)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapDes D. Tanwangco
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanABS-CBN
Picture format480i SDTV
Orihinal na pagsasapahimpapawid25 Hunyo 2007 (2007-06-25) –
18 Enero 2008 (2008-01-18)
Website
Opisyal

Ang istoryang ito ay tungkol sa isang batang babae na nagngangalang Ysabella Cuenca. Sa kanyang pagkabata, si Ysay ay may hilig sa pagluto ng pagkain at may ambisyong maging isang kusinero, katulad ng kanyang inang si Rosario Cuenca.

Ngunit ang pagkamatay ng kanyang ina ay nagdulot sa kanya ng kahirapan sa buhay. Ngunit ito rin ay kanyang naging gabay sa kanya upang maging metikulosa at matutong magluto at pagiging madahan sa pagmahal. Lumaki siyang nasa isip niya ang pagiging kusinero sa kanilang lugar at upang maipaghiganti niya ang kanyang ina sa babae na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Pero sa kabila nito, siya ay napagitna sa dalawang lalaki na parehong nagpamalas ng pagmamahal sa kanya. Nagsimulang pumasok sa isip niya ang mga tanong na sino ang makakapagbigay ng may tamang halo ng pagmamahal. Ito ba ay ang isang lalaking patambaytambay sa labas ngunit may talino na si Andrew Amarillo o ang isang sikat na kusinerong si Mito Valenzuela? O si Albert Amarillo na naghahanap ng hustisya para sa kanyang kakambal na si Andrew Amarillo?

Mga karakter

baguhin

Mga pangunahing karakter

baguhin
  • Si Judy Ann Santos bilang Ysabella "Ysay Cuenca- ang babaeng may hilig sa pagluto. Sa kanyang kusina, siya ay parang isang reyna na lahat ng kanyang lulutuin ay tinitimplang mabuti hanggan sa matapos ito. Kaya lang, medyo mahina siya pagdating sa pag-ibig. Humantong sina Ysay at Victoria sa isang kompetisyon sa pagluluto na para sa isang daang milyong dolyar na kontrata para kay Prince Hugo upang i-franchise ang pinakatamang Chicken Inasal na resipe sa buong mundo. for the rightful chicken inasal recipe internationally. Nanalo si Ysay at si Victoria ay nagkaroon ng galit sa puso.
  • Si Ryan Agoncillo bilang Andrew Amarillo/Albert Amarillo - Si Andrew ay isang lalaki na nagpatuloy ng kanyang pagmamahal kay Ysay hanggang sa kanyang kamatayan.Si Albert naman ay kanyang kakambal na nagpakilala bilang Andrew upang maipaghiganti niya ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Dahil sa kanyang pagmamahal kay Ysay, nasabi niya ito sa kanya.
  • Si Derek Ramsay bilang Mito Valenzuela - "The Sexiest Chef on TV" ay "first love" ni Ysay. Pagkatapos na maka-"recover" sa pagpapagamut ng kanyang nabaling braso sa Estados Unidos, bumalik siya sa Pilipinas upang ipatayo ang pinapangarap na restawran ni Ysay para sa kanyang namayapang ina, at maibalik niya ang dating pagmamahalan nila ni Ysay. At nakayanan niya ito.
  • Si Coney Reyes bilang Victoria Amarillo - nangungunang chef ng "Florencia's" at siya rin ang nagmamay-ari ng "Victoria's Corporation" Ngunit sa kabila ng kanyang mga tagumpay, may gusto pa siyang makuha at lahat ay gagawin niya upang makuha ang mga ito. Pagkatapos ng kompetisyon kung saan ay natalo siya, ipinadala niya si Christina upang patayin si Ysay.
  • Si Gina Pareño bilang Trinidad Mendoza - ang pangalawang ina ni Ysabella na hindi sumusuko upang maitaguyod niya ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Siya rin ang namahala ng restawran ni Ysay.
  • Si Aiza Seguerra bilang Alex Mendoza - ang pinakamalapit na kaibigan ni Ysay. Ngunit may isang pagsubok na susubok sa pagiging malapit ng dalawa. Siya ay may gusto kay Tere. Ngunit meron na siyang nobyo. Siya'y ay may kunting pagseselos sa kanya. Ngunit sa kabila nito, wala paring alam si Tere na may gusto si Alex sa kanya
  • Si Valeen Montenegro bilang Lima Amarillo - ang isang masunuring anak ni Victoria at kapatid nina Albert at Andrew, at siya ay nakatikim ng unang pagmamahal kay Jordan at nakatutok rin ang kanyang puso kay Reno. Kalaunan nagpakasal sila ni Jordan.
  • Si Aldred Gatchalian bilang Jordan Valenzuela - ang nakababatang kapatid. Ang kanyang pagmamahal ay binibigay lamang niya sa isang babae, at ito ay si Lima. Nagpakasal siya kay Lima.
  • Si Jason Abalos bilang Reno - Ang misteryosong lalaki na kinuha nina Ysay bilang "caretaker" kalaunan, siya ay bumalik sa Maynila upang magtrabaho. Nakilala niya doon si Lima at kanyang nagustuhan. Namatay si Reno dahil sa tumor.

Mga sumusuportang tauhan

baguhin
  • Si Desiree Del Valle bilang Christina Mancado - Dating girlfriend ni Andrew Amarillo. Sila ay may anak na nagngangalang "Tingloy". Muntikan niyang mapatay si Ysay.
  • Si Pokwang bilang Phuket - Matapat na kanang-kamay ni Victoria. Siya lamang ang taong may alam sa tunay na buhay ni Victoria.
  • Si Kat Alano bilang Georgia Rodriguez - ang babaeng nagmahal upang makuha lang ang tagumpay.
  • Si Olyn Membian bilang Bonnie, sekretarya ni Lima.
  • Si Lito Pimentel bilang Homer - inaasahang tauhan ni Victoria.
  • Si Jeffrey Santos bilang Apolinario "Burdoy" Reyes - ang nag-aalaga ng "farm" ni Andrew.
  • Si Sitti Navarro bilang Tere - ang babaeng gusto ni Alex ngunit siya ay may "boyfriend".
  • Juan Rodrigo bilang Fernando Montalban
  • Perla Bautista bilang Lupe - Victoria's mother
  • Michael Conan

Espesyal na partisipasyon

baguhin

kanyang kalaban.

Pagtanggap

baguhin

Ang pasunod na episode ng "Ysabella" ay nakasungkit ng puntos na 28.9% porsyento sa Mega Manila households ayon sa AGB Nielsen. Ang "ratings" nito nung unang dalawang buwan ay humakot ng pinakamataas 31.5 porsyento at ang pinakamababa naman ay ang 23.4 porsyento.

Simula ng buwan ng Setyembre, nailagay ito sa mga huling slots upang magbigay ng daan sa mga bagong palabas tulad ng Kokey, Pangarap na Bituin, Lastikman, Princess Sarah, Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2, Maging Sino Ka Man at Patayin Sa Sindak Si Barbara. Nagsimula itong kumuha ng mabababang mga ratings at narating nito ang kanyang pinakamababa na may rating na 13.9 porsyento, at ang pinakamataas naman ay 26.5 porsyento. Ngunit may mga oras na mas mataas ang Ysabella kaysa sa ibang ABS-CBN primetime na palabas sa kabila na ito'y nailipat sa late time slots.

Sa huling linggo nito, hindi na ito nakakuha pa ng mga matataas na ratings dahil sa mga malalakas na palabas ng GMA-7 tulad ngMariMar and La Vendetta. Ang palabas na ito ay natapos noong 18 Enero 2008 ng may rating na 22.6 porsyento ayon sa Mega Manila laban sa katapusan na episode ng La Vendetta na nakakuha ng rating na 33.4%.

Mga pinagkunan

baguhin

Mga websayt na pinagkunan

baguhin

Tingnan din

baguhin