Paalala sa paglikha ng mga artikulo kailangan pang linisin baguhin

Hi ItsMeGabeProductions, sa aking pagsusuri ng iyong mga mga binago sa Wikipediang Tagalog, gumagawa ka ng maraming mga artikulong kailangan pang linisin. Nais kong paalala na gumagawa o pumapatnugot tayo ng mga artikulo sa Wikipedia para mapabuti ang proyektong ito tungo sa ensiklopedyang well-written (maganda ang pagkakasulat) na mababasa ng madla. Kung patuloy kang gagawa ng mga artikulong hindi maganda ang pagkakasulat, lumalayo ka na sa layunin ng proyekto na ito. Ang ginagawa mo ay isang disruptive editing (o pagpapatnugot na nakakasira) at isa itong dahilan sa pagharang sa pagpapatnugot sa Wikipedia. Sa kabila niyan, bibigyan pa kita ng isang pagkakataon. Kaya, gamitin mo ang pagkakataon na ito na linisin mo muna ang mga artikulong nilikha mo, at huwag nang lumikha pa ng mga artikulong kailangang linisin pa. Kapag patuloy ka pa rin na gagawa ng mga artikulong lilinisin pa pagkatapos ng paalalang ito, ipapatupad na ang pagharang sa iyo. Maraming salamat sa pang-unawa. --Jojit (usapan) 07:59, 18 Mayo 2024 (UTC)Reply