Éver Banega
Si Éver Maximiliano David Banega (ipinanganak 29 Hunyo 1988) ay isang propesyunal na putbolistang mula sa Arhentina na naglaro para sa Al Shabab na isang klab sa Saudi Arabia at para sa pamabansang koponan ng Arhentina bilang sentral na midfielder.
Nagsimula ang kanyang karera sa Boca Juniors, at pumirma sa Valencia noong 2008 kung saan nanatili siya sa ilang mga taon, na lumabas sa 162 opisyal na mga laro at nanalo sa 2008 Copa del Rey. Pagkatapos sumama sa koponang Sevilla noong 2014, sinakop niya ang tatlong Ligang Europang tropeo sa loob ng dalawang hiwalay na spell o panahon.
Naging kinatawan si Banega ng Arhentina para sa Mundong Kopa ng 2018. Karagdagang pa nito, nanalo siya sa ng medalya sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 at lumabas sa tatlong Copa América na torneo, na tumulong sa koponan na umabot sa pangwakas na labanan noong edisyong 2015 at 2016.
Karera
baguhinIpinanganak sa Rosario, Santa Fe, napunta si Banega sa Boca Juniors noong kabataan niya, na naabot ang unang koponan noong 18 taon gulang siya, at nakamit ang dagliang pagkakilala dahil sa katamtamang pagpasa at kanyang paglalaro sa Primera División. Pagkatapos lumipat ang kasama sa koponan na si Fernando Gago sa Real Madrid noong Enero 2007, pinangalan siya bilang kahalili nito sa napakabatang edad.[1]
Unang lumabas si Banega bilang propesyunal sa 4–0 panalo laban sa Banfield noong Pebrero 10, 2007. Noong Abril 1, mga ilang labanan pagkatapos, binigyan siya ng masiglang pagpupuri nang umalis siya sa field.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ ""Gago me dijo que nunca me olvide de jugar"" ["Sinabi sa akin ni Gago na huwag kalimutang maglaro"]. Olé (sa wikang Kastila). 3 Abril 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-28. Nakuha noong 3 Abril 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Letizia, Francesco (1 Abril 2007). "Boca, successo e standing ovation per Banega" [Boca, nanalo at tumayo ang manonood upang magpugay para kay Banega] (sa wikang Italyano). Tutto Mercato Web. Nakuha noong 3 Abril 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)