Napiling artikulo

Ang ahedres ay isang nakalilibang at labanang laro para sa dalawang manlalaro. Kung minsang tinatawag na kanluraning ahedres o pandaigdigang ahedres upang maipagkaiba ito mula sa mga naunang uri o ibang kahalintulad ng larong ahedres. Lumitaw ang pangkasalukuyang porma ng laro mula sa Katimugang Europa noong pangalawang-kalahati ng ika-15 siglo matapos na mahubog mula sa katulad at may matandang mga laro na may simulain sa India. Sa ngayon, isa sa mga pinakabantog na mga laro ang ahedres, na nilalaro ng milyun-milyong ng mga tao sa buong mundo sa mga kapisanang pang-ahedres, sa internet, sa pamamagitan ng pamamaraang tugunan o pakikipagkalatasan, sa mga torneo at sa mga hindi pormal o hindi opisyal na pagkakataon o pasumala lamang. May mga aspeto ng sining at agham na makikita sa kabuuan ng ahedres at teoriya. Ipinamamahagi rin ang ahedres bilang isang daang nagpapainam sa kakayahan ng diwa. Nilalaro ang laro sa ibabaw ng isang parisukat na tablang may 64 na maliliit pang parisukat na may dalawang magkaibang kalimliman ng kulay. Sa simula, bawat manlalaro (puti at itim) ang nagmamando sa labinganim na mga piyesa ng ahedres: isang hari, isang reyna, dalawang tore, dalawang obispo, dalawang kabalyero, at walong mga kawal (Ingles: pawn). Layunin ng laro ang mabitag (Ingles: checkmate) ang kalabang hari, kung saan ang hari ay agad na napailalim sa isang paglusob at wala nang ibang paraan upang alisin ito sa pagkakasilo sa susunod na galaw.
Napiling larawan
Ang bakunang mRNA ay isang uri ng bakuna na ginagamit ang isang kopya ng isang molekula na tinatawag na messenger RNA (mRNA) upang makagawa ng tugon sa inmune. Nagpapadala ang bakuna ng mga molekula ng antigen-encoding (antihenong nagsasakodigo) na mRNA papunta sa selulang inmune, na gamit ang dinisenyong mRNA bilang isang kopya upang gawin ang banyagang protina na karaniwang nalilikha ng isang mikroorganismo (tulad ng isang bayrus) o sa pamamagitan ng isang selula ng kanser. Pinapasigla ng mga molekulang protina na mga ito ang isang umaangkop na tugon sa inmune na tinuturuan ang katawan na matukoy at wasakin ang katumbas na patoheno/mikroorganismo o mga selula ng kanser. Dinadala ang mRNA sa pamamagitan ng kapwa-pormulasyon ng RNA na isinakapsula sa mga lipidong nanopartikula na prinoprotekta ang mga hibla ng RNA at kanilang absorpsyon patungo sa loob ng mga selula.
May-akda ng larawan: SCNAT (Swiss Academy of Sciences o Swisong Akademya ng mga Agham)
|
Mga kamakailang pangyayari
- Nagkamit ang Pilipinong dyimnastang si Carlos Yulo (nakalarawan) ng tatlong ginto sa ika-31 Palaro ng Timog Silangang Asya sa Hanoi, Biyetnam.
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas: Nagtala ang Pilipinas ng 2,908 aktibong kaso ng COVID-19, ang pinakamababa sa taong 2022.
- Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision, 2022: Nanalo si Kalush Orchestra, na kinakakatawan ang Ukranya, sa katapusan ng patimpalak sa pag-awit ng "Stefania".
- Namatay ang sampung katao at tatlong iba pa ang nasugatan pagkatapos magpapaputok ang isang mamamaril sa Tops Friendly Markets sa Buffalo, New York, Estados Unidos. Kinuha ang mamamaril, na nilarawan ang sarili bilang makaputing supremasya, sa kustodiya.
- Naglabas ang isang koponan ng mga siyentipiko sa Teleskopyong Event Horizon ng kauna-unahang larawan ng Sagittarius A*, ang napalaking black hole sa galaksiyang Milky Way..
Alam ba ninyo
|