Wikipedia:Paglalagay ng mga larawan

May mga larawang ginagamit sa Tagalog Wikipedia. Nakapagbibigay ng buhay ang mga larawan sa mga pahina ng lathalain. Nakatutulong ito sa pagbibigay ng diwa sa patuloy na pagbubuo ng wikipediang ito. Ngunit mayroong mga gabay na panuntunan at patakarang dapat sundin, partikular na ang hinggil paggamit ng mga malalayang larawan lamang.

Naritito ang mga pangkalahatang paunang gabay (mula sa Wikipedia:Paano magsimula ng pahina):

  • Gamiting halimbawa ang mga kalidad ng mga larawan mula sa mga Napiling Larawan na ipinakikita sa Unang Pahina.
  • Makakakuha ka ng mga magagamit na larawan na may kaugnayan sa iyong artikulo mula sa Wikimedia Commons. Mayroon ding panghanap na kahon (search engine) doon.
  • Maitatala mo ito sa loob ng iyong ginagawang pahina sa pamamagitan ng paglalagay nito:
[[Image:Pamagat o pangalan ng larawan|thumb|right|200px|Dito nakalagay ang kapsyon ng larawang napili mo.]].
Mababago mo ang laki ng larawan sa pamamagitan ng pagbabago ng halagang px. Halimbawa: 100px, 200px, 300px o 400px. Hanggang 500px lamang ang pinahihintulutan. Maaari ring 100x100px, 200x220px, 300x300px, at iba pa.

Pagkakarga ng mga larawan

baguhin

Bagaman maaari kang magkarga ng larawan sa Tagalog Wikipedia - sa pamamagitan ng magkarga ng talaksan na nasa kaliwa - mas minamarapat at iminumungkahing sa Wikimedia Commons mo ikarga ang ambag mong larawan upang magamit din sa iba pang mga Wikipedia at mga katulad at kaugnay na proyekto. Sa pamamagitan ng pagkarga doon, maiiwasan ang kinakailangang pang proseso ng paglilipat papunta sa Wikimedia Commons.

Hinggil sa karapatang-ari o kopirayt

baguhin

Paglalagay ng mga larawan

baguhin

Madali lamang ang paglalagay ng mga larawan sa mga pahina ng mga artikulo. Makapaghahanap ka ng mga larawan sa http://commons.wikimedia.org/. Ilagay mo lamang ang sumusunod, katulad ng mga nabanggit na sa itaas:

[[Larawan:''pangalan ng larawan''|''laki''px|''posisyon''|''pamagat''|thumb]]. Sa posisyon maaaring: right, left o center. Maaaring hindi sunud-sunod ang mga iyan basta mauuna ang pangalan. Silipin ang nasa baba.

Kodigo Larawan
[[Larawan:Sphegina montana Syrphidae.jpg|100px|right|Isang halimbawa|thumb]]
 
Isang halimbawa
[[Larawan:Sphegina montana Syrphidae.jpg|right|Pinag-iba-iba ang posisyon pero ganoon pa rin ang kalalabasan|thumb|100px]]
 
Pinag-iba-iba ang posisyon pero ganoon pa rin ang kalalabasan
[[Larawan:Sphegina montana Syrphidae.jpg|100px|thumb]]
(kahit kulang-kulang pareho ok lang)
100px|thumb
[[Larawan:Sphegina montana Syrphidae.jpg|100px|walang thumb]]
(walang thumb)
100px|walang thumb