Buksan ang pangunahing menu

Si Janet Damita Jo Jackson (Mayo 16, 1966) ay isang Amerikanong recording artist at aktres. Siya ang nakakabatang kapatid ni Michael Jackson at kasapi ng pamilya Jackson. Siya ay lumabas sa seryengThe Jacksons noong 1976 at sa ibang mga palabas sa telebisyon noong mga 1970 hanggang 1980 kabilang ang Good Times at Fame. Siya ay lumagda ng kontrata sa A&M noonh 1982 at sumikat sa paglabas ng kanyang ikatlong studio album na Control (1986). Noong 1991, siya ay lumagda sa una sa dalawang multimilyong dolyar na kontratar sa Virgin Records na gumawa sa kanyang isa sa pinamataas na binayarang artist sa industrriya. Ang kanyang debut album sa ilalim ng label ang Janet (1993) na nakakita ng kanyang pag-unlad sa imaheng pampubliko bilang isang sex symbol. Sa parehong siya ay lumabas sa pelikulang Poetic Justice. Sa huli ng mga dekada nobenta, pinangalanan siya ng Billboard bilang ang ikalawang pinakamatagumpay na recording artist kasunod ni Mariah Carey. Siya ay kilala sa kanyang mga hit na Nasty", "Rhythm Nation", "That's the Way Love Goes", "Together Again" at "All for You" .

Janet Jackson
JanetJacksonUnbreakableTourSanFran2015.jpg
Jackson performing on her Unbreakable Tour in 2015
KapanganakanJanet Damita Jo Jackson
(1966-05-16) Mayo 16, 1966 (edad 53)
Gary, Indiana, U.S.
Hanapbuhay
  • mang-aawit
  • panunulat ng kanta
  • mang-nanayaw
  • aktres
  • record producer
  • film producer
  • businesswoman
  • philanthropist
  • author
Mga taon ng kasiglahan1973-kasalukuyan
AsawaJames DeBarge
(k. 1984; ann. 1985)

René Elizondo, Jr.
(k. 1991; d. 2000)

Wissam Al Mana (k. 2012)
Anak1
Karerang pang-musika
Genre
Mga Instrumento
  • Vocals
  • keyboards
Mga tatak
Website
janetjackson.com

Siya ay nakapagbenta ng higit 100 milyong record at nirarangguhan bilang isa sa pinakabumentang mga artista sa kasaysayan ng kontemporaryong musika.[1] Siya ay itinala ng Recording Industry Association of America (RIAA) bilang ikalabing isa sa mga pinakabumentang babaeng artist sa Estados Unidos na may 26 milyong certified album.[2] Noong 2008, siya ay itinala ng Billboard magazine bilang Hot 100 All-Time Top Artists bilang ikapito. Noong 2010, inanunsiyo ng magazine ang "Top 50 R&B / Hip-Hop Artists of the Past 25 Years" na nagtala sa kanya bilang ikalima.

Mga nilalaman

DiskograpiyaBaguhin

  • Janet Jackson (1982)
  • Dream Street (1984)
  • Control (1986)
  • Janet Jackson's Rhythm Nation 1814 (1989)
  • janet. (1993)
  • The Velvet Rope (1997)
  • All for You (2001)
  • Damita Jo (2004)
  • 20 Y.O. (2006)
  • Discipline (2008)
  • Unbreakable (2015)

FilmographyBaguhin

  • Good Times (1977–79)
  • Diff'rent Strokes (1980–84)
  • Fame (1984–85)
  • Poetic Justice (1993)
  • Nutty Professor II: The Klumps (2000)
  • Why Did I Get Married? (2007)
  • Why Did I Get Married Too? (2010)
  • For Colored Girls (2010)

Mga TourBaguhin

  • Rhythm Nation World Tour (1990)
  • Janet World Tour (1993–95)
  • The Velvet Rope World Tour (1998–99)
  • All for You Tour (2001–02)
  • Rock Witchu Tour (2008)
  • Number Ones, Up Close and Personal (2011)
  • Unbreakable Tour (2015-16)
  • State Of The World Tour (2017)

sanggunianBaguhin

  1. "Janet Jackson's Greatest Hits Celebrated on Number Ones", Universal Music Enterprises: PR Newswire, 2009-10-14, retrieved 2009-10-14.
  2. Top Selling Artists, Recording Industry Association of America, hinango noong 2008-09-03