Pilipinas

bansa sa Timog Silangang Asya

Ang Pilipinas, opisyal na Republika ng Pilipinas, ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-silangang Asya na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Ito ay binubuo ng 7,641 pulo na hinahati sa tatlong kumpol ng mga pulo na: Luzon, Kabisayaan (kilalá rin bílang Visayas) at Mindanao. Ang ulumbayan nito ay ang Maynila at ang pinakamataong lungsod ay ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng Kalakhang Maynila.

Republika ng Pilipinas
Pambansang Kasabihan: 
Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan, at Makabansa
Pambansang Awit: Lupang Hinirang


Dakilang Sagisag ng Pilipinas
Seal of the Philippines.svg
Kinaroroonan ng Pilipinas sa Asya
Kabisera Maynila
14°35′N 121°0′E / 14.583°N 121.000°E / 14.583; 121.000
Pinakamalaking lungsod Lungsod Quezon
14°38′N 121°02′E / 14.633°N 121.033°E / 14.633; 121.033
Opisyal na wika Filipino at Ingles
Kinikilalang rehiyonal na wika 19 na wika
Aklanon, Bikol, Sebwano, Tsabakano, Hiligaynon, Ibanag, Ilokano, Ibatan, Kapampangan, Kinaray-a, Maguindanao, Maranao, Pangasinan, Sambal, Surigaonon, Tagalog, Taūsug, Waray, Yakan
Panghaliling wika[1] Kastila at Arabe
Pangalang-
turing
Pilipino/Pilipina
Pinoy/Pinay (katawagang palasak)
Pamahalaan Unitaryong pampanguluhang republikang konstitusyonal
 -  Pangulo Rodrigo Duterte
 -  Pangalawang Pangulo Leni Robredo
 -  Pangulo ng Senado Aquilino Pimentel III
 -  Ispiker Pantaleon Alvarez
 -  Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno
Lehislatura Kongreso
 -  Mataas na kapulungan Senado
 -  Mababang kapulungan Kapulungan ng mga Kinatawan
Kalayaan mula sa Espanya at Estados Unidos 
 -  Ipinahayag 12 Hunyo 1898 
 -  Pansariling pamahalaan 24 Marso 1934 
 -  Kinikilala 4 Hulyo 1946 
 -  Kasalukuyang saligang batas 2 Pebrero 1987 
Lawak
 -  Kabuuan 300,000 km2 (Ika-72)
115,831 sq mi 
 -  Katubigan (%) 0.61[1] (tubig sa kaloobang sakop ng Pilipinas)
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2011 95,834,000[2] (Ika-12)
 -  Senso ng 2015 100,981,437 (Ika-12)
 -  Kakapalan 336.60/km2 (Ika-37)
871.8/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2017
 -  Kabuuan $878.980 bilyon 
 -  Per capita $8,223 
KGK (nominal) Pagtataya ng 2017
 -  Kabuuan $348.593 bilyon 
 -  Per capita $3,280 
Gini (2012) 43.0 (katamtaman) (Ika-44)
TKT (2015) 0.682 (katamtaman) (Ika-116)
Salipi Piso ng Pilipinas (₱) (PHP)
Pook ng oras Pamantayang Oras ng Pilipinas (UTC+8)
 -  Tag-araw (DST) hindi sinusunod (UTC+8)
Anyo ng Petsa
  • buwan-araw-taon
  • araw-buwan-taon (AD)
Nagmamaneho sa kanan[3]
Internet TLD .ph
Kodigong pantawag +63
* Ang Sebwano, Tsabakano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray, Kapampangan, Pangasinan, Aklanon, Ibanag, Ibatan, Kinaray-a, Sambal, Surigaonon, Maranao, Maguindanao, Yakan, Tagalog, at Taūsug ay ang mga auksilar na wikang opisyal sa kanilang sariling rehiyon. Ang Kastila at Arabe ay itinataguyod sa isang pangunahing at kusang batayan.

Matatagpuan sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Pinapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzon sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Matatagpuan ang bansang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa habang matatagpuan ang bansang Malaysia sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang Palau at sa hilaga matatagpuan ang bansang Taiwan.

Ang kinaroroonan ng Pilipinas sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko at malapit sa ekwador ang dahilan upang madalas tamaan ng bagyo at lindol, ngunit nagtataglay ito ng masaganang likas na yaman at ilan sa mga pinakamagandang sari-saring nilalang na nabubuhay. Ang Pilipinas ay may lawak na 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado), at tinatayang may 103 milyong bilang ng tao. Ito ay ang ika-walong pinakamataong bansa sa Asya at ang ika-labindalawang pinakamataong bansa sa daigdig. Magmula noong 2013, tinatayang 10 milyong Pilipino naman ang naninirahan sa ibayong-dagat, binubuo ang isa sa pinakamalaking diaspora sa daigdig. Iba't ibang mga pangkat etniko at kalinangan ang makikita sa saan mang sulok ng bansa. Noong sinaunang panahon, ang mga Negrito ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mga Austronesyo. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mga Intsik, Malay, Indiyano, at mga bansang Muslim. Maraming mga nagkukumpetensyang bansa o bayan tulad ng Tondo, Maynila (bayan), Ma-i, Madyaas at Kasultanan ng Sulu ang naitatag sa ilalim ng pamumuno ng mga Datu, Raha, Sultan, at Lakan.

Ang pagdating ni Fernando de Magallanes sa Homonhon, Silangang Samar noong 1521 ay ang tanda ng pagsisimula ng pananakop ng mga Kastila, ngunit ito'y naudlot nang mamatay siya sa Labanan sa Mactan kay Lapu-Lapu, ang Datu ng Mactan. Noong 1543, pinangalan ng isang Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos, ang kapuluan na Las Islas Filipinas (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan ni Felipe II ng Espanya. Sa pagdating ni Miguel López de Legazpi mula sa Lungsod ng Mehiko noong 1565, naitatag ang unang paninirahan ng mga Kastila sa kapuluan. Naging bahagi ang Pilipinas sa Imperyong Kastila nang higit 300 taon. Naging bunga ito upang ang Katolisismo ang maging pangunahing pananampalataya. Sa gitna ng kapanahunang ito, ang Maynila ang naging sentro ng kalakalan ng kanluran sa Pasipiko na umuugnay sa Asya sa Acapulco sa Kaamerikahan gamit ang mga galyon ng Maynila.

Nang magbigay daan ang ika-19 na dantaon sa ika-20, sumunod ang pagsiklab at tagumpay ng Himagsikang Pilipino, na nagpatatag sa sandaling pag-iral lamang ng Unang Republika ng Pilipinas, na sinundan naman ng madugong Digmaang Pilipino-Amerikano ng panlulupig ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Sa kabila ng pananakop ng mga Hapon, nanatili sa Estados Unidos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kapuluan hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, noong kinilala na ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng magulong karanasan sa demokrasya, kung saan kabilang ang pagpapatalsik ng diktadurya sa isang 'di marahas na himagsikan.

Malaking ambag o pagbabago sa wika at kinaugalian ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng mga bansang Espanya (mula 1565 hanggang 1898) at Estados Unidos (mula 1898 hanggang 1946). Ang pananampalatayang Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking ambag na naibahagi ng mga Kastila sa kaugaliang Pilipino.

Tanyag ang bansang Pilipinas sa mga kalakal at yaring panluwas at sa kanyang mga Pilipinong Manggagawa sa Ibayong-Dagat o OFW. Kasalukuyang nakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga remitans na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad na bahagi ang teknolohiyang pangkaalaman sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palítan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang bahagi ng pagsisilbi na dulot ng mga call center na naglipana sa bansa.

Ang Pilipinas ay isang orihinal na kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya, ang Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko, at ang Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya. Narito rin ang himpilan ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya. Itinuturing ang Pilipinas bilang isang bagong industriyalisadong bansa, kung saan mayroong ekonomiyang nagbabago mula sa isang nakabatay sa agrikultura patungo sa isang mas nakabatay naman sa mga serbisyo at pagmamanupaktura. Isa ang Pilipinas sa tanging dalawang bansa sa Timog-silangang Asya na Kristiyanismo ang pangunahing pananampalataya, ang isa pa ay ang Silangang Timor.

Katiwalian sa pamahalaan, pagkasira ng kapaligiran, basura, kawalan ng hanapbuhay, labis na bilang ng tao at extra-judicial killings o pagpatay sa mga taong bumabatikos o kumakalaban sa pamahalaan ang mga pangunahing suliranin ng Pilipinas. Nagdudulot din ng suliranin sa bansa ang mga pangkat ng terorismo tulad ng Abu Sayyaf at Maute sa Mindanao at Bagong Hukbong Bayan.

Mga nilalaman

PangalanBaguhin

Ang Pilipinas ay ipinangalan sa karangalan ni Haring Felipe II ng Espanya. Pinangalan ng Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos, sa gitna ng kaniyang paglalayag noong 1542, ang mga pulo ng Leyte at Samar bilang Felipinas kasunod ng Prinsipe ng Asturias. Sa huli, ang pangalang Las Islas Filipinas ang sasaklaw sa lahat ng mga pulo sa kapuluan. Bago ito naging pangkaraniwan, iba pang mga pangalan tulad ng Islas del Poniente (Mga Kapuluan ng Kanluran) at ang ipinangalan ni Magallanes para sa mga pulo na San Lázaro ay ginamit rin ng mga Kastila upang tukuyin ang kapuluan.

Sa pagdaan ng kasaysayan, ilang beses nang nagbago ang opisyal na pangalan ng Pilipinas. Sa gitna ng Himagsikang Pilipino, inihayag ng Kongreso ng Malolos ang pagtatag ng República Filipina (Republika ng Pilipinas). Mula sa panahon ng Digmaang Espanyol–Amerikano (1898) at Digmaang Pilipino–Amerikano (1899 hanggang 1902) hanggang sa panahon ng Komonwelt (1935 hanggang 1946), tinawag ng mga Amerikano ang bansa bilang Philippine Islands, na salin sa Ingles mula sa Kastila. Mula sa Kasunduan sa Paris, nagsimulang lumutang ang pangalan na "Pilipinas" at mula noon ito na ang naging kadalasang ngalan ng bansa. Mula sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang opisyal na pangalan ng bansa ay "Republika ng Pilipinas".

KasaysayanBaguhin

Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Pilipinas

Sinaunang PanahonBaguhin

 
Ang Yungib ng Tabon ay ang pook kung saan natuklasan ang isa sa mga pinakamatandang labí ng tao sa Pilipinas, ang Taong Tabon.

Ayon sa mga naitalang labí ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas ilang libong taon na ang nakalipas. Pinaniniwalaan na ang labi ng Taong Callao na natuklasan sa Yungib ng Callao sa Cagayan ay ang pinakamatandang labí ng tao sa Pilipinas na may tanda na 67,000 taon. Mas higit pang matanda sa naunang natuklasang labi ng Taong Tabon sa Palawan na tinatayang 26,500 taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga Negrito o Ita, na siyang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan, nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula sa tangway ng Malay, kapuluan ng Indonesia, mga taga-Indotsina at Taiwan.

Mayroon nang mga mangilan-ngilang teorya patungkol sa pinagmulan ng mga sinaunang Pilipino. Isa na ang teorya ni F. Landa Jocano na nagsasabing ang mga ninuno ng mga Pilipino ay lokal na umusbong. Ang teoryang "Pinagmulang Kapuluan" naman ni Wilhelm Solheim, ipinahihiwatig na ang pagdating ng mga tao sa kapuluan ay naganap sa pamamagitan ng mga network pangkalakalan na nagmula sa Sundaland sa pagitan ng 48,000 hanggang 5,000 BC sa halip na malawak na pandarayuhan. Samantala, ipinapaliwanag ng teoryang "Paglawak ng mga Austronesyo" na ang mga Malayo-Polinesyong nagmula sa Taiwan ay nagsimulang lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BC, taliwas sa mga naunang pagdating.

 
Mga Petroglipo ng Angono, ang pinakamatandang gawang sining sa Pilipinas.

Ang pinakatinatanggap na teorya, batay sa lingguwistika at arkeolohikong katibayan, ay ang teoryang "Mula sa Taiwan", kung saan ipinapalagay na ang mga Austronesyo mula Taiwan, na sila mismo ay nagmula sa mga neolitikong kabihasnan ng Ilog Yangtze tulad ng kalinangang Liangzhu, ay lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BC. Sa gitna ng Panahong Neolitiko, isang "kalinangan ng batong-luntian" ang sinasabing umiral na pinatunayan ng libu-libong magagandang gawang artipakto ng batong-luntian na nahanap sa Pilipinas na tinatayang noong 2,000 BC pa.

Ang batong-luntian ay sinasabing nagmula sa kalapit na Taiwan at nahanap rin sa iba't ibang pook sa kapuluan at pangunahing kalupaan ng Timog-silangang Asya. Ang mga artipaktong ito ang sinasabing patunay ng malawak na pakikipagugnayan sa pagitan ng mga lipunan ng Timog-silangang Asya noong sinaunang panahon. Magmula noong 1,000 BC, ang mga naninirahan sa kapuluan ay binubuo ng apat na uri ng pangkat panlipunan: mga lipi ng mangangaso at mangangalakal, lipunan ng mga mandirigma, mga plutokrasi sa kabundukan, at mga port principality.

Bago dumating ang mga mananakopBaguhin

 
Ang Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna, c. 900. Ang pinakamatanda at makasaysayang kasulatan sa Pilipinas na natuklasan sa Lumban, Laguna.
Mga larawan mula sa Boxer Codex na ipinapakita ang sinaunang "kadatuan" o tumao (mataas na uri). Mula kaliwa pakanan: (1) Mag-asawang Bisaya ng Panay, (2) ang mga "Pintados", isa pang pangalan sa mga Bisaya ng Cebu at sa mga pinalilibutang pulo nito ayon sa mga unang manlulupig, (3) maaaring isang tumao (mataas na uri) o timawa (mandirigma) na mag-asawang Pintado, at (4) isang mag-asawang maharlika ng mga Bisaya ng Panay.

Nanirahan sa bansa noong ikawalong dantaon ang mga mangangalakal na Tsino. Ang paglaganap ng mga bansang (kaharian) Budismo sa bahagi ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na alitan at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng Islam sa pamamaraan ng panangalakal at proselitismo, tulad ng Kristiyanismo, ang nagdalá sa mga mangangalakal at tagakalat ng pananampalataya sa kabahagian; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na dantaon. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes noong 1521, mayroon nang mga raha hanggang sa hilaga ng Maynila, na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-Silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga pulo ng Pilipinas noon.

Ang kasalukuyang paghihiwalay sa pagitan ng sinauna at maagang kasaysayan ng Pilipinas ay ang araw na ika-21 ng Abril, taong 900, kung saan ito ang katumbas sa Kalendaryong Gregoryano para sa araw na nakaturo sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna, ang pinakamatandang kasulatan na nagmula sa Pilipinas. Ang araw na ito ay sumapit sa gitna ng kung anong tinatawag ng mga antropolohista bilang ang "yugto ng pag-usbong" ng Pilipinas (una hanggang ika-14 na dantaon), na inilalarawan bilang ang bagong pag-usbong ng sosyo-kalinangang huwaran, simula ng pag-unlad ng mga malalaking pamayanan sa baybayin, mas higit na pagsasapin-sapin at pagdadalubhasa sa lipunan, at mga pagsisimula ng lokal at pandaigdigang kalakalan. Magmula ika-14 na dantaon, ilan sa mga malalaking pamayanan ay naging maunlad na sentrong pangkalakalan, at naging kalagitnaang punto ng mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay, kung saan inilarawan ng kung anong tinatawag ni F. Landa Jocano na "yugto ng mga Barangay" ng maagang kasaysayan ng Pilipinas, simula sa ika-14 na dantaon hanggang sa pagdating ng mga Kastila at ang pagsisimula ng panahong kolonyal ng Pilipinas.

Panahon ng mga KastilaBaguhin

 
Guhit ng isang galyon ng Maynila na ginamit sa gitna ng Kalakalang Maynila-Acapulco.

Sinakop at inangkin ng mga Kastila, sa pamumuno ni Miguel López de Legazpi, ang mga pulo noong ika-16 na dantaon at pinangalanan itong "Las Islas Filipinas" na isinunod kay Haring Felipe II. Kaagad na ipinakilala at ipinalaganap ang Katolisismo sa pamamagitan ng mga tagakalat ng pananampalataya, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga pangkat katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Muslim na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabiláng mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong dantaong pananakop, bunga na rin ng pagsasamantala at kakulangan ng pagbabago. Pinamahalaan mula sa Bireynato ng Nueva España (Bagong Espanya sa ngayon ay Mehiko) ang bagong nasasakupan at nagsimula ang kalakalan sa Galyon ng Maynila sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 dantaon.

Itinatag ng púnong panlalawigan José Basco y Vargas noong 1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Samahang Pangkalakalan ng mga Kaibigan ng Bayan) at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Bagong Espanya.

Nagbukas ang pakikipagkalakalan ng bansa sa daigdig noong ika-19 na dantaon. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burges, binubuo ng mga nakapag aral na mga katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng pananakop ng Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa Kilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-samang sila sumigaw para sa kalayaan. dinakip, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si José Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan (Luneta ngayon) dahil sa mga gawaing umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ng Katipunan, isang lihim panghimagsikang lipunan na itinatag ni Andrés Bonifacio at napamunuan din ni Emilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng himagsikan ang mga Kastila noong 1898.

Panahon ng mga Amerikano at ang Pananakop ng mga HaponBaguhin

Noong taóng ding iyon, magkadawit ang Espanya at Estados Unidos sa Digmaang Kastila-Amerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga nasasakupang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-pahayag na ng kalayaan ang Pilipinas at itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas at si Emilio Aguinaldo ang hinirang na pangulo, ngunit hindi ito kinilala ng parehong bansa.

 
Labanan sa pagitan ng mga mandirigmang Moro at mga sundalong Amerikano noong Digmaang Pilipino-Amerikano, 1913.
 
Ang mga sundalong Hapon sa Bataan noong 1942, sa gitna ng kanilang pagpapalawak ng teritoryo ng Imperyo ng Hapon sa Asya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang pagtanggi ng mga Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng mga Amerikano, ang nagtulak sa Digmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Ang planong pagkalooban ng kalayaan ang bansa ay naudlot nang magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinakop ng Imperyong Hapon ang bansa at itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas.

Maraming mga krimen ng digmaan ang ginawa ng mga Hapones sa panahon ng kanilang pananakop. Ang mga gerilya ay nagpatuloy sa kanilang pang-haharas sa mga Hapones. Bumalik sa bansa ang mga Amerikano noong Oktubre 1944. Tuluyang natalo ang mga Hapones noong 1945. Halos isang milyong Pilipino ang namatay sa digmaan. Naging isa sa mga unang naging kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa ang Pilipinas. Noong Hulyo 4, 1946 ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng Pilipinas.

Panahon ng Ikatlong Republika at Rehimeng MarcosBaguhin

 
Ang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos noong Hulyo 4, 1946. Ipinapakita nito ang pagbaba sa watawat ng Estados Unidos habang itinataas naman ang watawat ng Pilipinas.

Noong ika-11 ng Oktubre, 1945, naging isa ang Pilipinas sa mga unang kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa at sa sumunod na taon, sa ika-4 ng Hulyo, 1946, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas, sa gitna ng pagkapangulo ni Manuel Roxas. Ang mga natitirang kasapi ng komunistang Hukbalahap ay nagpatuloy ang presensya sa bansa ngunit ito'y nasupil ng sumunod kay Pangulong Elpidio Quirino na si Ramon Magsaysay. Ang sumunod kay Magsaysay na si Carlos P. García, ay nilikha naman ang patakarang "Pilipino Muna" na itinuloy ni Diosdado Macapagal. Sa panunungkulan ni Macapagal, inilipat ang araw ng kalayaan mula sa Hulyo 4 patungong Hunyo 12, sa araw na inihayag ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya. Habang pinaigting naman ang pagbawi sa Sabah.

Noong 1965, natalo si Macapagal sa pampanguluhang halalan kay Ferdinand Marcos. Sa kaniyang pagkapangulo, pinasimulan ni Marcos ang proyektong pang-imprastraktura ngunit napagbintangan naman ng malawakang katiwalian at lumustay ng bilyun-bilyong dolyar sa pampublikong pondo. Malapit sa pagtatapos ng kaniyang termino, nagpahayag ng batas militar si Marcos noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Sa panahong ito ng kaniyang pamumuno ay inilalarawan bilang panunupil sa pulitika, pangtatakip, at paglabag sa karapatang pantao ngunit ang Estados Unidos ay matatag pa rin ang kanilang pagsuporta.

Noong ika-21 ng Agosto, 1983, ang kalaban ni Marcos at pinuno ng oposisyon na si Benigno Aquino, Jr., ay pinaslang sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila. Sa huli, nagpatawag si Marcos ng dagliang halalan sa 1986. Si Marcos ang inihayag na nanalo, ngunit ang mga resulta ay itinuring na may daya, na humantong sa Himagsikan ng Lakas ng Bayan. Si Marcos at ang kaniyang mga kaalyado ay lumipad patungong Hawaii, at ang maybahay ni Benigno Aquino na si Corazon Aquino ay kinilala naman bilang pangulo.

Panahon ng Ikalimang Republika (1986 - kasalukuyan)Baguhin

Sa pagbabalik ng demokrasya at reporma sa pamahalaan, hinarap ng administrasyong Cory Aquino ang problema sa malaking utang, korapsyon, mga kudeta, mga sakuna at mga komunista. Umalis ang mga amerikano sa Clark Air Base at Subic Bay noong Nobyembre taong 1991.

PolítikaBaguhin

Pangunahing lathalain: Politika sa Pilipinas
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Pambansang Pamahalaan ng PilipinasBaguhin

 
Ang Palasyo ng Malakanyang ay ang opisyal na tinitirhan ng Pangulo ng Pilipinas.
 
Si Rodrigo Duterte, ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas.

Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ng Estados Unidos, ay natatag bilang Republika ng mga Kinatawan. Ang kanyang Pangulo ay may tungkulin bilang pinuno ng estado at pati ng pamahalaan. Siya rin ang punong kumandante ng Hukbong Sandatahan. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya sa loob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa gabinete.

Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga kasapi ng dalawang kamarang Kongreso, na binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular.

Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino.

Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito o sektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuo ang Mababang Kapulungan ng hindi bababà sa 225 kinatawan.

Ang sangay panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ng Kataas-taasang Hukuman, ang Punong Mahistrado ang namumuno nito at may 14 na Kasamang Mahistrado, lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulan hanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro.

Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lámang sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng isang prosesong pampolitika na kung tawagin ay pagsasakdal, katulad ng nangyari sa dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa pagkakasangkot sa Jueteng Scandal na nabunyag noong 2001. Napatalsik din sa puwesto ang dáting Punong Mahistrado na si Renato Corona dahil sa pagiging tuta niya kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Nagtagumpay ang pagsakdal noon sapagkat kusang umalis sa Malakanyang si Estrada at ang pumalit ay ang Pangalawang Pangulo nitong si Gloria Macapal ang fice

Ugnayang panlabasBaguhin

 
Pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vladimir Putin ng Rusya sa gitna ng pulong-panguluhan ng Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko sa Peru, 2016.

Ang Pilipinas ay isang prominenteng kasapi at isa sa tagapagtaguyod ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito rin ay isang aktibong tagalahok sa Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko, isang kasapi ng Pangkat ng 24 at isa sa 51 mga bansang nagtatag sa Mga Nagkakaisang Bansa noong 24 Oktubre 1945.

Pinapahalagahan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Estados Unidos. Sinuportahan ng Pilipinas ang Amerika sa Digmaang Malamig at ang Digmaang Pangterorismo at isang pangunahing kaalyado na hindi kasapi ng Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko. Ang mga ugnayan sa iba pang mga bansa ay maayos sa pangkalahatan. Ang ibinahaging pagpapahalaga sa demokrasya ay nagpapagaan sa ugnayan sa mga bansa sa kanluran at Europa. Habang ang parehong pang-ekonomiyang aalahanin ay nakatutulong sa pakikipagugnayan sa ibang mga bansang papaunlad pa lamang. Ang makasaysayang ugnayan at pagkakahalintulad sa kalinangan ay nagsisilbi rin bilang tulay sa pakikipagugnayan sa Espanya. Sa kabila ng mga isyu tulad ng pagmamalabis at mga digmaang nakadudulot sa mga Pilipinong nasa ibayong-dagat, ang ugnayan sa mga bansa sa Gitnang Silangan ay mabuti na nakikita sa patuloy na pagbibigay hanapbuhay sa higit dalawang milyong Pilipinong naninirahan doon.

Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa isang pagtatalo sa mga bansang Taiwan, Tsina, Vietnam at Malaysia patungkol sa kung sino ang tunay na may-ari ng Kapuluang Spratly na mayaman sa langis at likas na petrolyo. Ito rin ay may 'di pagkakaunawaan sa bansang Malaysia sa usaping Sabah. Sinasabing binigay ng Sultan ng Brunei ang teritoryo ng Sabah sa Sultan ng Sulu, pagkatapos nitong tumulong sa pagkawasak ng isang rebelyon doon. Iyon ang nagbigay karapatan at poder sa pamahalaan ng Pilipinas na angkinin muli ang kanyang nawalang lupain. Hanggang ngayon, tumatanggap ang Sultan ng Sulu ng pera para sa "upa" sa lupa mula sa pamahalaan ng Malaysia.

Silipin din:

Mga rehiyón at lalawiganBaguhin

 
Mga rehiyon at lalawigan ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay nahahati sa mga pangkat ng pamahalaang pangpook (local government units o LGU). Ang mga lalawigan ang pangunahing na pangkat. Hanggang 2002, mayroong 81 na lalawigan sa bansa. Ang mga ito ay nahahati pa sa mga lungsod at bayan, na binubuo ng mga barangay. Ang barangay ang pinakamaliit na pangkat pampook ng pamahalaan. Ang lahat ng mga lalawigan ay nalulupon sa 18 mga rehiyon para sa kadaliang pamumuno. Karamihan sa mga sangay ng pamahalaan ay nagtatayo ng tanggapan sa mga bahagi para magsilbi sa mga lalawigang saklaw nito. Subalit, ang mga bahagi sa Pilipinas ay walang bukod na pamahalaang pampook, maliban sa Muslim Mindanao at Kordilyera, na mga nagsasariling rehiyon.

Tumungo sa mga lathala ng mga rehiyon at mga lalawigan upang makita ang mas malaking larawan ng mga kinalalagyan ng mga bahagi at lalawigan.

Mga bahagiBaguhin

Luzón

Kabisayaan

Mindanao

¹ Ang mga pangalan ay nasa malalaking titik sapagkat ang mga ito ay mga akronim na naglalaman ng mga pangalan ng sinasakupang lalawigan at/o lungsod.

10 Pinakamataong Rehiyon sa Pilipinas (2015)[4]
Puwesto Itinalaga Pangalan Lawak Bilang ng tao (magmula noong 2015) Kapal ng bilang ng tao
Ika-1 Rehiyon IV CALABARZON 16,873.31 km2 (6,514.82 sq mi) 14,414,744 850/km2 (2,200/sq mi)
Ika-2 NCR Pambansang Punong Rehiyon 619.57 km2 (239.22 sq mi) 12,877,253 21,000/km2 (54,000/sq mi)
Ika-3 Rehiyon III Gitnang Luzon 22,014.63 km2 (8,499.90 sq mi) 11,218,177 510/km2 (1,300/sq mi)
Ika-4 Rehiyon VII Gitnang Kabisayaan 10,102.16 km2 (3,900.47 sq mi) 6,041,903 600/km2 (1,600/sq mi)
Ika-5 Rehiyon V Rehiyon ng Bikol 18,155.82 km2 (7,010.00 sq mi) 5,796,989 320/km2 (830/sq mi)
Ika-6 Rehiyon I Rehiyon ng Ilocos 16,873.31 km2 (6,514.82 sq mi) 5,026,128 300/km2 (780/sq mi)
Ika-7 Rehiyon XI Rehiyon ng Dabaw 20,357.42 km2 (7,860.04 sq mi) 4,893,318 240/km2 (620/sq mi)
Ika-8 Rehiyon X Hilagang Mindanao 20,496.02 km2 (7,913.56 sq mi) 4,689,302 230/km2 (600/sq mi)
Ika-9 Rehiyon XII SOCCSKSARGEN 22,513.30 km2 (8,692.43 sq mi) 4,575,276 200/km2 (520/sq mi)
Ika-10 Rehiyon VI Kanlurang Kabisayaan 12,828.97 km2 (4,953.29 sq mi) 4,477,247 350/km2 (910/sq mi)

HeograpíyaBaguhin

Pangunahing lathalain: Heograpiya ng Pilipinas
Tingnan din: Mga Ekorehiyon sa Pilipinas
 
Ang topograpiya ng Pilipinas.
 
Ang Bulkang Mayon ay ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas.

Ang Pilipinas ay isang kapuluan ng 7,641 mga pulo na may kabuoang sukat ng lupa, kasama ang mga nakapaloob na bahagi ng tubig, ay tinatayang nasa 300,000 square kilometers (120,000 sq mi). Ang baybáyin nitong may sukat na 36,289 kilometers (22,549 mi) ang nagbigay sa bansa upang maging ika-5 bansa na may pinakamalawak na baybáyin sa buong daigdig.[5] Matatagpuan ito sa pagitan ng 116° 40', at 126° 34' E. longhitud at 4° 40' at 21° 10' N. latitud at naghahanggan sa Dagat Pilipinas sa silangan, sa Dagat Timog Tsina sa kanluran, at sa Dagat Sulawesi sa Timog (kasalukuyang Dagat Celebes). Ang pulo ng Borneo ay matatagpuan ilang daang kilometro sa timog kanluran at ang Taiwan ay matatagpuan sa kaagad sa hilaga.

Karamihan sa mga bulubunduking kapuluan ay nababalot ng mga kagubatang tropikal at mga nagmula sa mga pagsabog ng bulkan. Ang pinakamataas na bundok ay ang Bundok Apo. May sukat itong 2,954 metro (9,692 talampakan) mula sa kapatagan ng dagat at matatagpuan sa pulo ng Mindanao.

Ginamit ng mga Ifugao/Igorot ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe upang magtanim ng mga pananim sa matarik na bulubunduking bahagi ng Hilagang Pilipinas.

Ang pampook na pangmatagalang panahon ay mainit, maalinsangan, at tropikal. Ang kalimitang taunang temperatura ay nasa 26.5° sentigrado. May tatlong panahon sa Pilipinas na pangkalahatang kinikilala ng mga Pilipino. Ito ay ang Tag-init o Tag-araw (mainit na panahon mula ika-3 buwan hanggang ika-5 buwan), ang Tag-ulan (maulan na panahon mula ika-6 buwan hanggang ika-11 buwan), at ang Taglamig (malamig na panahon mula ika-12 buwan hanggang ika-2 buwan).

Karamihan sa mga pulong mabundok ay dating natatakpan ng tropikal na kagubatan at itong mga pulong ito ay nagmula sa bulkan. Ang pinakamataas na tuktok ay ang Bundok Apo sa Mindanao na may taas na 2,954 m. Maraming bulkan ang madalas na sumasabog sa bansa tulad ng Bulkang Pinatubo at Bulkang Mayon. Ang bansa rin ay nasa tinatawag na "typhoon belt" ng Kanlurang Pasipiko at ito ay tinatamaan ng mga 19 na bagyo taon-taon.

Ang Pilipinas ay napapaloob din sa tinatawag na Singsing ng Apoy ng Pasipiko na isa sa pinakaaktibong fault areas sa buong daigdig.

ArimuhunanBaguhin

Pangunahing lathalain: Ekonomiya ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang umuunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang lebel ng sahod sa Pilipinas ay mababang gitnang sahod (lower middle income)[6]. Ang GDP kada tao ayon sa Purchasing power parity (PPP) sa Pilipinas noong 2013 ay $3,383 na ika-130 sa buong mundo at mas mababa sa ibang mga bansa sa Timog Silangang Asya gaya ng Brunei, Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia [7]. Ang GDP kada tao ayon sa PPP ay naghahambing ng mga pangkalahatang pagkakaiba sa pamantayan ng pamumuhay sa kabuuan sa pagitan ng mga bansa dahil isinasaalang alang nito ang relatibong gastos ng pamumuhay at mga rate ng implasyon ng mga bansa. Ang Pilipinas ay ika-138 sa buong mundo sa indeks ng pagiging madaling magnegosyo o mahirap magnegosyo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay ika-105 sa Corruption Perceptions Index sa mga 176 bansa sa buong mundo o may napakataas na antas ng korupsiyon.[8]

Ang kahirapan at hindi pantay na sahod sa pagitan ng mayaman at mahirap ay nananatiling mataas sa Pilipinas.[9] Ang mga kamakailang paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ay nangyayari lamang sa mga sektor ng serbisyo gaya ng industriyang pagluluwas ng semikondaktor, telekomumikasyon, BPO, real estate na sinusuportahan ng mga remitans o ipinadalang salapi ng mga OFW sa kanilang pamilya sa Pilipinas na may maliliit na negosyo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mayroong hindi sapat na kalidad na trabaho at ang kahirapan at pagiging hindi pantay ng sahod ay hindi napabuti.[9] Ang sektor na lilikha ng mas maraming trabaho gaya ng agrikultura, pagmamanupaktura at industriya ay matamlay.[9]

Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapón ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon.[10][11] Ito ay itinuturo ng mga ekonomista sa mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehimen ni Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986 na nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.[11] Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 sa ilalim ni Marcos ay 1.8% lamang.[12] Sa ilalim ni Marcos, ang kapitalismong kroni at monopolyo ay itinatag kung saan ang kanyang mga kroni ay malaking nakinabang.[13] Sa ilalim ni Marcos, ang Pilipinas ay mabigat na umutang sa dayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar mula kaunti sa 2 bilyong dolyar nang maluklok siya sa puwesto noong 1965. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025.[14]

Ang Pilipinas ang ika-43 pinakamalaki sa buong daigdig ang pambansang ekonomiya ng Pilipinas, na may tinatayang $224.754 bilyon GDP (nominal) noong 2011.[15] Kinabibilangan ng mga kalakal na iniluluwas ang mga semiconductors at mga kalakal na eletroniko, mga kagamitang pang-transportasyon, damit, mga produkto mula sa tanso, produktong petrolyo, langis ng niyog, at mga prutas.[1] Pangunahing kinakalakal ito sa mga bansang Estados Unidos, Japón, China, Singapur, Timog Korea, Netherlands, Hong Kong, Alemania, Taiwan, at Tailandia.[1]

Ang Lungsod ng Makati sa Kalakhang Maynila, ang sentrong lungsod pampinansiyal ng bansa.

Bilang isang bagong bansang industriyalisado, nagpapalit na ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa pagiging isang bansang nakabatay sa agrikultura patungo sa ekonomiyang nakabatay ng higit sa mga paglilingkod at paggawa. Sa kabuoang bílang ng mga manggagawa sa bansa na nasa 38.1 milyon[1], 32% nito ay naghahanapbuhay sa sektor ng agrikultura subalit 13.8% lamang nito ang naiaambag sa GDP. ang sektor ng industriya na nasa 13.7% ng dami ng manggawa ay nakakapag-ambag ng 30% sa GDP. Samantala ang natitirang 46.5% ng mga manggawa ay nasa sektor ng paglilingkod na bumubuo sa 56.2% ng GDP.[16][17]

Noong 1998 ang ekonomiya ng Pilipinas — pinaghalong agrikultura, marahan na industriya, at mga serbisyong pansustento — ay nanghina dulot ng krisis pinansiyal sa Asya at ng mahinang kondisyon ng lagay ng panahon. Ang pag-angat ay bumaba sa 0.6% noong 1998 mula 5% noong 1997, pero nakabawi hanggang sa 3% noong 1999 at 4% noong 2000. Nangako ang pamahalaan na ipagpapatuloy ang mga reporma sa ekonomiya para makahabol ang bansa sa mga bagong nagsisipag-unlaran at industriyalisadong mga bansa sa Silangang Asia. Ang nagpapabagal sa pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang ekonomiya ng bansa ay ang mismong utang nito (utang pampubliko na 77% ng GDP). Ang hinihinging badyet para sa pagbabayad ng utang ay higit na mas mataas pa sa badyet ng pinagsamang Kagawaran ng Edukasyon at Militar.

Ang estratehiyang pinaiiral ng pamahalaan ay ang pagpapabuti sa impraestruktura, ang paglilinis sa sistemang tax o buwis upang paigtingin ang kíta ng pamahalaan, ang deregulasyon at pagsasapribado ng ekonomiya, at ang karagdagang pagkalakal sa rehiyon o mas integrasyon. Ang pagasa ng ekonomiya sa ngayon ay nakasalalay sa kaganapang pang-ekonomiya ng kanyang dalawang pangunahing sosyo sa kalakal, ang Estados Unidos at Hapon, at sa isang mas mabisang administrasyon at mas matibay na patakaran ng pamahalaan.

Sa ilalim ng pamumunò ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.6 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas din ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukás ng pamahalaan at sugpuin ang korapsyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lámang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 porsiyento ng kabuoang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lámang nang 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lámang.

DemograpíyaBaguhin

 
Kapal ng bilang ng tao sa bawat lalawigan magmula noong 2009 sa bawat kilometro kuwadrado.

Tumaas ang populasyon ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2008 ng tinatayang 28 milyon, 45% paglago sa nasabing panahon.[18] sa kauna-unahang opisyal na sensus ng Pilipinas na ginanap noong 1877 ay nakapagtala ng populasyon na 5,567,685.[19] Noong 2011, naging ika-12 pinakamataong bansa sa buong daigdig ang Pilipinas, na may populasyon na hihigit sa 94 milyon.

Tinatayang kalahati ng populasyon ay naninirahan sa pulo ng Luzon. Ang antas ng paglago ng populasyon sa pagitan ng 1995 hanggang 2000 na 3.21% ay nabawasan sa tinatayang 1.95% para sa mga taong 2005 hanggang 2010, subalit nananatiling isang malaking isyu.[20][21] 22.7 Ang panggitnang gulang ng populasyon ay 22.7 taon gulang na may 60.9% ang nasa gulang na 15 hanggang 64 na gulang.[1] Ang tinatayang haba ng búhay ay 71.94 taon, 75.03 taon para sa babae at 68.99 na taon para sa mga laláki.[22]

May mahigit 11 milyong mga Pilipino sa labas ng Pilipinas.[23] Nang magsimula ang liberalisasyon ng batas pang-imigrasyon ng Estados Unidos noong 1965, ang bilang ng mga táong may liping Pilipino ay tumaas. Noong 2007, tinatayang nasa 3.1 milyon ang bilang nito.[24][25] Ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, ang mga imigrante mula sa Pilipinas ay bumubuo sa ikalawang pinakamalaking pangkat sunod sa Mehiko na naghahangad nang pagkakabuo ng pamilya.[26] May tinatayang dalawang milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa Gitnang Silangan, kung saan nasa isang milyon nito ay nasa Arabyang Saudi.[27]

Mga pinakamalaking lungsodBaguhin

Pangkat-taoBaguhin

Pangunahing lathalain: Mga pangkat etniko sa Pilipinas
 
Mga pangkat etniko bawat lalawigan.

Ayon sa pagtatala noong 2000, 28.1% ng mga Pilipino ay Tagalog, 13.1% ay Sebwano, 9% ay Ilokano, 7.6% ay Bisaya/Binisaya, 7.5% ay Hiligaynon, 6% ay Bikolano, 3.4% ay Waray, at ang nalalabing 25.3% ay kabílang sa iba pang mga pangkat,[1][28] na kinabibilangan ng mga Moro, Kapampangan, Pangasinense, mga Ibanag at mga Ivatan.[29] Mayroon din mga katutubong mga pangkat gaya ng mga Igorot, ang mga Lumad, Mangyan, Badjau, at ang mga pangkat-etniko ng Palawan. Ang mga Negrito, gaya ng mga Aeta, at ang mga Ati, ay itinuturing na mga kauna-unahang nanahan sa kapuluan.[30] Kasáma ang mga grupong minorya ng kabundukan, mga dayuhan at mga etnikong Pilipinong Moro ng Mindanao sa natitirang 10 porsiyento. Ang Aeta o ang Negrito na dáting aktibo sa kapuluan ilang libong taon ang nakaraan, ay nagsipaglikas sa loob ng kagubatan at kabundukan. Ang kanilang kapalaran ay tulad din sa ibang grupong katutubo sa buong mundo tulad ng mga Aborigen ng Australya at ang mga Katutubong Amerikano. Marami sa kanila ay napasanib at napahalo sa mananakop na etnikong Malay-Pilipino o kayâ'y napahiwalay bunga ng "sistematikong pag-aalis" noon.

Ayon sa talâ ng pamahalaan ng Pilipinas at mga kasalukuyang datos ng senso, mga 95% ng mamamayan ay pangkat Malay, mga ninuno ng mga nandarayuhan mula sa Tangway ng Malaya at kapuluang Indonesya na dumating bago pa man ang panahong Kristiyano. Ang mga mestiso, na may halong lahing Pilipino-Kastila, Pilipino-Tsino, Pilipino-Hapones, Pilipino-Amerikano o Kastila-Tsino (Tornatra) ay bumubuo ng isang maliliit ngunit makapangyarihang maliit na pangkat pagdating sa ekonomiya at pamahalaan. Mayroon ding maliliit na pamayanan ng mga dayuhan tulad ng Kastila, Amerikano, Italyano, Portuges, Hapon, Silangang Indiyan, at Arabo, at mga katutubong itimNegritona nakatira sa mga malalayong pook at kabundukan.

Kabílang sa mga Wikang Banyaga sa Pilipinas ay ang ; Ingles; (Mandarin, Hokyen at Kantones);Ingles; Hapones; Hindu ay mula sa mga kasapi ng pamayanan ng mga, Indiyan, mga Amerikano, ay mula sa kanilang, Munting Indiya o LittleIndia pook ng korea o Koreatown, pook ng mga Amerikano o Americantown at mga Munting Amerika o LittleAmerica at paaralan kung saan ang wika ng pagtuturò ay ang paggamit ng dalawang wika na Mandarin/English; Arabe sa mga kasapi ng pamayanang Muslim o Moro; at Espanyol, na pangunahing wika ng Pilipinas hanggang 1973, ay sinasalita ng tinatayang 3% ng mamamayan. Gayunpaman, ang tanging nabubuhay na wikang halong Asyatiko-Espanyol, ang Tsabakano, ay wika ng ilan sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.

Mula 1939, sa pagsisikap na paigtingin ang pambansang pagkakaisa, pinalaganap ng pamahalaan ang paggamit ng opisyal na pambansang wika, ang Filipino, de facto na batay sa Tagalog. Tinuturo ang Filipino sa lahat ng paaralan at unti-unting tinatanggap ng taongbayan bílang pangalawang wika. Ang Ingles naman ay ginagamit bílang pangalawang pangunahing wika at kadalasang maririnig sa talakayan ng pamahalaan, pag-aaral at pangkabuhayan.

WikàBaguhin

Pangunahing lathalain: Mga wika sa Pilipinas
Bilang ng tao sa unang wika (2010)
Wika Mananalita
Tagalog 22,512,089
Sebwano 19,665,453
Ilokano 8,074,536
Hiligaynon 7,773,655
Waray 3,660,645
Iba pang mga katutubong wika/dayalekto 24,027,005
Iba pang mga dayuhang wika/dayalekto 78,862
Hindi iniulat/hindi inihayag 6,450
KABUUAN 92,097,978
Pinagkunan: Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas[31]

Itinala ng Ethnologue na may 175 mga wika sa Pilipinas, 171 sa mga ito ay buháy pa samantalang 4 dito ay wala nang alam na gumagamit. Bahagi ang mga ito ng pangkat ng mga wikang Borneo-Pilipinas ng mga wikang Malayo-Polinesyo, na sangay ng mga wikang Austronesyo.[32]

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang Wikang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika. Ang Filipino ay ang pamantayang bersiyon ng Tagalog, na pangunahing sinasalita sa Kalakhang Maynila at sa ibang mga rehiyong urban. Kapuwa ginagamit sa pamahalaan, edukasyon, pahayagan, telebisyon at negosyo ang wikang Filipino at Ingles. Nagtalaga ang saligang batas ng mga wikang rehiyonal gaya ng Bikolano, Sebwano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, at Waray bílang katulong na opisyal na wika at iniuutos na ang Wikang Kastila at Arabe ay itaguyod nang kusa at opsiyonal.[33]

PananampalatayaBaguhin

 
Simbahan ng Paoay

Ang Pilipinas ay isang bansang sekular na may saligang batas na naghihiwalay sa simbahan at estado. Subalit, mahigit sa 80% ng populasyon ay Kristiyano: karamihan ay mga Katoliko samantalang may 10% ng mga Pilipino ay kasapi ng ibang denominasyong Kristiyano, gaya ng Iglesia ni Cristo, ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios o Dating Daan, ang Iglesia Filipina Independiente, Ang Nagkaisang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas, Sabadista, Born Again Groups at ang Mga Saksi ni Jehovah. Sa kabila ng mga relihiyong ito, hindi dapat mawala ang ating pananalig sa Panginoong Diyos.[34] Bunga ng impluwensiya ng kulturang Kastila, ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa Asya na may pinakamaraming Katoliko, na sinundan ng Silangang Timor, isang dáting kolonya ng Portugal.

Ayon sa Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim noong 2012, tinatayang nasa 11% ng mga Pilipino ay naininwala sa Islam[35],karamihan ay mga Sunni. Sa katunayan karamihan sa mga taga-katimugang Pilipinas ay mga Muslim.

Pag-aaralBaguhin

Pangunahing lathalain: Pag-aaral sa Pilipinas
 
Ang Pamantasan ng Santo Tomas, na itinatag noong 1611, ay ang pinakamatandang pamantasan sa Asya.

Iniulat ng Tanggapan ng Pambansang tagatala ng Pilipinas na ang payak na kamuwangan ng Pilipinas ay nasa 93.4% at ang nagagamit na kamuwangan ay nasa 84.1% noong 2003.[1][17][36] Halos pantay ang kamuwangan ng mga babae at laláki.[1] Ang paggastos sa pag-aaral ay nasa tinatayang 2.5% ng GDP.[1] Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, mayroong 44,846 na mababang paaralan at 10,384 na mataas na paaralan ang nakatala para sa taóng pampaaralan ng 2009-2010[37] samantalang itinala ng sangay sa Lalong Mataas na pag-aaral o CHED na may 2,180 na mga institusyong pag-aaral, 607 dito ay pampubliko at 1,573 ay mga pribado.[38]

May ilang mga sangay ng pamahalaan ang kasáma sa pag-aaral. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang sumasakop sa mababang paaralan, pangalawang mataas na paaralan, at mga hindi pormal na edukasyon; ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan o TESDA ang namamahala sa mga pag-aaral sa pagsasanay at pagpapaunlad pagkatapos ng pangalawang mataas na paaralan; at ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED ang nangangasiwa sa mga dalubhasaan at pamantasan at nag-aayos ng mga pamantayan sa lalong mataas na pag-aaral.[39]

Kalinangan at kaugaliánBaguhin

Pangunahing lathalain: Kultura ng Pilipinas
 
Mga mananayaw ng Tinikling.
 
Ang pista ng Kadayawan sa lungsod ng Dabaw.
 
Ang pagmamano, isang tanda ng paggalang sa mga matatanda.
 
Tinola, ang pagkaing kilala na binanggit sa nobelang Noli Me Tángere (Huwag Mo Akong Salingin) ni José Rizal.

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang pagkakakilanlang o pangkaugalian ang nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga wika nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa pagkakakilanlan.

Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga tagakalat pananampalatayang Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng mga dalawa ang wikang ginagamit na uri, ang mga Ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na sinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni Gaspar Aquino de Belen. Umusbong din ang mga panitikang (hindi-relihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pang-kabahagian para sa mga (di nakakabasa o nakakasulat). Nasulat din ang mga ito sa abakadang Romano ng mga pangunahing na wika at kumalat.

Sa karagdagan, ang panitikan o panitikang klasikal (Jose Rizal, Pedro Paterno) at mga kasulatan ng kasaysayan (pambansang awit, Constitución Política de Malolos), ay naisulat sa Espanyol, na hindi na pangunahing wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946.

Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing si Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan ang unang pumigil sa paglusob kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes. Si Jose Rizal (ipinanganak noong ika-19 ng ika-6 na buwan ng 1896 sa bayan ng Calamba, Laguna), ipinagmamalaki ng Lahing Málay, Pambansang Bayani ng Pilipinas, sinaulo ang 22 mga wika: Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapones, Latin, Malay, Portuges, Ruso, Sanskrito, Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong wika; siya ay naging isang tagaguhit ng mga gusali, tagapagtanghal, nakikipagkalakal, tagaguhit ng karikatyur, guro, ekonomista, etnolohista, siyentipikong magsasaká, bihasa sa kasaysayan, imbentor, peryodista, dalubhasa sa wika, bihasa sa awit, mitolohista, makabayan, naturalista, nobelista, siruhano sa mata, makata, propagandista, sikolohista, siyentista, manlililok, sosyolohista, at teologo. Ang unang Asyatikong Kalihim-Heneral ng Asamblea Heneral ng Mga nagkakaisang Bansa (UN) ay isang Pilipino - si Carlos Peña Romulo.

Itinuturing na Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan. Kabílang sana rito ang Intramuros ngunit nawasak ito matapos and Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Hagdang-hagdang Palayan o Pay-yo ng Kordilyera, na kinikilala ring pangwalong nakakahangang-yaman ng daigdig.

MidyaBaguhin

Ang midya sa Pilipinas ay pangunahing gumagamit ng Filipino at Ingles. Ang ibang wika sa Pilipinas, na kinabibilangan ng ilang mga wika sa Kabisayaan ay ginagamit din, lalo na sa mga radyo dahil sa kakayahan nitong maabot ang mga malalayong lugar na maaaring hindi káyang maabot ng ibang uri ng media. Ang mga pangunahing himpilang pantelebisyon sa Pilipinas ay ang ABS-CBN, GMA at TV5 na may malawak din na serbisyong panradyo.[40]

Ang industriya ng aliwan o tinatawag na showbiz ay makulay at nagbibigay laman sa mga pahayagan at peryodiko ng mga detalye tungkol sa mga artista. Tinatangkilik din ang mga teleserye gaya rin ng mga telenobelang Latino, Asyano (partikular ang mga dramang Koreano) at mga anime. Ang mga pang-umagang palabas ay pinangingibabawan ng mga game shows, variety shows, at mga talk shows gaya ng Eat Bulaga at It's Showtime.[41] Tanyag din ang mga Pelikulang Pilipino at mayroong mahabang kasaysayan, subalit nahaharap sa matinding kompetensiya mula sa mga pelikulang banyaga. Kabílang sa mga pinagpipitagang direktor ay si Lino Brocka para sa pelikulang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag. Sa mga nakalipas na mga taon nagiging pangkaraniwan ang paglilipat-lipat ng mga artista mula sa telebisyon at pelikula at pagkatapos ay ang pagpasok sa politika na pumupukaw ng pangamba.[42]

Tingnan dinBaguhin

TalasangguniánBaguhin

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 Central Intelligence Agency. (2009-10-28). "Silangan at Timog-Silangang Asya :: Pilipinas". The World Factbook. Washington, DC: Author. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/rp.html. Hinango noong 2009-11-07. 
  2. Philippine Census 2005 Population Projection
  3. Lucas, Brian (Agosto 2005). "Which side of the road do they drive on?". http://www.brianlucas.ca/roadside/. Hinango noong Pebrero 22, 2009. 
  4. "2015 Population Counts Summary" (XLSX). 19 Mayo 2016. http://psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/hsd/pressrelease/2015%20population%20counts%20Summary_0.xlsx. Hinango noong 10 Hunyo 2017. 
  5. Central Intelligence Agency. (2009). "Field Listing :: Coastline". Washington, DC: Author. Retrieved 2009-11-07.
  6. List_of_countries_by_GNI_%28nominal,_Atlas_method%29_per_capita (English Wikipedia)
  7. List_of_Asian_countries_by_GDP_per_capita (English Wikipedia)
  8. http://www.transparency.org/cpi2012/results
  9. 9.0 9.1 9.2 http://www.adb.org/sites/default/files/pub/2009/Poverty-Philippines-Causes-Constraints-Opportunities.pdf
  10. http://www.insead.edu/facultyresearch/faculty/documents/5771.pdf
  11. 11.0 11.1 http://www.state.gov/outofdate/bgn/philippines/195236.htm
  12. http://books.google.com/books?id=z1cpiEJMAi8C&pg=PA295
  13. http://articles.philly.com/1986-01-28/news/26055009_1_philippines-president-ferdinand-e-marcos-sugar-industry
  14. http://www.indymedia.org.uk/en/2012/09/500590.html
  15. "Report for Selected Countries and Subjects". World Economic Outlook Database, Oktubre 2012. International Monetary Fund. http://www.imf.org/external/pubs/ft/weo/2012/02/weodata/weorept.aspx?sy=2010&ey=2017&scsm=1&ssd=1&sort=country&ds=.&br=1&pr1.x=51&pr1.y=6&c=512%2C446%2C914%2C666%2C612%2C668%2C614%2C672%2C311%2C946%2C213%2C137%2C911%2C962%2C193%2C674%2C122%2C676%2C912%2C548%2C313%2C556%2C419%2C678%2C513%2C181%2C316%2C682%2C913%2C684%2C124%2C273%2C339%2C921%2C638%2C948%2C514%2C943%2C218%2C686%2C963%2C688%2C616%2C518%2C223%2C728%2C516%2C558%2C918%2C138%2C748%2C196%2C618%2C278%2C522%2C692%2C622%2C694%2C156%2C142%2C624%2C449%2C626%2C564%2C628%2C283%2C228%2C853%2C924%2C288%2C233%2C293%2C632%2C566%2C636%2C964%2C634%2C182%2C238%2C453%2C662%2C968%2C960%2C922%2C423%2C714%2C935%2C862%2C128%2C135%2C611%2C716%2C321%2C456%2C243%2C722%2C248%2C942%2C469%2C718%2C253%2C724%2C642%2C576%2C643%2C936%2C939%2C961%2C644%2C813%2C819%2C199%2C172%2C733%2C132%2C184%2C646%2C524%2C648%2C361%2C915%2C362%2C134%2C364%2C652%2C732%2C174%2C366%2C328%2C734%2C258%2C144%2C656%2C146%2C654%2C463%2C336%2C528%2C263%2C923%2C268%2C738%2C532%2C578%2C944%2C537%2C176%2C742%2C534%2C866%2C536%2C369%2C429%2C744%2C433%2C186%2C178%2C925%2C436%2C869%2C136%2C746%2C343%2C926%2C158%2C466%2C439%2C112%2C916%2C111%2C664%2C298%2C826%2C927%2C542%2C846%2C967%2C299%2C443%2C582%2C917%2C474%2C544%2C754%2C941%2C698&s=NGDPD&grp=0&a=. Hinango noong 9 Oktubre 2012. 
  16. Republic of the Philippines. National Statistical Coordination Board. "Third Quarter 2009 Gross National Product and Gross Domestic Product by Industrial Origin". http://www.nscb.gov.ph/sna/2009/3rdQ2009/2009gnpi3.asp. Hinango noong 2009-12-11. 
  17. 17.0 17.1 Republic of the Philippines. National Statistics Office. (Oktubre 2009). "Quickstat" (PDF). http://www.census.gov.ph/data/quickstat/qs0909tb.pdf. Hinango noong 2009-12-11. 
  18. CO2 Emissions from Fuel Combustion Population 1971–2008 (pdf page 86); page 86 of the pdf, IEA (OECD/ World Bank) (original population ref OECD/ World Bank e.g. in IEA Key World Energy Statistics 2010 page 57)
  19. Republic of the Philippines. National Statistical Coordination Board. Population of the Philippines Census Years 1799 to 2007. Retrieved 2009-12-11.
  20. Republic of the Philippines. National Statistics Office. (2008). "Official population count reveals..". http://www.census.gov.ph/data/pressrelease/2008/pr0830tx.html. Hinango noong 2008-04-17. 
  21. "Bishops threaten civil disobedience over RH bill". GMA News. 2010-09-29. http://www.gmanews.tv/100days/story/202186/bishops-threaten-civil-disobedience-over-rh-bill. Hinango noong 2010-10-16. 
  22. Central Intelligence Agency. "Field Listing :: Life expectancy at birth". Washington, D.C.: Author. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/fields/2102.html. Hinango noong 2009-12-11. 
  23. Collymore, Yvette. (June 2003). "Rapid Population Growth, Crowded Cities Present Challenges in the Philippines". Population Reference Bureau. http://www.prb.org/Articles/2003/RapidPopulationGrowthCrowdedCitiesPresentChallengesinthePhilippines.aspx. Hinango noong 2010-04-26. 
  24. Asis, Maruja M.B. (Enero 2006). "The Philippines' Culture of Migration". Migration Information Source. Migration Policy Institute. Retrieved 2009-12-14.
  25. "Selected Population Profile in the United States: Filipino alone or in any combination". United States Census Bureau. http://factfinder.census.gov/servlet/IPTable?_bm=y&-context=ip&-reg=ACS_2007_1YR_G00_S0201:038;ACS_2007_1YR_G00_S0201PR:038;ACS_2007_1YR_G00_S0201T:038;ACS_2007_1YR_G00_S0201TPR:038&-qr_name=ACS_2007_1YR_G00_S0201&-qr_name=ACS_2007_1YR_G00_S0201PR&-qr_name=ACS_2007_1YR_G00_S0201T&-qr_name=ACS_2007_1YR_G00_S0201TPR&-ds_name=ACS_2007_1YR_G00_&-tree_id=306&-redoLog=false&-geo_id=01000US&-geo_id=NBSP&-search_results=16000US3651000&-format=&-_lang=en. Hinango noong 2009-02-01.  The U.S. Census Bureau 2007 American Community Survey counted 3,053,179 Filipinos; 2,445,126 native and naturalized citizens, 608,053 of whom were not U.S. citizens.
  26. Castles, Stephen and Mark J. Miller. (Hulyo 2009). "Migration in the Asia-Pacific Region". Migration Information Source. Migration Policy Institute. Retrieved 2009-12-17.
  27. Ciria-Cruz, Rene P. (2004-07-26). 2 million reasons for withdrawing 51 troops. San Francisco Chronicle.
  28. Republic of the Philippines. National Statistics Office. (2009). The Philippines in Figures 2009. ISSN 1655-2539. http://www.census.gov.ph/data/publications/pif_2009.pdf. Hinango noong 2009-12-23. 
  29. "Philippines". (2009). In Encyclopædia Britannica. Retrieved 2009-12-18 from Encyclopædia Britannica Online.
  30. Dolan, Ronald E. (Ed.). (1991). "Ethnicity, Regionalism, and Language". Philippines: A Country Study. Washington: GPO for the Library of Congress. Retrieved 2010-04-08 from Country Studies US Website.
  31. Philippine Statistics Authority 2014, pp. 29–34.
  32. Lewis, Paul M. (2009). Languages of Philippines. Ethnologue: Languages of the World (16th ed.). Dallas, Tex.: SIL International. Retrieved 2009-12-16.
  33. Joselito Guianan Chan, Managing Partner. "1987 Constitution of the Republic of the Philippines, Article XIV, Section 7.". Chan Robles & Associates Law Firm. http://www.chanrobles.com/article14language.htm. Hinango noong 2013-05-04. 
  34. Republic of the Philippines. National Statistics Office. (2003-02-18). "2000 Census: Additional Three Persons Per Minute". http://www.census.gov.ph/data/pressrelease/2003/pr0323tx.html. Hinango noong 2008-01-09. [patay na kawing]
  35. http://www.ncmf.gov.ph/
  36. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang UN); $2
  37. Republic of the Philippines. Department of Education. (2010-09-23).Fact Sheet – Basic Education Statistics[patay na kawing]. Retrieved 2010-04-17.
  38. Republic of the Philippines. Commission on Higher Education. (Agosto 2010). Information on Higher Education System. Official Website of the Commission on Higher Education. Retrieved 2011-04-17.
  39. Republic of the Philippines. Department of Education. "Historical Perspective of the Philippine Educational System". Retrieved 2009-12-14.
  40. Country profile: The Philippines. (2009-12-08). BBC News. Retrieved 2009-12-20.
  41. Santiago, Erwin (2010-04-12). AGB Mega Manila TV Ratings (Abril 7–11): Agua Bendita pulls away. Retrieved 2010-05-23 from the Philippine Entertainment Portal Website.
  42. "The Philippines' celebrity-obsessed elections". (2007-04-26). The Economist. Retrieved 2010-01-15.

Mga palabas na kawingBaguhin

Mga pahinang opisyalBaguhin

KasaysayanBaguhin

Mga pahinang pambalitaBaguhin

Iba pang mga pahinaBaguhin