Iglesia Filipina Independiente

Ang Iglesia Filipina Independiente (Malayang Simbahan ng Pilipinas), ay isang denominasyon ng pananampalataya na may mga tradisyong kaparehas sa Romano Katoliko. Ang relihiyong ito ay sinimulan ni Isabelo de los Reyes y Florentino noong 1902 at si Gregorio Aglipay ang naging unang pangulo nito. Kaya sa kasalukuyan ito ay kilalang Simbahang Aglipayano dahil kay Gregorio Aglipay (sa kaniya kinuha ang pangalan).

Iglesia Filipina Independiente
PrimateThe Most Reverend Joel Porlares y Ocop, Obispo Maximo XIV
HeadquartersNational Cathedral of the Holy Child, 1500 Abenida Taft, Ermita, Maynila, Pilipinas
TerritoryPhilippines, North America, Europe, Middle East, and East Asia, Southeast Asia, Pacific Islands
Members7 million (2023)
Websiteifi.org.ph
Anglicanism Portal

Ang simbahang ito ay tumiwalag sa Simbahang Romano Katoliko nang humupa ang himagsikang Pilipino noong 1896. Ito ay itinatag ni de los Reyes, ang unang pinuno ng kauna-unahang unyong mangagawa sa Pilipinas (Pangkalahatang Sanggunian ng Union Obrera Democratica, o UOD). Itinatag ang simbahan noong 3 Agosto 1902 sa isa sa mga tampukan o pulong ng unyon.

Dahil sa pagtatag ng isang bagong simbahan hango sa isang malayang katolisismo sa Pilipinas na malaya sa pang-aapi ng mga prayle, dayuhan at Roma, nanganga-ilangan ito ng bagong pinuno at ang napiling manguna sa simbahan ito ay si Msgr. Gregorio L. Aglipay.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.