Pananampalataya
Depende sa relihiyon, ang pananampalataya ay isang paniniwala sa isang diyos o mga diyos o sa mga doktrina o mga katuruan ng isang relihiyon. Ang hindi pormal na paggamit ng pananamapalataya ay maaaring kabilangan ng pagtitiwala o paniniwala ng walang patunay o pruweba. Ang pananampalataya ay kadalasang hinahalili para sa "pag-asa", "pagtitiwala" o "paniniwala". Ang ilang mga hindi mananampalataya ng isang pananampalataya ay pangatwirang ang pananampalataya ay salungat sa katwiran. Salungat dito, ang ilang mga mananampalataya ng pananampalataya ay nangatwirang ang angkop na sakop ng pananampalataya ay nauukol sa mga tanong na hindi malulutas ng pebidenensiya. Ito ay hinahalimbawa ng mga saloobin tungkol sa hinaharap na sa depinisyon ay hindi pa nangyayari.
Epistemolohikal na balidad ng pananampalataya
baguhinMay malawak na spektrum ng opinyon na nauukol sa balidad na epistemolohikal ng pananampalataya. Sa isang kasukdulan ay ang positibismong lohikal na tumatanggi sa balidad ng anumang mga paniniwala sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa kabilang kasukdulan ang fideismo na naniniwalang ang tunay na paniniwala ay umaahon lamang mula sa pananampalataya dahil ang katwiran at ebidensiyang pisikal ay hindi humahantong sa katotohanan. Ang ilang mga pundasyonalista gaya nina Agustino ng Hipona ay naniniwalang ang lahat ng mga paniniwala ay huling nakasalig sa mga paniniwalang tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang iba gaya nina C.S. Lewis ay naniwalang ang pananampalataya ay isa lamang birtud kung saan ay pinanghahawakan ang mga may katwirang ideya sa kabila ng mga saloobin na salungat dito.[1] Ang pundasyonalismo ay naniniwalang ang lahat ng kaalaman at makatwirang paniniwala ay huling nakasalig sa mga angkop na pundamental na paniniwala. Ang posisyong ito ay nilayon upang lutasin ang problemang walang hanggang regreso sa epistemolohiya. Ang epistomolohiyang nireporma ay isang pananaw tungkol sa epistemolohiya ng paniniwalang panrelihiyon na naniniwalang ang paniniwala sa Diyos ay maaaring angkop basiko. Ang mga pilosopong nito ay nag-aangkin na ang indibidwal ay maaaring makatwirang maniwala sa diyos kahit ang indibidwal na ito ay hindi nag-aangkin ng sapat na ebidensiya upang hikayatin ang agnostiko na maniwala. Ang isang pagkakaiba sa pagitan ng nirepormang epistemolohiya at fideismo ay ang una ay nangangailangan ng pagtatanggol laban sa mga alam na pagtutuol samantalang ang huli ay nagtatakwil sa mga gayong pagtutol bilang hindi mahalaga.
Kritisismo ng pananampalataya
baguhinAyon kay Bertrand Russell "Kung saan may ebidensiya, walang isa na nagsasalita ng pananampalataya". Hindi tayo nagsasalita ng pananampalataya na ang dalawa na idinagdag sa dalawa ay apat o ang mundo ay bilog. Nagsasalita lamang tayo ng pananampalataya kung nais nating ihalili ang emosyon para sa ebidensiya.[2]
Binatikos ng biologong si Richard Dawkins ang lahat ng mga pananampalataya sa pamamagitan ng paglalahat mula sa spesipikong pananampalataya sa mga proposisyon na direktang sumasalungat sa ebidensiyang siyentipiko.[3] Kanyang inilarawan ang pananampalataya bilang isa lamang paniniwalang walang ebidensiya na isang proseso ng aktibong hindi-pag-iisip. Kanyang isinaad na ito ay isang kasanayang hindi lamang nagpapababa ng ating pagkaunawa ng daigdig ng kalikasan sa pamamagitan ng pagpayag sa sinuman na gumawa ng isang pag-aangknin tungkol sa kalikasan na nakabatay lamang sa kanilang mga pansariling pag-iisip at posibleng mga nalikong persepsiyon na hindi nangangailangan ng pagsubok laban sa kalikasan, walang kakayahang makagawa ng maasahan at konsistenteng mga hula at hindi sumasailalim sa pagsusuri ng mga magkakasama sa larangan.[4]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Lewis, C.S. (2001). Mere Christianity: a revised and amplified edition, with a new introduction, of the three books, Broadcast talks, Christian behaviour, and Beyond personality. San Francisco: HarperSanFrancisco. ISBN 0-06-065292-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Russell, Bertrand. "Will Religious Faith Cure Our Troubles?". Human Society in Ethics and Politics. Ch 7. Pt 2. Retrieved 16 August 2009.
- ↑ Dawkins, Richard (2006). The God Delusion. Bantam Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dawkins, Richard (Enero/Pebrero 1997). "Is Science a Religion?". American Humanist Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-30. Nakuha noong 2008-03-15.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) Naka-arkibo 2012-10-30 sa Wayback Machine.