Ang Rappler ay isang websayt ng pahayagang online sa Pilipinas na may kawanihan sa Jakarta, Indonesia. Nagsimula ito bilang isang pahina sa Facebook na pinangalanang MovePH noong August 2011[2] at sa kalaunan ay naging ganap na websayt noong Enero 1, 2012.[3] Bukod sa nilalamang tekstong balita batay sa web, ito ang isa sa mga unang pambalitang websayt sa Pilipinas na malawakang gumagamit ng multimidyang online tulad ng mga bidyo, larawan, teksto, at audyo. Gumagamit din ito ng mga sayt sa sosyal midya para sa pamamahagi ng balita.[4]

Rappler
Itinatag1 Enero 2012; 12 taon na'ng nakalipas (2012-01-01)
NagtatagMaria Ressa[1]
Cheche Lazaro[1]
Glenda Gloria[1]
Chay Hofileña[1]
Lilibeth Frondoso[1]
Gemma Mendoza[1]
Marites Dañguilan Vitug[1]
Raymund Miranda[1]
Manuel Ayala[1]
Nico Nolledo
Punong-tanggapan,
Philippines
Pangunahing tauhan
Maria Ressa (Punong-patnugot)
KitaPHP 139.47 milyon (FY 2015)[1]
Kita sa operasyon
PHP -38.35 milyon (FY 2015)[1]
May-ariRappler Holdings Corporation (98.8%)[1]
Mga iba pa (1.2%)[1]
MagulangRappler Holdings Corporation
Websiterappler.com

Ayon sa sarili nitong websayt, ang pangalang Rappler ay isang portmanteau ng mga salitang "rap" (magtalakay) at "ripple" (magpaalun-alon).[3]

Noong 2018, nasampahan ito ng mga prosesong legal mula sa mga sangay ng pamahalaan ng Pilipinas.[5] Sinabi ng Rappler at kanyang mga tauhan na naging tudlaan ito para sa kanyang mga pagsisiwalat ng maling paggamit ng pamahalaan at nahalal na opisyal.

Kasaysayan

baguhin

Nang may ideya ng mga propesyonal na mamamahayag na gumamit ng sosyal midya at crowd sourcing para sa pamamahagi ng balita,[6] itinatag ang Rappler noong 2011 ni Maria Ressa, isang Filipinang mamamahayag, kasama ng kanyang mga kaibigang negosyante at mamamahayag.[7][8] Nagsimulang pag-usapan ang kumpanya noong mga 2010 kung kailan isinulat ni Maria Ressa ang kanyang ikalawang aklat "From Bin Laden to Facebook" ("Mula Bin Laden hanggang Facebook"). Kabilang din sa mga taong nakibahagi sa kanyang pagkonsepto at paglikha sina Glenda Gloria, dating puno ng Newsbreak at nangangasiwang patnugot ng ABS-CBN News Channel; Chay Hofileña, mamamahayag at propesor sa Pamantasang Ateneo De Manila; Lilibeth Frondoso, dating ehekutibong prodyuser ng TV Patrol; Nix Nolledo, tagabunsod ng internet sa Pilipinas; Manuel I. Ayala, negosyante sa internet; at Raymund Miranda, dating ehekutibo ng Nation Broadcasting Corporation.[9]

Unang nagsapubliko ang Rappler bilang bersyong beta na websayt noong Enero 1, 2012, sa araw rin na naglathala ang Philippine Daily Inquirer ng artikulo ng Rappler na nagpasiklab sa kwento ng (dating) Punong Mahistrado ng Pilipinas, Renato Corona, na ginawaran ng doktoral na digri nang nang walang kinakailangang disertasyon.[10] Opisyal na inilunsad ang sayt sa kanyang kaganapang #MoveManila sa Pamantasan ng Dulong Silangan sa Maynila noong Enero 12, 2012.[11]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 "Media Ownership Monitor Philippines - Rappler.com". VERA Files. Nakuha noong 12 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "MovePH". Facebook. Nakuha noong Mayo 12, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Ressa, Maria. "About Rappler". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2014. Nakuha noong 20 Agosto 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "First Metro Philippines Investment Summit Partners". Financial Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 30, 2017. Nakuha noong May 12, 2014. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. "Facebook attacked by critics over 'fake news' – but outside the US this time". CNBC. 17 Enero 2018. Nakuha noong 6 Disyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Terence Lee (Mayo 21, 2013). "Philippines' Rappler fuses online journalism with counter-terrorism tactics, social network theory". Tech In Asia. Nakuha noong Mayo 12, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Colin Chan (Abril 2, 2012). "Interview with Maria Ressa, CEO of Rappler.com". TheNewMedia.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 6, 2015. Nakuha noong Mayo 12, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Arsenault, Adrienne (27 Abril 2017). "'Democracy as we know it is dead': Filipino journalists fight fake news". CBC News.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "The People Behind Rappler". Rappler. Hunyo 17, 2012. Nakuha noong Mayo 12, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "UST breaks rules to favor Corona". Philippine Daily Inquirer. Enero 1, 2012. Nakuha noong Mayo 12, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Natashya Gutierrez (Enero 12, 2012). "Rappler introduced at #MoveManila Chat Series". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 15, 2012. Nakuha noong Mayo 12, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)