TV Patrol

Part of ABS-CBN News

Ang TV Patrol ay ang pangunahing pambansang programang pambalitaan ng ABS-CBN na umere kapalit ng Balita Ngayon. Ang programa ay pinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 6:30 hanggang 8:00 ng gabi, tuwing Sabado mula 6:00 ng gabi at Linggo mula 5:30 ng hapon.Ang programang ito ay ang pinakamatagal ng umeereng balitaan sa gabi sa wikang Filipino matapos ang pagsasahimpapawid nito noong 1987.

TV Patrol
UriBalita
GumawaABS-CBN Corporation
NagsaayosABS-CBN News and Current Affairs
HostMula Lunes-Biyernes
Bernadette Sembrano
Noli de Castro
Karen Davila
Alvin Elchico
Mula Sabado-Linggo
Zen Hernandez
Kompositor ng temaFrank Gari
Jimmy Antiporda (Arranged)
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaPilipino
Bilang ng kabanatan/a (umeere araw-araw)
Paggawa
Oras ng pagpapalabas90 minuto (Lunes-Biyernes)
45 minuto (Sabado)
60 minuto (Linggo)
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanABS-CBN (1987-2020)
TeleRadyo (2007-kasalukuyan)
ANC (2020-kasalukuyan)
Kapamilya Channel (2020-kasalukuyan)
Orihinal na pagsasapahimpapawid2 Marso 1987 (1987-03-02) –
kasalukuyan
Kronolohiya
Sumunod saBalita Ngayon (bilang balitaan sa gabi)
The Weekend News (bilang balitaan tuwing Sabado at Linggo)

Karaniwang pinapalabas ang programa sa ABS-CBN magmula noon tuwing gabi hanggang 5 Mayo 2020, nang sapilitang ipatigil ang operasyon nito sa pamamagitan ng mga kautusan ng National Telecommunications Commission. Bago itigil ang operasyong pantelebisyon ng kumpanya, ang programa ay umere din sa DZMM at ibang mga istasyong AM ng ABS-CBN, at mga piling istasyon ng MOR sa mga lalawigan.

Sa kasalukuyan, umeere na ang TV Patrol sa Kapamilya Channel, A2Z, All TV, ANC, TeleRadyo Serbisyo, Prime TV, at onlayn sa pamamagitan ng websayt ng ABS-CBN News, mga plataporma katulad ng iWantTFC, TFC IPTV at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel sa cable at satelayt.

Kasaysayan

Bago pa ilunsad

Matapos ang People Power Revolution noong Pebrero 1986 at ang muling pagsasahimpapwid nito matapos ang ilang buwan, ang mga nangangasiwa ng ABS-CBN News noon na sina Angelo Castro Jr. (noo'y News Manager),[1][2][3][4] ay nakipagpulong sa mga nakatataas na namamahala sa istasyon ukol sa plano na maglunsad ng mas bago at makabagong programang pambalitaan na magsisilbing kapalit ng Balita Ngayon. Noong 1 Marso 1987, inihayag ng ABS-CBN na ilulunsad nito ang TV Patrol sa "Ang Pagbabalik ng Bituin", ang isang programang espesyal na nakatuon sa muling paglulunsad ng himpilan na idinaos Luneta Park, Manila.[5]

Mga nakaraang bersyong pang-rehiyon

Tingnan din

  1. "Angelo Castro Jr dies". Rappler.com. Abril 5, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2012. Nakuha noong Abril 5, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mangosing, Frances; Elona, Jamie Marie (Abril 5, 2012). "Veteran broadcaster Angelo Castro Jr. passes away at 67". INQUIRER.net. Nakuha noong Abril 5, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Broadcast journalist Angelo Castro, 67". InterAksyon.com. Abril 5, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 7, 2012. Nakuha noong Abril 5, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Manila Standard – Google News Archive Search". news.google.com.
  5. "History of TV Patrol – TV PATROL @ 24 AND BEYOND". sites.google.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-03. Nakuha noong 2021-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)