Kapamilya Channel
Ang Kapamilya Channel ay isang himpilang pantelebisyong pansubskripsyon, na pagmamay-ari at pinapatakbo ng ABS-CBN Corporation, kumpanya na nasa ilalim ng Lopez Group. Ang tsanel ay nakahimpil sa ABS-CBN Broadcasting Center sa Lungsod Quezon kung saan ito ay pormal na nagsahimpapawid noong 13 Hunyo 2020 sa ganap na 5:30n.u., kung saan ang unang inereng programa ay ang Kapamilya Daily Mass. Ito ay inilunsad kasabay ng ika-74 na anibersaryo ng kumpanya.[1] May hiwalay din na tsanel na may high definition 1080i resolution na nagsimula ring sumahimpapawid sa parehong araw. Ang himpilan ang nagsilbing kapalit sa operasyong terestriyal ng ABS-CBN pagkatapos nitong itigil ang operasyon sa free TV ayon na rin sa kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) noong 5 Mayo 2020, dahil sa pagkakapaso ng prangkisang panlehislatibo nito. Pinapalabas nito ang karamihan sa mga programa na inere ng ABS-CBN bago ang suspensiyon ng operasyong panterestriyal nito.[2] Matatagpuan ang estudyo ng himpilan sa ABS-CBN Broadcasting Center, Abenida ng Sergeant Esguerra, Barangay South Triangle, Diliman, Lungsod Quezon.
Kapamilya Channel | |
Uri | Pay television network |
---|---|
Bansa | Philippines |
Sentro ng operasyon | ABS-CBN Broadcasting Center, Diliman, Quezon City |
Pagpoprograma | |
Wika |
|
Anyo ng larawan | |
Pagmamay-ari | |
May-ari | ABS-CBN Corporation |
Kapatid na himpilan | |
Kasaysayan | |
Itinatag | 2020 |
Inilunsad | 13 Hunyo 2020 |
Pinalitan ang | ABS-CBN (ad interim) |
Mga link | |
Websayt | kapamilyachannel.com |
Mapapanood | |
Midyang ini-stream | |
iWantTFC | Watch live |
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Marso 2022) |
- ↑ "Guide: Everything airing on Kapamilya Channel starting June 13". ABS-CBN News. Hunyo 12, 2020. Nakuha noong Hunyo 13, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hallare, Katrina (Hunyo 4, 2020). "'Ang Probinsyano,' other ABS-CBN programs to return as new channel set to emerge". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Hunyo 4, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)