ABS-CBN

network ng komersyal na telebisyon sa Pilipinas
(Idinirekta mula sa Yey!)

Ang ABS-CBN (isang daglat para sa dating pangalan nito, ang Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network) ay isang Pilipinong himpilang pankomersiyal (commercial broadcast network) (na binubuo ng himpilang pantelebisyon sa pamamagitan ng terestriyal, telebisyong kable o telebisyong pansetalyt, radyo at bagong midya sa pamamagitan ng streaming media, internet o onlayn) at sindikasyon, tagapamahagi ng programa, at kumpanya ng produksyon (sa ilalim ng ABS-CBN Entertainment), na siyang pagmamay-ari ng ABS-CBN Corporation, isang kompanya sa ilalim ng Lopez Group. Nakahimpil ang kalambatan sa ABS-CBN Broadcasting Center sa Lungsod Quezon, na may mga dating tanggapan at mga pasilidad sa 25 pangunahing lungsod sa Pilipinas, kabilang ang Baguio, Naga, Bacolod, Iloilo, Cebu, at Dabaw. Angipasilidad para sa mga produksyon ng ABS-CBN ay matatagpuan sa Horizon IT Park sa San Jose del Monte, Bulacan na nagbukas taong 2018.[2][3][4][5] Pormal na tinutukoy ang ABS-CBN bilang "The Kapamilya Network"[6], na unang inilunsad noong 1999 at ginawang opisyal noong 2003 sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo nito. na ginamit hanggang sa paglisan nito sa ere noong Mayo 5, 2020. Sa kalagitnaan nito, pinalitan ng ABS-CBN ang katukuyan nito bilang Kapamilya Forever bilang pagsuporta sa pagpapanibago ng prangkisa nito noong Mayo 13, 2020.[7] Ito ang pinakamalaking kalambatang pantelebisyon sa bansa kung pag-uusapan ang kita, ari-arian, at pandaigigang sakop nito.[8] Hanggang sa kasalukuyan, ang operasyong panterestriyal ng himpilan ay suspendido dahil sa kawalan ng lisensiya at prangkisa, ngunit nagpapatuloy pa rin ang operasyon nito sa pamamagitan ng onlayn, telebisyong kable at telebisyong pansetalyt, streaming platforms, at iba pang himpilang panterestriyal (sa pamamagitan ng blocktime sa A2Z at TV5).

ABS-CBN
UriKalambatang pantelebisyong terestriyal
TatakThe Kapamilya Network (Ang Kalambatang Kapamilya)
Bansa
Pilipinas
Lugar na maaaring maabutanBuong bansa
Binuo ni/nina23 Oktubre 1953; 71 taon na'ng nakalipas (1953-10-23)
ni James Lindenberg
Antonio Quirino
Eugenio Lopez, Sr.
Fernando Lopez
Islogan"In the service of the Filipino" ("Sa serbisyo ng Pilipino")
TV stationsList of TV stations
Hati ng merkado
37.58% (Nielsen National Urban TAM January–August 2016)[1]
HeadquartersABS-CBN Broadcasting Center, Diliman, Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas
May-ariABS-CBN Corporation
(Mga) pangunahing tauhan
Carlo Katigbak (Pangulo at punong tagapamahala)
Petsa ng unang pagpapalabas
Terestriyal:
23 Oktubre 1953
(inisyal)
14 Setyembre 1986
(pagkatapos ng Rebolusyong EDSA ng 1986)
Blocktime:
10 Oktubre 2020
(Blocktime kay ZOE TV)
Isinara Terestriyal:
23 Setyembre 1972
(batas militar)
5 Mayo 2020
(napaso ang prangkisang pambatas)
(Mga) dating pangalan
Alto Broadcasting System (ABS)
Chronicle Broadcasting Network (CBN)
Picture format
480i (SDTV)
1080i (HDTV)
Kapatid na kalambatan
S+A
Pandaigdigang kanal
The Filipino Channel
Opisyal na websayt
www.abs-cbn.com
WikaFilipino (pangunahin)
Ingles (sekundarya)

Ang ABS-CBN ay ang kauna-unahan at pinakamatandang himpilan sa Timog-silangang Asya at isa sa pinakamatandang himpilang telebisyon sa Asya. Ito rin ang nangungunang himpilang pantelebisyon sa Pilipinas na may kita na 21.2 bilyong piso sa taong pananalapi ng 2015.[9][10][11][12][13] Ang kauna-unahang pagsasahimpapawid ng ABS-CBN ay nangyari noong Oktubre 23, 1953, bilang Alto Broadcasting System (ABS) sa DZAQ-TV, tatlong buwan lamang pagkatapos sumahimpapawid ang NHK General TV at Nippon Television sa bansang Hapon. Ito rin ang kauna-unahang kalambatang pantelebisyon na sumahimpapawid ng may kulay sa Timog-silangang Asya, kauna-unahang himpilan sa Pilipinas na pormal na naglunsad ng serbisyong pantelebisyon sa digital terestriyal, at ang kauna-unahang kalambatan sa bansa na pormal na maglunsad sa HDTV.[14]

Ang pambansang istasyong pantelebisyon ng ABS-CBN ay ang DWWX-TV (ABS-CBN TV-2 Maynila). Dulot nito, ang kalambatan ay impormal na tinatawag bilang Channel 2 o Dos kahit na ang himpilan ay nakikita sa ibang numerong pantelebisyon sa ibat-ibang panig ng bansa. Ang kalambatan ay nagpatakbo ng mga istasyon sa bansa sa pamamagitan ng ABS-CBN Regional, isang dibisyon ng kumpanya na kumontrol sa 80 nitong istasyon sa bansa.[9][15] Ang mga programa nito ay maaari ring makita sa pamamagitan ng pandaigdigan himpilang pansubskripsyon na The Filipino Channel (TFC) na mayroong tatlong milyong sambahayan na nagbabayad saan man sa mundo, kasama rin dito ang terestriyal sa Guam sa pamamagitan ng KEQI-LD. Magmula pa noong 2011, ang himpilan ay nagpapalabas na gamit ang paraan na telebisyong digital terestriyal gamit ang ISDB-T na nagmula sa bansang Hapon, sa ilang bahagi ng bansa. Nakipagpartner rin ito sa KANTAR Media Inc. Ang ratings provider ng ABS-CBN at ibang media entity. Noong Oktubre 3, 2015, Nagsimulang mag-broadcast sa high definition sa pamamagitan ng kaakibat na direct-to-home cable at sattelite television providers.[14]

Ang ABS-CBN ay inisyu ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) at Solicitor General Jose Calida noong Mayo 5, 2020, matapos tumanggi ang NTC na i-renew ang lisensya ng network noong Pebrero 2020. Nag-expire ang lisensya ng franchise noong Mayo 4, 2020, at makalipas ang isang araw, opisyal na nag-sign off ang ABS-CBN sa gabi. Itinayo noon ang Kapamilya Channel bilang kapalit ng pangunahing terrestrial channel nito na maaari lamang matingnan sa pamamagitan ng cable, satellite at online. Ang isang web-based na channel na Kapamilya Online Live ay na-set up din para eksklusibong mag-livestream ng ilan sa mga nilalaman nito sa online na video-sharing platform na Facebook at YouTube.

Noong Oktubre 10, 2020, Ang A2Z Channel 11 ay inilunsad bilang pansamantalang terrestrial channel space ng network sa pamamagitan ng blocktime agreement sa pagitan ng ABS-CBN Corporation at ZOE Broadcasting Network. Ilan sa mga programa ng ABS-CBN Entertainment ay ipalalabas sa TV5 simula Enero 24, 2021

Habang nadadagdagan ang kanilang presensya sa internet sa gitna ng pagsasara ng pangunahing terrestrial network nito, ang mga social media account ng ABS-CBN Entertainment ay pangunahing pinamamahalaan ng ABS-CBN Digital Media,[16] na may tinatayang wala pa sa 100 milyon na followers at subscribers sa Facebook, Twitter, Instagram, YouTube (Bagama't partnership sa ABS-CBN dapat sa YouTube at YouTube Super Stream Philippines), Kumu (sa pamamagitan ng partnership ng Pinoy Big Brother live streaming at iba pang online na palabas), at TikTok.[17] Kabilang dito ang mga social media account ng mga dibisyon nito (kabilang ang ABS-CBN News, ABS-CBN Star Cinema, ABS-CBN Sports at ABS-CBN Star Music) at programa (kabilang ang The Voice Philippines, I Can See Your Voice Philippines, Pilipinas Got Talent, Idol Philippines, Pinoy Big Brother, Your Face Sounds Familiar Philippines, Pinoy Boyband Superstar, Your Moment at World of Dance Philippines) na may pangunahing account ng ABS-CBN sa buong social media ay may higit 70 milyong followers samantalang higit sa 21 milyong likes at 31 milyong followers sa Instagram. Simula noong Hunyo 30, 2021, ang YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment ay kasalukuyang pinakana-subscribe at pinaka-pinapanood na channel sa Timog-silangang Asya sa mahigit 36.7 milyong subscriber at mahigit 44.1 bilyong view sa YouTube na higit pa sa WorkpointTV ng Thailand.[17][18][19]

Pangunahing nakatuon ang ABS-CBN Entertainment sa pagiging isang content company, na kinabibilangan ng paggawa ng mga programa sa telebisyon, pelikula at iba pang nilalaman at pamamahagi ng aliwan.[17][20]

Kasaysayan

baguhin

Mga unang taon

baguhin

Si James Lindenberg, isang Amerikanong inhinyero at may-ari ng BEC, ang siyang pinakaunang nagsumite ng aplikasyon sa Kongreso ng Pilipinas para sa lisensya upang magtayo ng himpilang pantelebisyon noong taong 1949. Napagbigyan ang kanyang hiling noong Hunyo 14, 1950, sa ilalim ng Batas Republika Blg. 511. Dahil sa istriktong pagkokontrol sa pag-aangkat at kakulangan sa kagamitang panangkap upang makapagbukas ng himpilan sa Pilipinas noong kalagitnaan ng ika-20 siglo, sa halip na himpilang pantelebisyon, nagbukas na lamang ng himpilang panradyo si Lindenberg sa pamamagitan ng DZBC.[21]

Si Antonio Quirino, hukom at kapatid ng noo'y Pangulong Elpidio Quirino, ay sumubok din na makakuha ng lisensiya sa Kongreso, ngunit ito ay tinanggihan. Kalaunan, bumili siya ng istaka (stocks sa wikang Ingles) sa BEC at kaagad nitong binili ang istakang pangkontrol nito at pinalitan ang pangalan nito mula BEC at naging Alto Broadcasting System (ABS).

Nagsimula ang operasyong pankomersiyal ng DZAQ-TV noong Oktubre 23, 1953; ang unang ganap na lisensyadong himpilang pankomersiyal sa Pilipinas. Ang unang programang umere sa himpilan ay ang isang pagsasalo-salo sa hardin sa tahanan ng mga Quirino sa Sitio Alto sa San Juan. Pagkatapos nito, umere na lagi ang himpilan mula ikaanim hanggang ikasampu ng gabi.[21]

Noong Hunyo 16, 1955, sa bisa ng Batas Republika Blg. 1343 na inaprubahan ni Pangulong Ramon Magsaysay, ay iginawad sa may-ari ng Manila Chronicle na si Don Eugenio Lopez, Sr. at dating Pangalawang Pangulo na si Fernando Lopez, ang isang prangkisang panradyo at pantelebisyon mula sa Kongreso at kaagad na itinatag ang Chronicle Broadcasting Network (CBN) noong Setyembre 24, 1956, na noong una ay nakatuon sa pagsasahimpapawid sa radyo.[22][23] Noong Pebrero 24, 1957, inimbitahan ng pamilya Lopez si Quirino sa bahay nito upang mag-almusal at doon ay nabili ang ABS sa pamamagitan ng isang kontrata na nakasulat sa isang table napkin. Ang pangalan ng kumpanya ay ibinalik sa Bolinao Electronics Corporation pagkatapos mabili ang ABS.[21] Sa pagkakatatag ng DZXL-TV 9 ng CBN noong Abril 19 (o Hulyo[24]), taong1958,[21] ang magkapatid na Lopez ang nagkontrol sa parehong himpilan sa bansa, na siyang humantong sa pagpapalawak nito. Noong 1961, inilunsad ng BEC ang kauna-unahang himpilang pantelebisyong panrehiyon at panlalawigan sa Lungsod Cebu.[21]

Noong 1966, ang pasilidad ng ABS-CBN ay isa sa pinakamodernong uri nito sa Asya. Nagsimula ang buong pagsasahimpawid ng may kulay (colored television) noong 1971 (walong oras bawat araw) sa ABS-CBN 2 sa pagkakaroon ng mas maraming telebisor na may kapabillidad na makatanggap ng kulay sa kalakhang Maynila at kalapit nitong munisipalidad at lungsod.[21]

Panahon ng Batas Militar

baguhin
 
Ang ABS-CBN Broadcasting Center sa Diliman, Lungsod Quezon, ang punong-tanggapan ng ABS-CBN

Nang magdeklara si dating Pangulong Ferdinand Marcos ng batas militar noong 1972, ipinasara ang lahat ng mga pahayagan, himpilang panradyo at pantelebisyon sa bansa (kabilang ang ABS-CBN). Sa bisa ng Letter of Instruction No. 1-A , pansamantalang sinamsam ng mga otoridad ang ABS-CBN at Associated Broadcasting Corporation (na ngayo'y TV5) sa paratang na ito'y nagdadala ng "sadyang may kinikilingan at sobrang eksaheradong balita at komentaryo," upang suportahan ang Communist Party of the Philippinesinstrumento din umano ang mga may-ari ng kumpanya sa tangkang pagpatay sa Pangulo.[25]

Dahil dito, pinalitan ang pangalan ng punong-tanggapan ng istasyon bilang "Broadcast Plaza", at ito ang naging tahanan ng tatlong istasyon ng telebisyon na kontrolado ng rehimeng Marcos. Ang unang himpilan na umokupa dito ay ang Kanlaon Broadcasting System o KBS-9 (na naging Radio Philippines Network o RPN-9 noong 1975), sa kadahilanan na ang punong-tanggapan at estudyo nito sa Roxas Boulevard (na dati ring ginamit ng ABS-CBN bago maitayo ang Broadcast Center at ibinenta sa KBS-9) ay nasira sa isang sunog noong Hunyo 6, 1973. Ang KBS-9 ay pagmamay-ari ng Marcos crony na si Roberto Benedicto, ang kanyang himpilan ay ang kaisa-isang himpilang pantelebisyon na hindi ipinasara ng gobyerno kasunod ng batas militar. Noong 1974, ang Banahaw Broadcasting Corporation or BBC-2 na pagmamay-ari din ni Benedicto, at ang Government Television or GTV-4 (later renamed as Maharlika Broadcasting System or MBS-4) na pinapatakbo ng estado, ay umokupa na rin sa Broadcast Plaza. Ang parehong istasyon o prikwensiya ay dating ginamit ng ABS-CBN bago madeklara ang batas militar. Lumipat ang BBC at RPN sa Broadcast City sa Matandang Balara, Lungsod Quezon (kasama ang kapatid nitong istasyon na Intercontinental Broadcasting Corporation o IBC) noong 1978.[kailangan ng sanggunian]

Muling pagtatatag

baguhin

Nang sumiklab ang People Power Revolution (mas kilala sa tawag na EDSA Revolution) noong unang bahagi ng 1986, at ng humina na ng tuluyan ang paghawak ni Marcos sa kapangyarihan, naisip ng mga repormista sa militar na ang istasyon ay magiging mahalaga sa pagtatagumpay ng protesta. Kaya noong alas-diyes ng umaga Pebrero 24, 1986, sumugod ang mga ito sa ABS-CBN Broadcast Center upang ito ay makuha, na tahanan noon ng MBS-4[kailangan ng sanggunian]

Matapos matanggal sa pwesto si Marcos, inaprubahan ng bagong tatag na Presidential Commission on Good Government ang pagpapanumbalik ng ABS-CBN (kabilang ang prikwensiya ng Channel 2) noong Hunyo 1986[26] ngunit hindi kabilang sa pagpapanumbalik nito ang Channel 4. Noong Setyembre 14, 1986, bumalik na muli sa ere ang ABS-CBN sa pamamagitan ng isang espesyal na programa na "We're back!!",[27] na sumahimpapawid mula sa dati nitong garahe sa Broadcast Center. Noong Enero 1987, napilitan ang istasyon na makihati sa gusali kasama ang himpilang pantelebisyon ng gobyerno sa Channel 4 (hanggang Enero 22, 1992). Noong mga panahon na iyon, kapos sa pera ang kumpanya at limitado rin ang kanilang kagamitan; ang mga espasyo ng opisina ay ginagamit na silid-pambihisan at ang iba pa nilang gamit tulad ng mga upuan, mesa, at mga telepono ay kulang sa suplay.[kailangan ng sanggunian]

Matapos ang siyam na taon mula noong ito'y muling itataf, pinirmahan ni Pangulong Fidel Ramos ang Batas Republika Blg. 7966 na nagbigay sa ABS-CBN ng pangalawang prangkisang lehislatibo.[28]

2020: Pandemya ng COVID-19, isyu sa prangkisa at pagsasara

baguhin

Noong Marso 10, 2020,kasunod ng padedeklara ng pandemya ng World Health Organization dulot ng COVID-19 na kumalat na rin sa bansa, pati na rin ang pagdedeklara ng public health emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos makumpirma ang unang local transmission ng COVID-19, inanunsyo ng ABS-CBN na pansamantalang ititigil ang pagpapapasok ng tagapanood sa mga taping ng kanilang mga programa, kasama ang Magandang Buhay, It's Showtime, ASAP Natin 'To, Banana Sundae at ng ikalawang season ng lokal na bersyon ng South Korean game show na I Can See Your Voice, upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga artista at pangkat sa produksyon. Ang mga nasabing programa, gayunpaman ay magpapatuloy sa produksyon ng walang madla sa kanilang estudyo.[29]

Subalit noong Marso 15, 2020, tuluyan ng sinuspinde ng ABS-CBN ang produksyon ng kanilang mga programang panlibangan, matapos ilagay ang Kalakhang Maynila sa ilalim ng community quarantine (bahagyang lockdown) na kalaunan ay naging enhanced community quarantine sa buong Luzon. Kabilang sa mga programang naapektuhan ay ang Pamilya Ko, FPJ's Ang Probinsyano, Make It with You (kalauna'y kinansela) at A Soldier's Heart, na pansamantalang itinigil magmula Marso 16, 2020, hanggang Mayo/Hunyo 2020.[30][31] Muling ipinalabas ng ABS-CBN ang mga serye na 100 Days to Heaven, May Bukas Pa, On the Wings of Love, The Legal Wife, Got to Believe, Walang Hanggan, Wildflower, Wansapanataym, iWant Originals Series, Tubig at Langis, Your Face Sounds Familiar Kids Season 1, Pilipinas Got Talent Season 6, Bayani, Hiraya Manawari and Sineskwela.

Ngunit noong Mayo 5, 2020, nagbaba ng kautusang pagpapatigil sa operasyon ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon (NTC) sa ABS-CBN. At matapos ang kontrobersya dulot ng inisyal na pagtanggi ng NTC, noong una, inisyal na pinayagan ang ABS-CBN na umere sa ilalim ng pansamantalang lisensya, na sinuportahan ng Senado at Kongreso. Sa isinagawang imbestigasyon ng mga tanggapan ng gobyerno, nakita dito na walang naging pagkukulang o paglabag na ginawa ang kumpanya. Ang prangkisa nito ay nawalan na ng bisa noong Mayo 4, 2020, matapos magwakas ang 25 taong bisa nito, dulot nito, opisyal ng nagwakas ang operasyon ng ABS-CBN kinabukasan (Mayo 5, 2020).[kailangan ng sanggunian] Ito ang pangalawang beses na nagsara ang himpilan pagkatapos ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos on Setyembre 23, 1972.[32][33] Napilitang isuspinde ng ABS-CBN ang operasyon ng kanilang mga free-to-air na istasyon (maliban sa Cine Mo!, Yey!, Kapamilya Box Office (KBO) sa pamamagitan ng isang kasunduan sa AMCARA Broadcasting Network sa Kalakhang Maynila, Laguna, Iloilo at ilang bahagi ng Baguio at ng mga tsanel sa cable, sa pamamagitan naman ng Creative Programs, isang sangay ng ABS-CBN)[34][35]

Noong Hulyo 10, 2020, nagpasya ang Mababang Kapulungan, partikular ang Komite sa Prangkisang Lehislatib,o ay bumoto ng 70–11 para ibasura ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa prangkisa, dahil umano sa mga isyu nito sa kanilang prangkisa. Nasa humigit-kumulang 12.94 porsiyento ng mga miyembro sa Kongreso ang bumoto pabor sa pagkakaroon nito ng bagong prangkisa.[36][37] Dulot nito, napilitan ang kumpanya na itigil ang ilan sa mga negosyo nito dahilan upang ito ay magbawas ng empleyado sa katapusan ng Agosto 2020.[38] Ayon sa Pangulo at punong-tagapamahala ng kumpanya na si Carlo Katigbak, mananatiling nakatuon ang kumpanya sa pagbibigay ng serbisyo publiko, kahit sa ibang paraan.[39] Ayon sa inilabas na pagsusuri ng Social Weather Stations o SWS na inilabas matapos ibasura ng Kongreso ang aplikasyon ng kumpanya ay nagpakita na karamihan (75%) ng mga Pilipino ay gustong maibalik ang himpilan sa ere.[40]

Noong Setyembre 10, 2020, nag-isyu ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon ng kautusan na magbabawi sa lahat ng prikwensiya na inokupa ng himpilan sa kadahilanang wala na itong balidong prangkisa upang magpatuloy pa na magpatakbo ng istasyon.[41] At noong Enero 5, 2022, iginawad na ang prikwensiya ng Channel 2 at 16 (analog at digital) sa Advanced Media Broadcasting System na pagmamay-ari ng pamilya Villar.[42][43]

2020–kasalukuyan: Paglipat sa cable, midyang digital at content provider

baguhin

Dulot ng mga pangyayaring ito, itinuon na ng ABS-CBN ang pokus nito sa mga platforms na hindi nangangailangan ng prangkisang lehislatibo. Kabilang dito ay ang distribusyon at paglilisensiyang internasyonal ng kanilang mga programa, digital at cable platforms, sindikasyon ng mga programa sa pamamagitan ng iba't-ibang serbisyo sa streaming at block-timing sa iba pang himpilang pantelebisyon.

Sa panayam kasama ang hepe ng ABS-CBN News na si Ging Reyes, sinabi nito na ang himpilan ay nakatakda na ilipat ang opersyon nito sa onlayn at umaasang maipagpapatuloy ng kumpanya ang kanilang magandang performance partikular sa pakikipag-ugnayan sa madla (audience engagement), bilang nangungunang digital na tagapagbalita sa bansa. At sa punto na tapos na ang pandemya ng COVID-19, pinaplano na ng ABS-CBN na lumikha ng mas marami pang programa bukod sa TV Patrol at lumikha pa ng mas marami pang bidyong pangnilalaman onlayn at iayos muli ang kasalukuyang hanay ng pambalitaan at pangkasulukuyang usapin sa hinaharap, tulad ng paggawa ng dokyumentaryo.[44]

At sa isa pang panayam mula sa lider ng Star Magic na si Laurenti Dyogi, sinasabi nito na sila ay naghahanap ng bagong oportunidad at ninanais nitong makipagsapalaran o makisabay sa produksyong internasyonal at ang pagkakataon na lumawak pa ito sa labas ng bansa. Ninanais ng ABS-CBN at Star Magic na maging pangunahing tagapagbigay ng content sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng pakikipagsosyo sa Netflix, WeTV iflix, Viu at iba pang paraan para sa kanilang content. Noong 2019, ang himpilan ay gumawa ng isang serye kasama ang Amerikanong kumpanya sa paggawa ng pelikula na Electric Entertainment na pinamagatang Almost Paradise. Ito ang unang subok ng kumpanya sa paggawa ng serye sa Hilagang Amerika, at nasa yugto na ng pagpaplano ang pangalawang season ng serye.[45]

Noong Hunyo 15, 2020, inihayag ng ABS-CBN ang pakikipagsosyo nito sa GMMTV, ang nangungunang content company sa Thailand, dahil nakuha nila ang karapatan na iere sa telebisyon at onlayn (sa pamamagitan ng over-the-top platform nito) ang walong seryeng pandrama ng GMMTV na nasa wikang Filipino at ipinalabas sa Kapamilya Channel at iWantTFC. Unang umere ang sikat na boys' love (BL) romcom na 2gether: The Series.[46] Pati ang karugtong nito na Still 2gether, ay ipinalabas noong Agosto 15, 2020, na mayroon lamang isang araw na delay mula sa Thailand.[47] Mas pinaigting pa ang pagsososyo ng ABS-CBN and GMMTV na inaasahang magkakaroon ito ng isang pagsasama sa produksyon sa paggawa ng pelikula, nilalamang pantelebisyon, musika at libangang live. Isa rito ay ang "BrightWin Manila: The Virtual Fan Meet" na ginanap sa pamamagitan ng KTX noong Disyembre 5, 2020, matapos ang tagumpay ng Hello Stranger: The Final FanCon dahil sa pagsikat ng seryeng boys' love (BL) sa kalagitnaan ng pandemya ng COVID-19.[48] Both networks are also collaborating to co-produce a project starring one of 2gether: The series' lead actors and an ABS-CBN artist under Dreamscape Entertainment. The project is currently under development.[49]

On August 17, 2020, the drama series Ang sa Iyo ay Akin was the first original digital teleserye to be broadcast on Kapamilya Channel and Kapamilya Online Live during the time of the COVID-19 pandemic. Some of the scenes were shot in the ABS-CBN Soundstage inside the Horizon IT Park in Bulacan.[50]

On April 13, 2021, ABS-CBN announced a collaboration with BBC and BBC Studios for the Philippine adaptation of Doctor Foster,[51] entitled The Broken Marriage Vow.[52][53]

In June 2021, ABS-CBN promoted the Netflix animated series Trese (featuring a Filipino voice cast led by Liza Soberano) by replacing the logo outside the network's headquarters in Quezon City with the logo of ABC-ZNN, a fictional media company used in the animated series.[54]

In August 2021, ABS-CBN has acquired the animated series based on the hit mobile game Mobile Legends: Bang Bang, entitled The Legends of Dawn: The Sacred Stone.[55] A GMMTV drama series F4 Thailand: Boys Over Flowers is also slated to air on the network's platforms.[56]

Kapamilya Channel

baguhin

Noong Hunyo 4, 2020, inanunsyo ng ABS-CBN sa TV Patrol na ilulunsad nito ang Kapamilya Channel (na inilunsad noong Hunyo 13, 2020) na pansamantalang hahalili o magiging kapalit ng himpilang panterestriyal ng kumpanya, sa gayon, ipinagpatuloy na ng ABS-CBN ang produksiyon ng kanilang mga programang pandrama at live entertainment, kasabay nito ay ang pag-ere ng kanilang mga programang panlibangan, pang-edukasyon at programang tumatalakay sa mga pangyayari sa kasalukuyan, kabilang ang mga pelikula.[57] Inilunsad din nito ang high-definition counterpart ng nasabiing tsanel sa Sky Cable and Destiny Cable Channel 167 na siya namang pumalit sa ABS-CBN HD.[58]

Kapamilya Online Live

baguhin

Noong Hulyo 31, 2020, inanunsyo ng ABS-CBN ang paglulunsad ng Kapamilya Online Live, isang panlibangang tsanel na ipapalabas sa dalawang onlayn platforms ng walang bayad. Nagsimula itong umere noong Agosto 1, 2020, at kasalukuyang napapanood sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page bilang hakbang ng himpilan sa pagpokus nito sa midyang digital. Ito ay ipinapalabas sa pormat na 1080p HD. At mayroon din itong serbisyong video on demand para sa mga programa nito na nagbibigay-opsyon na mapanood ang mga ito, pitong araw matapos itong umere.[59] Sa kasalukuyan, ang ABS-CBN Entertainment ay mayroong 60 million followers sa Facebook at YouTube, .[60]

ABS-CBN Regional

baguhin

ABS-CBN Regional (dating Regional Network Group) ay nagsilbing panrehiyong dibisyon ng ABS-CBN. Ang dibisyon na ito ay responsable sa pagpapalabas ng karamihan sa mga palabas sa mga himpilan ng ABS-CBN sa probinsya, ang lahat ng istasyon (Cebu, Bacolod at Davao) ay muling binuksan noong 1988, 16 na taon pagkatapos ito ay maipasara dulot ng batas militar. Nagkaroon ang ABS-CBN Regional ng maraming istasyon sa bawat rehiyon sa labas ng Malawakang Maynila upang masiguro na saklaw nito ang buong bansa. Ang mga himpilang lokal na ito ay mayroon ding sariling programang pambalitaan na umeere bago ang TV Patrol at iba pang programang panlokal na umeere tuwing Linggo. Ang paglulunsad ng programang lokal na Kapamilya Winner Ka! (na naging Kapamilya, Mas Winner Ka!) sa Visayas at Mindanao, Bagong Morning Kapamilya sa Hilagang Luzon (Baguio at Dagupan), ang ika-17 lokal na bersiyon ng TV Patrol sa Timog Katagalugan (Rehiyong IV-A), at ang ika-18 lokal na bersiyon ng TV Patrol sa Palawan (IV-B; kung saan may affiliate ang himpilan), ay nagbigay ng higit na kaugnayan sa madla sa mga rehiyon.[61] Noong Abril15, 2011, inilunsad ng RNG ang ChoosePhilippines, ang bagong websayt na naglalayong itaguyod ang turismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan at istorya tungkol sa mga iba't-ibang lugar, kultura, at sining sa mga isla sa Pilipinas.[62]

Tumigil ang operasyon ng ABS-CBN Regional kasama ang labindalawang lokal na bersiyon ng TV Patrol at sampung programa sa umaga noong Agosto 28, 2020, matapos ang 32 taon, matapos ang pagkakabasura ng aplikasyon ng kumpanya para sa prangkisa noong Hulyo 10.[63][64][65]

Mga Programa

baguhin

Digital Transition

baguhin

Kompetisyon

baguhin

Kontrobersiya at Iskandalo

baguhin

Sa loob ng maraming taon, ang ABS-CBN ay nasangkot sa maraming mga kontrobersya at iskandalo na kinasasangkutan ng mga talento, empleyado, at programa nito.

Mga iskandalo at insidente ng Wowowee

baguhin

Iskandalo sa rating ng TV ng AGB Nielsen

baguhin

Pagsulat ng Amparo

baguhin

Noong 22 Enero 2008, suportado ng Asia-Pacific Director na si Jacqueline Park ng International Federation of Journalists (IFJ) ang petisyon para sa writ of amparo na isinampa ng 11 empleyado ng ABS-CBN Broadcasting Corporation (pinangunahan ni Ces Oreña-Drilon) kasama ang Korte Suprema upang mamuno sa legalidad ng mga pag-aresto ng mga mamamahayag hinggil sa nabigo na paghihimagsik ng Manila Peninsula. Sinabi nito: "Sinusuportahan namin ang mga empleyado mula sa ABS-CBN sa paninindigan para sa kanilang mga demokratikong karapatan na gumana nang libre mula sa panggugulo at pananakot, lalo na mula sa mga opisyal at awtoridad ng gobyerno." Samantala, hinihiling ng Korte Suprema ang mga sumasagot na mag-file ng puna sa petisyon ng amparo sa loob ng 10 araw. Bukod dito, si Harry Roque, National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) 's abugado ay inihayag ang pagsasampa ng isang usapin sa klase para sa injunction na may mga pinsala (Article 33, New Civil Code of the Philippines) laban sa Philippine National Police, bukod sa iba pa.

baguhin

Pagpapanibago ng prangkisa noong 2020

baguhin

Talababa

baguhin


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Media Ownership Monitor Philippines - ABS-CBN 2". Reporters Without Borders. Nakuha noong Abril 26, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. News, ABS-CBN (2018-12-12). "Pasilip sa bagong ABS-CBN Studios". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-17. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. News, ABS-CBN (2018-12-13). "TOUR: Inside ABS-CBN's enormous Horizon sound stages". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-17. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "ABS-CBN sound stages finally open in Bulacan". www.bworldonline.com. Nakuha noong 2021-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Corporation, ABS-CBN. "ABS-CBN unveils sound stages as part of 65th year of television celebrations | ABS-CBN Corporate". ABS-CBN. Nakuha noong 2021-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. [kailangan ng sanggunian]
  7. "ABS-CBN offers new "Kapamilya Forever" music video to thank viewers and supporters". abs-cbn.com. Nakuha noong 2021-07-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "ABS-CBN Corporation". Media Ownership Monitor Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 16, 2022. Nakuha noong Hulyo 19, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 SEC FORM 17-A 2015 (Ulat). Philippine Stock Exchange. Marso 27, 2016.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. P. Valdueza, Rolando (Abril 24, 2015). 2014 Annual Report (17-A) (Ulat). Philippine Stock Exchange. Nakuha noong Abril 27, 2015.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Tuazon, Ramon (Hunyo 16, 2013). "Philippine Television: That's Entertainment". National Commission for Culture and the Arts. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 3, 2013. Nakuha noong Hunyo 16, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Lucas, Daxim (Hunyo 23, 2012). "TV5 losses double to P4.1B in 2011". Philippine Daily Inquirer.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Rimando, Lala (Marso 1, 2012). "MVP says he's still interested in GMA-7". Rappler.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "ABS-CBN launches ABS-CBN HD on cable". lopezlink.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Cerrado, Aldrin (June 5, 2013). "ABS-CBN Corporation Amended 2012 SEC Form 17-A" (PDF). Philippine Stock Exchange (Nilabas sa mamamahayag). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Septiyembre 24, 2015. Nakuha noong Pebrero 16, 2022. {{cite nilabas sa mamamhayag}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  16. "ABS-CBN dominates the digital space in 2016". LionhearTV (sa wikang Ingles). 2017-02-03. Nakuha noong 2021-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 17.2 "ABS-CBN bigwigs say that the franchise denial pushed the network to focus on its digital platforms". LionhearTV (sa wikang Ingles). 2021-10-14. Nakuha noong 2021-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "ABS-CBN News surpasses 13 million subscribers on YouTube, nearly 23 million followers on facebook". LionhearTV (sa wikang Ingles). 2021-10-21. Nakuha noong 2021-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "ABS-CBN Entertainment now the most subscribed, most viewed YouTube Channel in South East Asia". ABS-CBN. Nakuha noong Marso 1, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Corporation, ABS-CBN. "ABS-CBN evolves into a content company to produce content for viewers worldwide | ABS-CBN Corporate". ABS-CBN. Nakuha noong 2021-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 21.2 21.3 21.4 21.5 Anastacio, Ellen Joy; Badiola, Janine Natalie (2000). The History of Philippine Television (Tisis). UP-CMC Broadcast Department. Nakuha noong Abril 6, 2012.{{cite thesis}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "R.A. No. 1343". The Corpus Juris. Hunyo 16, 1955. Nakuha noong Hunyo 13, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Rodrigo, Raul (2006). Kapitan: Geny Lopez and the making of ABS-CBN. ABS-CBN Publishing. p. 45. ISBN 978-971-816-111-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Philippine Daily Inquirer – Google News Archive Search". news.google.com.
  25. "Letter of Instruction No. 1-A, s. 1972". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 29, 2022. Nakuha noong Setyembre 14, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "G.R. No. 78389". lawphil.net.
  27. "- YouTube". www.youtube.com.Padron:Dead Youtube links
  28. "Republic Act No. 7966 – An Act Granting the ABS-CBN Broadcasting Corporation a Franchise to Construct, Install, Operate and Maintain Television and Radio Broadcasting Stations in the Philippines, and for Other Purposes". Chan Robles Virtual Law Library. Marso 30, 1995. Nakuha noong Hunyo 12, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "No studio audience for 'It's Showtime,' 'ASAP,' to prevent coronavirus spread". Rappler. Marso 10, 2020. Nakuha noong Marso 11, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "ABS-CBN suspends live entertainment shows, teleserye productions". Rappler. Marso 14, 2020. Nakuha noong Marso 15, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Consuelo Marquez (Marso 14, 2020). "Amid COVID-19 threat, ABS-CBN suspends live shows and "teleserye" production". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Marso 15, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Rodrigo, Raul (Pebrero 22, 2020). "The day Marcos shattered the dream that Geny Lopez built". ANCX. Nakuha noong Mayo 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "ABS-CBN goes off-air after NTC order". Rappler. Mayo 6, 2020. Nakuha noong Mayo 5, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Philippines Orders Leading TV Network to Shut Down as Watchdogs Accuse President of Muzzling Independent Media". Time (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 6, 2020. Nakuha noong Mayo 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Rivas, Ralf. "ABS-CBN goes off-air after NTC order". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 9, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. News, ABS-CBN. "House committee denies ABS-CBN a new franchise". ABS-CBN News. Nakuha noong Hulyo 10, 2020. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Regencia, Ted. "Duterte's Congress allies back order to shut Philippines' ABS-CBN". www.aljazeera.com.
  38. "ABS-CBN to lay off workers end of August". ABS-CBN News. Hulyo 15, 2020. Nakuha noong Hulyo 15, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Gutierrez, Jason (Hulyo 10, 2020). "Philippine Congress Officially Shuts Down Leading Broadcaster" – sa pamamagitan ni/ng NYTimes.com.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Yap, Cecilila (Hulyo 12, 2020). "Three of Four Filipinos Want Philippine TV Giant ABS-CBN Back". Nakuha noong Hulyo 19, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "NTC recalls frequencies, channels assigned to ABS-CBN". ABS-CBN News. Setyembre 10, 2020. Nakuha noong Setyembre 10, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Fuentes, Art (Enero 25, 2022). "Villar company bags 2 broadcast channels previously held by ABS-CBN". ABS-CBN News. Nakuha noong Enero 25, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Rey, Aika (Enero 25, 2022). "Manny Villar gets ABS-CBN frequencies". Rappler. Nakuha noong Enero 25, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "With ABS-CBN's franchise denied, what happens now?". The LaSallian (sa wikang Ingles). 2020-08-23. Nakuha noong 2021-04-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Rappler Talk: The future of ABS-CBN Entertainment with Laurenti Dyogi". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Corporation, ABS-CBN. "ABS-CBN announces partnership with Thailand's GMMTV | ABS-CBN Corporate". ABS-CBN. Nakuha noong 2021-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Corporation, ABS-CBN. "Sequel "Still 2gether" to be simulcast in PH via iWant every week | ABS-CBN Corporate". ABS-CBN. Nakuha noong 2021-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. Admin, Star Cinema. "KTX and their ticket to success | Star Cinema". starcinema.abs-cbn.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. News, ABS-CBN (2021-01-27). "ABS-CBN, GMMTV to co-produce project starring this Thai heartthrob". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-13. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "ABS-CBN director biglang naiyak sa online presscon: Hindi madali na pasanin 'tong krus na ito..." INQUIRER.net (sa wikang Ingles). 2020-08-09. Nakuha noong 2021-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "BBC Studios licenses the scripted format 'Doctor Foster' to ABS-CBN". www.bbc.com. Nakuha noong 2021-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "#DoctorFosterPH: Jodi Sta. Maria leads cast of 'The Broken Marriage Vow'". news.abs-cbn.com. Nakuha noong 2021-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "Original 'Doctor Foster' creators 'couldn't be happier' with ABS-CBN's vision for PH remake". news.abs-cbn.com. Nakuha noong 2021-05-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. News, Anjo Bagaoisan, ABS-CBN. "LOOK: ABS-CBN 'taken over' by fictional network in 'Trese' promo". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-11. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  55. "Animated series on Mobile Legends to air on ABS-CBN". ABS-CBN News. Agosto 6, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "ABS-CBN to air Thai 'Boys Over Flowers' remake". Rappler. Agosto 7, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "'FPJ's Ang Probinsyano' and other favorite Kapamilya shows return on cable and satellite TV". ABS-CBN News. Hunyo 4, 2020. Nakuha noong Hunyo 4, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "Everything you need to know about Kapamilya Channel". ABS-CBN Entertainment. Hunyo 4, 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 12, 2020. Nakuha noong Hunyo 4, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. "Kapamilya Online Live programs now available to re-watch for 7 days". ABS-CBN News. Pebrero 23, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "ABS-CBN launches free online channel 'Kapamilya Online Live'". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Jarloc, Glaiza, Charie Villa leads ABS-CBN's Regional Network Group, Sun.Star Cebu, inarkibo mula sa orihinal noong Marso 3, 2016, nakuha noong Enero 29, 2011{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. ABS-CBN Regional Network Group launches Choose Philippines site, ABS-CBN News and Current Affairs, inarkibo mula sa orihinal noong Abril 19, 2011, nakuha noong Abril 16, 2011{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "12 regional 'TV Patrol' programs to air final newscasts on August 28". ABS-CBN News. Agosto 26, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "Historic goodbyes from ABS-CBN Regional". The Manila Times. Agosto 28, 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 5, 2020. Nakuha noong Pebrero 16, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "TV Patrol's regional stations, ABS-CBN reporters bid goodbye after years in public service". Interaksyon. Agosto 28, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin