Advanced Media Broadcasting System

Ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ay isang kumpanya ng midya sa Pilipinas na nakahimpil sa Lungsod Mandaluyong. Ang kumpanya ay itinatag noong 1994 ng pamilya Vera, sa ngayon, ang kumpanya ay pagmamay-ari na ng Prime Asset Ventures ng Villar Group sa pamamagitan ng Planet Cable.

Advanced Media Broadcasting System
UriPribado
Industriyamass midya, Brodkasting
NagtatagJose Luis "Bobet" Vera
Jinji Buhain
Punong-tanggapan9/P Paragon Plaza, EDSA cor. Reliance St., ,
Pangunahing tauhan
Manny Villar
May-ariPrime Asset Ventures, Inc.
MagulangPlanet Cable (Streamtech)

Kasaysayan

baguhin

Mga simula

baguhin

Ang kasaysayan ng AMBS Inc. ay nagsimula noong 1994. Ito ay itinatag sa pangunguna ni Jose Luis Vera, pinuno ng Quest Broadcasting at bahagi ng pamilya Vera. Noong 1995, ipinagkaloob ng Kongreso ang prangkisa ng kumpanya.[1] Sa tulong ni Jinji Buhain (pamangkin ng dating Manila Auxiliary Bishop Teodoro Buhain), binili ng AMBS ang himpilang DWCS 103.5 mula sa Arkdyosis ng Maynila , at pinalitan ang tatak pantawag ng himpilan patungo sa DWKX, na nagbigay-daan sa pagsasahimpapawid ng himpilang K-Lite. Ang istasyon, kabilang ang apat pang istasyong kontrolado ng pamilya Vera sa kalakhang Maynila - (Jam 88.3, Wave 89.1, Magic 89.9 at 99.5 RT) at ng kalambatang pamprobinsya na Killerbee ay naging dahilan ng pagkakabuo ng The Radio Partners noong unang bahagi ng 2000s bago isinaayos noong 2011 sa ilalim ng bagong grupo na Tiger 22 Media.

Sa ilalim ng pagmamay-ari ni Villar

baguhin

Noong 2019, pinagkalooban ang AMBS ng panibagong prangkisa sa ilalim ng Batas Republika 11253 kahit ito ay walang pirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil ang panukalang batas ay naging batas matapos ang 30 araw na hindi inaaksyunan.[2][3] Gayunpaman, nagpasya ang pamilya Vera at ang dating pangulo ng AMBS na si Andrew Santiago na ibenta ang kumpanya sa Planet Cable na pagmamay-ari ng negosyante at dating Senador na si Manny Villar dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19 sa kumpanya at sa himpilan nito sa FM (K-Lite).[4][5]

Noong Enero 5, 2022, iginawad ng National Telecommunications Commission (NTC) sa AMBS ng pansamantalang awtoridad upang patakbuhin ang prikwensiya na digital Channel 16 (dating nakatalaga sa ABS-CBN Corporation) sa loob ng 18 buwan; kabilang ang prikwensiya ng analog Channel 2 sa ilalim ng pansamantalang pagtatalaga para sa layunin ng simulcast hanggang sa pagsasara ng analog sa 2023.[6][7]

Mayroong ilang ulat o ispekulasyon na ang AMBS ay diumano'y kumukuha ng mga prominenteng personalidad at interesadong partido para sa nasabing himpilan. Kabilang sa mga nauulat ay ang ABS-CBN, na dating umookupa sa iginawad na prikwensiya.[8]Kasama rin sa listahan ng napapabalitang kinukuha ay ang TV host at malapit na kaibigan ni Villar na si Willie Revillame.

Mga istasyon

baguhin

Telebisyon

baguhin
Analog
Tatak pantawag Tsanel Lakas Lokasyon
(Provisional authority) TV-2 Metro Manila 30 kW
Digital
Tatak-pantwag Tsanel Prikwensiya Lakas Lugar na Saklaw
(Provisional authority) TV-16 485.143 MHz N/A Metro Manila
Tawag Tatak-pantwag Prikwensiya Lokasyon
103.5 K-Lite DWKX 103.5 MHz Metro Manila
Magic 106.3 [Note 1] DXKM 106.3 MHz Heneral Santos
Mga Tala
  1. Operated by Quest Broadcasting.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Republic Act No. 8061". The Corpus Juris. 15 Hunyo 1995.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Republic Act No. 11253". The Corpus Juris.
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-26. Nakuha noong 2022-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "House Concurrent Resolution No. 21" (PDF).
  5. Fernandez, Daniza (Setyembre 23, 2021). "4 broadcasting franchise applications get Senate panel's nod". Inquirer.net. Nakuha noong Nobyembre 27, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Amojelar, Darwin (Enero 25, 2022). "Villar firm bags NTC license, to use ABS-CBN frequencies". Manila Standard. Nakuha noong Enero 25, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Rey, Aika (Enero 25, 2022). "Manny Villar gets ABS-CBN frequencies". Rappler. Nakuha noong Enero 25, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Serato, Arniel (7 Pebrero 2022). "Is Manny Villar interested in a partnership with ABS-CBN?; eyes industry veterans for AMBS". PEP.ph. Nakuha noong 8 Pebrero 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)