DWJM
Ang DWJM (88.3 FM), sumasahimpapawid bilang Jam 88.3, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahala ng Raven Broadcasting Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Unit 906-A Paragon Plaza, EDSA cor. Reliance St., Mandaluyong, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Palos Verdes Executive Village, Sumulong Highway, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo.[1]
Pamayanan ng lisensya | Mandaluyong |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar |
Frequency | 88.3 MHz |
Tatak | Jam 88.3 |
Palatuntunan | |
Wika | English |
Format | Modern rock |
Affiliation | Tiger 22 Media Corporation |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Raven Broadcasting Corporation |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 26 Hulyo 1986 |
Dating call sign | DWFR-FM (1986–1988) DWCT-FM (1988–2003) |
Kahulagan ng call sign | JaM |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 25,000 watts |
ERP | 62,500 watts |
Link | |
Webcast | Twitch |
History
baguhin1988-2003: Citylite
baguhinItinatag ang himpilang ito noong Hulyo 26, 1986 bilang Citylite 88.3 sa ilalim ng call letters DWFR.[2] Nung una, meron itong soft adult contemporary na format na nagpatugtog ng isang kantang smooth jazz kada oras. Makalipas ng ilang buwan, dumalas ang pagtugtog ng smooth jazz. Noong Oktubre 1988, nagpalit ito ng call letters sa DWCT at naging smooth AC ang format nito, na nagpatugtog ng smooth jazz at R&B. Kabilang sa mga personalidad ng Citylite ay sina Pancho Alvarez, Pinky Aseron, Mike Taylor (Adam Kite), Ramon Cruz (Joey Pizza) at J. Zorrilla (Jlatin), pati sina Eya Perdigon at Wickette bilang tagapagbalita.[3]
Noong Oktubre 1996, inilunsad ng Citylite ang sariling live streaming sa website nito. Nung panahong yan, Naging kaanib din ito ng CNN at Asia Business News sa radyo.
Noong 1998, binili ng pamilya Vera ang Raven Broadcasting Corporation mula sa grupong pinamuno ni Francisco Ravina, kasama ang mga bokal na sina Gerry Geronimo (host ng Ating Alamin), Steve Salonga, Alex Limjuco, Kit Ravina, Francis Lumen, Bong Sierra at Mike Pedero, na nagsilbing program director ng himpilang nung unang panahon.[4] Samantala, lumipat si Francis Lumen sa NBC, na kakabili ng MediaQuest, bilang program director ng mga himpilan nito sa FM.
Noong Marso 2001, naging Smooth Jazz Citylite 88.3 ito. Noong Hunyo 30, 2003, namaalam ang Citylite sa ere, na ang Eumir Deodato's "Love Island" bilang huling kantang pinatugtog nito.[5]
2003–present: Jam
baguhinNoong Hulyo 1, 2003, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Jam 88.3 na may soft rock na format. Nagpalit din ito ng call letters sa DWJM. Si Ronaldo Sulit ("Joe D'Mango") ang nagsilbing tagapamahala ng Jam at ang Wave 89.1 hanggang 2007, noong pinalitan siya ni Eric Perpetua.[1] Noong 2005, naging modern adult contemporary ang format nito.
Noong 2011, naging modern rock ang format nito. Noong Setyembre 11, 2012, muli ito inilunsad, kasabay ang paglunsad ng mga bago nitong programa, kagaya ng WRXP: Weekend Rock XPerience at Fresh Filter, kung saan tampok ang mga lokal at nagsasariling banda at artista.[6][7][8] The program ended in March 2017 and was replaced by Locals Only, a program similar to Fresh Filter.
Noong Oktubre 3, 2022, muli ito inilunsad na may bansag na "We Rock Radio", kasabay ang paglunsad ng mga bago nitong programa. Pinalawig ang playlist nito sa pagtugtog ng mga kanta mula dekada 90 hanggang sa kasalukuyan.
Mga Parangal
baguhin- 17th KBP Golden Dove Award for BEST FM RADIO STATION (2008)
- 16th KBP Golden Dove Award for Best Magazine Program Host (Patti, 2007)
- 16th KBP Golden Dove Award for Best Radio Documentary Program (Audiofiles, 2007)
- KBP Golden Dove Award for Outstanding Station Produced Radio Commercial (Team Asia Seminar, 2004)
- KBP Golden Dove Award for Outstanding Station Promotion Material - Radio (Info Jam, 2004)
- 7th Philippine Web Awards (2004) Best Web Site Media & Entertainment JAM 88.3 your kind of mix www.jam883.fm
- 8th Philippine Web Awards (2005) Best Web Site Entertainment Jam 88.3- Your Kind of Mix www.jam883.fm
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Caña, Paul John (Agosto 1, 2015). "Jam 88.3 and the New Music Alternative: Twelve years of relevant radio". GMA News Online. Nakuha noong Setyembre 26, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Quirino, Richie (2008). The Billboard Book of One-hit Wonders. Anvil. p. 47. ISBN 9789712720673. Nakuha noong Disyembre 23, 2018 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fresh Concepts in FM Radio". Manila Standard. Philippine Manila Standard Publishing. Oktubre 17, 1994. p. 22. Nakuha noong Oktubre 26, 2022 – sa pamamagitan ni/ng Google News.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wilson, James Ross; Wilson, Stan Le Roy (1998). Mass Media/mass Culture: An Introduction. McGraw Hill. p. 225. ISBN 9780070708280. Nakuha noong Disyembre 23, 2018 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Henry Katindig: The jazz legend comes full circle
- ↑ Caña, Paul John (Mayo 20, 2015). "The best of Pinoy indie on vinyl". GMA News Online. Nakuha noong Setyembre 26, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Liwanag, Punch (Hunyo 15, 2015). "Audio Junkie: Spin the black circle". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 27, 2015. Nakuha noong Setyembre 26, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "INTERVIEW: RUSS DAVIS ON FRESH FILTER AND INDEPENDENT MUSIC". Radio Republic. Enero 28, 2014. Nakuha noong Enero 9, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)