Antipolo

lungsod ng Pilipinas at kabisera ng lalawigan ng Rizal

Ang Antipolo (pagbigkas: án•ti•pó•lo) ay isang lungsod at kabisera ng lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ay matatagpuan 25 km sa silangan ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 887,399 sa may 208,324 na kabahayan. Ito ang pinakamataong lungsod sa Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila at ika-pito naman sa buong bansa.[3]

Antipolo

Lungsod ng Antipolo
City of Antipolo
Opisyal na sagisag ng Antipolo
Sagisag
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Antipolo.
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Antipolo.
Map
Antipolo is located in Pilipinas
Antipolo
Antipolo
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°35′03″N 121°10′35″E / 14.584244°N 121.176289°E / 14.584244; 121.176289
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganRizal
DistritoUna hanggang pangalawang Distrito ng Antipolo
Mga barangay16 (alamin)
Pagkatatag1650, 4 Abril 1998
Ganap na Lungsod4 Abril 1998
Pamahalaan
 • Punong LungsodAndrea "Andeng" Bautista-Ynares
 • Manghalalal471,250 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan306.10 km2 (118.19 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan887,399
 • Kapal2,900/km2 (7,500/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
208,324
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan9.29% (2021)[2]
 • Kita₱3,922,819,294.671,558,689,500.381,669,928,760.482,124,999,067.392,357,378,949.002,606,054,001.002,998,413,706.253,416,736,408.133,885,596,304.895,491,357,039.225,970,659,487.10 (2020)
 • Aset₱14,231,551,976.413,834,228,394.184,142,600,888.184,801,107,659.005,263,320,112.006,160,903,646.006,735,084,642.038,267,557,537.2712,044,776,303.2716,016,439,923.6918,761,599,518.97 (2020)
 • Pananagutan₱4,078,415,966.831,148,733,050.501,078,267,452.601,387,651,922.001,402,000,192.001,848,631,908.001,735,703,284.432,186,543,158.964,561,510,668.244,418,111,515.78 (2020)
 • Paggasta₱2,684,473,970.231,239,380,306.68986,880,729.551,296,286,062.701,931,673,369.002,129,121,082.002,279,565,126.412,444,840,680.432,403,096,283.943,407,666,685.404,210,576,783.99 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
1870
PSGC
045802000
Kodigong pantawag2
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Remontado Agta
wikang Tagalog
Websaytantipolo.ph

Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8508,[4] naging kabahaging lungsod ng Rizal ang Antipolo noong 4 Abril 1998 mula sa pagiging isang bayan ng naturang lalawigan. Pinasinayaan ang bagong kapitolyo ng Rizal sa lungsod noong Marso 2009, upang palitan ang kapitolyo nito sa Pasig na matagal nang nasa labas ng hurisdiksiyon ng lalawigan mula pa noong 1975 nang maging bahagi ng Kalakhang Maynila ang Pasig. Sa paglipat ng kapitolyo sa Antipolo, napipisil itong hirangin bilang bagong kabisera ng lalawigan.[5] Ipinroklama bilang isang lubos na urbanisadong lungsod ni Pangulong Benigno Aquino III ang Antipolo noong 14 Marso 2011, ngunit ipinagpaliban sa 'di pa tiyak na panahon ang plebisito upang magkabisa ang nasabing proklamasyon.[6][7]

Marahil na rin sa katanyagan ng Antipolo sa mga manlalakbay kaya't ipinakikilala ito bilang "Kabisera ng Paglalakbay sa Pilipinas".[8] Ang imahen ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay o Birhen ng Antipolo na nagbuhat pa sa Mexico noong 1626 at idinambana sa Simbahan ng Antipolo ay patuloy na dinadayo ng mga Pilipinong Katoliko mula pa noong panahon ng mga Espanyol.[9] Isa sa mga nakagawian ng mga milyun-milyong manlalakbay[10] sa dambana ng Birhen ng Antipolo ay ang paglahok sa taunang "Alay Lakad" na ginaganap tuwing bisperas ng Biyernes Santo at Mayo 1. Kung saan magmula sa Simbahan ng Quiapo, kasunod ng ipinuprusisyong imahen ng Birhen ng Antipolo, at iba't-ibang bayan ng Rizal at Kalakhang Maynila ang mga deboto ay naglalakad lamang patungo sa Simbahan ng Antipolo. Nakagawian rin na ipinapabendisyon ang mga bagong sasakyan sa simbahan, sa paniwalang ito'y magbibigay proteksiyon at kaligtasan sa sasakyan at sa mga sasakay rito.[11]

Ang mas mataas na kinatatayuan ng lungsod kumpara sa Kalakhang Maynila ay nagbibigay rito ng magandang tanawin ng Kamaynilaan, lalo na tuwing gabi. Popular sa mga dayo ang lokal na mangga, kasoy at suman. Ang dating sikat na Hinulugan Taktak, na dati-rati'y isa sa mga pangunahing dinarayo tuwing tag-init, ay pinagaganda upang muling maging isa sa mga pangunahing atraksiyon ng lungsod.[12]

Heograpiya

Sakop ng Antipolo ang buong kalaparan ng gitnang bahagi ng Rizal. Ito'y nasa paanan ng Sierra Madre kung kaya't malaking bahagi ng lungsod ay bulubundukin na may karaniwang taas na 150 metro.

Pamahalaan

Gaya ng iba pang mga lungsod sa Pilipinas, ang balangkas ng pamahalaan ng Antipolo ay nakabatay sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 at ipinag-ibayo pa ng Batas Republika Blg. 8508, ang kartang nagsalungsod dito.[4] Sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal, ito ay pinamumunuan ng isang alkalde o punong lungsod, bilang punong ehekutibo ng lungsod na siyang nangangasiwa sa iba't-ibang tanggapang pampangasiwaan ng lungsod.[13]

Ang bise alkalde naman ay naninilbihan bilang tagapangulo ng Sangguniang Panlungsod, at bumuboto lamang sa tuwing kinakailangang basagin ang patas na boto ng sanggunian. Ang bise alkalde rin ang hinihirang na punong lungsod, kapag ito'y nabakante.[13]

Ang mga halal na opisyal ng Antipolo, gaya ng iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas ay may termino ng tatlong taon na nagsisimula tuwing Hunyo 30 pagkalipas ng halalan, at nagtatapos naman sa Hunyo 30 ng ikatlong taon. Sila ay maaaring mahalal ng di-lalagpas sa tatlong magkakasunod na termino.[13]

Barangay

 
Mapang pampolitika ng Antipolo

Ang lungsod ng Antipolo ay nahahati sa 16 barangay.[14]

Barangay Itinatag Lawak (ha.)
Populasyon
(2000)
Kapal
Tao/ha
Bagong Nayon 1984[15] 301.34 33,787 112.12
Beverly Hills 1984[16] 28.76 1,973 68.60
Calawis 1591 5,581.12 2,510 0.45
Cupang 1591 1,568.23 56,131 35.79
Dalig 1984[17] 406.48 31,109 76.53
Dela Paz (Pob.) 1591 597.99 45,185 75.56
Inarawan 1984[18] 959.9 11,040 11.50
Mambugan 1591 368.21 31,305 85.02
Mayamot 1591 540.74 40,784 75.42
Muntindilaw 1984[19] 473.11 7,922 16.74
San Isidro (Pob.) 1591 479.7 39,242 81.81
San Jose (Pob.) 1591 13,787.77 55,136 4.00
San Juan 1984[20] 3,327.69 5,583 1.68
San Luis 1984[21] 502.99 37,667 74.89
San Roque (Pob.) 1591 723.25 36,431 50.37
Santa Cruz 1984[22] 725.52 35,061 48.33

Mga Punong-bayan / Punong-lungsod


Punong-bayan / Punong-lungsod In office

Valentin Sumulong 1901–1904
Tranquilino Oldan 1904–1907
Severino Oliveros 1907–1909
Francisco Dimanlig 1909–1911
Ambrocio Masangkay 1912–1914
Roberto de Jesus 1914–1916
Federico Asuncion 1916–1918
Sixto Pedracio 1916–1918
Cornelio Lawis 1918–1920
Jose Carigma 1920–1926
Marcelino Santos 1927–1931
Pascual Oliveros 1931–1944
Marcelino Santos 1945–1946
Isaias Tapales 1946–1964
Francisco de Jesus 1964–1967
Jose R. Oliveros 1968–1986
Felix Mariñas 1986–1988
Daniel Garcia 1988–1998
Angelito C. Gatlabayan 1998–2007
Victor R. Sumulong 2007–2009
Danilo O. Leyble 2009–2013
Casimiro A. Ynares III 2013–2019
Andrea B. Ynares 2019–kasalukuyan

Demograpiko

Senso ng populasyon ng
Antipolo
TaonPop.±% p.a.
1903 3,286—    
1918 6,076+4.18%
1939 6,135+0.05%
1948 7,604+2.41%
1960 21,598+9.09%
1970 26,508+2.07%
1975 40,944+9.11%
1980 68,912+10.97%
1990 205,096+11.53%
1995 345,512+10.27%
2000 470,866+6.86%
2007 633,971+4.19%
2010 677,741+2.46%
2015 776,386+2.62%
2020 887,399+2.66%
Sanggunian: PSA[23][24][25][26]


Mga sanggunian

  1. "Province: Rizal". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 2007 Census of Population. National Statistics Office. Naka-arkibo 2008-11-20 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  4. 4.0 4.1 Charter of the City of Antipolo (Republic Act No. 8508). Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  5. Galvez, James Konstantin. "Board wants Antipolo officially named capital of Rizal". Manila Times, 3 Marso 2009. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  6. Andrade, Nel. "Antipolo City's urbanization put on hold temporarily." Manila Bulletin, 6 Abril 2011. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  7. "Plebisito para maging highly urbanized city ang Antipolo, ipinagpaliban". Philippine Information Agency. 31 Mayo 2011. Hinango noong 3 Disyembre 2011.
  8. Antipolo City's Official Seal. Antipolo.gov.ph. Naka-arkibo 2011-11-13 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  9. Antipolocity.com. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  10. Andrade, Nel. "Thousands flood Antipolo for ‘Alay Lakad’ tradition." Manila Bulletin, 22 Abril 2011.[patay na link] Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  11. New Car Blessing at Antipolo Church. Philippine Travel Blog, 9 Oktubre 2006. Naka-arkibo 2009-08-19 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  12. Tandoc, Edson Jr. "Hinulugang Taktak gets a P100-M makeover." Inquirer.net, 30 Agosto 2009. Naka-arkibo 29 October 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  13. 13.0 13.1 13.2 Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160), as amended. (sa Ingles)
  14. "City of Antipolo". National Statistical Coordination Board. Naka-arkibo 2011-11-14 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  15. Batas Pambansa Blg. 789
  16. Batas Pambansa Blg. 787
  17. Batas Pambansa Blg. 788
  18. Batas Pambansa Blg. 794
  19. Batas Pambansa Blg. 792
  20. Batas Pambansa Blg. 790
  21. Batas Pambansa Blg. 793
  22. Batas Pambansa Blg. 791
  23. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  26. "Province of Rizal". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas