Luzon

pinakamalaking pulo ng Pilipinas

Ang Luzon o Kalusunan ay tumutukoy sa isang pinakamalaki at pinakamahalagang pulo ng Pilipinas, tinugrian itong North Philippines (Northern) at isa sa tatlong pangkat ng mga pulo sa bansa (ang Kabisayaan at Mindanao ang dalawa pa).

Luzon
Katutubong pangalan: Northern Philippines
Ang kulay pula ay ang mainland Luzon at ang kulay Maron ay ang mga isla ng Luzon.
Heograpiya
LokasyonTimog-silangang Asya
KapuluanKapuluan ng Pilipinas
Bilang ng pulo7,107
Mga Pangunahing puloLuzon, Mindanao, Mindoro, Palawan
Pinakamataas na elebasyon2,922 m
Pinakamataas na bahagiPulag
Bansa
Philippines
RegionsNational Capital Region, Bicol, Cagayan Valley, CALABARZON, Central Luzon, Cordillera, Ilocos
Kabiserang lungsod (pop. 9,932,560)
Demograpiko
Populasyon39,500,000 (noong 2000)
Kapal359.2
Mga pangkat etnikoAeta, Agta, Bikolano, Ibanag, Igorot, Ilokano, Kapampangan, Pangasinanse, Tagalog

Bilang isang pulo, ang Luzon ang pinakamalaking pulo ng Pilipinas na may sukat na 104,688 kilometro kwadrado at ito rin ang ika-17 pinakamalaking pulo sa mundo. Dito matatagpuan ang kabisera ng bansa, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod, ang Quezon City. Mabundok ang pulo at dito matatagpuan ang Bundok Pulag, ang ikalawang pinakamataas na bundok sa bansa, at ang Bulkang Mayon, ang pinakatanyag na bulkan. Nasa kanluran ng pulo ang Dagat Timog Tsina, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.

Ang pangkat ng pulo na tinutukoy bilang ang Kalusunan ay kinabibilangan ng Luzon kasama ang pangkat ng Batanes at Babuyan sa hilaga, ang mga pulo ng Catanduanes, Marinduque, Masbate, Romblon, Mindoro at Palawan sa timog. Nahahati ang pangkat ng pulo sa walong rehiyon at 38 na lalawigan.

HeograpiyaBaguhin

Ang kabuuang sukat ng Luzon ay 76,969,315.9 square kilometre (29,718,019.0 mi kuw),[1], ang ika-17 pinakamalaking pulo sa buong daigdig. Matatagpuan sa Luzon ang punong lungsod ng Pilipinas, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas, ang Lungsod ng Quezon. Mabundok ang pulo na kung saan matatagpuan ng Bundok Pulag, ang ikatlong pinakamataas na bundok sa bansa, at ang mga Bulkang Pinatubo, Bulkang Mayon, Bulkang Taal, ay ilan sa mga tanyag na mga bulkan sa Luzon. Matatagpuan sa kanluran ng Luzon ang Dagat Kanlurang Pilipinas, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.

Halos parihaba ang sukat ng pulo ng Luzon at may mahabang tangway sa timog silangan na tinatawag na Tangway ng Bikol. Ang hilagang bahagi ng pulo ay kinapalolooban ng malalaking bulubundukin, ang Cordillera Central.

Sa silangan ng Cordillera Central ay ang malaking Lambak ng Cagayan, na nagsisilbing tagasalo, ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas. Sa silangan ng lambay ay matatagpuan ang bulubundukin ng Sierra Madre, ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa.

Sa timog silangan ng Look ng Maynila matatagpuan ang pinakamalaking lawa sa bansa, at ang pinakamalaking lawa sa loob ng kalupaan sa Timog Silangang Asya, ang Lawa ng Bay.

Rehiyon Anim na dibisyon Apat na dibisyon Tatlong dibisyon Dalawang dibisyon
Rehiyon ng Ilocos Ilocandia Hilagang Luzon Hilaga at Gitnang Luzon Hilaga at Gitnang Luzon
Lambak ng Cagayan
Cordillera Administrative Region Cordilleras
Gitnang Luzon Gitnang Luzon
National Capital Region Kalakhang Maynila Southern Luzon
Calabarzon Southern Tagalog Southern Luzon Southern Luzon
Mimaropa
Rehiyon ng Bicol Bicolandia

PisikalBaguhin

1. Hilagang LuzonBaguhin

 
Ang Hilagang Luzon (Northern Luzon)

Ang Hilagang Luzon o Northern Luzon ay binubuo ng 3 kluster sa tatlong rehiyon, Ang Rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region at Lambak ng Cagayan, dito matatagpuan ang Sierra Madre (Pilipinas), pinakamahabang ilog sa Pilipinas ang Ilog Cagayan, Bulubunduking Caraballo, Banaue Rice Terraces at ang lungsod ng Baguio. Dito matatagpuan ang unang hangganan ng Pilipinas ang lalawigang isla ng Batanes na kilalang dayuhan ng mga turista ang White Parola at ang Windmill sa bayan ng Bangui, Ilocos Norte, Ang Hilagang Luzon ay ang bumabakod sa tinatawag na Luzon Straight at pumapagitan sa mga bansang Tsina at Taiwan sa Timog Dagat Tsina. Ito ay ang dulo ng Luzon sa direksyong Hilaga (North).

4 DibisyonBaguhin

Rehiyon Sentrong rehiyon Dibisyon
Rehiyon ng Ilocos, 1 San Fernando, La Union Northwestern Luzon
CAR Baguio Northcentral Luzon
Lambak ng Cagayan, 2 Tuguegarao Northeastern Luzon

2. Gitnang LuzonBaguhin

 
Ang Gitnang Luzon (Central Luzon, 3)

Ang Gitnang Luzon o Central Luzon Region 3 ay ang Gitnang Rehiyon sa isla ng Luzon ito ay pumapagitan sa mga rehiyon ng Hilagang Luzon, Timog Luzon at Kalakhang Maynila, ito ang mga lalawigan ng: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales, Ang probinsya ng Aurora sa pagitan ng taong 2002 ay nakapaloob sa Rehiyong Timog Katagalugan o Southern Tagalog. Ang rehiyong sentro ng Gitnang Luzon ay ang San Fernando, Pampanga.

3. Kalakhang MaynilaBaguhin

 
Ang Kalakhang Maynila (Metro Manila)

Ang Kalakhang Maynila o Metro Manila ay ang sentrong panglungsod o kauuluhan sa Pilipinas, Ito ay binubuo ng 16 na lungsod at 1 bayan, Ang rehiyong sentro nito ay ang Maynila ang kapitolyo ng Pilipinas, dating lalawigan o probinsya ang Metro Manila na sumasaklaw sa pangalang Tondo, Noong taong 1898, kabilang rito ang mga distrito at barangay ng bawat saklaw ng lungsod maging ang ilang bayan sa lalawigan ng Rizal.

4. Timog LuzonBaguhin

 
Ang Timog Luzon (Southern Luzon)

Ang Timog Luzon o Southern Luzon ay binubuo ng 3 kluster sa tatlong rehiyon, Ang Calabarzon (IV-A), Mimaropa (IV-B) at Bicol Region, kabilang ang Metro Manila na nasa ikalawang dibisyon, dito matatagpuan ang hangganan ng Sierra Madre sa pagitan ng Laguna at Quezon, at iilan pang mga tanawin ng Lawa ng Laguna, Bulkang Taal, Talon ng Pagsanjan, Tagaytay, Hinulugang Taktak, Bundok Banahaw, El Nido, Puerto Galera at Bulkang Mayon, Ito ay ang dulo ng Luzon sa direksyong Timog (South). Ang mainland Tagalog ay ang kasalukuyang rehiyon ng Calabarzon na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, Ang Minparo o Mimaropa ay ang Rehiyon IV-B na nasa outland at ang Bicolandia ay ang rehiyon 5 ang ikahuling rehiyon sa isla ng Luzon.

4 DibisyonBaguhin

Rehiyon Sentrong rehiyon Dibisyon
Calabarzon, IV-A Calamba Southern Luzon
Mimaropa, IV-B Calapan Southwestern Luzon
Rehiyon ng Bicol, 5 Legazpi Southeastern Luzon

Kalakhan sa LuzonBaguhin

Ang Kalakhan sa Luzon o Metro sa Luzon ay ang mga kalakhan na naka-ayon sa bawat rehiyon, kapitolyo, lalawigan at lungsod, isla ng Luzon ang mga kalakhan ay dibisyon mula sa rehiyon hanggang sa lalawigan pababa sa lunsod.

Kalakhang LuzonBaguhin

Kalakhan (Metro) Sentrong kalakhan Dibisyon
Kalakhang Baguio Baguio Hilagang Luzon/Cordillera's
Kalakhang Maynila Maynila Timog Luzon/Maynila
Kalakhang Laguna Calamba
Kalakhang Naga Naga
Kalakhan (Metro) Sentrong kalakhan Dibisyon
Kalakhang Dagupan Dagupan Hilagang Luzon
Kalakhang Angeles Angeles Gitnang Luzon
Kalakhang Olongapo Olongapo
Kalakhang Batangas Batangas Timog Luzon

Pagkakahating AdministratiboBaguhin

 
Ang pinamalaking lungsod sa Luzon ang Lungsod ng Quezon

Ang pulo ng Luzon ay kinapalolooban ng 8 sa 17 rehiyon ng Pilipinas. Ang mga rehiyong ito ay hindi mga pampolitika na entidad, subalit nagsisilbing pagkakahating administratibong pangkat ng mga lalawigan.


Administratibo at rehiyonBaguhin

Lokasyon Rehiyon
(designation)
Populasyon
(2015)[2]
Area[i][3][4] Density Regional
center
  Ilocos Region
(Region I)
5,026,128
(5.0%)
13,012.60 km2
(5,024.19 mi kuw)
390/km2
(1,000/sq mi)
San Fernando
(La Union)
Dagupan[iii]
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
  Cagayan Valley
(Region II)
3,451,410
(3.4%)
28,228.83 km2
(10,899.21 mi kuw)
120/km2
(310/sq mi)
Tuguegarao Batanes*
Cagayan
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Santiago[iii]
  Central Luzon
(Region III)
11,218,177
(11.1%)
22,014.63 km2
(8,499.90 mi kuw)
510/km2
(1,300/sq mi)
San Fernando
(Pampanga)
Angeles[iv]
Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Olongapo[iv]
Pampanga
Tarlac
Zambales
  Calabarzon
(Region IV-A)
14,414,774
(14.3%)
16,873.31 km2
(6,514.82 mi kuw)
850/km2
(2,200/sq mi)
Calamba Batangas
Cavite
Laguna
Lucena[iv]
Quezon
Rizal
  Southwestern Tagalog Region[ii]
(Mimaropa)
2,963,360
(2.9%)
29,620.90 km2
(11,436.69 mi kuw)
100/km2
(260/sq mi)
Calapan Marinduque*
Occidental Mindoro*
Oriental Mindoro*
Palawan*
Puerto Princesa*[iv]
Romblon*
  Bicol Region
(Region V)
5,796,989
(5.7%)
18,155.82 km2
(7,010.00 mi kuw)
320/km2
(830/sq mi)
Legazpi Albay
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes*
Masbate*
Naga[iii]
Sorsogon
  Cordillera
Administrative
Region

(CAR)
1,722,006
(1.7%)
19,422.03 km2
(7,498.89 mi kuw)
89/km2
(230/sq mi)
Baguio Abra
Apayao
Baguio[iv]
Benguet
Ifugao
Kalinga
Mountain Province
  National Capital
Region

(NCR)
12,877,253
(12.8%)
611.39 km2
(236.06 mi kuw)
21,000/km2
(54,000/sq mi)
Manila Caloocan
Las Piñas
Makati
Malabon
Mandaluyong
Manila
Marikina
Muntinlupa
Navotas
Parañaque
Pasay
Pasig
Pateros
Quezon City
San Juan
Taguig
Valenzuela
Region 2015 sensus Area Density Sentrong rehiyon Kinukumpuning LGUs
Table note(s)
  1. Land area figures are the sum of each region's component provinces (and/or independent cities), derived from the National Statistical Coordination Board (Philippine Statistics Authority) official website.
  2. 2.0 2.1 The list includes the associated islands of Luzon (provinces of Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon, Batanes, Catanduanes and Masbate).
  3. 3.0 3.1 3.2 An independent component city, not under the jurisdiction of any provincial government.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 A highly urbanized city, independent from any province

Mga sanggunianBaguhin

  1. "Islands by Land Area". Island Directory Tables. United Nations Environment Programme. Nakuha noong 4 Marso 2013.
  2. Census of Population (2015). Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
  3. "PSGC Interactive; List of Provinces". Philippine Statistics Authority. Tinago mula sa orihinal noong 11 January 2013. Nakuha noong 3 April 2016.
  4. "PSGC Interactive; List of Cities". Philippine Statistics Authority. Tinago mula sa orihinal noong 29 April 2011. Nakuha noong 7 April 2016.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.