Bataan

lalawigan ng Pilipinas

Ang Bataan ay isang lalawigan ng Pilipinas na sinasakop ang buong Tangway ng Bataan sa Luzon. Bahagi ng rehiyon ng Gitnang Luzon ang lalawigan . Lungsod ng Balanga ang kabisera nito at pinapaligiran ng mga lalawigan ng Zambales at Pampanga sa hilaga. Kaharap ng tangway sa kanluran ang Kanlurang Dagat ng Pilipinas at Look ng Maynila naman sa silangan.

Bataan
Lalawigan ng Bataan
Watawat ng Bataan
Watawat
Opisyal na sagisag ng Bataan
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Bataan
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Bataan
Map
Mga koordinado: 14°40'48"N, 120°27'0"E
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon
KabiseraBalanga
Pagkakatatag11 Enero 1757
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorAlbert Garcia
 • Manghalalal566,479 na botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan1,372.98 km2 (530.11 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan853,373
 • Kapal620/km2 (1,600/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
208,941
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan9.00% (2021)[2]
 • Kita₱4,320,735,808.14 (2022)
 • Aset₱11,467,642,498.32 (2022)
 • Pananagutan₱4,287,071,102.43 (2022)
 • Paggasta₱3,882,893,965.81 (2022)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod1
 • Bayan11
 • Barangay237
 • Mga distrito2
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
2100–2114
PSGC
030800000
Kodigong pantawag47
Kodigo ng ISO 3166PH-BAN
Klimatropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Indi
Wikang Mariveleño
Wikang Ambala
wikang Tagalog
Websaythttp://bataan.gov.ph

Labing-isang bayan ang bumubuo sa lalawigan ng Bataan. Sa labing isang bayan at isang lungsod, hinati sa dalawang distrito ang mga ito. Ang unang distrito ay binubuo ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal at Abucay sa Hilaga ng tangway at Morong sa hilagang kanluran ng lalawigan. And ikalawang distrito ay binubuo ng Lungsod ng Balanga, Pilar, Orion, Limay, Mariveles at Bagac sa timog bahagi ng tangway.

Isa sa mga tahimik na lalawigan ang Bataan. Karamihan sa mga urban na sentral ng mga bayan ay malapit sa anyong-tubig dahil hinihiwalay ng Bundok Natib (Mount Natib) ang gitna ng Bataan. Dahil dito, ang silangan ng Bataan ay nakahiwalay sa Kanlurang bahagi. Ang silangang bahagi ay nakaharap sa Look ng Maynila. Sa kabilang bahagi, ang mga bayan ng Mariveles, Bagac at Morong ay nakaharap sa Dagat Timog Tsina. Karamihan ng mga popular na beach/tabing dagat sa Bataan ay nasa kanlurang bahagi ng Bataan, nakaharap sa Dagat Timog Tsina. Sa Silangan, ang Look ng Maynila ay kilala bilang sikat na lugar pangisdaan ng mga mangingisda.

Pangingisda at pagsasaka ang pangulong hanap-buhay ng mga taga-Bataan. Gayon man, sa paglipas ng panahon, ang mabilis na pagiging popular ng teknolohiya sa bansa ay nagbigay ng daan para magtayo ng mga pabrika sa Mariveles. Sa ngayon, isa ang Mariveles sa mga panguhaning pagawaan ng mga produktong pangkalakalan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Isa rin sa mga sikat na lugar ang Bataan pagdating sa mga gawaing-kamay (handicrafts).

Kasaysayan

baguhin

Noong 1647, ang puwersang pandagat ng Olanda (Netherlands) ay sumugod sa Pilipinas sa pagtatangkang makuha ang kapuluan mula sa Espanya. Pagdating nila ay minasaker nila ang mga tao sa Abucay, Bataan.

Ang lalawigan ng Bataan ay itinatag noong 11 Enero 1754 ni Gobernador-Heneral Pedro Manuel Arandia mula sa lupaing dating kabilang sa lalawigan ng Pampanga at corregimiento ng Mariveles na noon ay sakop din ang Maragondon, Cavite na nasa kabilang panig ng Look ng Maynila.[3]

Heograpiya

baguhin

Pagkakahating Pampolitika

baguhin

Ang lalawigan ng Bataan ay nahahati sa 11 bayan at isang lungsod.

Lungsod o Bayan Distrito Sukat (km)2 Populasyon Densidad Bilang ng Barangay ZIP code Income Class
Abucay 1st 79.72
Bagac 2nd 31,365
Balanga City 2nd
Dinalupihan 1st
Hermosa 1st
Limay 2nd
Mariveles 2nd
Morong 1st
Orani 1st
Orion 2nd 60,771
Pilar 2nd
Samal 1st


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. "Province: Bataan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Cornelio R. Bascara. 2010. A History of Bataan (1587-1900). UST Publishing