Abucay

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Bataan

Ang Bayan ng Abucay ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Bataan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 42,984 sa may 10,522 na kabahayan. Dito matatagpuan ang natural na talon ng Pasukulan at ang kilalang Bukal ng Sibul.

Abucay

Bayan ng Abucay
Opisyal na sagisag ng Abucay
Sagisag
Mapa ng Bataan na nagpapakita sa lokasyon ng Abucay.
Mapa ng Bataan na nagpapakita sa lokasyon ng Abucay.
Map
Abucay is located in Pilipinas
Abucay
Abucay
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°43′20″N 120°32′08″E / 14.722214°N 120.535433°E / 14.722214; 120.535433
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganBataan
Distrito1sr Distrito ng Bataan
Mga barangay9 (alamin)
Pamahalaan
 • Manghalalal28,142 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan79.72 km2 (30.78 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan42,984
 • Kapal540/km2 (1,400/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
10,522
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-3 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan7.84% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Kodigong Pangsulat
2114
PSGC
030801000
Kodigong pantawag47
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Mariveleño
wikang Tagalog

Sa hilaga ng Abucay matatagpuan ang Barangay ng Mabatang, and pinakamaunlad na barangay sa Abucay. Nakapaligid naman sa gitnang bahagi ng Abucay ang Calaylayan sa hilaga, Wawa at Omboy sa Silangan at Gabon at Laon sa Kanluran. Sa timog bahagi ng bayan matatagpuan ang Capitangan.

Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing industriya sa Abucay. Nasa barangay ng Wawa ang pangkalakalan (commercial) na bahagi ng Abucay kung saan karamihan ng mga tindahan at palengke ay matatagpuan. Wawa lati ang dulo ng Barangay Wawa kung saan karamihan ng mga mangingisda ay lumulusong sa tubigan o dumadako sa laot ng Look ng Maynila para mangisda.

Sa Barangay Mabatang matatagpuan ang pinakamatitiyaga at pinakamahusay na Abukeňos. Dito matatagpuan ang mga produktong gawa sa kamay tulad ng mga bag yari sa abaka, pamaypay, walis at marami pang iba.

Mga Barangay

baguhin

Ang bayan ng Abucay ay nahahati sa 9 na mga barangay.

  • Bangkal
  • Calaylayan (Pob.)
  • Capitangan
  • Gabon
  • Kabukiran
  • Laon (Pob.)
  • Mabatang
  • Omboy
  • Salian
  • Wawa (Pob.)

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Abucay
TaonPop.±% p.a.
1903 6,320—    
1918 7,485+1.13%
1939 10,216+1.49%
1948 8,453−2.08%
1960 12,900+3.58%
1970 18,140+3.46%
1975 20,437+2.42%
1980 22,692+2.11%
1990 26,708+1.64%
1995 29,270+1.73%
2000 31,801+1.79%
2007 38,554+2.69%
2010 37,719−0.79%
2015 39,880+1.07%
2020 42,984+1.48%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Bataan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Bataan". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin