Barangay
Ang baranggay o barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal sa Pilipinas. Ang mga bayan at lungsod ay binubuo ng mga barangay. Dinagdaglat ito minsan bilang “brgy.” at bumubuo din ito ng "Sangguniang Kabataan" upang magabayan ang kaayusan at kalusugan ng mga kabataan sa bawat barangay.
Naisining ang katagang barangay at kayarian nito sa makabagong konteksto noong pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos, na naging pamalit ng mga lumang baryo. Naisakodigo ang mga barangay sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal noong 1991.
- Tungkol ito sa isang yunit ng pamayanan sa Pilipinas, para sa elementong kimikal, pumunta sa Baryum.
Kasaysayan
baguhinSa kasaysayan, isang maliit na pamayanan ang isang barangay na binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya. Mayroon lamang ang mga nayon ng tatlumpu hanggang isang daang mga bahay at nasa isang-daan hanggang limang-daan katao lamang ang tipon[a]. Sang-ayon kay Legazpi, tinatag niya na ang isang komunidad ay may dalawampu hanggang tatlumpung mga tao lamang. Maraming mga nayong malapit sa pampang sa rehiyon ng Kabisayaan ang binubuo lamang ng walo hanggang sampung bahay. Hinango tuwiran ang salitang barangay sa lumang bangkang Malay na tinatawag na balangay. Karaniwang pinaniniwalaan noong panahon na ang Pilipinas ay hindi pa nasakop, nabuo ang bawat tunay na mga “barangay” sa pampang bilang hinatnan ng mga taong dumating sa pamamagitan ng mga bangka mula sa Taiwan, ang Out-of-Taiwan theory.
Karamihang nasa pampang o ilog ang mga pamayanan dahil nasa dagat at ilog ang pangunahing pinagkukunan ng laman. Umaasa ang karamihan ng mga tao sa pangingisda para sa pagkain at saka naglalakbay ang mga tao sa pamamagitan tubig. Ang paggalaw ng tipon ay malapit sa mga ilog at sa tabi ng mga pampang, laging sinusundan ng mga sistema ng ilog ang mga bakas. Naging isang pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa pampaligo, panghugas, at pang-inom ang ilog. Bukod diyan, naging malapit sa mga mangangalakal ang mga nayong malapit sa mga baybayin kung saan nasulong ang aktibidad pang-ekonomiya. Naging daan ang pangangalakal sa mga nangangalakal upang makitungo sa mga ibang kultura at sibilisasyon tulad ng mga Intsik, Indiyan, at Arabo. Gawa non, nakakamit ng mataas na antas ng kagawian[b] ang mga komunidad sa mga baybayin sa Maynila, Cebu, Jolo at Butuan.
Sa pagdating ng mananakop na mga Kastila, ilan sa mga lumang barangay ang pinagsama upang buoin ang mga baryo. Pinamumunuan ng cabeza de barangay ang bawat barangay sa isang baryo. Unang nakakamit ng pagkalagak[c] ang mga datu na naging cabeza de barangay, ngunit ginawang hinahalal sa kalaunan. Paglikom ng mga buwis sa mga mamamayan ang pangunahing tungkulin ng mga cabeza de barangay.
Nang dumating ang mga Amerikano, namayani ang katagang baryo, habang naging ganoon ang tawag sa mga barangay. Naging ganito ang katawagan sa ika-dalawampung siglo hanggang inutos ni Marcos na baguhin ang pangalan mula sa baryo pabalik sa barangay. Ginamit na ang pangalan simula noon, bagaman may ilang tao ang ginagamit pa rin ang lumang kataga.
Ang Liga ng mga Barangay
baguhinMayroong isang unyon ng mga barangay sa Pilipinas: ang Liga ng mga Barangay. Kinakatawan ang 41,939 barangay, ito ang pinakamalaking pundamental na organisasyon sa Pilipinas. Si James Marty Lim na kasapi ng ABC Partylist sa Pilipinas ang kasalukuyang pangulo nito.
Hukuman sa barangay
baguhinAng mga baranggay ay may pananagot sa paghatol sa tao ngunit walang maanyong[d] hukuman sa pamahalaang barangay. Gayunpaman, ang lahat ng usapan ay dumaraan sa pampublikong paglilitis. Kapwa pinagsasalita ng kaniya-kaniyang panig sa usapin ang nasasakdal. Kapwa sila pinanunumpa na sila ay mag-uutas ng pawang katotohanan lamang.
Mga sanggunian
baguhin- Constantino, Renato. (1975) The Philippines: A Past Revisited (volume 1). ISBN 971-8958-00-2
Mga pananda
baguhinMga kawing panlabas
baguhin- Liga ng mga Barangay Naka-arkibo 2007-08-04 sa Wayback Machine.