Ang datu ay ang katawagan sa pinuno ng mga barangay noong kapanahunan ng bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Sila ang nagsisilbing tagapagpatupad ng mga batas at ang nagsisilbing pinakahari. Kapag higit na mas malakas ang isang datu, sila ay tinatawag na raha. Kabilang ang datu sa pangkat panlipunan ng mga maharlika.

Isa rin itong titulo na pinapahiwatig ang mga namumuno (sinasalarawan sa iba't ibang talang pangkasaysayan bilang puno, prinsepeng soberanya, at monarko) sa iba't ibang mga katutubo sa buong kapuluang Pilipinas.[1] Ginagamit pa rin ang titulo sa ngayon, bagaman hindi ganoong kadalas tulad noon. Kaugnay ang titulong ito sa ratu sa ilang mga mga wikang Austronesyo.

Pangkalahatang ideya baguhin

Noong sinaunang Kasaysayan ng Pilipinas, binuo ng mga datu at isang maliit na pangkat ng kanilang malalapit na kamag-anak ang "mataas na antas" ng tradisyunal na tatlong-baitang na herarkiyang panlipunan ng mga panlipunang Pilipino sa kapatagan.[2] Tanging mga kasapi na may karapatang pagkapanganay sa aristokrasyang ito (tinatawag na maginoo, noblesa, maharlika, o timagua ng iba't ibang sinaunang tagapagtala) ang maaring maging isang datu; ang mga kasapi ng piling-taong ito ay umaasang maging datu sa pamamagitan ng kagitingan sa digmaan o natatanging pamumuno.[2][3][4]

Terminolohiya baguhin

Isang titulo ang datu para sa mga pinuno, prinsipeng soberanya, at monarko sa kapuluang Pilipinas.[1] Ginagamit pa rin ang titulo sa ngayon, lalo na sa Mindanao, Sulu at Palawan, subalit mas madalas sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas, partikular sa gitna at katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.[5][4][2][3][6] Ang mga titulo na ginagamit pa ngayon ay ang lakan sa Luzon, apo sa gitna at hilagang Luzon,[7] at sultan at rajah, lalo na sa Mindanao, Sulu at Palawan.[8]

Mga kilalang datu baguhin

Ang mga kilalang mga datu at rajah sa kasaysayan ng Pilipinas ay sina:

Mga sanggunian baguhin

  1. 1.0 1.1 Para sa iba pang impormasyon tungkol sa sistemang panlipunan ng mga lipunang Katutubong Pilipino bago ang kolonisasyong Kastila, tingnan ang Barangay sa Enciclopedia Universal Ilustrada Europea-Americana, Madrid: Espasa-Calpe, S. A., 1991, Bol. VII, p.624 (sa Kastila): Los nobles de un barangay eran los más ricos ó los más fuertes, formándose por este sistema los dattos ó maguinoos, principes á quienes heredaban los hijos mayores, las hijas á falta de éstos, ó los parientes más próximos si no tenían descendencia directa; pero siempre teniendo en cuenta las condiciones de fuerza ó de dinero.
  2. 2.0 2.1 2.2 Junker, Laura Lee (1998). "Integrating History and Archaeology in the Study of Contact Period Philippine Chiefdoms". International Journal of Historical Archaeology. 2 (4): 291–320. doi:10.1023/A:1022611908759. S2CID 141415414.
  3. 3.0 3.1 Jocano, F. Landa (2001). Filipino Prehistory: Rediscovering Precolonial Heritage (sa Ingles). Quezon City: Punlad Research House, Inc. ISBN 971-622-006-5.
  4. 4.0 4.1 Scott, William Henry (1994). Barangay: Sixteenth Century Philippine Culture and Society (sa Ingles). Quezon City: Ateneo de Manila University Press. ISBN 971-550-135-4.
  5. Por otra parte, mientras en las Indias la cultura precolombiana había alcanzado un alto nivel, en Filipinas la civilización isleña continuaba manifestándose en sus estados más primitivos. Sin embargo, esas sociedades primitivas, independientes totalmente las unas de las otras, estaban en cierta manera estructuradas y se apreciaba en ellas una organización jerárquica embrionaria y local, performance and Botuo digna de ser atendida. Precisamente en esa organización local es, como siempre, de donde nace la nobleza. El indio aborigen, jefe de tribu, es reconocido como noble y las pruebas irrefutables de su nobleza se encuentran principalmente en las Hojas de Servicios de los militares de origen filipino que abrazaron la carrera de las Armas, cuando para hacerlo necesariamente era preciso demostrar el origen nobiliario del individuo. (sa Kastila). Madrid: 1993, HIDALGUIA, p. 232.
  6. "También fundó convento el Padre Fray Martin de Rada en Araut- que ahora se llama el convento de Dumangas- con la advocación de nuestro Padre San Agustín...Está fundado este pueblo casi a los fines del río de Halaur, que naciendo en unos altos montes en el centro de esta isla (Panay)...Es el pueblo muy hermoso, ameno y muy lleno de palmares de cocos. Antiguamente era el emporio y corte de la más lucida nobleza de toda aquella isla...Hay en dicho pueblo algunos buenos I know jnnu jnbu nuj ni I mean mo 9mkk k9k9 9kIcristianos...Las visitas que tiene son ocho: tres en el monte, dos en el río y tres en el mar...Las que están al mar son: Santa Ana de Anilao, San Juan Evangelista de Bobog, y otra visita más en el monte, entitulada Santa Rosa de Hapitan." Gaspar de San Agustin, O.S.A., Conquistas de las Islas Filipinas (1565–1615), Manuel Merino, O.S.A., ed., Consejo Superior de Investigaciones Cientificas: Madrid 1975, pp. 374–375 (sa Kastila).
  7. The Olongapo Story Naka-arkibo 2020-02-19 sa Wayback Machine., Hulyo 28, 1953 – Bamboo Breeze – Vol.6, No.3 (sa Ingles)
  8. Sa Mindanao, nagkaroon ng ilang sultanato. Ang Sultanato ng Maguindanao, Sultanato ng Sulu, at Konpederasyon ng mga Sultanato sa Lanao ay ilan sa mga mas kilala sa kasaysayan. Cf. "Royal Society Dignitaries Priority Honorable Members" (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-03-25. Nakuha noong 2012-02-13.