Camarines Norte
Ang Camarines Norte (Filipino:Hilagang Camarines) ay isang lalawigan ng Pilipinas na nasa Rehiyon ng Bicol o Rehiyon V. Ang bayan ng Daet ang kabisera nito. Umaabot ang hangganan nito sa lalawigan ng Quezon sa kanluran at Camarines Sur sa timog.
Lalawigan ng Camarines Norte Probinsiya kan Camarines Norte Camarines Norte | |||
---|---|---|---|
| |||
Bansag: Sulong Camarines Norte | |||
Mapa ng Pilipinas na nagpapakita sa lokasyon ng Camarines Norte | |||
Mga koordinado: 14°10′N 122°45′E / 14.17°N 122.75°E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Kabikulan (Rehiyon V) | ||
Naitatag | 10 Marso 1917 | ||
Kabisera | Daet | ||
Pamahalaan | |||
• Gobernador | Edgardo Tallado (Liberal) | ||
• Bise-Gobernador | Jonah Pimentel (Liberal) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 2,320.07 km2 (895.78 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-57 sa 80 | ||
Populasyon (2010)[1] | |||
• Kabuuan | 542,915 | ||
• Ranggo | Ika-51 sa 80 | ||
• Kapal | 230/km2 (610/milya kuwadrado) | ||
• Ranggo sa densidad | Ika-33 sa 80 | ||
Pagkakahating Administratibo | |||
• Malayang Lungsod | 0 | ||
• Component cities | 0 | ||
• Mga bayan | 12 | ||
• Barangay | 282 | ||
• Mga Distrito | Una at Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Camarines Norte | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PHT) | ||
ZIP Code | 4600-4612 | ||
Dialing code | 54 | ||
Katutubong Wika | Bikol, Tagalog, Filipino | ||
Websayt | camarinesnorte.gov.ph |
Heograpiya
baguhinAng lalawigan ng Camarines Norte ay matatagpuan sa hilagang kanlurang baybayin ng Tangway ng Bikol, na bumubuo sa timog silangang bahagi ng Luzon. Isa ang Camarines Norte sa anim na lalawigan na bumubuo sa Kabikulan. Naghahanggan ito sa Karagatang Pasipiko sa hilaga, sa Look ng San Miguel at Karagatang Pasipiko sa silangan, sa Look ng Lamon sa kanluran, at sa lalawigan ng Quezon sa timog kalapit sa lalawigan ng Camarines Sur.
Pampolitika
baguhinAng lalawigan ng Camarines Norte ay nahahati sa 12 mga bayan.
Mga Bayan
baguhinEkonomiya
baguhinSa pagsasaka pangunahing nakasalalay ang ekonomiya ng lalawigan, na bigas, gulay, niyog, at mga prutas ang pangunahing mga produkto.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities" (PDF). 2010 Census and Housing Population. National Statistics Office. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2013-09-28. Nakuha noong 2012-12-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.