Pamantayang Oras ng Pilipinas
Ang Pamantayang Oras ng Pilipinas (Ingles: Philippine Standard Time, dinadaglat bilang PST) o, sa paraang 'di-opisyal, ang Oras ng Pilipinas (Ingles: Philippine Time, dinadaglat bilang PHT), ay ang pangalang ginagamit sa Pilipinas upang mailarawan ang lokasyon nito sa mga sona ng oras ng daigdig. Ang modernong Pamantayang Oras ng Pilipinas ay itinatag sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 8, ang batas na nagbibigay-katuturan sa sistemang metriko, na inapruba noong Disyembre 2, 1978 at ipinatupad noong Enero 1, 1983.
Sa heograpiya, nakalagay ang Pilipinas sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' kanluran ng Punong Meridyano (Prime Meridian), at dahil dito, nasa loob ito ng UTC+8 na sona ng oras. Pinapanatili ng Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas, o PAGASA, ang Pamantayang Oras ng Pilipinas.
Noong dekada '90, dahil sa madalas na kawalan ng kuryente, ipinatupad ang oras ng tag-init (summer time o daylight saving time). Habang patuloy na gumaganda ang kalagayan ng mga sistemang pantransmisyon at pansuplay ng kuryente, pinawalang-bisa ang oras ng tag-init, at kasalukuyang hindi ito ginagamit.
Pormat ng petsa at oras
baguhinPetsa
baguhin- Ingles: 11th (day) of April(,) 2015 at April 11, 2015
- Kastila: 11 de abril de 2015
- Filipino: ika-11 ng Abril, (taong) 2015 o Abril 11, 2015 (Ikalabing-isa ng Abril, (taong) dalawanlibo't labinlima o Abril (ika)labing-isa, (taong) dalawanlibo't labinlima)
Oras
baguhinOras | Ingles | Kastila | Filipino |
---|---|---|---|
1:00-11:59 am | Morning | Mañana | Umaga |
12:00-12:59 pm | Noon | Mediodía | Tanghali |
1:00-5:59 pm | Afternoon | Tarde | Hapon |
6:00-11:59 pm | Evening/Night | Noche | Gabi |
12:00-12:59 am | Midnight | Medianoche | Hatinggabi |
Oras | Ingles | Kastila | Filipino |
---|---|---|---|
1:00 am | One o'clock in the morning | Una de la mañana | Ika-isa ng umaga |
7:00 pm | Seven o'clock in the evening Seven o'clock at night |
Siete de la noche | Ikapito ng gabi |
1:15 | Quarter past one Fifteen past one Forty-five to two Three-quarter to two |
Una y cuarto | Kapat makalipas ikaisa Labinlima makalipas ikaisa Apatnapu't-lima bago mag-ikalawa Tatlong-kapat bago mag-ikalawa |
2:30 | Half past two Thirty past two Half-way to three Thirty to three |
Dos y media | Kalahati makalipas ikalawa Tatlumpu makalipas ikalawa Kalahating daan bago mag-ikatlo Tatlumpu bago mag-ikatlo |
3:45 | Three-quarter past three Forty-five past three Fifteen to four Quarter to four |
Tres y cuarenta y cinco Cuatro menos cuarto |
Tatlong-kapat makalipas ikatlo Apatnapu't-lima makalipas ikatlo Labinlima bago mag-ikaapat Kapat bago mag-ikaapat |
4:25 | Twenty-five past four Thirty-five to five |
Cuatro y veinticinco | Dalawampu't-lima makalipas ikaapat Tatlumpu't-lima bago mag-ikalima |
5:35 | Thirty-five past five Twenty-five to six |
Cinco y treinta y cinco Seis menos veinticinco |
Tatlumpu't-lima makalipas ikalima Dalawampu't-lima bago mag-ikaanim |
Silipin din
baguhinMga kawing panlabas
baguhin- http://www.worldtimezone.com/wtz-names/wtz-pht.html
- http://www.timeanddate.com/worldclock/timezone.html?n=145
- http://cpan.uwinnipeg.ca/htdocs/DateTime-TimeZone/DateTime/TimeZone/Asia/Manila.pm.html Naka-arkibo 2006-01-19 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.