Quezon
- Tungkol sa lalawigan ang artikulong ito. Para sa ibang pang gamit, sumangguni sa Quezón (paglilinaw).
Ang Quezon, dating Tayabas ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Calabarzon sa pulo ng Luzon. Ipinangalanan ang lalawigan kay Manuel L. Quezon ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas na nagmula sa bayan ng Baler na noo'y sakop pa ng lalawigan. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Lucena.
Quezon Tayabas Kalilayan | |||
---|---|---|---|
(mula itaas: kaliwa hanggang kanan) Bundok Banahaw de Lucban, Quezon Provincial Capitol, Quezon boundary arch sa Tiaong, Alibijaban Island, Cagbalete Island at Tulay Malagonlong | |||
| |||
Mga palayaw: | |||
Bansag: | |||
Awit: Lalawigan ng Quezon (Quezon Hymn) | |||
![]() Lokasyon sa Pilipinas | |||
Mga koordinado: 13°56′N 121°37′E / 13.93°N 121.62°EMga koordinado: 13°56′N 121°37′E / 13.93°N 121.62°E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) | ||
Itinatag | 1591 (bilang Kalilayan) | ||
Paghihiwalay mula sa Laguna | 1754 (bilang Tayabas) | ||
Itinatag muli | Marso 12, 1901 (bilang Tayabas) | ||
Ipinangalan kay (sa) | Manuel L. Quezon | ||
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Lucena | ||
Pamahalaan | |||
• Gobernador | Angelina D.L. Tan (NPC) | ||
• Bise Gobernador | Anacleto A. Alcala III (NPC) | ||
• Lehislatura | Quezon Provincial Board | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 8,989.39 km2 (3,470.82 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | 8th out of 81 | ||
Pinakamataas na pook | 2,170 m (7,120 tal) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 1,950,459 | ||
• Ranggo | 13th out of 81 | ||
• Kapal | 220/km2 (560/milya kuwadrado) | ||
• Ranggo sa densidad | ika-45 sa lahat ng 81 | ||
(maliban sa Lucena) | |||
Demonym | Quezonian (English) Taga-Quezon, Quezonin (Tagalog) Tayabasin (Tagalog-dated) Tayabeño(-a) (Espanyol-archaic) | ||
Divisions | |||
• Malalayang syudad | 1
| ||
• Mga bahaging lungsod | 1
| ||
• Mga munisipalidad | 39
| ||
• Mga Barangay |
| ||
• Mga distrito | Legislative districts of Quezon (ibinahagi kasama ang Lucena) | ||
Demographics | |||
• Mga Etnikong grupo |
| ||
Sona ng oras | UTC+8 (PHT) | ||
ZIP code | 4300–4342 | ||
IDD : area code | +63 (0)42 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-QUE | ||
Sinasalitang wika | |||
Websayt | quezon.gov.ph |
Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Aurora sa hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa kanluran, at ang Camarines Norte at Camarines Sur sa silangan. Ang bahagi ng Quezon ay namamalagi sa isang dalahikan na nagdurugtong ng Tangway ng Bicol sa pangunahing bahagi ng Luzon. Kabilang din sa lalawigang ito ang mga pulo ng Polilio sa Dagat ng Pilipinas.
Isa sa pangunahing atraksyon sa Quezon ay ang Bundok Banahaw. Sinasabing ang kabundukang ito ay napapalibutan ng espiritu at hiwaga. Maraming mga kulto at deboto ang pumupunta at nananatili sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ang kabundukang ito ay isa rin sa mga pinakasagradong lugar para sa mga sinaunang Tagalog bago dumating ang mga Espanyol.
EkonomiyaBaguhin
Ang Quezon ang nangungunang tagagawa ng bansa ng mga produkto ng niyog tulad ng langis ng niyog at kopra. Maraming mga planta ng niyog ang matatagpuan sa malaking bahagi ng lalawigan. Iba pang mga pangunahing pananim ay palay, mais, saging, at kape. Isa ring pangunahing bahagi ng ekonomiya ng Quezon ang pangingisda.
PamahalaanBaguhin
- Gobernador: Angelina Tan
- Bise-Gobernador: Anacleto A. Alcala III
- Kinatawan:
- Unang Distrito: Wilfrido Mark M. Enverga
- Pangalawang Distrito: David C. Suarez
- Pangatlong Distrito: Matias Defensor, Jr.
- Pang-apat na Distrito: Keith Micah Tan
HeograpiyaBaguhin
PampolitikaBaguhin
Sa heograpiya, ang lalawigan ng Quezon ay may kabuuang 41 na bayan na binubuo ng 39 na munisipyo, 1 bahaging lungsod at 1 kabiserang lungsod. Ito ay may kabuuang 1,242 na barangay kasama ang mga barangay ng kabiserang lungsod.
Sa pangangasiwang pampolitika, binubuo ang Quezon ng 39 na mga bayan at isang bahaging lungsod, Tayabas. Lahat ay nakaayos sa apat na mga distritong pambatas, at nahahati sa 1,209 na mga barangay.
Ang kabiserang lungsod, Lucena, ay malaya mula sa pamamahalang pampangasiwaan at pampiskal ng lalawigan, ngunit maaari silang bumoto ng mga opisyal ng lalawigan.
|
TalasanggunianBaguhin
- ↑ "Philippine Coconut Statistic 2018" (PDF). Philippine Coconut Authority. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2023-02-13. Nakuha noong 2023-04-08.
- ↑ "Quezon Province has been known as Cocolandia for being the top coconut producer in the Philippines". FILIPIKNOW®. July 15, 2021.
- ↑ "Building climate-resilient communities".
- ↑ ATAGAN - Alternatibong Tahanan ng mga Akda at GAwang Nasaliksik. [Tayabas (Quezon) Studies Center]
- ↑ "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Tinago mula sa orihinal noong January 17, 2013. Nakuha noong November 22, 2013.
- ↑ 6.0 6.1 "Province: Quezon". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 8 Enero 2016.
- ↑ Census of Population (2015). Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
- ↑ Census of Population and Housing (2010). Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities (PDF). NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.